Share

Chapter 23

Napahinto sa paglalakad sina Yuan at Gianna nang mapakapit si Gianna sa mga braso ni Yuan. Parang babagsak na siya. Tila nawawalan siya ng lakas. Napayuko siya habang walang patid pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

Dalawang metro lamang ang pagitan nila sa sasakyan ni Gianna. Nasasaktan din si Yuan na makitang nagkakaganito si Gianna. Galit naman ang meron siya ngayon para kay William.

Nakarating naman si William sa kanilang kinatatayuan nang humabol siya sa mga ito. Tinulak niya si Yuan dahilan para tumama ang likod nito sa kotse ni Gianna. Nagulat pa si Yuan dahil sa ginawa ni William.

Agad namang niyakap ni William si Gianna. "Hon..." mangiyak-ngiyak na tawag niya sa asawa.

Hindi naman kumibo si Gianna. Ni hindi man lang gumanti ng yakap kay William.

Tahimik namang nanonood si Yuan sa kanila. Nais niyang sumali sa eksena ng dalawa pero wala siyang magawa dahil wala siyang karapatang makisa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status