Share

Chapter 05

Author: ROSENAV91
last update publish date: 2026-03-11 13:07:44

Clovett pov

Tanging buwan lang ang naging ilaw ko at mga poste habang naglalakad pauwi ng bahay.

May bahay naman kaya hindi naman ako masyadong natatakot pero kailangan paring mag-ingat kasi baka may mga masasamang tao na dumadaan dito at may gagawin sa akin na hindi maganda.

Hindi ko alam kung nakasunod pa ba sa akin yung lalaki dahil hindi ko na siya nilingon pa.

Pagkarating ko sa pintuan ng bahay ay kinuha ko ang susi sa bag ko para mabuksan.

Hindi nga ako nagkakamali at nandoon nga si mama at naghihintay sa akin. Lalampasan ko na sana siya na narinig ko ang pagtayo niya sa plastic na silya.

"Saan ka pupunta?"

"Sa kwarto ko po," sabi ko hindi makatingin sa kanya.

"Baka may nakalimutan ka bago ka pumasok sa kung saan ka man papasok, akin na ang pera mo, isusugal ko bukas." aniya.

Para yatang nabingi ako dahil doon kahit alam ko naman na lagi akong may iaabot sa kanya. Pero ngayon?

" Kasi po. Ano po,''

"Akin na! Ayaw mo bang ibigay?" tanong niya. Kinuha ko sa bulsa ang natirang 200 pesos para sana pambili ng ulam at bigas kinabukasan kasi may adobo naman ako na dala galing kay manang Thelma ngayon.

"Ito po," abot ko habang nanginginig ang mga kamay.

"Ano! Ito lang ang maibibigay mo sa akin? Halos isang araw kang wala dito sa pamamahay na ito tapos ito lang ang ibibigay mo! Saan ka galing kung ganun ha?" galit na sabi niya habang inihagis pabalik ang pera at tumama sa mukha ko. Natamaan ang noo ko ng isang bagay at naramdaman ko ang sakit dahil may hawak siya na suklay na kahoy kaya naisama niya sa paghagis.

"May utang kasi ako na kailangang bayaran kaya po yan lang naiabot ko po sa inyo. Wag po kayong mag-alala bukas na bukas po bibigyan ko kay–"

"Binigyan eh kailangan na kailangan ko na yan bukas eh, tangina ka talagang babae ka. Wala ka talagang kwenta. Layas. Lumayas ka sa pamamahay ko!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

"Mama wala p–" isang lagapak na palad ang tumama sa pisngi ko.

"Anong tawag mo sa akin? Di ba sinabi ko sa'yo na 'wag na 'wag mo akong matawag tawag ng pangalan na yan dahil nasusuka ako! Lumayas ka! Ano? Gusto mo pang ibalibag ko pa ang mga gamit mo saka kapa umalis!" Nanlilisik na matang sabi ni mama.

"Saan po ako matutulog? Gabi na po!"

"Wala akong pakialam kung saan ka matutulog, hayop ka. Lumayas ka sa harapan ko. Hangga't walang kang maibigay sa akin ay huwag na wag kang uuwi dito!" sigaw niya lalo sa akin.

Wala akong magawa kundi ang sundin ang mama ko, alam ko naman kapag bumalik ako kinabukasan at maibigay ang gusto niya ay hindi na niya ako papalayasin.

Walang direksyon ang mga paa ko habang naglalakad sa malamig na gabi. Mabuti na lang may buwan kaya nakikita ko pa rin ang dinadaanan ko. Naging liwanag siya sa mundo kong madilim.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang children park. May nakita akong duyan kaya doon ko naisipang umupo. Wala man lang akong dalang blazer o jacket man lang para sa lamig na gabi. Naramdaman ko na ang ginaw.

Niyakap ko ang sarili ko, hindi ko alam kung saan ako matutulog dito. Kung malapit lang ako sa ospital baka doon na ako matulog sa roof garden tulad noong dati na pinalayas ako ni mama kaso buhay pa si lola that time kaya nakabalik agad ako sa bahay.

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng bag. May nagtext.

Unknown number:

Hi Clovett,

You can start working tomorrow, if that's okay with you. Wag kang mag-alala malaki akong magpasahod.

Bigla na lang umurong ang mga luha ko dahil sa magandang balita na nabasa ko sa aking cellphone. Totoo ba ito? Baka panaginip lang? Kinurot ko ang palad ko at naramdaman ang sakit. Totoo nga.

Doon nakatuon ang mga mata ko sa letra na malaki magpasahod. Ngayon pa lang naiimagine ko na ang malaking pera sa kamay ko. Sana lang double pa ito magbigay sa karinderya na tinatrabahuan ko.

Nasabi ko naman kay manang Thelma kaya sabi niya na ayos lang daw basta welcome pa rin ako kung gusto ko pa ng extra na pagkakitaan.

Habang nakatingin parin ako sa cellphone ko na may ngiti ang mga labi kahit nanginginig pa rin ang mga labi ko dahil sa pag-iyak kanina ay may napansin na naman akong pares ng mga sapatos na nasa harapan ko ngayon.

Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ito at baka masamang tao pero yun na lang ang gulat ko na makita na naman siya.

"Don't move," utos niya. Hindi ako kumibo dahil yun ang utos niya. May nilagay siyang parang bulak sa noo ko.

"Ano yun?" Tanong ko habang nakatitig na sa may dibdib niya dahil hindi ko siya matingnan sa mga mata. Ayokong malaman niya na umiiyak ako.

"Betadine, para hindi lumala ang sugat." sagot niya. Maya-maya, nilagyan niya ng band-aid ang noo ko. Hindi ko alam na may sugat na pala.

Nilagay niya sa balikat ko ang jacket niya na may zipper, sa balikat ko.

Gamit ang kanyang dalawang palad, inangat niya ang mukha ko at tinitigan ako ng maigi. Sinusundan ko lang ang mga titig niya sa akin.

Ngumiti siya habang unti-unting pinupunasan gamit ng kanyang hinlalaki ang pisngi ko.

"Sana sinabi mo na mas kailangan mo ang pera na binigay mo sa akin, hindi kana sana nasaktan at nandito ngayon at natutulog ka na sana ng mahimbing." dahil sa sinabi niya mas lalong nagsisilabasan ang mga luha ko sa mga mata.

"Nasanay na ako." saad ko. Hindi ko napansin na sinusundan niya talaga ako kanina. Gusto ko man siyang away in pero hindi ko na magawa.

"Dahil sinanay mo." sabi niya habang pinupunasan pa rin ang mga luha sa pisngi ko.

"Wala rin namang magbabago… "

"Meron, pero takot ka lang sa pagbabago." sagot niya ulit.

Natigil ako sa pag-iyak dahil sa ginagawa niya.

"Sinusundan mo pa rin ba ako hanggang makarating ako sa bahay kaya ka nandito?" tanong ko.

Unti-unti siyang tumango, "hindi ko mapigilan eh."

"Dahil takot ka na baka takasan kita? Kaya mo ako sinusundan para madali mo lang akong mahanap at ipahuli sa mga pulis?" tanong ko para lang may makita akong palusot, kahit kinikilig na ako sa una niyang sinabi.

"No miss, gusto ko lang makita kung safe ka bang nakarating sa bahay mo, dahil hindi kakayanin ng konsensya ko na nabalitaan ko na lang sa tv na sa mga kulungan ka ng mga unggoy nakarating, kaya lang yon ang nadatnan ko," okay na sana ang sinabi niya dinagdagan pa.

"Anong sabi mo? Ano tingin mo sa akin duwag? Nakauwi nga ako na mag-isa di ba? Hindi rin ako unggoy para doon ako matutulog sa kulungan nila," pagalit ko na sabi.

Ngumuso siya nagpipigil ng tawa.

"May nakakatawa ba? Sige pigilan mo pa kitang-kita naman na papangiti ka na o nagpipigil kana ng tawa." simangot ko at ang loko kung sino man ito ay tumawa nga na parang walang bukas.

"The heck, akala ko ba ikaw ang patatawanin ko. Bakit ako tuloy ang tumatawa ngayon," aniya na tawang-tawa pa rin.

Dahil sa sinabi niya, natulala akong pinagmasdan siya. Ang ibig niyang sabihin?

"Gusto mo akong maging masaya?"

"Yep, sana.. kaso ako pala ang natawa." saad niya.

"Bakit ka naman natatawa sa akin!? Nakakatawa ba itong pagmumukha ko?" tanong ko sa kanya. "Alam kong pangit ako kaya pinagtawanan mo ako no," kunot-noo ko siyang tiningnan.

Sisipain ko na sana habang nakatayo pa siya sa harapan ko pero natunugan niya yata ang gagawin ko kaya agad siyang lumayo.

"Alam mo bang ngayon lang ako nakakita ng babaeng galit na nga pero ang cute pa rin," aniya. Bigla akong nahiya doon kaya ngumuso ako para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko.

"Uwi kana nga sa inyo! Sinisira mo ang moment ko dito eh!" saad ko.

"Ayoko nga, wala akong bahay. Kaya dito na muna ako hanggat nandito ka."

"Ha? Wala kang bahay? Impossible. May sasakyan ka na worth 10 million pero wala kang bahay." saad ko. Hindi talaga naniwala sa lalaking ito. Bakit ko rin ba ito kinakausap ngayon.

"Meron naman pero sa family ko iyon not exactly mine kaya hanggang ngayon wala pa rin akong bahay so tama ang narinig mo."

"Nge, bahay parin yon ano!" Pamimilit ko.

"Okay sabi mo yan eh," inikot ko ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, ang yabang din eh.

Umupo siya sa kabilang duyan at alam kung pinagtitigan niya ako ngayon. "Saan ka matutulog niyan ngayon?" Tanong niya habang dinuduyan niya ang sarili niya pero mabagal lang habang nag-uusap kami.

"Hmm.. kahit saan baka dito na lang. Pwede sa batong bench o di kaya sa damuhan." turo ko sa posibleng matutulugan ngayong gabi.

Tiningnan ko ang lumang relo ko sa wrist at nakita kong malapit na mag-alas onse ng gabi.

"Baka ano pang mangyari sa atin dito?" tanong niya.

"Huh? Gusto mo ring dito matutulog? Hindi ka ba hahanapin ng mga magulang mo? Wala ka yatang ginawa buong maghapon kundi sundan ako.

"Hindi ah, galing kaya ako ng gym, fast food, nag jogging, nag walking and running running, " ha? Pinagsasabi nito.

"Umuwi ka na lang sa inyo,"

"Hindi nga pwede."

"Anong hindi pwede eh bahay mo rin yon kung saan nakatira ang mga magulang mo," ani ko.

"Hindi nga ako pwedeng umalis." kulit din eh.

"Bakit nga!?" Nakakafrustate na ang lalaking ito.

"Hindi kita kayang iwan ditong mag-isa, babae ka. Alam mo naman siguro ang mangyayari wag naman sana. Baka may pupunta dito na hindi mo kilala at ano pang gawin sayo" Wow, concern yern.

" Eh bakit kilala ba kita? The same ka rin naman sa kanila ah," sabi ko habang dinuduyan ko na rin ang sarili ko.

Akala ko buong oras hanggang kinabukasan akong umiiyak pero hindi naman pala.

"Iba sila, iba rin ako. Atleast ako behave lang dito unless kung gustong magpa tuklaw."

" Ano?"

" Wala, ang sabi ko ang cute mo.

"Hoy! Sino yan!" bigla yata kaming na estatwa ng lalaking ito dahil may narinig kaming boses lalaki at may umiilaw na flashlight.

"Mga bata! Ano pa ang ginagawa niyo dito na hating gabi na? Bawal na ang mamasyal dito na ganitong oras. Hala magsiuwian na kayo kung ayaw nyong ipa barangay ko kayo." dahil sa taranta ko ay agad akong tumayo. Ganun din ang ginawa niya.

"Let's go, sorry manong guard. Huwag po kayong mag-alala nag-uusap lang kami ng girlfriend ko." sabi niya sabay kindat sa akin.

"Ano hingsjsknk.." bigla niyang nilipat ang bibig niya sa tenga ko.

"Sumabay ka na lang sa trip ko at baka ma bilanggo pa tayo ngayon." tumango at sinunod ko ang sinabi niya.

"Nag-uusap lang! Baka may ginawa kayong hindi maganda dito ha," sabi niya, ano namang hindi maganda ang gagawin namin dito?

"Totoo po manong na wala po kaming ginagawa." sagot ko kay manong guard.

"Let's go love, hindi na ako nagtatampo kaya uwi kana baby, hindi na ako sanay pag wala ka ahhh," pinaggagawa ng lalaking ito. Kinanta pa nga.

Napahilot na lang ako sa sentido ko dahil sa estrangherong lalaki na ito, hindi ko nga alam kung ano ang pangalan nito. May narinig ako noong una naming pagkikita eh malay ko naman kung tama ba yon.

"Dito tayo matutulog?" tanong ko sa kanya. Nilibot ko ang paningin sa buong area kung saan kami nakahinto.

"Yep," let's go, I'm so sleepy na!" Niyaya niya ako sa loob.

"Wait bakit dito? Wala akong pambayad kasi di ba nasa iyo na lahat ng pera ko? Barya lang yata meron ako dito."

"Eh di gamitin natin yung perang binigay mo." What? Binigay ko lang pala sa kanya yon para pambayad dito sa motel na nakita namin sa daan habang bumabyahe.

"Eh di sana binalik mo na lang yan sa akin at doon na ako matutulog sa bahay, at ibibigay ko yan kay mama." saad ko.

"Paano naman ako?"

"Eh di umuwi ka sa inyo!"

"Malayo ang bahay namin, kaya mo ba akong mag biyahe pauwi sa ganitong oras?" hindi ko yata alam kung maiinis ako sa set-up naming dalawa.

"Kahit saan naman nakakatulog ako."

"Pero ako hindi, kaya samahan mo ako," pangungulit niya.

"Bakit ba kita sasamahan, kilala ba kita? Kilala mo ba ako?" Tanong ko. Ngumisi ang loko.

"Yep, I know you by name, at dahil hindi mo pa ako kilala. Let me introduce myself, my name is Carlos Jasper Jr. Nice meeting you Clovett Salmigan," pakilala niya. Dahil hindi ko inabot ang kamay niya kaya siya na ang nakipag kamay sa akin.

"Paano mo naman nalaman ang pangalan ko?"

"Ano, manghuhula ako I mean dati akong manghuhula, ganern." hindi kapani-paniwala na sagot niya.

"Ang totoo?"

"Basta!" aniya habang pilit akong pinapapasok sa entrance ng motel.

Hindi ko alam isa siyang estrangherong tao pero heto ako at sumama sa kanya. Kung ano man ang mangyari sa akin ngayon. Wala na ba akong pakialam? Paano kung may gagawin siyang masama sa akin?

"Let's go, baka inaantok kana." aniya.

"Sa sasakyan na lang kaya tayo matutulog?" alok ko.

"Pwede naman pero maliit yon hindi ako sanay. Kung nagpoproblema ka sa bayarin akong bahala. Tara." dahil gabi na rin kaya wala na akong magawa pa kaysa makipagtalo pa ako sa kanya.

"Good evening ma'am, sir."

"Good evening, one room na comfortable matulog ang aking asawa!" Agad ko siyang nilingon dahil kung ano-ano na lang ang pinagsasabi.

"Alright sir, wait a minute. Tingnan natin kung available pa po ang aming promo sa mag-asawang magsta stay dito sa motel namin ngayon." wika ng receptionist.

Humikab ako, gusto ko mang umangal kaso inaantok na talaga ako.

"Ok miss, inaantok na ang asawa ko, pakibilisan na lang,hmm," ngisi niyang sabi habang nilalapit ang braso niya sa bewang ko.

Pinanliitan ko siya ng mga mata at umaksyon naman siya na magkunwari kaming dalawa. Ito pala ang plano niya kanina na siya na ang bahala.

Loko talaga.

"Confirm po maam and sir na available pa po ang promo natin kaya ang babayaran niyo na lang po ay 500 pesos para sa dalawa, instead na 1000 pesos po." aniya na nakangiti.

"Narinig mo yon, sabi ko sa'yo eh. Maganda dito. Salamat miss ha," sabi niya at siya na ang kumuha ng susi ng room namin.

Wala na akong angal dahil nga pagod at antok na rin talaga ako.

Wait! Kasama ko talaga siyang matulog?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Last Petal    Wakas

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Life teaches us a lesson, never give up. Just surrender everything sa Panginoon. Hindi naman talaga ang sakit ang papatay agad sa atin kundi ang walang tiwala sa sarili natin. Kapag nawala ang tiwala at pananalig mo sa'yong sarili ay doon na mismo susuko ang puso mo, doon na mismo susuko ang katawan mo pero kapag ikaw ang klase ng taong matindi ang pananalig ay walang imposible na bigyan ka pa ng another chance to live. Another chance to smile. Another chance to breathe sa mundong ito and another chance na makasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Pero minsan kung saan ayaw mo pang magpaalam saka naman na hindi mo na siya masisilayan kailan man. Masakit sa kalooban na sa isang iglap, iiwan ka lang ng taong mahal mo. Iiwan ka ng taong nilaanan mo ng hanggang pagtanda kayo pa rin ang magkasama. Masakit… sobrang masakit yung pakiramdam na paggising ng umaga, hindi mo na siya makikita, hindi kasama sa isang kama, yung mga ngiti niya, yung mga titig niya at hi

  • The Last Petal    CHAPTER 82

    CARLOS JASPER JR POV:Pinasok muna ng asawa ko sa loob ng kwarto para itago sa banyo ang mga haircut tools sa paggupit ng mga buhok naming dalawa.Naming dalawa...My little miss, ang mahal ko na handang dumamay sa akin. Na parating nasa tabi ko para umaalalay, ang mahal ko na kayang gawin para hindi lang ako maiwang mag-isa sa laban, lalo na dito sa sakit ko. I didn't expect na gagawin niya ito. Hindi ko inaasahan na pati paggupit ng buhok ay gagawin niya. My little miss is so brave and pretty. Hindi ako nagkamali na planuhin na mapa sa akin siya. Kasi talagang sa akin siya ibinigay at itinadhana.Salamat ama. Ngayon, pareho na kaming semi-kalbo. Pero halos kinalbo ang buhok ko dahil sa marami ng natatanggal na buhok. Nagpakalbo ang asawa ko dahil sa pagmamahal niya sa akin.Minsan tinatanong ko ang Panginoon kung bakit ako pa ang nagkaroon ng sakit ng ganito, ang samang tao ko ba kung bakit naranasan namin ng mag-asawa ang mga bagay na ito. Hindi lang ako, pati ang pinakamamahal

  • The Last Petal    CHAPTER 81

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POVHabang nag-uusap kami ni mama ay naramdaman ko na lang na may pumipisil sa aking palad at ng tiningnan ko iyon ay gumagalaw na ang mga daliri ng mahal ko, agad tumawag si mama ng nurse para tingnan ang asawa ko.Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at napangiti ako na nakita ko siyang gising na."Asawa ko!" malambing na tawag ko sa kanya. "Do you still remember me? You're little, Miss?" mas lalong lumapad ang ngiti ko na makita siya paano magresponse ulit ang kanyang katawan at iyon ang pagpisil niya sa aking mga palad."What do you want—" hindi ko na natuloy ang itatanong ko sa asawa ko dahil pumasok na ang tatlong nurse kasama si mama, si Hope ay karga ngayon ng kanyang Yaya na si manang Nina. Nasa gilid lang ako ng kama ng asawa ko para panoorin siya na sinusuri at minomonitor ang vital statistics at iba at para hindi ako mawalay sa kanyang paninitig, hanggang sa natapos na ang nurse at babalik na lang mamaya about sa result. "Daddy!" tawag ni Hope sa

  • The Last Petal    CHAPTER 80

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POVSa araw ng pang limang kasal namin ni Carlos ay imbis sa Singapore ang punta namin para sa honeymoon ay sa hospital ang bagsak naming mag-asawa ganun na rin ang mga kaibigan namin.Dahil bigla na lang siyang nanghina at kamuntikan ng bumagsak sa lupa pagkatapos ng kasal, pagkalabas mismo ng simbahan, mabuti na lang agad siyang nahawakan ni Zyro at Vincent. Kinasal ulit kami, kasama ang kanyang mga barkada o tinatawag na kasalan ng bayan pero ang ginawa namin ito daw kasalan ng mga magkakaibigan na kung saan lahat sila na mga barkada na may mga asawa na ay papakasalan nila ang mga asawa nila every year, idea ito ng asawa ko na papakasalan niya ako taon-taon at ng malaman ng kanyang mga kaibigan kaya ginaya na rin nila ito.Rason naman ng mga kuripot na magbabarkada, kasama na ang asawa ko ay para hindi masayang sa gastos kaya para isahan na lang ang handaan kaya dapat all in one ang theme ng kasal nila. Hindi man sobrang bongga ng kasal ang mahalaga ay na

  • The Last Petal    CHAPTER 79

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Pagkatapos kung manganak kay Hope at mga ilang buwan ay nagpaalam ako sa asawa ko na uuwi muna ako sa bahay, gustuhin niya man na samahan ako ay sinabi ko na lang, na siya na muna ang magbantay kay baby. Mabuti na lang at pumayag, gusto ko kasi munang makausap ang mama ko, isa pa. Namimiss ko na rin siya ng sobra. Kung kaya niyang hindi ako tiisin na hindi kausapin ay paano naman ako? Hindi ko nga kaya na hindi siya makita ng isang linggo ay nagwo-worried na ako. Paano pa kaya ang ilang araw na hindi ako makakauwi ng bahay. Kahit nasa bahay lang ako at hindi niya ko pinapansin ay ayos lang basta makita ko lang siya ay mapapanatag na ako. Para hindi mag-alala ang asawa ko at makakarating ako sa bahay na safe kaya nagpahatid ako sa driver namin. Pagkarating ko sa bahay namin ni mama ng bandang seven na ng gabi, sana nandito na siya dahil ayon kay manang Bela kanina sa text na umalis daw si mama. Pagkababa ko ng sasakyan ay inayos ko muna ang sari

  • The Last Petal    CHAPTER 78

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Karga-karga ni Carlos ang anak namin habang hawak naman niya ang kanang kamay ko pababa ng hagdan. Nilalaro ng anak namin ang buhok ng daddy niya ang ilong ng asawa ko gamit ang maliit niya na kamay. "Da.. dad.. dad.. ad," ani ni Hope habang panay bungisngis na pinugpog niya ng halik ang ilong ng daddy niya na kinurot. Nagmana sa akin ang anak ko sa pakikialam sa ilong ng asawa ko. Wala naman siyang reklamo kaya lagi kong pinapakialaman hanggang na sanay na rin. Matangos kasi ang ilong niya kaya nakaka-adict minsan. Kaya ang anak namin na si Hope ay namana ang ilong sa ama niya at kulot ng buhok and overall sa akin na namana. Pababa pa lang ng hagdan ay nagtataka lang kami dahil nakabukas ang ilaw sa sala at kusina at may umiingay. Maya-maya ay nakarinig kami ng mga bata na nagtatawanan. Pagkarating namin sa baba ay agad kaming nagtungo sa kusina at nang makita kung sino ang mga naroon na gising pa. Yung mga catering nakauwi na eh kanina pa, pagka

  • The Last Petal    Chapter 48

    CARLOS JASPER JR. "Are you sure? You want to do this?'' tanong ni Samson sa akin. Nasa opisina niya ako nakatambay ngayon, kasama sina Vincent at Domingo at hindi kasama ang mga asawa. Nasa Bohol si Dinnes dahil may binisita lang na kamag-anak kasama ang anak at asawa nito. They are my highscho

  • The Last Petal    Chapter 45

    "Mabuti at naisipan mo pa akong puntahan dito?" unang bungad ni mama pagkarating namin dito sa selda. "Mam–" tumikhim ako at hindi na tinuloy ang pagtawag sa kanya na mama dahil agad niya akong tinaliman ng tingin. Kahit ngayon, ayaw niya pa rin na tinatawag ko siya na ina. Nasa likuran ko lang

  • The Last Petal    Chapter 43

    Nasa kwarto ng hospital ang mahal ko at kasama ang mga asawa ng mga kaibigan ko ngayon, hindi pa siya lubusang gumagaling kaya namalagi kami dito. Nag-iisip ako ng lugar kung saan pwede naming maging bakasyunan. Kung saan unti-unti niyang makalimutan ang malagim na nangyari sa kanya. Ayoko muna

  • The Last Petal    Chapter 36

    Ako. Ako ang pinaka maswerte na tao sa buong mundo kapag nag-kaayos na kami ni mama. Yung siya ang magdadala sa akin sa mga kamay ni Carlos. Siya yung magsasabi na ingatan mo ang anak ko. Siya ang unang makakalam kapag magkakaroon na siya ng apo. Kailan kaya yun? May pag-asa pa ba na maging magkaa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status