공유

2 - Alok Na Misyon

작가: acire_berry
last update 게시일: 2022-08-04 04:40:21

"Ang plano niya ay kidnapin ka raw namin dahil hindi ka humaharap sa mga kliyente mo. Pero gusto kitang makausap ng personal kaya pumayag ako. Gamot ang nagpahimbing sayo ng tulog na inilagay sa isang panyo at tinukop sa iyong ilong habang natutulog ka, nagkaroon ng oras ang mga kumuha sayo na dalhin ka rito gamit ang eroplano. Naglakbay kayo ng limang oras para madala ka rito ng mga taong inutusan ng kasama mo na ang pangalan ay Simon. Si Heneral Agustin ang kumuha sayo ng lihim sa isang lugar. Pagkatapos niyong dumating dito ay hindi na maaari pang makita ng mga tao na 'yon kung saan ka dadalhin."

Napakuyom ang kamao niya sa nalaman. "Gaano ba kahalaga ang alok mong misyon para lang madala ako rito?"

Lumungkot naman ang mga mata nito. "Mahalaga pa sa buhay ko, ang aking anak, kaya kailangan kita para sa misyon na gusto kong gawin mo."

"Anong klase ng misyon?"

"Ang maging tagapagbantay, sanayin ang prinsipe na lumaban at lihim na magmasid sa paligid kahit saan man siya pumunta, maging sa kanyang kwarto o sa pagkain niya."

Napaisip siya sa sinabi nito. "Bakit kailangan mo pang kumuha ng ibang tao kung mayroon ka namang kawal sa palasyo mo? Mas may magagawa sila dahil may armas silang hawak."

Pinagsalikop nito ang dalawang kamay habang nakapatong ang siko sa mesa "Hindi ko ipagkatiwala ang kaligtasan ng aking anak sa aking mga kawal dahil hinala ko ay baka may mga taong narito na hindi tapat sa akin, kaya mas mainam ng maging maingat."

"Bakit kailangan pang bantayan ng anak mo?"

"May natatanggap akong mga sulat mula sa hindi kilalang tao, at pinagbantaan ang buhay ng aking anak dahil sa mahina ito at hindi marunong lumaban, kaya siguro ganon na lang ang pananakot ng mga ito. Isa pa ay gusto nilang umalis na ako sa aking trono at hindi si Prince Dylan ang pumalit kahit siya pa ang tagapagmana ko."

"Bakit?"

"Iyan ang hindi ko alam sa ngayon at wala akong ideya kung sino at kung bakit ginagawa ito sa akin gayong wala naman akong kaaway na bansa o maging rito sa aking bansa."

Humalukipkip siya. "Hindi ko matatanggap ang misyon na alok mo."

Napatayo din ang matandang lalaki na si King Stephen. "Alam kong may mga misyon kang hindi tinatanggap lalo na pag ganitong sitwasyon, pero sana tanggapin mo dahil wala na akong oras para maghanap pa ng iba at maging kampante kung mabuti ba ang nakuha ko."

Tinitigan niya ang mga mata nito at nakita niya ang pagsamo sa mga ito. Napabuntong-hininga na lang siya. "Kung ganon, kailangan kong makita ang prinsipe kung paano siya magsanay. Saka pa lang ako magdedesisyon kung tatanggapin ko ang misyon, pero sa oras na hindi ako nakakita ng anumang rason para tanggapin ang misyon ay kailangan sa sandali na sinabi kong uuwi na ako sa bansa ko ay agad kayong kikilos."

Napangiti naman ito ng maliit. "Makakaasa ka na gagawin ko agad ang gusto mo, pero maaari mong makita ang prinsipe bukas ng umaga dahil mayroon siyang pinuntahan ngayon."

"Kung hindi niyo mamasamain puwede bang humiram ng telepono niyo may kailangan lang akong tawagan."

Binuksan nito ang isang drawer at kinuha ang isang smartphone sa loob.

"Alam niyo kung paano gumamit ng ganito?" sa nalilito niyang tanong.

Ngumiti naman ito ng malaki. "Kahit kami ay na sa palasyo alam namin kung paano makipagsabayan sa mga tao ngayon, mayroon kaming lumang telepono, pero gumagamit rin kami nito. " Ibinaba nito ang smartphone sa table malapit sa kanya.

"Saan ako puwedeng pumunta sa parte ng palasyo para tumawag?"

Bigla namang nagsalita ang hari. "Heneral Agustin, maaari ka bang pumasok sandali!"

Biglang pumasok ang matandang kausap niya kanina at napa-isip na ang lakas naman ng pandinig nito at narinig pa ang sinabi ng hari.

"Heneral maaari mo ba siyang dalhin sa tuktok ng palasyo, siguraduhin mo din na walang ibang kawal na naroon."

"Masusunod, kamahalan." Tumingin ito sa kanya at nagsimula ng maglakad. Bago umalis ay tiningnan niya muna ang hari na tumango lang.

Paglabas ng kwarto ay diretso na sila sa tuktok ng palasyo at may ilang kawal na nakabantay sa pasilyo at sa mismong ibaba ng batong hagdan. Huminto sila sa ibaba ng hagdan. "Hanggang dito na lang ako, ikaw na lang ang pumunta sa itaas. Huwag kang mag-alala walang tao roon kahit pa ang mga kawal ay wala rin ngayon sa oras na 'to."

Tumango siya at nagsimula ng humakbang pa-akyat ng hagdan, paglabas niya ay isang napakalawak na tanawin ang nakita niya at kung titingin sa ibaba ay masyadong mataas kung nasaan siya.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at tinawagan na si Simon. Ilang ring ng telepono bago sinagot ni Simon ang tawag. "Hello! Sino 'to?"

"Si Adira 'to."

Napatikom ang bibig ni Simon sa kabilang linya dahil alam niyang may kasalanan siyang nagawa. "Bakit napatawag ka?" mahina nitong tanong ulit.

"Hindi ko alam na tinatraydor mo ako Simon, bakit humantong na gumawa ka ng ganito!" may kalakasan niyang saad.

Napapikit naman si Simon. "Pasensya na Adira, gusto ka talaga niyang makausap, kaya ako na lang ang gumawa ng paraan para mapunta ka diyan."

Napahilot naman siya sa noo. "Paano ang misyon ko para kay Mrs. Torres!"

"Huwag kang mag-alala, alam kong babalik ka pa dito dahil sa mission, dalawang araw pa bago ang mission mo sa asawa niya."

"Sinasabi ko sayo Simon, ayoko ng mauulit ito. Paano ako makaka-uwi kung nasa ibang bansa ako? At saka paano ako nakapasok rito wala naman akong passport?!"

"Meron, peke nga lang, pero nakalusot ka naman kaya okay na 'yan, pero sa pagbabalik mo dito ay private plane ng hari ang gagamitin mo."

Napakunot ang noo niya. "Anong okay na, kahit private plane pa ang gamitin ko dadaan pa rin naman ako sa airport bago maka-uwi at tinitingnan ang passport doon?!" Napapikit na siya sa problemang ginawa ni Simon.

"Nakapunta ka nga diyan ng hindi nahuhuli, ang kaso for emergency dahil tulog ka at ang akala ay kailangan mo ng lumipad papunta diyan para sa operation."

Sa sobrang sakit ng ulo niya ay binaba na niya ang tawag dahil mas lalo pang sumasakit hangga't kausap niya si Simon. Napabuga na lang siya ng hangin at umalis na sa tuktok ng palasyo.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   EPILOGUE

    Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   98 - Bago Ang Lahat Ng Rebelasyon

    Ang pagpunta ni Adira sa bansa ni Prince Dylan ay planado simula pa lang. Nagkataon na nahanap ni King Stephen si Adira at ito ang kinuha niya bilang tagapagbantay sa kanyang anak, ngunit si King Felip at Simon ay may plano na noon pa man.Nang nalaman ni King Felip na dadalhin na sa kanila ang prinsesa dahil natagpuan na din ito ng kanyang asawa na si Queen Alice, hindi niya inaasahan na ibang tao ang pinadala nito sa bansa nila. Hindi niya sinubukan na kausapin ang kanyang asawa tungkol sa babaeng nasa kanilang palasyo na si Sabrina.Ang lahat ay palabas lang, simula ng makasalubong nila si Adira sa palasyo ng Stalwart Castle, pero si King Felip ay masayang-masaya noong panahon na 'yon dahil unang beses niyang nakita ang kanilang prinsesa, at ito ang naka-mana ng angking galing niya sa paghawak ng espada o sabahin na mas magaling pa nga ito sa kanya.Simula ng nalaman ni King Felip kung nasaan ang kanyang anak ay pinabantayan niya ito sa tulong ni Simon. Si King Felip din ang nagpaga

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   97 - Ang Totoong Prinsesa

    Napangiti siya at tumingin sa kalangitan. "Tagumpay ang ilang gabi kong pagpapatuloy na daluyan ng katas ng dahon ang katawan ng hari. Tapos na din ang misyon ko dito kaya puwede na akong bumalik sa—" napahinto siya ng maalala si Sabrina at ang sinabi ni King Felip. "Ano kaya ang sinasabi ng hari ng Paradise Castle, at isa pa anong ginagawa ni Sabrina dito at sa pagkakadinig ko kanina ay siya ang daw ang prinsesa?" Gulong-gulo siya habang nakakunot ang noo. Pero nagpasya siyang pumunta na ng kwarto para malaman ang totoo bukas dahil malaking palaisipan pa din kung si Sabrina ay tunay niya bang kapatid o sadyang may iba itong pamilya talaga.Nang nakapasok agad si Adira sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame ay dinalaw na din siya ng antok. Hindi niya alam na si Prince Dylan ay nasa labas ng kwarto niya at akma sanang kakatok ngunit hindi na nito tinuloy at umalis na lamang.Si King Stephen ay tuluyan na ngang nagising at nagagalaw ang kanyang mga daliri, ngunit mahina pa ang kat

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   96 - Si Adira Na Naguguluhan

    "Anong sinasabi mo diyan, King Felip. Hindi ko naisip na gawan ng masama ang iyong anak noon."Tumingin muna si King Felip kay Princess Francesca. "Batid ko ang lahat ng ginawa mo noon, Cyrus. Pinahanap mo din ang aking prinsesa para patayin ito kahit sanggol pa lang, dahi pakiramdam mo na pag dumating na ang panahon na sumapit na ang takdang edad ng mga bata ay sila ay magpapakasal at lalong lalakas ang Stalwart Castle."Tahimik lamang na nakatitig si King Cyrus kay King Felip. "May dalawang tao kang napatay dahil sa kasakiman mo Cyrus, kaya may naiwan itong anak na hanggang ngayon ay tumatangis." Tumingin siya sa mga kawal ni King Cyrus. "May pagkakataon ka pang utusan ang mga kawal mong ibaba ang kanilang mga espada kung gusto mong mabuhay pa."Tumawa ng malakas si King Cyrus habang nakatingin kay King Felip. "Ang galing saan niyo nalaman ang mga bagay na lihim ko lang na ginagawa—""Sa akin."Kumunot ang noo ni King Cyrus ng may nagsalita na pamilyar na boses, pero mas nagulat siy

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   95 - Ang Biglaang Digmaan

    Halos gumuho ang mundo ni Prince Dylan sa pangalan na sinabi ng doctor. Lumingon siya kay Prince Damon na may luha sa mata, pero ang prinsipe ng Valiant Castle ay ganon din, may luha na tumulo na din sa mga mata nito."Alam mo ba ang tungkol dito?!""Alam ko," sagot ni Prince Damon.Sinugod ni Prince Dylan si Prince Damon. Kinuha niya ang espada sa bewang ni Prince Damon at tinutok sa mukha nito. "B-bakit hindi mo sa akin sinabi na ang ama mo pala ang may kagagawan ng lahat ng ito?!"Walang emosyon na tumingin si Prince Damon sa mata ni Prince Dylan. "Sinabi ko sayo— sa sulat." Unti-unting kumunot ang noo ni Prince Dylan. "Ang huling sulat ko ay tungkol doon ang nakalagay, Prince Dylan.""Anong ibig mong sabihin, ikaw ang misteryosong nagpapadala ng sulat sa akin?"Dahan-dahan na tumango ang ulo ni Prince Damon, pero si Prince Dylan ay napangisi lang. "Anak ka ng salarin, pero bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat-lahat kung kailan malubha na ang lagay ng aking ama!" Nagsimula ulit t

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   94 - Ang Katotohanan Sa Mga Sulat

    Nag-umpisang magkwento ni Prince Damon tungkol sa ina ni Prince Dylan. "Si Queen Haraya ay ang ina ni Prince Dylan at asawa ni King Stephen. Mabait ito at laging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya noon, si Prince Dylan naman ay masayahin din katulad ng kanyang ina, pero nabawasan lang iyon ng mamatay si Queen Haraya. Si ama ay matalik na kaibigan ni King Stephen at halos bago pa sila maging hari ay sila ang magkasamang dalawa base sa kwento ng aking ina. Si ama ay may gusto noon kay Queen Haraya at sinuportahan siya ni King Stephen sa gusto niya, ngunit ang reyna, si Queen Haraya, ay hindi nagustuhan o nagkaroon ng damdamin para sa aking ama dahil ang gusto nito ay si King Stephen. Nang lumipas ang mga taon ay nagkatuluyan si King Stephen at Queen Haraya habang si ama ay nagdurusa dahil hindi siya ang pinili ng reyna.""Gumaganti siya dahil lang doon?"Maliit na napangiti si Prince Damon. "Ganon na nga, binibini. Tinatak niya sa isipan niya na inagaw ni King Stephen si Queen Haraya

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   93 - Alam Ni Prince Damon Na Nagtatago Si Adira

    Naningkit ang mata niya. "Sa tingin ko ay kilala mo kung sino ang mga iyon?"Malungkot na tumingin sa kalangitan si Prince Damon. "Si King Cyrus — ang aking ama ang tinutukoy ko."Gulat na muntik pang mabitawan ang hawak niyang tasa na may mainit na kape. "Anong sinasabi mo diyan?""Totoo iyon, siya an

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   91 - Ang Paghingi Ng Pabor Ni King Felip

    Nang nakapaghilamos na si Adira ay agad siyang umupo sa harap ng mesa at nakatulalang kumakain habang nakatitig sa higaan niya. Iniisip pa din niya kung paano nagawa iyon ng heneral.Isang oras ang lumipas at nakapaghanda na din si Adira. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy bumaba sa hagdan. Tumigil

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   89 - Padaluyin Ang Gamot Sa Ugat

    Samantala sa palasyo ng Paradise Castle ay magkasama ang dalawa si Queen Alice at si Princess Francesca."Ina, kailan tayo babalik ng palasyo ng Stalwart Castle. Puwede na siguro tayong bumalik doon at kausapin si Prince Dylan," saad ni Princess Francesca.Bumuntong-hininga naman si Queen Alice. "Hind

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   88 - Patalasan Ng Mga Salita Ng Dalawang Prinsipe

    Kinabukasan halos tanghali ng nagising si Adira. Hindi pa siya makabangon dahil gusto pa ng katawan niya ang mahiga, pero kailangan na din niyang kumilos para makuha na ang katas ng sahin na nakuha niya kagabi.Pumasok si Heneral Agustin sa kwarto. "Magandang tanghali, binibini. Mabuti at gising—" Na

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status