Share

CHAPTER 11

Naputol ang pakikinig ko dahil bumulong na naman sa akin si Catleya.

“Oh bakit natahimik ka diyan. Na gwapuhan ka din noh, tama ako—ang dami ngang gwapo ngayon dito sa bayan.”

“Shh, tumigil ka nga. Baka marinig ka.” saway ko sa kaniya.

Ngumiti na lang si Catleya pero halata pa rin na inaasar niya ako kaya hindi ko na lang siya masyadong pinansin.

Pinilit ko din na hindi na makinig sa naging pag uusap nung tatlong tao sa may likuran ko hanggang sa malapit na kaming makasakay.

"Oh, wala ka bang kasama sa pagsakay? " Tanong nung lalaki na nagma-manage ng mga sasakay sa ferries wheel doon sa isang lalaki na nasa harapan namin.

"Wala ho." Sagot nito.

"Oh Miss, ikaw na ang sumabay dito." Sabi pa nung matandang lalaki at tinuro niya si Catleya.

Kailangan kasi ay dalawang tao ang nakasakay sa isang upuan ng ferries wheel para maging pantay. Agad na tinuro ni Catleya ang sarili niya at kahit ako ay nabigla rin.

"Hala Kuya, si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status