Share

Mistress in the making

“Seriously, Kristine? A cup of coffee? " Natatawang sabi ni Vince sa akin habang nakaupo sa couch dito sa condo at nanunuod ng TV.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Anong masama sa cup of coffee para sa unang araw ng trabaho kasama ang asawa ko aber?" Mataray kong saad habang inaabot sa kanya ang isang bowl ng chips. Pagkatapos ay umupo sa tabi niya.

Madali akong naging kumportable kay Vincent sa nakalipas na buwan. Mabait siya, matalino, mestiso, maginoo, although may pagkabastos! Anyway, alam ko namang TURN ON din yun para sa ibang girls diba? Masayahin din siya at makulit. Oh! And he is funny especially when he tells you corny jokes

Tumawa ulit ito bago nagsalita. "The mission is to seduce Adrian Lopez, not to try to look cute on your highschool crush!"  at tumawa nanaman siya.

I don’t get it." So?" Sabi ko.

"Anong so-so ka dyan? Listen sweetheart..." Simula niya at pumihit paharap sa akin kaya magkaharap na kameng nakaupo ngayon sa sofa.

"Don't call me sweetheart..." I interrupted. He chuckled and smiled.

"Then Kristine..." Sabi niya.

"I am not her!" I objected.

"I can't call you Maicah either!" sagot niya na tumatawa pa rin.

Nalukot ang mukha ko.

"Sweetheart will do..." Sabi ko.

"See? Im always right." Kumindat pa.

"Whatever! Ituloy mo na sasabihin mo." Sabi ko

"Listen, sweetheart. From Adrian's point of view, he is married. If you’re planning to get him back, you have to do way better than giving him a cup of coffee in the morning and making goo-goo eyes with him..."

Nalukot nanaman ang mukha ko.

"Then what should I do?" Sabi ko.

"Kasal ka na for 5 years pero hindi mo pa rin alam ang kahinaan ng mga lalaki? Especially ng asawa mo?" Sabi nya habang nakatingin sakin na para bang disappointed

Hindi ako umimik.

"Seduce him. Not by making him a cup of coffee. Sexually." sabi ni Vince. Nanlaki ang mata ko. Magagawa ko ba yun? Oo kasal na kame ni Adrian pero sobrang dalang namin magsex dahil sa dami ng trabaho! At kung nangyayari man yun simpleng missionary style lang at tapos na! So how am I supposed to seduce my own husband kung wala akong alam tungkol sa pang aakit?

"I dont know how..." Bulong ko. Nahihiya ako kase pakiramdam ko hindi ko pala nabibigyan ng satisfaction ang asawa ko noong nakaraang limang taon ng pagsasama namin.

But can you blame me? I was just a nerd back in college na tagapagmana ng malalaking kumpanya at lupain dito sa Cavite. Tapos isang araw na engage kay Mr. Handsome (Adrian) dahil sa merging ng mga kumpanya na pag aari ng mga pamilya namin. After a few months, ikinasal kame and… Boom! Instant na lahat. Instant bahay, lupa, yaman, at gwapong asawa. Don't get me wrong dahil the moment I laid my eyes on Adrian, na inlove ako.

Vincent smirked. At unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin na nagpabalik ng isip ko sa kasalukuyan. "I'll teach you how..." He whispered.

Unti-unting lumapit ang mukha ni Vince sa akin.

OMG! Hahalikan ba niya ko? Anong gagawin ko? Itulak ko ba? Halikan pabalik? STUPID MAICAH! Syempre itulak mo! May asawa ka na diba?

Pero habang nagiisip ng gagawin at iniintay ang paglapat ng labi niya sa akin, “Bakit parang ang tagal?” Sabi ko sa aking sarili. Minulat ko ang mga mata ko na sinalubong naman ng mga mata niya. Oo! Napapikit ako.

Mataman siyang nakatitig sa mga mata ko habang gahibla na lamang ang pagitan sa aming mga labi. Ilang minuto pa ang lumipas na nasa ganitong posisyon kame bago siya humagalpak ng tawa.

"Hahahahahaha! You should’ve seen your face! HAHAHA! I… Hahahahaha it’s priceless! Pumikit ka pa talaga hahaha! Namumula at nakahawak pa siya sa tyan niya habang eksaheradong tumatawa.

*Wooooooosh*

Hinampas ko ng unan.

"Hahahahahahahahahaha!" Patuloy pa rin niya.

*Woooooosh*

Hinampas ko ulit.

"Hahahahahahaha!"

*Woooooosh*

Hinampas ko pa rin ulit.

"Hahahahahaha!"

“Tangina naman tong lalaking to oh! Ligayang ligaya eh!” Aniya ko habang hinahampas siya ng unan.

Umamba akong hahampasin ulit siya ngunit bigla siyang huminto sa pagtawa at inawat ang kamay ko na may hawak na unan. Itinulak niya ako kaya napahiga ako sa couch at nasa ibabaw siya.

Seryoso ang mukha.

"Hoy! Vincent! Ano nanamang arte to?! Umalis ka na nga! Pinagtitripan mo na lang ako eh! Nakakarami ka na ha! Abusado to. Baka nakakalimutan mo may asa-" litanya ko na naputol ng biglang dumapo ang labi niya sa akin.

Hindi ako nakagalaw.

Wala akong naging reaksyon hanggang sa maghiwalay muli ang mga labi namin. Smack lang na medyo matagal yung halik. Hindi gumagalaw o ano.

Matapos ang halik ay ngumisi lamang siya at tumayo na.

"Ang... Ano... Yung... " Nauutal utal kong sabi. Diba mali to?

"That’s for hitting me three times..." Nakangisi pa rin ang loko habang naglalakad papuntang kusina.

"With a pillow? Seriously? You kissed me kase hinampas kita ng unan? C'mon! where's the justice in that?!" Naiirita kong sabi. Actually, hindi naman ako naiirita o galit. I just don't know how to react after 'that'. Yun kase ang unang beses na hinalikan niya ko matapos niya malaman na I’m not really Kristine.

"Uhm... Sorry, that’s the only excuse na naisip ko para mahalikan ka eh!" Naglalakad na siyang muli pabalik sa couch na may dalang dalawang basong juice galing sa kitchen.

What the?! Baliw ba to?!

Tinitigan ko lang siya.

"I can't help it. Kristine's face plus your jolly, funny, sweet, and everything attitude? Although you have some temper issues.” Pabiro nyang sabi. “C'mon! No one can resist that!" Sabi ulit nito habang namimili ng palabas sa TV at nakaupo sa tabiko.

"Im married." Tangi kong nasabi habang nakatingin sa TV at hindi sa kanya.

"Not until makuha mo ang mukha mo. Ang pangalan mo, asawa, at lahat ng inagaw sayo." sagot niya.

Hindi na ko umimik.

Parehas nalang naming itinuon ang aming atensyon sa palabas

Mamaya…

"Hello? Misty! Nasaan ka?" Sabi niya. Nilingon ko siya sa tabi ko. May kausap pala sa cellphone. Ibinalik ko na lamang ulit ang atensyon sa TV.

"Yeah, yeah. That's great! Kristine wants to learn dancing! Really?... See ya!" Narinig ko pang sabi niya sa kausap. Bigla ko siyang nilingon.

"What did you just say? That 'I' as Kristine wants to learn dancing?" Kunot noo kong paninigurado. Baka kase nabibingi na naman ako eh.

"Yes." Sagot niya at ngumiti.

"Noooo. I dont like that!" Tanggi ko.

"But you'll be needing that sweetheart." At kumindat sa akin.

OMG! Ano bang utak meron ang lalaking to? kung ano-ano naiisip! May maitutulong ba tong mga pinag gagagawa namin sa pagbawi ko sa asawa ko?!

Hinila nya ako galing sa sofa at pumunta kami sa sasakyan nya. We went to see Misty at her place. I had no choice but to follow Vince with whatever his plan is.

"Hi Kristy! We're going to have so much fun!" malanding sabi ng pinakilala ni Vince na si Misty. Iniikutan pa ko habang tinitingnan mula ulo hanggang paa. Tssk! Ano ba kaseng plano nang mga to sakin?

I heared Vince chuckled. "Im sure of that!" Sabi nito at kumindat kay Misty. Pinamulahan naman ng mukha ang huli. I rolled my eyes.

Maharooooot tong dalawa!

"Sige, gotta go! Ikaw na bahala sa kanya Misty ha." Bilin niya kay Misty. "I'll be back around 6’pm, okay?" Sa akin naman.

Tumango lamang ako. Mabilis naman itong tumalikod at lumakad palabas.

Teka. 6 PM ba ang sinabi niya?!

Pero 12 NN pa lang! Katatapos nga lang namin kumain bago pumunta dito eh! Iiwan niya talaga ako mag isa kasama ang babaeng to?!

*QWAARKK!!*

“What the F—”

Napukaw ang atensyon ko mula sa pag iisip.

PINUNIT NIYA ANG SUOT KONG DRESS!! Dating hanggang tuhod ang haba ngayon ay sobrang ikli na! Kapag tumuwad ako ng konti makikita na ang panty ko! Ano bang problema ng babaeng to?!

"Let's start!" Sabi lang niya ng nakangiti at pumasok sa isang kwarto.

Bagsak ang panga ko sa ginawa niya ngunit hindi niya iyon alintana.

"WHAT?! Follow me! Sayang ang oras kung nga-nganga ka lang dyan!" Lumingon siya ng maramdamang hindi pa rin ako kumikilos mula sa aking kinatatayuan.

Sinundan ko siya papasok sa isang kwarto. Maliit lamang iyon na may sofa chair sa buong gilid ng kwarto at isang bangko sa gitna. Maliban doon ay wala na halos itong laman. Sinarado at nilock niya ang pinto pagpasok ko. Pagkatapos ay pinatay ang ilaw. Sandaling nagdilim bago sumindi ang isang maliit na parang disco ball na naglalabas ng iba't ibang kulay ng ilaw. Hinila niya ako at inupo sa bangko na nasa gitna ng kwarto.

"I'll give you a lap dance. The rules are simple. Watch me carefully, don't break the eye contact, and feel me." Balewala niyang saad at ngumisi. Nakatayo siya sa harap ko suot ang sobrang ikling maong short at white sando na sobrang nipis kaya bakat ang pink lacy bra niya. Maganda naman si Misty, kung tititigang maigi maamo ang mukha nito at hawig kay Yassi Pressman.

May pinindot ito sa hawak niyang remote tapos ay inihagis kung saan.

Para saan ang remote?

Hindi nagtagal ay nasagot ang tanong ko ng nagsimula tumugtog ang isang kanta.

Now playing: EARNED IT by The Weeknd

Nakatalikod siya sa akin. Nagsimulang gumalaw ang bewang niya at umalog alog ang kanyang likuran

What the?!

Tapos humarap sa akin at yumuko upang humawak sa mga tuhod ko. Tanaw na tanaw ko ang mga 'papaya' niya mula sa pwesto ko. Mayygaaaad!  Gumigiling pa rin siya at nakatitig sa akin ng mapang akit.

Noooooo! Hindi po ako lesbian! Bakit ginagawa to ng babaeng to sakin?!

Tapos kumandong siya sakin at patuloy na gumiling. Kinuha pa niya ang kamay ko at pinaglandas sa katawan niya! Waaaaaaa! Hindi ko na ata kaya!

Maya maya ay bigla syang tumalikod habang nakakandong siya sa akin at bumukaka. Naramdaman ko ang mga balakang nya at pangupo na gumagalaw habang nakakandong.

Hindi pa siya nakuntento ay pimihit siya paharap sa akin habang nakakandong pa rin. Giling siya ng giling...

Sana po matapos na!!!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status