Share

Chapter 06

Author: ROSENAV91
last update publish date: 2026-03-12 08:37:33

Clovett POV

Pagbukas ng kwarto namin ay bumungad sa amin ang single bed, sa tangkad at laki ng katawan ng kasama ko, kasya naman siguro ako sa sahig.

"Diyan ka na matutulog, ako na sa sahig dahil sanay na ako." sabi ko habang tinatanggal ang sandal ko na medyo may kalumaan na.

"Ha? Bakit diyan ka matutulog?" tanong niya habang nililibot din ng tingin ang kabuuan ang kwarto namin.

"Kasi nga, sanay na ako sa matigas na higaan at dahil hindi ka naman siguro sanay ay ikaw na ang matulog sa kama." paliwanag ko.

"Ay hindi pwede yan miss, ako na lang ang matulog sa sahig at ikaw na dito sa kama. Hindi kaya ng konsensya ko na babae ang pinapatulog sa sahig," sabi nito kaya hindi kami nito matatapos at makatulog na dahil hindi pa kami nakapag desisyon.

"Di bale na nga, bahala ka matutulog na ako," sabi ko at humiga na sa sahig na nilatagan ko lang ng extrang damit ko na ginamit pa kahapon. "Ahh… palaka," sigaw ko dahil bigla niya akong binuhat na naka bridal style. "Bitawan mo nga ako!" sabi ko dahil nanggugulat na naman ang lalaking ito.

Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama.

"Ito na, yan.. diyan ka matutulog at final na yan." saad nito.

Bumangon ako at kinuha ko ang dalawang unan at nilagay sa gitna ng kama.

"Yan diyan ka, ako dito." ani ko at nahiga na dahil yon ang sabi niya. Ayoko ng makipagtalo pa.

"Good girl," sabi niya lang at naramdaman ko na lang ang paggalaw ng kama. Nakatalikod ako sa kanya dahil nahihiya ako lalo at matutulog kami sa iisang kwarto at ito ako hindi man lang nakapag bihis ng damit.

Hinayaan ko na lang ang sarili ko na lunurin ng kadiliman dahil nga siguro sa antok na antok na talaga ako ngayon at pagod.

"Goodnight miss," huling salita na narinig ko sa kanya bago ako lamunin ng kadiliman.

Ang sarap ng tulog ko, sa buong buhay ko nakatulog rin ako sa masarap at malambot na kama. Para akong nakahiga sa cotton balls at hindi masakit sa likod kapag gumugulong-gulong pa ako.

Bigla akong tumigil sa kakagulong sa kama.

Dinilat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang puting kisame.

Napakurap ako dahil may naalala.

Wait lang, may kasama ako kagabi. Katabi ko pa nga. Saan na kaya yon? Umuwi na ba at iniwan ako rito. Bahala siya total nabayaran naman nya ang pagstay ko dito. Di ba? Sana lang, paano pala kung tumakas siya?

Pero paano ako nito, wala akong pamalit na damit. Hanggang wala pa akong pera na maiabot kay mama ay hindi ako makatungtong sa pamamahay namin tapos ako pa ang magbabayad ng tinutulugan ko ngayon? Pero...

Maya-maya ay may narinig akong humihilik sa baba. Nanlaki ang mata ko at umurong sa dulo ng kama kung saan banda ang narinig ko na hilik.

Hindi nga ako nagkamali at nandito ang kasama ko kagabi. Nakanganga habang ang dalawang kamay ay nasa kanyang dibdib at ang unan ay nasa tiyan niya nakalagay banda.

Bakit nandyan na siya? Hindi ba siya komportable na dito matulog sa kama kaya siya nariyan?

Kumilos siya kaya dali-dali akong bumalik sa paghiga, at pilit na pinipikit ang mga mata, ilang segundo ang lumipas na wala ng ingay kaya idinilat ko na ang mata ko.

Dumapa ako sa kama at sinilip ulit ang lalaki sa baba. Ngunit nanlaki na lang ang mga mata ko na gising na ito at nagtama ang mga mata namin.

Dahil sa wala na akong kawala kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

"Uhmm..good morning? Gising ka na pala. B-bakit ka pala nandiyan?" Inosente kong tanong sa kanya.

Umupo ito at akala ko tatayo na papunta sa banyo o sa labas na bigla na lang itong dumampa sa kama na bakante.

"Ibang klase ka palang matulog," aniya.

"Huh? Anong sabi mo?" tanong ko na naguguluhan. Anong ibig niyang sabihin? May ginawa ba ako na hindi ko alam habang natutulog?

"Ang kulit mong matulog, paharang-harang ka pang nalalaman tapos nagte trespassing ka naman pala—"

"Ano?" Aamabahan ko siyang susuntukun pero pinigilan ko na lang at baka makasuhan ako dahil sa pananakit sa kanya.

"Ilang beses na akong nahulog dahil sa likot mong matulog," aniya habang nakadapa parin at nakapikit ang mga mata.

"Wee... di nga, bakit paggising ko nasa ganong ayos pa rin ako kung paano ako nahiga kagabi, tahimik lang kaya ako kung saan ako natutulog. Feeling ko nga naka estatwa lang ako eh dahil first time ko na may katabi ako, baka... Baka ikaw talaga ang magulo matulog kaya kaya ka nahulog no," pasaring ko pa. Aba, malay ko ba kung anong ginagawa ko eh tulog nga ako, pero of course gusto ko namang ipagtanggol ang sarili ko.

"Tsk, akala mo lang yon. Halos sinisipa mo na nga itong mukha ko, sa kakausog ko sa kama sa sahig ang bagsak ko." dagdag niya pa.

"Di nga? Totoo?"

"Totoo nga, hindi bagay sa'yo ang single bed dahil hindi mo na lang namamalayan nasa sahig kana pala kinabukasan. Ouch, ang sakit nga ng balakang ko eh. aray...aray..." bumangon ako para matingnan siya. Mukhang masakit nga ang pagbagsak sa kanya, kawawa naman, baka ma-ospital at makulong na talaga ako. Ang dami ko ng utang sa kanya.

"Hala sorry, hindi ko alam na ganon pala ako matulog, akala ko hindi ako malikot eh. Huwag kang mag-alala total last na naman natin itong matutulog tayo sa iisang kama, kaya, pagpasensyahan mo na ako." ani ko sa kanya. Nilambingan ko pa ang boses ko kahit ayoko.

Siguro nga malikot akong matulog kasi minsan kapag natutulog ako sa kusina sa mahabang upuan na kahoy sa amin doon ay nagigising na lang ako ng madaling araw at nasa sahig na ako natutulog.

Hindi ko man lang naramdaman ang pagbagsak ko.

"Akala mo lang yon." rinig ko na bulong niya.

"Ha?"

"Wala, ang sabi ko inaantok pa ako." Reklamo pa niya kaya natataranta ako.

"Hala anong oras na baka ma extend tayo dito, wala na akong pambayad," bigla tuloy akong kinabahan.

"Don't worry, ako nga ang bahala, matulog ka muna pero please lang wag ka nang malikot matulog para hindi na ako mahuhulog."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Last Petal    Wakas

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Life teaches us a lesson, never give up. Just surrender everything sa Panginoon. Hindi naman talaga ang sakit ang papatay agad sa atin kundi ang walang tiwala sa sarili natin. Kapag nawala ang tiwala at pananalig mo sa'yong sarili ay doon na mismo susuko ang puso mo, doon na mismo susuko ang katawan mo pero kapag ikaw ang klase ng taong matindi ang pananalig ay walang imposible na bigyan ka pa ng another chance to live. Another chance to smile. Another chance to breathe sa mundong ito and another chance na makasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Pero minsan kung saan ayaw mo pang magpaalam saka naman na hindi mo na siya masisilayan kailan man. Masakit sa kalooban na sa isang iglap, iiwan ka lang ng taong mahal mo. Iiwan ka ng taong nilaanan mo ng hanggang pagtanda kayo pa rin ang magkasama. Masakit… sobrang masakit yung pakiramdam na paggising ng umaga, hindi mo na siya makikita, hindi kasama sa isang kama, yung mga ngiti niya, yung mga titig niya at hi

  • The Last Petal    CHAPTER 82

    CARLOS JASPER JR POV:Pinasok muna ng asawa ko sa loob ng kwarto para itago sa banyo ang mga haircut tools sa paggupit ng mga buhok naming dalawa.Naming dalawa...My little miss, ang mahal ko na handang dumamay sa akin. Na parating nasa tabi ko para umaalalay, ang mahal ko na kayang gawin para hindi lang ako maiwang mag-isa sa laban, lalo na dito sa sakit ko. I didn't expect na gagawin niya ito. Hindi ko inaasahan na pati paggupit ng buhok ay gagawin niya. My little miss is so brave and pretty. Hindi ako nagkamali na planuhin na mapa sa akin siya. Kasi talagang sa akin siya ibinigay at itinadhana.Salamat ama. Ngayon, pareho na kaming semi-kalbo. Pero halos kinalbo ang buhok ko dahil sa marami ng natatanggal na buhok. Nagpakalbo ang asawa ko dahil sa pagmamahal niya sa akin.Minsan tinatanong ko ang Panginoon kung bakit ako pa ang nagkaroon ng sakit ng ganito, ang samang tao ko ba kung bakit naranasan namin ng mag-asawa ang mga bagay na ito. Hindi lang ako, pati ang pinakamamahal

  • The Last Petal    CHAPTER 81

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POVHabang nag-uusap kami ni mama ay naramdaman ko na lang na may pumipisil sa aking palad at ng tiningnan ko iyon ay gumagalaw na ang mga daliri ng mahal ko, agad tumawag si mama ng nurse para tingnan ang asawa ko.Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at napangiti ako na nakita ko siyang gising na."Asawa ko!" malambing na tawag ko sa kanya. "Do you still remember me? You're little, Miss?" mas lalong lumapad ang ngiti ko na makita siya paano magresponse ulit ang kanyang katawan at iyon ang pagpisil niya sa aking mga palad."What do you want—" hindi ko na natuloy ang itatanong ko sa asawa ko dahil pumasok na ang tatlong nurse kasama si mama, si Hope ay karga ngayon ng kanyang Yaya na si manang Nina. Nasa gilid lang ako ng kama ng asawa ko para panoorin siya na sinusuri at minomonitor ang vital statistics at iba at para hindi ako mawalay sa kanyang paninitig, hanggang sa natapos na ang nurse at babalik na lang mamaya about sa result. "Daddy!" tawag ni Hope sa

  • The Last Petal    CHAPTER 80

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POVSa araw ng pang limang kasal namin ni Carlos ay imbis sa Singapore ang punta namin para sa honeymoon ay sa hospital ang bagsak naming mag-asawa ganun na rin ang mga kaibigan namin.Dahil bigla na lang siyang nanghina at kamuntikan ng bumagsak sa lupa pagkatapos ng kasal, pagkalabas mismo ng simbahan, mabuti na lang agad siyang nahawakan ni Zyro at Vincent. Kinasal ulit kami, kasama ang kanyang mga barkada o tinatawag na kasalan ng bayan pero ang ginawa namin ito daw kasalan ng mga magkakaibigan na kung saan lahat sila na mga barkada na may mga asawa na ay papakasalan nila ang mga asawa nila every year, idea ito ng asawa ko na papakasalan niya ako taon-taon at ng malaman ng kanyang mga kaibigan kaya ginaya na rin nila ito.Rason naman ng mga kuripot na magbabarkada, kasama na ang asawa ko ay para hindi masayang sa gastos kaya para isahan na lang ang handaan kaya dapat all in one ang theme ng kasal nila. Hindi man sobrang bongga ng kasal ang mahalaga ay na

  • The Last Petal    CHAPTER 79

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Pagkatapos kung manganak kay Hope at mga ilang buwan ay nagpaalam ako sa asawa ko na uuwi muna ako sa bahay, gustuhin niya man na samahan ako ay sinabi ko na lang, na siya na muna ang magbantay kay baby. Mabuti na lang at pumayag, gusto ko kasi munang makausap ang mama ko, isa pa. Namimiss ko na rin siya ng sobra. Kung kaya niyang hindi ako tiisin na hindi kausapin ay paano naman ako? Hindi ko nga kaya na hindi siya makita ng isang linggo ay nagwo-worried na ako. Paano pa kaya ang ilang araw na hindi ako makakauwi ng bahay. Kahit nasa bahay lang ako at hindi niya ko pinapansin ay ayos lang basta makita ko lang siya ay mapapanatag na ako. Para hindi mag-alala ang asawa ko at makakarating ako sa bahay na safe kaya nagpahatid ako sa driver namin. Pagkarating ko sa bahay namin ni mama ng bandang seven na ng gabi, sana nandito na siya dahil ayon kay manang Bela kanina sa text na umalis daw si mama. Pagkababa ko ng sasakyan ay inayos ko muna ang sari

  • The Last Petal    CHAPTER 78

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Karga-karga ni Carlos ang anak namin habang hawak naman niya ang kanang kamay ko pababa ng hagdan. Nilalaro ng anak namin ang buhok ng daddy niya ang ilong ng asawa ko gamit ang maliit niya na kamay. "Da.. dad.. dad.. ad," ani ni Hope habang panay bungisngis na pinugpog niya ng halik ang ilong ng daddy niya na kinurot. Nagmana sa akin ang anak ko sa pakikialam sa ilong ng asawa ko. Wala naman siyang reklamo kaya lagi kong pinapakialaman hanggang na sanay na rin. Matangos kasi ang ilong niya kaya nakaka-adict minsan. Kaya ang anak namin na si Hope ay namana ang ilong sa ama niya at kulot ng buhok and overall sa akin na namana. Pababa pa lang ng hagdan ay nagtataka lang kami dahil nakabukas ang ilaw sa sala at kusina at may umiingay. Maya-maya ay nakarinig kami ng mga bata na nagtatawanan. Pagkarating namin sa baba ay agad kaming nagtungo sa kusina at nang makita kung sino ang mga naroon na gising pa. Yung mga catering nakauwi na eh kanina pa, pagka

  • The Last Petal    Chapter 48

    CARLOS JASPER JR. "Are you sure? You want to do this?'' tanong ni Samson sa akin. Nasa opisina niya ako nakatambay ngayon, kasama sina Vincent at Domingo at hindi kasama ang mga asawa. Nasa Bohol si Dinnes dahil may binisita lang na kamag-anak kasama ang anak at asawa nito. They are my highscho

  • The Last Petal    Chapter 45

    "Mabuti at naisipan mo pa akong puntahan dito?" unang bungad ni mama pagkarating namin dito sa selda. "Mam–" tumikhim ako at hindi na tinuloy ang pagtawag sa kanya na mama dahil agad niya akong tinaliman ng tingin. Kahit ngayon, ayaw niya pa rin na tinatawag ko siya na ina. Nasa likuran ko lang

  • The Last Petal    Chapter 43

    Nasa kwarto ng hospital ang mahal ko at kasama ang mga asawa ng mga kaibigan ko ngayon, hindi pa siya lubusang gumagaling kaya namalagi kami dito. Nag-iisip ako ng lugar kung saan pwede naming maging bakasyunan. Kung saan unti-unti niyang makalimutan ang malagim na nangyari sa kanya. Ayoko muna

  • The Last Petal    Chapter 36

    Ako. Ako ang pinaka maswerte na tao sa buong mundo kapag nag-kaayos na kami ni mama. Yung siya ang magdadala sa akin sa mga kamay ni Carlos. Siya yung magsasabi na ingatan mo ang anak ko. Siya ang unang makakalam kapag magkakaroon na siya ng apo. Kailan kaya yun? May pag-asa pa ba na maging magkaa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status