Share

CHAPTER 20

LEIGH’s POV

          Kanina pa gising ang diwa ko at hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakahiga dito at hindi pa rin bumabangon. Hinihiling ko kasi na sana ay panaginip na lang ang lahat… na sana ay panaginip lang na nandito ako sa bahay ni Wayne, kaya lang, mukhang niloloko ko lang talaga ang sarili ko sapagkat ramdam na ramdam ko pa rin ang lambot ng kama na hinihigaan ngayon ng likod ko, idagdag pa ang pagka kumportable no’n. Wala naman akong ganitong kama sa bahay ko dahil simpleng papag lang ‘yun kaya kumpirmado, nandito talaga ako ngayon sa bahay ni Wayne.

Lihim na lang ako na huminga nang malalim saka ko na dahan-dahan na imunulat ang mga mata ko. Ang maganda at mukhang mamahalin agad na kisame ng malaking kwarto na ‘to ang agad na bumungad sa paningin ko.

‘Hindi nga ako nananaginip,’ hindi ko maiwasan na banggitin ang mga kataga na ‘yun sa mi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status