Share

Chapter 20

Nasa kwarto ng mga bata si Gianna ngayon. Dito niya piniling matulog nang hindi pinaalam kay William. Nakahiga lamang siya sa kama at titig na titig sa kisame. At kahit nakatuon dito ang kanyang tingin, nasa iba naman ang kanyang isip. Umagos sa magkabilang gilid ng kanyang mga mata ang kanyang mga luha. Nakikita niya ang eksena kanina nina Paulo at ng asawa niyang si William. Hindi maalis sa kanyang isip ang kanyang narinig at nalaman. Kung tutuusin ay hindi pa sapat ang pagsuntok ni Paulo kanina kay William kahit na magkaibigan ang mga ito.

Nasasaktan si Gianna ano man ang kanyang gawin. Pinipilit niyang hindi masaktan pero niloloko lang siya ng sarili niya. Pinipilit niyang hindi maiyak pero taksil ang kanyang mga luha. Alisin man niya sa isip ang nalaman ay hindi niya magawa. Kumikirot lamang ang kanyang puso. Napahawak siya rito at patuloy na humagulgol.

Iniisip niya kung paano ito nagawa ng kanyang mahal na asawa. Ni hindi niya nakitaa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status