Share

9 - Hiling Na Makita

Malapit na siya sa warehouse na tinutuluyan niya ng may naaninag siyang isang bulto ng tao sa malaking pintuan ng warehouse at sa paglapit niya pa rito ay si Simon pala 'yon at mukhang hinihintay siya. Huminto siya sa tapat ni Simon at hindi muna siya umalis sa pagkaka-upo sa motor. "Madaling araw na bakit nandiyan ka pa?" tanong niya.

Lumapit ito sa kanya at tanging liwanag lang ng buwan ang ilaw nilang dalawa. "May gustong maka-usap ka," saad ni Simon.

Napakunot naman ang noo niya. "Sino?"

"Si Mrs. Torres."

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat lang ito. "Ewan ko kung bakit, pero tumawag siya kanina habang ginagawa mo ang mission mo." Kinuha nito ang isang maliit na papel sa bulsa ng pantalon nito at binigay sa kanya. "Diyan kayo magtatagpo, wala naman siyang nabanggit kung para saan. Ang sabi lang ay gusto ka lang niyang makita."

Itinupi niya ang papel at hinawakan muli ang manibela ng motor niya at pina-andar. "Sige pupunta ako." At tuluyan ng umalis sa harap ni Simon para iparada
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status