Share

Kabanata 27

Palakad-lakad si Akiro sa kan’yang study. Madilim ang mukha at seryoso ang tingin habang nag-iisip. Kailangan niya ng plano. Kailangan niya na makaisip ng paraan upang lubusan na mapapanagot ang nagtraydor sa kanila.

Hindi niya inasahan ang mga balita na sumambulat sa kan'ya. Kahit sa hinagap ay hindi niya inisip na magagawa ng mga iyon ang pagtatraydor.

Isang linggo na buhat nang makabalik si Akiro sa Genova. Isang linggo na nang mai-report sa kan’ya ng kan’yang mga tauhan ang tungkol sa traydor sa hanay nila.

Iyon rin ang naging dahilan nang agaran niya na pag-uwi sa palasyo. Gusto niya na siya mismo ang makaharap ng mga tauhan na bumaligtad sa kanila.

Sa ngayon ay wala pa na nakakaalam sa pamilya ni Akiro ng mga impormasyon na hawak niya. Tanging siya lamang at ang kan’yang malalapit na tauhan, isa rito si Nathan. Si Nathan na siyang pinagbilinan niya kina Atasha at Ashira.

Hindi maubos maisip ni Akiro kung paano ilalabas ang katotohanan kahit sa kan’yang mga magulang. Hindi ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status