Share

Kabanata 26.1

Hindi inaasahan ni Kane Loyola ang pagtawag na iyon ng dati niya na matalik na kaibigan na si Colton Mijares.

Bagama’t siya ay bantay-sarado pa rin ng mga tauhan nito ay hindi na muli na nagpakita sa kan’ya si Colton matapos ang araw na sabihin niya na bahala na siya na maghanap ng impormasyon sa katotohanan tungkol kay Atasha.

Ramdam ni Kane sa boses ni Colton ang hindi maipaliwanag na sakit na pilit man niya na ikinukubli ay kusa na lumalabas. Isa lang ang naiisip niya na dahilan kung bakit muli siya na gusto na kausapin ng kaibigan. Ang katotohanan at ang impormasyon na alam niya na hawak ni Kane ang kailangan ni Colton.

Bumukas ang pintuan ng pribado na kuwarto na inookupa niya sa isang sikat na restawran. Dito siya dinala ng mga tauhan ni Colton para sa muli nila na pagkikita ng dati niya na matalik na kaibigan.

Pag-angat niya ng kan’yang ulo ay nakita niya ang pagpasok ng kaibigan na bagama’t alam niya na madami ang iniisip ay kakikitaan pa rin ng matigas at blangko na ekspre
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status