Share

CHAPTER FOURTY SIX

NANG magising naman si Vivian kinabukasan ay hindi kaagad siya nakabangon dahil sa sobrang sama ng pakiramdam niya. Dala yata iyon ng pagbubuntis niya.

Agad siyang napatakbo mula sa kama hanggang sa banyo ng silid niya at nagduwal ng diretso sa bowl. Halos yumukyok siya roon at hirap na hirap sa nangyayari sa kanya ngayon.

Mayamaya ay naramdaman niya ang paghimas ng kamay sa may likuran niya. Nang balingan niya kung sino iyon ay si Mavy pala iyon.

"Ayos ka na ba?" tanong nito na may concern sa tinig.

Tumango naman si Vivian,"Medyo nahihilo pa ako pero ayos na ako Tim. Siya nga pala h-hindi pa pala ako nakakagawa ng breakfast," ani niya.

"No worries, starting today ay bahala na ang mga katulong sa pagluluto rito. Unahin mo muna ang sarili mo, tara na samahan na kitang mahiga uli sa kama. After that, mag-aakyat ako ng pagkain para makakain ka," masuyo naman tugon ni Mavy.

Tumango naman si Vivian at matipid na nangiti, ewan niya pero kinikilig na siya sa ipinapakita ng lalaki sa kanya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status