Share

CHAPTER 88

     WALANG kahirap-hirap na nagawang makapasok ni Rico sa bahay ni Valentina. Pinatuloy siya ng isang kasambahay dahil sa driver siya ng amo nito. Tinanong niya ang kasambahay kung naroon si Valentina at ayon dito ay kanina pa ito nasa kwarto. Tamang-tama pala talaga ang pagpunta niya sa bahay na iyon ng ganoong oras.

Naisip niya kasi na iyon na ang tamang oras upang magkaharap sila ni Valentina at magatasan niya ito ng pera kagaya ng ginawa niya kay Ambrose. Sinabi niya noon kay Valentina na pagkatapos ng bakasyon nila ng pamilya niya sa Palawan ay kakausapin na niya ito pero hindi iyon nangyari dahil masyado siyang naaliw sa paggastos ng perang meron siya.

Talaga nga palang napakasarap sa pakiramdam kapag marami kang pera. Lahat ay pwede mong gawin. Lahat ay mabibili mo at lahat ay mapupuntahan mo. Nakakabaliw ang pera. Naiintindihan na niya si Valentina kung bakit kahit mayaman na ito ay hindi pa rin ito humihinto sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status