Share

CHAPTER FIFTY FOUR

MAGKAGAYUNMAN kahit hindi pa rin niya nagustuhan ang naging desisyon ni Mavy na ibalik na sila ni Kendra sa totoong katawan nila ay nire-respeto naman niya ang naging desisyon ng binata.

"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Mavy nang makita niyang tumayo na si Selena mula sa pagkakaupo sa nakausling bato.

"Eh, ano pa nga ba, uuwi kasama mo," nakangiting bigkas nito.

"Good! masaya ako at naiintindihan mo ako. Salamat Selena, hayaan mo kahit na nagkapalit na kayo ng asawa ko ng katawan ay hindi ko naman kakalimutan na ina ka ni Troy," wika naman ni Mavy na tinapik-tapik pa ang balikat ng babae.

"About that, may aaminin ako," kinakabahan niyang sabi. Nagpatuloy na sila sa paglalakad pabalik sa mansyon.

"Ano iyon... aamin ka na ba na hindi ko talaga anak si Troy. Dahil ang totoo, si Gio. Siya ang nakatalik mo noon..."

Tumango naman si Selena, wala talaga siyang maitatago sa lalaki.

"Paano mo nalaman n-na siya ang ama ng dinadala ko?" tanong niya rito.

"Naramdaman ko lang at napatunayan niyon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status