Share

Kabanata 30.1

Palakad-lakad ang reyna ng mga Laureus sa study hall. Hindi malaman kung ano ang kan’yang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang kahahantungan ng lahat ng mga pangyayari.

Alam niya na nalalapit na ang araw na mabubunyag ang lahat. Ang lahat ng sikreto na kan’yang pinakaingatan sa mahabang panahon. Alam niya na isang araw ay sisingaw na lamang ang mga katotohanan na pilit niya na ikinubli at iniwan sa kan'yang nakaraan.

Batid ni Reyna Isabel na may nalalaman na si Prinsipe Akiro Altamirano. Nahuli na ang espiya na pinasok nila sa mga Altamirano, kaya bago pa niya maisambulat kay Aldrick ang katotohanan ay kailangan na niya maunahan ang prinsipe na magsabi sa kan'yang anak.

Agad na pinabalik ng reyna si Aldrick sa Genova dahil ayaw niya na pati ang anak ay maipit sa gulo na pinasok niya laban sa mga Altamirano. Alam niya na gumagawa na ng hakbang si Akiro. Matalino ang prinsipe at madami ang koneksyon nito at alam niya na isa-isa na nahuhulog sa bitag ang kan’yang mga espiya at tauhan.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Chel Lobino
mgkapatid c aldrick at colton
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status