Share

Kabanata 271

Penulis: Georgina Lee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-19 21:56:17

Agad na nagpumiglas si Jacob nang marinig niya ang sinabi ni Laureen. Tila natuwa naman ang babae sa naging reaksyon niya dahil umalingawngaw ang halakhak nito sa buong silid na kinaroroonan nila. Ilang segundo pa ang lumipas bago tumigil si Laureen.

"Why? Natatakot ka bang madamay sa gulo ang anak mo nagulat ka dahil nalaman kong may anak kang itinatago sa loob ng mahabang panahon?" Nakangisi niyang sambit.

"Wag na wag mong sasaktan ang anak ko!" Galit na asik ni Jacob at pilit na kumakawala mula sa pagkakatali sa kanya.

Muli na namang natawa si Laureen. "Then you should've listen to me. Ibigay mo sakin ang mga ebidensyang hawak mo kapalit ng kaligtasan ng anak mo."

Natigilan naman si Jacob. Ang ebidensya... Paano niya ibibigay ang ebidensya kay Laureen gayong naibigay na niya iyon sa mag-asawa para ipaabot kay Cyan?

"Bibigyan kita ng isang oras para mag-isip, Jacob. Pagbalik ko dito kapag wala ka pang sagot, I will kill your daughter!" Naniningkit ang mga matang wika ni Laureen bago
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Imelda Barrientos Miras
Sana maligtas si jacob para makasama na niya si Mona.
goodnovel comment avatar
Nhor Bint Yussef Aman
plss author magkita ang ama wag mung patayin c Jacob at wag magtagumpay ang kalaban sana mabilanggo na ang baliwng laureen
goodnovel comment avatar
Nhor Bint Yussef Aman
plss author wag mong patayin c Jacob mas maganda paren makita nea at makasama nea c mona kawawa syang bata..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 271

    Agad na nagpumiglas si Jacob nang marinig niya ang sinabi ni Laureen. Tila natuwa naman ang babae sa naging reaksyon niya dahil umalingawngaw ang halakhak nito sa buong silid na kinaroroonan nila. Ilang segundo pa ang lumipas bago tumigil si Laureen."Why? Natatakot ka bang madamay sa gulo ang anak mo nagulat ka dahil nalaman kong may anak kang itinatago sa loob ng mahabang panahon?" Nakangisi niyang sambit."Wag na wag mong sasaktan ang anak ko!" Galit na asik ni Jacob at pilit na kumakawala mula sa pagkakatali sa kanya.Muli na namang natawa si Laureen. "Then you should've listen to me. Ibigay mo sakin ang mga ebidensyang hawak mo kapalit ng kaligtasan ng anak mo."Natigilan naman si Jacob. Ang ebidensya... Paano niya ibibigay ang ebidensya kay Laureen gayong naibigay na niya iyon sa mag-asawa para ipaabot kay Cyan?"Bibigyan kita ng isang oras para mag-isip, Jacob. Pagbalik ko dito kapag wala ka pang sagot, I will kill your daughter!" Naniningkit ang mga matang wika ni Laureen bago

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 270

    "Magandang gabi po, Ma'am Cyan," nahihiyang bati ni Mona sa kanya."Magandang gabi din," tugon niya bago muling lumingon sa kanyang asawa."We'll talk later," Zach mouthed.Tumango nalang siya bilang tugon. Agad namang lumapit si Zendaya kay Mona at nakipag-usap na sa bata habang si Manang Silva naman ay naghanda na ng pagkain nila. Pagkatapos nilang maghapunan, dinala niya ang mga bata sa silid ni Zendaya at doon hinayaan na maglaro."Alam mo ba, Tita Cyan is now my Mommy," pagbibida ni Zendaya kay Mona."Talaga?""Yup! I'm so happy kasi may Mommy na ako ulit. Dalawa na ang mommy ko."Tipid na napangiti si Mona. "Wow, buti ka pa dalawa ang mommy mo. Ako wala akong mommy eh tapos yung Papa ko naman wala din," malungkot nitong turan.Napasulyap naman si Cyan kay Mona. Bakas ang lungkot sa mga mata nito habang nagsasalita. Hindi niya tuloy maiwasang maawa dito. Pero hindi din naman niya alam kung ano ang gagawin para pawiin ang kalungkutan nito."Ang sad naman nun. Let's just play nalan

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 269

    Hindi na nag-aksaya pa ng oras sina Cyan at Zach. Nang araw ding iyon, lumuwas sila ng siyudad kasama ang buo nilang pamilya at maging sina Mang Lito at Aling Elsa.Tahimik pang silang lahat habang nasa byahe. Pareho silang tensyonado lalo na at may panganib na maaaring mangyari sa kanila anumang oras. Abala din si Zach sa pakikipag-communicate kay Zion at sa isa pang abogado na tinawagan ng lalaki kaya mas pinili nitong hindi tumabi sa kanila para hindi ito mahalata ni Zendaya."Mommy, I thought we're gonna stay in the province for a long time. Bakit babalik na po tayo agad sa mansion? Will we still go back to your house?" Sunod-sunod nitong tanong.Tipid siyang ngumiti bago sumagot. "Oo naman. Babalik tayo doon kapag hindi na busy si Daddy Zach mo. Sa ngayon ay sa city muna tayo mag-iistay."Napatango-tango naman ito. "Pero bakit po mukha kayong sad? Si Lolo at Lola sad din po," nagtataka nitong tanong.Natigilan siya sa naging tanong ni Zendaya pero maya-maya lang ay pilit siyang n

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 268

    Pagdating ni Laureen sa mansion ng kanyang ama ay agad siyang nagbihis ng ibang damit. Pumili siya ng isang simpleng jeans at itim na T-shirt. Pinaresan niya iyon ng hoodie jacket at nagsuot narin siya ng sumbrero.Sinipat niya ng tingin ang sarili sa salamin. Kung titingnan ay hindi mahahalata na siya iyon. She used to wear extravagant clothes whenever she goes outside. Nang makuntento siya sa kanyang itsura ay bumaba na siya ng kanyang silid at nagtungo sa study table ng kanyang ama.Agad siyang nanghalungkat sa safe vault nito nang sa ganun makakita siya ng pwede niyang maging alas laban sa presidente kung sakali man na maipit siya sa sitwasyon na kinasusuungan niya ngayon.Ilang sandali pa'y isang envelope ang nakita niya na may pangalan ng presidente. Agad niya iyong dinampot at sinuri ang laman ng envelope. Ilang sandali pa'y napangiti siya sa nakita niya. She knew it! Her father really didn't disappoint her. Palagi talaga itong may baong alas. Sayang lang at wala na ito. Mas m

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 267

    Tumango siya at kaswal na binuksan ang folder para tingnan ang laman ng mga dokumento. Halos mga larawan iyon ni Jacob sa isang squatters area at palaging nakatanaw at palihim na nagmamasid sa iisang lugar.Nagpatuloy siya sa pagsuri nang makakuha ng kanyang atensyon ang isang partikular na larawan. It's a picture of a particular kid. Paano niya nga ba makakalimutan ang mukha ng batang iyon? She had a few encounter with her in the academy.Hmm..."Interesting," nakangisi niyang turan bago isinara ang dokumento."What are you going to do with those documents?" Tanong ng abogado.Tipid siyang ngumiti bago umiling. "You will know soon."Sumandal na siya sa upuan ng kotse at ipinikit ang kanyang mga mata. Sa ngayon ay hindi pa siya pwedeng kumilos basta-basta dahil hindi pa naililibing ang kanyang ama. Kaya naman iisang paraan lang ang naiisip niyang gawin. And that is to get MonaLisa Illustre para hindi na siya mahirapan pang pakantahin si Jacob sa mga nais niyang malaman..."Where's Zen

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 266

    Kinagat ni Laureen pang-ibaba niyang labi habang naghihintay ng update sa pinapagawa niya sa mga tauhan ng kanyang ama. Kasalukuyan siyang naroon sa harapan ng lamay ng sarili niyang ama, nag-aastang malungkot at nawalan ng mahal sa buhay.Well, kung tutuusin, nawalan naman talaga siya. Pero wala siyang mapagpipilian dahil nangyari na ang nangyari. All she could do right now is to make sure that Jacob will get caught and will be silenced!"Condolence, Miss Dela Cruz," ani ng isang boses.Dahil masyadong malalim ang iniisip niya, hindi niya namalayan na may big time na palang bisitang dumating. Agad siyang tumayo at tila natataranta kung paano pakiharapan ang presidente.Mabilis naman itong umiling at tinapik ang magkabila niyang balikat. "Relax, hija. Alam kong matindi ang pinagdaanan mo ngayon. Hindi mo na ako kailangan pang bigyan ng sobrang atensyon. Nandito ako para makiramay sayo. Your father is a very good friend of mine," mahinahon na wika ng lalaki.Nagsimula na siyang humikb

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status