Share

The Invisible Love of Billionaire
The Invisible Love of Billionaire
Author: aiwrites

Kabanata 1

Napabalikwas ako sa higaan nang bigla ako na magising. Pilit ko na inaalala ang mga pangyayari noon nakaraang gabi. Pilit ko na tinatandaan kung nasaan ako at paglingon ko ay halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko na lalaki na katabi ko sa kama.

Hindi ako makagalaw sa gulat nang makita ko ang h***d na katawan niya. Muli ko rin na dinaanan ng tingin ang aking sarili. At katulad niya ay h***d din ako at nababalutan lamang ng kumot. Pilit ko na iniisip kung ano ang katangahan na naman ang pumasok sa isip ko at umabot sa ganito ang lahat.

Isang malaki na katangahan na naman itong nagawa ko. Bakit nga ba ako sumunod sa sinabi ng matalik na kaibigan ko? Bakit nga ba ako nakipag rebound sex? At bakit ko ibinigay ang pagkababae ko sa isang tao na hindi ko man lang kakilala?

Hindi maipagkakaila na guwapo ang lalaki. Matipuno ang pangangatawan niya at ang hahaba ng pilik-mata. Maaari na suwerte ako at sa ganito ako kaguwapo bumagsak, ngunit ito ay isa pa rin na malaking pagkakamali.

Pinapakiramdaman ko ang kilos niya. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Ano ba ang ginagawa pagkatapos ng one-night stand? Aalis na lang ba ako o gigisingin ko siya?

Tanga ka talaga, Atasha! Papasok ka sa isang bagay na hindi mo man lang alam kung ano ang proseso o tamang ginagawa. Baka dapat ay gisingin ko siya dahil una sa lahat ay hindi ko alam kung nasaan kami. Aba’y, paano ako uuwi kung hindi ko alam kung saan lugar ito? Tama, gigisingin ko na lamang siya.

Inilapit ko ang mga daliri ko sa parte ng balikat niya. Nais ko siya na kalabitin para magising, ngunit sa hindi malaman na dahilan ay hindi ko magawa na pakilusin ang mga kamay ko upang hawakan siya. Huminga ako ng malalim at sinubukan muli na gisingin siya.

Nang malapit na ang kamay ko na dumantay sa mga braso niya ay bigla naman siya na dumilat at ngumisi sa akin, kung kaya’t nanlaki ang mata ko sa gulat.

“Good morning!” bati niya sa akin.

Napatitig ako sa mga asul na mata niya. Napakaguwapo niya tingnan lalo na kapag nakangiti. Nasaan naman ang hustisya rito? Kakagising lang niya pero ang guwapo agad ng itsura niya. Pero hindi ako dapat na magpadala sa nakikita ko na angkin niya na kaguwapuhan at kamachohan. Dapat ko na itama itong nagawa ko.

“We need to talk,” Ito agad ang bungad ko sa kan’ya, “mister?”

“Mister? I didn’t know na ang bilis mo na mag “the moves”. Mister mo na agad ako? Nagpakasal ba tayo kagabi o masyado ka na nasiyahan sa performance ko last night?” sagot niya sa akin nang nakangiti at halata na nang-aasar.

Bumangon ako sa kama at ipinulupot ng maigi sa katawan ko ang kumot. Isa-isa ko na pinulot ang mga damit ko sa nagkalat na mga damit sa sahig. 

“Not funny, mister. Kung sino ka man ay kailangan natin na mag-usap.” Kabado man ang boses ko ay pilit ko ito na pinapatatag.

Tumayo siya sa kama at umikot sa harapan ko para pulutin ang nagkalat niya na mga damit. Namula ang pisngi ko nang magbihis siya sa harapan ko. Hindi kinakaya ng makasalanan na mata ko ang magandang tanawin na ‘yon kung kaya’t bigla ako na tumalikod.

“We really need to talk.”

“Sure, let’s talk, love.”

Pagkabihis niya ay pumunta siya sa harapan ko na lalo ko naman na ikinagulat at lalo na humigpit ang pagkakakapit ko sa kumot na nakabalot sa aking katawan.

“Mister, na kung sino ka man.” Paninimula ko na sabi sa kan'ya.

Halata na hindi ko alam kung paano siya kakausapin, basta’t ang alam ko ay kailangan namin mag-usap dahil sa nangyari. Ganito pala kahirap ang pagtatapos ng one-night stand. Ang maganda yata na ginagawa sa ganito ay umaalis na lamang pagkagising para wala ng usap-usap na mangyari.

Bumuntong-hininga muna ako at muli na itinaas ang mukha ko upang matitigan siya sa mata. Ang sarap niya na titigan, nakakalunod ang mga asul na mata niya. Focus, Atasha!

“What happened last night is a mistake. A big mistake! Pero huwag kang mag-alala dahil wala akong sinisisi sa nangyari. Maari na kagabi ay parehas natin na ginusto ‘yon kaya huwag ka  mag-alala dahil hindi ako maghahabol sa’yo. Treat what happened last night as your usual one-night stand.”

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at parang hindi niya nagustuhan ang mga binitiwan ko na salita. Teka, bakit parang may mali? Bakit siya pa ang parang galit, gano'n siya na nga ang nakauna sa akin?  Hindi ko naman sinisisi sa kan’ya ang mga nangyari, kaya bakit siya pa ang parang inis ngayon?  

Matagal siya na tumitig sa akin at walang salita na lumabas sa kan'yang bibig. Matalim lang ang mata at magkasalubong ang mga kilay at hindi man lang nga siya kumukurap sa pagkakatingin sa akin. 

“You’re a virgin!” Madiin ang boses na sabi niya sa akin.

Nagulantang ako sa tono ng boses niya. Aba’y, siya pa ang galit! Bakit?! Panandalian ako na nablangko sa galit na nakikita ko sa mga mata niya. Ano, galit siya dahil virgin ako at walang karanasan? Bakit hindi ba naging magaling ang performance ko kagabi kaya biglang uminit ang ulo niya? Ang kapal lang talaga!

“I know! Hindi ba nga at dapat na maging masaya ka pa dahil virgin mo ako na nakuha?”

“What?!” Gulat na balik-tanong niya sa akin.  

Halata ang galit at inis niya para sa akin pero hindi ako magpapatinag sa kan’ya. Bakit pareho naman namin na ginusto siguro ang nangyari kagabi dahil kung hindi niya gusto ay wala sana siya rito ngayon. At tsaka hindi naman siguro wala-wala lang ang naging performance ko!

“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mong sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babae na napupulot mo sa bar gabi-gabi?”

“What?” Gulat na gulat na tanong pa niya sa akin. Hindi rin ako makapaniwala sa mga lumabas sa bibig ko.

“Rebound sex, gusto ko makalimot. Gusto ko kalimutan ang ex-boyfriend ko na ipinagpalit ako sa babaeng mayaman kaya nakipag-sex ako sa'yo. Binigay ko sa iba ang bagay na hindi ko naibigay sa kan’ya para sa kahit na paano ay makaganti ako sa kan’ya dahil mayroon siyang isang bagay na hindi nakuha sa akin. At ‘yon ang paraan para makakalimot ako sa lahat-lahat.” Ito pa ang dire-diretso ko na paliwanag sa kan’ya. Inunahan ko na siya na mag-esplika kaysa kung ano-ano pa ang masabi niya sa akin.

“Don’t you know who I am?” Galit na galit na tanong niya muli sa akin.

“No, I don’t. Sorry, hindi ko maalala kung nagkakilala tayo kagabi o ano, pero sa ngayon ay wala na akong balak na kilalanin ka pa. And I am sorry that it has to be you that I have had a rebound sex. I never meant it to be you, it just happens.”

“You should really get to know me first dahil baka magulat ka sa mga bagay na malalaman mo!” sigaw pa niya.

Napapitlag ako ako sa lakas ng boses niya pero hindi pa rin ako magpapatinag.

“Hindi ba mas advantage nga ito sa’yo, dahil virgin ako? Hindi naman siguro lahat ng nakaka one-night stand mo ay virgin. I am really sorry that it has to be you.

“But it was me!”

“Kaya nga wala ako na hahabulin. Huwag ka mag-alala dahil wala akong balak na maghabol dahil lang sa  ikaw ang nakauna sa akin. Hindi ako maghahabol sa yaman na meron ka dahil mukha kang mayaman talaga. Again, I am sorry.”

Pagkasabi ko no'n ay nagdiretso ako sa banyo bitbit ang mga damit ko para magbihis. Makalipas lamang ang ilang sandali ay lumabas ako sa banyo. Nakaayos na ako at naitiklop ko na rin ang kumot na ginamit ko kanina pantakip sa katawan ko. Inilapag ko ‘yon sa kama at humarap sa kan’ya upang magpaalam.

“Thank you for the night, mister. For what it’s worth and for any consolation, I enjoyed my first. Maybe not in the best of circumstances, but I’m still thankful that it was with you. At sana lahat nang nangyari kagabi ay maiwan na lamang sa nakaraan. Kagaya ng sabi ko kanina ay hindi ako maghahabol, hindi ako gagawa ng gulo. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw ko nang malaman pa ang pangalan mo. This will end here.”

Pagkasabi no'n ay kinuha ko ang bag ko at diretso na ako na lumabas na ni hindi man lang hinintay na magsalita pa siya.

Nagmamadali ako na lumabas ng gusali na ‘yon at kahit hindi ko alam kung paano ako makakauwi ay bahala na. Basta sa ngayon ay kailangan ko na makalayo at makapag-isip.

Hindi ko rin inaasahan na masasabi ko sa kan’ya ang mga bagay na ‘yon. Pinilit ko na maging matatag at tibayan ang loob ko. Ang nangyari ay isang pagkakamali at nararapat lamang na maaga pa lamang ay maitama na ito.

Oo, sinabi ko na isa lamang ‘yon na rebound sex, pero ang katotohanan ay hindi. Ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam kung malilimot ko ba ang mga nangyari sa amin. Pero nararapat lamang na ibaon ito at kalimutan. Hindi na mahalaga pa na malaman kung sino siya dahil ito na ang una’t-huli namin na pagkikita.

Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating sa isang parke. Naupo muna ako at sandali na pinakalma ang sarili ko. Gusto ko man sisihin ang sarili ko sa mga katangahan na pinapasok ko ay hindi ko magawa na maisama ang mga nangyari kagabi.

Maaari na isang kasalanan ang pinagsaluhan namin ng lalaki na ‘yon, pero isa itong magandang kasalanan na aking babaunin. Dahil alam ko sa kahit sandali sa nagdaang gabi ay may nagbigay sa akin ng importansya.

Sa bawat haplos at halik niya ay alam ko at nakaramdam ako kung paano pahalagahan. Naramdaman ko na pahalagahan ng dahil sa isang estranghero. Estranghero na ilang oras ko lamang nakasama. Mapaglaro siguro talaga ang tadhana.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Tama na, Atasha, it’s time to move on and move forward. It’s time to forget. At sa pagkakataon na ito, iiwan ko na ang lahat ng sakit at pighati na dulot ng isang Yulence Villagomeza sa buhay ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status