Share

Kabanata 20

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-08-09 19:14:53

Nagising mula sa kanyang pagkakahimbing si Cyan dahil sa ingay ng kanyang cellphone. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at nakitang halos hating gabi na. Pupungas-pungas niyang dinampot ang kanyang cellphone na nasa mesa sa gilid ng kamang kinahihigaan niya.

Nang tingnan niya ang screen ay nakita niyang numero ng kanyang ama ang naroon. Ilang sandali pa niyang tinitigan ang screen bago buntong hiningang sinagot ang tawag nito.

"Hello—

"Where the hell are you right now, Cyanelle?!" Pasinghal nitong bungad.

Agad niyang inilayo ang cellphone mula sa kanyang tenga dahil sa nakakabingi nitong sigaw. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili siya.

"Hindi niyo na po kailangan malaman kung nasaan ako Pa," mahinahon niyang sagot.

"At anong hindi na kailangan? Zach came here and told us you're going to file an annulment against him dahil may lalaki ka! You insolent brat! Hindi na ba talaga mapirmi yang kakatihan mo? At talagang ipapahamak mo pa ako? Kami ng mama mo? Bumalik ka sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Glaycy Baganday Parac
nakakainis na magulang walang silbi OK yan cyan ganyan ang gawin mo ipamukha mo ren sa asawa mong sirang ulo at ng pamangkin mo na HND ang pera ng daddy nya ang habol mo...abotin mo ang pangarap mo cyan..
goodnovel comment avatar
Anita Valde
Tama LNG ang ginawa mo Cyan ok LNG Sana naka dispalko Siya Ng pera SA inyong Pamilya ginamit pero hnd, sinugal Niya tz kayo na Mga Anak Niya pinambayad hnd man LNG iniisip Kung ok BA kayo walang kwentang Ama
goodnovel comment avatar
Arlene Caong
bwisit na magulang grabeh
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 263

    Agad na nilapitan ni Cyan ang kanyang ina na humahagulhol ng iyak sa sofa at mahigpit na niyakap. Marahan niyang hinagod ang likuran nito para kahit papaano ay kumalma ang ginang pero alam niyang hindi iyon mangyayari. Mahal na mahal nito si Chloe kaya sigurado siyang sobrang sakit para dito ang nalan nito sa ngayon."M—mommy..."Natigilan si Cyan nang marinig ang boses ni Zendaya na nakatayo sa may paanan ng hagdanan. Dahil sa labis siyang kinain ng emosyon, nakalimutan na niyang nasa taas pala si Zendaya at posibleng magising dahil sa ingay nila.Tumigil din sa pag-iyak ang kanyang ina at napatingin sa gawi ng kanyang pamangkin. Isang pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago isinara ang laptop ni Zach at nilapitan ito at kinarga."Hey... Gising ka na pala," kaswal niyang wika at pilit na pinapasigla ang kanyang boses."I heard Grandpa shouting outside, that's why I came out. Why are you and Lola crying po? Nag-away po pa ba kayo?" Curious nitong tanong.Habang pinagmamasdan n

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 262

    Nanayo ang halos lahat ng balahibo niya sa katawan kasabay ng kanyang panlalamig. Natulala siya sa kanyang narinig habang ang kanyang ama naman ay marahas na hinablot ang laptop ni Nik na nakaharap sa kanila.Hindi niya alam kung ilang minuto o segundo siyang naging ganun. Naramdaman nalang niya ang pagyakap ni Zach sa kanyang habang marahan na hinahagod ang likuran niya. Maging ang kanyang ina na nasa kusina ay napasugod na sa salas habang umiiyak.Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Chloe didn't die from an illness but because Laureen did something to her sister that caused her leukemia?Sunod-sunod ang pagpatak ng masagang luha mula sa kanyang mga mata. "H—how did they do that? Why did Laureen did that?" Humihikbi niyang sambit.Mas lalo pang humigpit ang yakap ni Zach sa kanya para aluin siya. Pero sobrang bigat ng loob niya ng mga oras na iyon na parang hindi niya kayang kumalma. She wanted to go to the city and confront Laureen herself!Kaya naman pala handang pumatay an

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 261

    Kunot noo niyang pinulot ang USB at mataman na tinitigan. Maging si Zach ay doon narin napako ang atensyon. Ilang sandali pa'y napatingin siya sa asawa niya bago nagsalita."Did you bring a laptop with you?" "Yeah. It's in the room," agad na sagot ng lalaki."Pwede ko bang hiramin? Let's see what's inside the USB," malambing niyang sambit."Wait here. Aakyat lang ako sandali," anito at agad na nagtungo sa silid na ginagamit nila. Habang nasa itaas si Zach, muli niyang tiningnan ang mga files nina Chloe at Yohan. Hindi niya lubos akalain na dito din pala nagpagamot si Yohan sa kanyang sakit gayong mas advance naman ang technology sa New York.Pero sa kabilang banda, Laureen recommended Dr.Jansen to her bestfriend which was none other than her sister kaya siguro ang babae din ang nagsuhestyon na doon magpagamot si Yohan."Ano? May nakita ba kayong kakaiba?" Tanong ng kanyang ama na kararating lang ng salas mula sa kusina.Marahan naman siyang umiling. "As of now, wala pa naman Pa. Pur

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 260

    Umaga na nang magising si Cyan. Agad niyang sinulyapan ang pwesto ni Zach at nakitang wala doon ang lalaki. Maingat siyang bumangon para hindi magising si Zendaya at nagtungo siya sa ibaba.Nang makarating siya sa kusina ay bahagya pa siyang nagulat nang maabutan si Aling Elsa at Mang Lito doon. Nakaupo ang mga ito sa mesa at nagkakape kasama ang mga magulang niya."Good morning," nakangiti bati niya sa lahat."Magandang umaga po, Ma'am Cyan," magkasabay na bati ng dalawa at ngumiti din sa kanya.Subalit hindi nakaligtas sa kanya ang paraan ng pagngiti ng mga ito. Hindi man lang iyon umabot sa mga mata. Kita niya rin ang pamumugto ng mga mata ng dalawa. Nang sumulyap siya sa kanyang mga magulang ay napuna niyang mukhang puyat ang dalawa na mas nakadagdag ng kanyang pagtataka.Akmang magtatanong siya kung bakit maagang naroon ang mag-asawa nang maramdaman niya ang pag-akbay ng braso sa balikat niya. Nag-angat siya ng tingin at nakasalubong ang mga mata ni Zach."Good morning," bati nit

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 259

    "The deceased's neck broke from the fall. At dahil nakaharap siya sa hagdan paakyat, pwedeng sa pagbagsak palang niya nabali na ang leeg niya. The blood on the other hand was from his broken skull," ani ng forensic na nag-examine sa katawan ng kanyang ama.Panay naman ang iyak ni Laureen habang kaharap ang mga otoridad. Wala na siyang magagawa pa. Her father is dead kaya gagalingan nalang niya ang acting niya."Pwede mo bang sabihin samin kung ano ang nangyari bago nahulog si Mr.Orlando Dela Cruz, Miss Laureen Dela Cruz?" Tanong ng imbestigador.Nagpahid muna siya ng luha bago nagsalita. "Nag-inuman po kami ni Daddy bilang pampaantok. I slept on the sofa for a while tapos ginising niya ako para paakyatin na sa silid ko. And said yes at nauna ng umakyat. Seconds later, he also followed me upstairs. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Nakarinig nalang ako bigla ng kalabog tapos paglingon ko... paglingon ko, nahuhulog na si Daddy sa hagdan. I tried to chase him para iligtas siya pero hi

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 258

    Nanlaki ang mga mata ni Laureen na napatitig sa kanyang ama. "What are you talking about? You can't kill Zach! Mahal ko siya Dad! He's the one for me! How could you kill your daughter's happiness?" Hindi makapaniwala niyang sambit.Mas lalo lang na nanlisik ang mga mata ng kanyang ama dahil sa naging reaksyon niya. "At ano? Hayaan nalang ang lalaking yun na sirain ang pangalan na pinaghirapan kong pangalagaan sa loob ng maraming taon?""I have been putting up with all your bullshít Laureen, dahil gusto kong sumaya ka! I am tolerating your craziness because I thought it's the way of how to show my love for you as a father. Pero hindi Laureen! Nagkamali ako. I'd rather kill your happiness than letting him destroy us!" May diin nitong bigkas at tinalikuran na siya.Natulala siya habang pinoproseso ang sinabi ng kanyang ama. Nang mahimasmasan siya, dumako ang kanyang tingin sa kanyang ama na paakyat ng hagdanan. He was now holding his phone at mukhang may tatawagan na."H—hindi... Hindi p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status