Share

CHAPTER FIFTY THREE

NANG imulat ni Vivian ang mga mata ay tila kay bigat ng ulo niya.

"A-anong nangyari?" nanghihina niyang usal kasabay ng pagtayo niya sa kama.

Natigilan siya nang matunghayan niya ang nasa tabi niyang si Kendra na nanatiling nakahiga at nakapikit.

"B-bakit mo gamit ang katawan na iyan! akin iyan!" hysterical niyang sigaw at agad na nilapitan ang nakahigang babae.

Niyugyog niya ito upang magising ito. Naalimpungatan naman si Kendra at nang mapagsino ang umiisturbo sa kanya ay agad niyang tinabig ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

"Ano bang problema mong babae ka!" inis na rin niyang sabi.

Kitang-kita niya ang panlilisik sa mata nito. Mayamaya ay tuluyan din siyang naestatwa nang magtugma ang nasa isip nila.

"Bakit iba na ang itsura mo? Ibig bang sabihin ay..." Hindi na niya tinapos ang sasabihin dahil mabilis na siyang nagtatakbo palapit sa tokador ng malaking salamin.

Na-speechless siya dahil bumalik na pala siya sa tunay niyang katawan!

Ramdam na niya ng ipinagkaiba sa katawan na
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status