Share

Kabanata 75

Bumaba ako ng sasakyan na walang kabuhay-buhay. Kagagaling ko lamang sa bahay namin nila Akiro upang silipin ang aking mga anak na sina Cole Ashton at Ashira Coline. Sa muli ay kailangan ko sila na iwan sa pangangalaga nina Miguel at Vincent dahil kailangan ko na tutukan ang lagay ng kanilang ama.

Nagsabi rin sina Icel at ang kasintahan nito na si Ice na dadaanan nila ang kambal mamaya upang mabisita. Si Nathan naman ay kasama ko ngayon sa pagbabalik dito sa ospital.

Abala naman si Akiro sa pakikipag-usap sa mga pulis hinggil sa mga kaso na kinakaharap nina Lia Madrigal at Ofelia Villagomeza.

“Atasha.” Tawag sa akin ni Nathan habang wala ako sa wisyo na naglalakad patungo sa elevator.

Nilingon ko lamang siya at nakataas ang kilay ko na nagtatanong sa kan’ya. “Keep thinking positive, prinsesa. Magiging maayos din ang lahat.”

Humugot ako ng malalim na hininga saka sumagot sa kan'ya. “Hanggang kailan pa, Nate? Nawawalan na ako ng pag-asa. Halos magda-dalawang linggo na siya na walang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status