LOGIN"Kumusta ang girls bonding niyo ng mommy?" Binalik ko ang atensyon sa kanya. Inilagay ko ang kaliwang kamay ko sa may ulo niya para masuklay ito habang patuloy siyang nagmamaneho ng mabagal na para bang ninanamnam namin ang simoy ng hangin dahil binuksan niya ang bintana ng sasakyan ayon na din sa gusto ko. "Masaya, sobrang masaya. Ganun pala ang feeling. Paano na lang kapag kasama mo ang nanay mo? Alam ko na hindi ko siya kaano-ano at hindi kami kadugo pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Ganun pala ang pakiramdam, kahit minsan hindi ko inakila na sana ang totoong mama ko rin ang kasama ko kanina pero ganun talaga, hindi pa gusto ng tadhana na mangyari yun sa buhay ko. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa dahil naniniwala ako na mangyari rin yan sa buhay ko." sabi ko sa asawa ko na nakikinig lang sa akin. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na hinapit niya ako sa aking batok at siniil ng banayad na halik sa mga labi habang mapupungay ang mga matang nakatitig sa akin pagkatap
CLOVETT SALMIGAN POV: "Anong nangyayari sayo?" tanong ko habang nasa labas pa siya ng salon na pinuntahan namin ni mommy. Hindi siya pumasok at panay lang ang titig sa akin. Ako lang naman ito. "You look beautiful too with your new hair color, little miss!" ngiting sambit niya. Gusto kong itago ang kilig pero hindi ko naman mapigilan kaya napapangiti ako dahil sa saya. Akala ko pangit sa akin itong napili ni mommy na kulay para sa buhok ko pero dahil sabi niya na maganda daw yun kaya napa oo naman ako, mabuti na lang nagustuhan ng asawa ko. Kulay golden brown. "Inlababo kana sakin niyan?" sabi ko habang nakangiti. Hinapit niya ako sa aking bewang para magtagpo ang mga katawan namin. "May kulay man o wala, patay na patay ang pagmamahal ko sayo, little Miss." bulong niya sa kaliwang tenga ko na nakapag kiliti sa akin. "So cheezzyy Mr. Big." "Mr. Big? Hmmm… love it. May endearment kana rin para sa akin, huh?" ngiting-aso niya. "Syempre…sobrang big kasi ang pagmamahal mo sa a
Ilang minuto na paghihintay ay nakita ko nga ang nanay ni Clovett na bumaba sa tricycle. Mabuti at maaga siya ngayon nakauwi. Bumaba ako ng sasakyan para salubungin siya. Kita naman ang sasakyan ko kaya alam niya siguro na may tao na naghihintay sa kanya. Pagkarating ko sa harapan niya ay bigla pa siyang nagulat dahil sa pagsulpot ko. "Magandang hapon po ma'am!" bati ko. Nilingon niya lang ako ng isang beses at diretso na ang pasok sa loob ng bakuran nila, may nakaharang kasi na bakod doon na gawa sa kawayan. "Excuse me po ma'am, pwede po ba kayong makausap kahit isang minuto lang po?" matalim ang mata na iginawad niya sa akin. Ngumiti ako hindi dahil hindi ako gumagalang sa nakakatanda kundi kahit saang anggulo ay masasabi ko na nanay talaga siya ni Clovett dahil ganito rin ang little Miss ko kung makatingin kapag ayaw na nila ng kausap o naiinis sila sa kausap. "Nagsasalita ka na! Bakit hindi mo pa agad sinabi kung ano man yang pakay mo? Pangiti ngiti ka pa diyan." pagalit niy
CARLOS JASPER JR. "Are you sure? You want to do this?'' tanong ni Samson sa akin. Nasa opisina niya ako nakatambay ngayon, kasama sina Vincent at Domingo at hindi kasama ang mga asawa. Nasa Bohol si Dinnes dahil may binisita lang na kamag-anak kasama ang anak at asawa nito. They are my highschool friends except Domingo na kaklase ng asawa ng bestfriend ko na si Devi Valentino. Yung bestfriend ko na yun walang paramdam simula nung umalis sila papuntang Italy. Tsk. Bakit ko ba siya namimiss eh hindi naman ako namimiss ng Ulap na yon. "Oo nga, paulit-ulit naman ito." singhal ko sa gagong ito. "May tatanggap ba sa atin ng ganyan, lalo at kilala tayo na may kaya sa buhay tapos gusto natin ng magpa-libre, ginagago mo yata ako pre," binato ko sa kanya ang tissue na nakapatong na nasa mini table sa may sala. Hindi ko kasama ang mahal ko kasi kasama ngayon ni mommy, may pupuntahan daw sila na hindi kami pwedeng isama ni dad, girls talk and bonding daw. Tsk. "Try lang naman… isa pa nat
"Ok-" tanging sagot ni sir Nixton. "Ito na ba yung sinabi mo na magstastay ka?" Tanong niya sa akin."Ay oo nga pala, salamat, sir… uhmm.. sir." Hindi ko alam kung ano na ang itatawag ko sa kanya. Kahit na sinabi niya na totoong pangalan na lang n'ya ang babbangitin ko pero dati pa yon, yung ikinasal ang pangalang Shemaia at Devi."Sir? Parang ang tanda ko na yata niyan.""Bakit hindi ba?" panghuhuli ko. Natawa ito dahil sa sinabi ko."Matanda lang ako sa'yo ng ilang taon pero hindi naman nalalayo ang edad natin."Ok-" tanging nasabi ko. "Salamat pala sa paghatid sa akin. Magkano ang babayaran ko?" Tanong ko, malay mo nagpapabayad pala siya at yun na lang ang hinihintay sa akin.Pero isang pitik lang sa noo ang natanggap ko, mabuti at mahina lang naman pero natampal ko pa rin siya. "Sa asawa mo na lang ako maniningil." tumango ako."Salamat talaga… uhmm… baka gusto mo ng coffee, milktea o any drinks po. Libre ko." sabi ko habang nakangiti. Nasa labas na ako ng sasakyan at dahil may
CLOVETT SALMIGAN POV: Binilisan ko ang paglalakad para makasakay na ako ng taxi. Mabuti na lang at may paparating sa gawi ko. Pero bago pa ako makapara ay may humablot na agad sa braso ko. "Where do you think you're going?" aniya. Hindi ko siya pinansin at pumara pa ulit ng taxi pero bigo ako dahil may kasakay. "Wait! Saan ka pupunta? Nasa parking area pa ang sasakyan natin!" nagulat siya dahil sa biglaan kong paglingon. Matalim ko siyang tinititigan. "Bakit nandito ka pa? Puntahan mo doon yung babaeng panay love sa'yo." sabi ko sa galit na boses. "Huh? Nandito sa harapan ko ang love ko." mas lalo akong nanggagalaiti na tumingin sa kanya. "Did I do something wrong? Nagtatampo ka ba dahil matagal akong nakabalik?" ito talagang lalaking ito, ang bagal makuha ang pinupunto ko. "Hindi ka ba nakakaintindi! Puntahan mo ang syota mo sa loob. May babae ka pala tapos hindi mo man lang sinabi para naman sana makantahan ko kayong dalawa ng congratulations!" singhal ko sa kanya







