Share

Five

Cheska Yvonne.

“KAEL! KAEL! Putangina, lumabas ka diyan!” Sigaw ni Sir Gael sa labas ng kwarto ni Kael.

Hindi ko man siya makita alam ko na galit na galit ang kaniyang boses, sa lakas ng pagkalampag nito sa pinto ng kwarto nito ay para bang gusto niya itong sirain.

“Anong inga—” Hindi na tapos ang sasabihin ni Sir Kael ng sumalubong sa kaniya ang malakas na suntok ng kapatid. Sa hindi malamang dahilan kaagad na gumanti ng suntok si Sir Kael.

Sa suntukin nila nakarating sila sa Sala.

“Kael! Gael! Tama na!” Awat ni Ma'am Fiona ng bumagsak ang dalawa sa harapan niya na mahigpit na nakahawak sa kwelyuhan ng isa’t-isa.

“Ano bang problema mo, ah?!” Inis na sigaw ni Sir Kael sa nakakatanda niyang kapatid.

“Kung bumalik ka dito para sirain ang lahat ng pinaghirapan ko, ngayon pa lang magbalot-balot ka na!” Nag-aapoy sa galit na tugon ni Sir Gael.

Na alarma ang mga tao sa Mansion. Maging si Don Raphael ay napababa ng marinig ang away ng dalawa. Habang ako ay napako sa kainh kinatatayuan.

Nagpagulong-gulong silang dalawa habang sa pumaibabaw si Sir Gael kay Sir Kael.

“Wag na wag mo akong sinusubuan Kael! Matagal na akong nagtitimpi sa iyo. Baka sa pagkakataong ito makalimutan ko na kapatid kita!” Walang awa na pinagsusuntok ni Sir Gael ang sarili niyang kapatid, halatang-halata ang matinding galit nito sa bawat suntok na binibitawan.

“Tumigil na kayo! Gael, tama na!” Saway ni Don Raphael.

“Gael! Tumigil ka na!” Sigaw ni Fiona na umiiyak.

“Omg! Stop! Don't hurt my baby!” Maarteng sigaw ni Hazel.

Ilang beses itong sumigaw na tumigil na si Gael pero hindi ito nagpa-awat. Hahampasin na sana ni Don Raphael ng kaniyang tungkod si sir Gael pero agad naman akong lumapit sa kaniya at pinigilan siyang gawin ‘yon.

“Don Raphael, wag po. Tama na!” Pigil ko kay Don Raphael at pilit na nakikipag-agawan sa tungkod nito na handa ng hampasin si Sir Gael.

“Kumalma po kayo, Don Raphael..." Paki-usap ko sa kaniya dahil baka siya naman itong atakihin.

Nang magsawa ay tumigil na si Sir Gael sa pambubugbog kay Sir Kael. Tumayo ito at naglakad palabas ng bahay na para bang walang nangyari.

“Gael!” Tawag ni Ma'am Fiona sa asawa.

“Gael!” Muling tawag nito at sinundan palabas ng bahay.

“Sanggano!” Galit na sigaw ni Don Raphael kay Sir Gael.

Madalas ko itong marinig kay Don Raphael. Hindi ito ang unang beses na tinawag niya ng ganu'n si Sir Gael lalo na kapag umuuwi ito ng may pasa dahil madalas itong nakakahanap ng away.

Nakandusay sa sahig si Sir Kael at punong-puno ng dugo ang mukha nito. May lumalabas sa bibig ganu'n din sa ilong nito.

Hindi maalis ang mata ko kay Sir Kael na punong-puno ng dugo ang mukha. Naninikip ang dibdib ko na para bang hindi ako makahinga na makita siyang na sa ganu'ng kalagayan.

Mabilis na dinaluhan ni Hazel Sir Kael na mas lalong nakapagpasakit sa dibdib ko. Lumapit rin si Tiya Lolit para daluhan ito na maiupo sa sofa.

“Tumawag ka ng doctor, Cheska!” Madiing utos ni Don Raphael.

Nagmamadaling kinuha ko ang telephone at tinawagan ang number ng private doctor ng mga Hamilton. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa telephone.

“Good morning, Doc. Pinapapunta po kayo ni Don Raphael dito sa Mansion.—May emergency po—Opo. Ngayon na,—Sige po salamat.” Ibinaba ko na ang tawag.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang doctor at inasikaso na nito si Sir Kael. Wala namang serious damage sa kaniya ngunit kailangan niya ng pahinga

Gulong-gulo ako dahil hindi ko alam kung ano ang pinagtalunan ng dalawa at na uwi sa suntukan.

Hindi magagalit ng ganu'n si Sir Gael kung walang ginawang kalokohan si Sir Kael. Minsan ko na itong nakita na nagkagalit at nagpalitan ng suntok ng ipinagbubuntis ko si Yvan.

Naglalakad ako patungo sa kwarto ni Kael dala-dala ang isang tray na may lamang pagkain. Ako kasi ang inutusan ni Don Raphael na alagaan si Sir Kael habang nagpapagaling ito.

Sa akin rin ibinilin ng doctor ang mga gamot na dapat inumin nito ng malaman na isa akong nurse, hindi nga lang ako maka-graduate pero may alam naman ako kahit papaano at kaya kong gawin ang tungkolin ko.

Kaagad akong napatigil sa paglalakad ng marinig niya ang tili sa loob ng kwarto nito.

“Ano ba... Baby! May sugat ka oh... Ahhh! Hihi... Baby naman.” Boses iyon ni Hazel.

“Sugat lang ‘to. Isa lang...” Hirit naman ni Sir Kael.

Napayuko ako. Matinding lungkot ang bumalot sa akin na marinig ang landian ng dalawa. Aaminin ko na mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kaniya mula ng gabi na nakasama namin siya ni baby sa iisang kama. Naramdaman ko na isang buong pamilya kami pero hindi ko maikakaila na si Hazel ang kasalukuyan niya—Ang mahal nito.

Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. Sabay na napatingin si Hazel at Sir Kael sa akin.

Kaagad akong nagbaba ng tingin sa dalawa. Nakita ko kasing nakahiga sa kama si Sir Kael habang si Hazel naman ay parang nakapatong na ito sa kaniya kahit na naka-upo lang ito sa gilid ng kama.

“S-sir, dinalhan po kita ng pagkain, oras na rin para uminom ka ng gamot.” Mahinang sabi ko.

Suminyas naman si Sir Kael na ilagay ito sa bedside table kaya kaagad ko namang inilapag ang dala-dala ko.

“Iwan mo na lang diyan, ako na ang mag-aalaga kay Kael.” Tugon ni Hazel. Tumayo ito at naglakad papunta sa pinaglagyan ko ng pagkain.

Tango lang ang isinagot ko at naglakad na papalabas ng kwarto ngunit bago ko pa marating ang pinto ay muli kong tinapunan ng tingin ang dalawa.

Naka-upo si Hazel sa gilid ng kama at sinusubuan nito si Sir Kael. Kaagad akong umiwas ng tingin ng dumapo ang tingin ni Sir Kael sa akin. Naglakad na siya palabas ng kwarto at bumalik sa kusina para ibalik ang tray na dala niya.

Ako sana ang gumagawa no’n sa kaniya dahil ‘yon ang trabaho ko pero hindi ko na dapat pang gawin dahil merong Hazel na gagawa no’n para sa kaniya.

“Oo nga e, kasalanan naman talaga ni Sir Kael kung bakit na galit si Sir Gael.” Rinig kong sambit ni Pina ka-usap niya si Mikay.

“Kawawa nga si Sir Kael pero mas kawawa naman si Sir Gael.” Malungkot na saad ni Mikay.

Lumapit ako sa kinaruruonan ng dalawa para ibalik ang dala kong tray.

“Kamusta si Sir Kael?” Baling ni Pina sa akin.

“Ayos lang, mukhang wala lang sa kaniya ang ginawa ni Sir Gael.” May inis na sabi ko.

“Bakit ganiyan ang itsura mo?” Puna ni Mikay.

“Nandoon ang malditang girlfriend ni si Kael nu?” Dagdag pa ni Mikay.

Tango lang ang isinagot ko. Mahirap ng bumoses baka may makarinig kung saan pa makarating.

“Tingin ko, hindi na magkaka-ayos ang magkapatid na iyan.” Sigurado na sambit ni Pina.

“Ako, Oo!” Protesta ni Mikay.

“Wag ka ng umasa, wala ng pag-asa ang dalawang iyan!” Sambit ni Pina.

“Makapagsalita naman ito parang katapusan na ng mundo!” Na iinis na sambit ni Mikay.

“Malabo pero hindi impossible... Alam niyo... Bali-baliktarin man ang mundo magkapatid pa rin sila kahit na matindi ang galit nila sa isa't-isa, kapag nasa gipitan tingnan mo magiging kakampi at sandalan niyan ang isa't-isa ...” Napatingin kaming tatlo kay Tiya Lolit na nakatayo sa may pintuan.

“Bakit Tiya, naranasan niyo na rin po ba ang ganito?” Takang tanong ni Pina.

Tumango si Tiya Lolit. Lumapit siya sa kinaruruonan namin. Umupo ito sa kaharap na upuan kung upuan. Sabay-sabay kaming napatingin sa mayordoma habang naghihintay sa sunod na sasabihin nito. Interesado kami sa sasabihin niya na para bang may matutunan kaming aral.

“Anak ako sa unang asawa ni Nanay. Nag-asawang muli at nagkaroon ako ng kapatid. Pareho kaming babae... Madalas sabihin sa akin ni Nanay kapag may pinagtatalunan kami ay sinasabi niyang magpa-ubaya ako at maging mapag-bigay sa kapatid dahil ako ang panganay...”

“Iyong mga bagay na dapat ay para sa akin ngunit kapag gusto niya wala akong magagawa kundi ang magpa-ubaya... Mula bata hangang sa pagtanda ganu'n na ganu'n palagi ang sinasabi ni Nanay sa akin. Hangang sa ang nobyo ko ay ang lalaki ring iniibig ng kapatid ko. Doon nagsimula ang matinding away sa pagitan namin ng kapatid ko, sinasabi kong sawang-sawa na akong maging mabait at magpa-ubaya para sa kapatid ko...”

“Ginawa ko ang lahat para ipaglaban ang pagmamahalan namin habang ang kapatid ko naman ay ginagawa ang lahat para agawin nobyo ko sa akin... Sa panahong iyon ako ang dihado dahil wala akong kakampi dahil nasa likod niya si Nanay at ang Tatay niya. Sa gitna ng away namin ay namatay ang Tatay niya, tiniis ko na wag siyang damayan pero ng si Nanay ay inatake sa puso... Kahit anong sugat at sakit ang bumakas sa puso ko hindi ko nagawang tiisin si Nanay, sa pagkakataong iyon magkasundo kaming dalawa at iisa ang gusto ang maipagamot si Nanay.”

“Sa huli, nagsawa na ako sa gulo naming magkapatid hangang sa mas pinili kung magpaka-ate para sa kaniya at bilang isang Ate ay nagpa-ubaya ako at sa panahong iyon ay sawa na rin siyang makipag-agawan sa akin, handa na niyang kalimutan ang nobyo ko... Wala kahit isa sa amin ang nakatuluyan nito... Dahil ikinasal ang lalaking pareho naming minahal sa pinsan naming si Lydia.”

“Nagka-ayos kaming magkapatid, kinalimutan ang nakaraan, nagsimulang muli... Ginawa namin ang lahat para kay Nanay pero katawan na nito ang sumuko hangang sa tuluyan na siyang bawiin sa amin, nilisan niya ang Mundo na may ngiti sa labi dahil ang dalawa niyang anak ay nagkabati... Mula noon ang isa't-isa ang karamay namin... Sa kabila ng lahat ng nangyari ay nanaig pa rin sa amin na pagkapatid kami...” Kwento ni Tiya Lolit.

“Sa magkapatid normal lang ang mag-away, magkatampuhan at may hindi pinagkakasunduan ngunit hindi sa lahat ng bagay palagi na lang ang panganay ang magpapa-ubaya at magbibigay...” She paused.

“Minsan, hindi porket ikaw ang panganay, ikaw ang palaging magpapa-ubaya, magbibigay at iintindi sa kapatid mo. Dapat ganu'n rin si Bunso sa kapatid na nakakatanda.” Dagdag pa ni Tiya Lolit.

Hindi nga ako nagkamali, may aral akong nakuha sa kwento niya. Sa mga kwento nito ng kaniyang mga pinagdaanan may aral akong na pupulot sa kaniya. Ganitong-ganito ang nangyayari sa magkapatid na Sir Gael at Sir Kael ngunit hindi ko alam ang puno't dulo ng away ng magkapatid na Hamilton.

“Ano po ba kasing nangyari?” Biglang tanong ni ko sa mga ito. Wala akong ideya kung bakit nagsuntukan ang dalawa kanina. Basta nakita ko na lang na nag-aaway sila.

“Mahabang kwento, pero ang away nila kanina ay tungkol doon sa tubuhan ni Sir Gael na nasunog. Napagka-alaman niya na ang mga kaibigan ni Sir Kael ang may gawa no’n...” Kwento ni Mikay.

“Ito namang si Don Raphael imbes na pa galitan si Sir Kael, pinapaburan pa. Kay si Gael pa galit na galit dahil sa pambubugbog na ginawa nito kay sir Kael...” Dugong ni Pina.

“Sa tingin mo sino ang pinaka-kawawa?” Dagdag pa ni Mikay.

Natigilan si ako. Si Gael na maraming tao ang binubuhay sa malawak nitong tubuhan at sa isang iglap lang ay naging abo ang lahat. May karapatan siyang magalit. Ito namang si Kael ay wala siyang karapatan na gawin iyon sa kapatid niya lalo pa’t hindi naman pansarili ang ginagawa nito. Kasalanan niya rin kung bakit siya na bugbog ng kapatid niya.

Maihahalintulad ko ang pagkapatid sa kwento ni Tiya Lolit. Si Sir Gael ang panganay na palagi na lang nagpapa-ubaya at umiintindi habang si Sir Kael naman ang bunso na palagi na lang pinagbibigyan ngunit magkaibang sitwasyon.

Pagkatapos ng marites-san namin. Kaagad kaming naghiwa-hiwalay para gawin ang mga dapat gawin. Pumunta ako sa silid niya kung saan iniwan ang anak ko.

May kung ano sa dibdib ko na napalitan ng galit ang awa na nararamdaman kay Sir Kael dahil sa ginawa nito. Gusto kong marinig ang paliwanag ni Sir Kael kung bakit niya iyon ginawa? Pero sino nga ba ako sa buhay niya para mag demand ng explanation?

“Sir?” Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng silid ni Sir Kael.

Dala-dala ko ang hapunan niya dito sa kaniyang silid. Inaasikaso ko si Don Raphael ng ipag-utos nito na dalhan ko na ng hapunan si Sir Kael sa silid nito.

Binuksan ko ang pinto ng wala akong marinig na sagot mula sa kaniya. Dalawang araw na siyang nagpapagaling ng mga sugat niya, hindi ko nga alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na nandidiri si Hazel sa sugat at hindi nito kayang linisin ang sugat ni Sir Kael at ako ang gumagawa nito.

Wala rin ito ngayon sa hacienda, lumuwas ito ng Manila. Sasama sana si Sir Kael pero hindi siya pinayagan ng kaniyang Lolo, hindi dahil sa ayaw siya nitong pa alisin kundi dahil sa hindi pa nito kaya ang sarili.

Nadatnan ko si Sir Kael na nakasandal sa headboard habang nakatutok sa kaniyang laptop, may suot rin itong headphone. Alam ko na kung bakit hindi ito sumagot kahit gising naman dahil hindi niya ako na rinig.

Napatingin ito sa akin. Mabilis niyang isinara ang laptop niya at tinanggal ang headphone na suot. Madilim ang mukha nito na tumitig sa akin na ikinayuko ko.

“Don’t you know how to knock?!” May bahid ng inis na tanong nito sa akin.

“Kumatok ho ako, hindi ka sumagot. Akala ko tulog ka kaya tumuloy ako para sana gisingin ka.”

Naglakad ako papunta sa bedside table at inilapag doon ang isang tray ng pagkain.

“Kumain ka na, pagkatapos inumin mo itong gamot mo. Lilinisin ko rin po ang sugat mo, papalitan ko ng benda,”

Itinabi niya ang laptop niya, inabot ko sa kaniya ang tray ng pagkain. Pinakatitigan niya ang pagkain bago tumingin sa akin.

“Kumain ka na?”

“Mamaya.”

Pumunta ako sa banyo dito sa kwarto niya para kunin ang first aid kit. Ihahanda ko na para pagkatapos niyang kumain ay agad akong aalis dito sa silid niya.

Umupo ako sa gilid ng kama habang inaayos ang mga gagamitin ko sa panlilinis ng sugat niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ng mapansin kung nakatitig siya sa akin.

“B-bakit?” Utal kong tanong sa kaniya ng makita kung nakatitig siya sa akin.

“Bagay na bagay sa iyo ang kwentas.”

Nagbaba ako ng tingin sa suot kung kwentas at hinawakan ‘yon. Ito ang kwentas na pasalubong niya sa akin, mula ng isuot ko ito ay hindi ko na tinanggal dahil ‘yon ang sabi nito.

“Ayaw ko na.” Inabot nito sa akin ang pinagkainan niya. Kinuha ko naman ito at inilapag ko sa bedside table.

“Lilinisin ko muna ang sugat mo.” Lumapit ako sa kaniya at tinanggal ang benda sa gilid ng kaniyang noo sa taas ng kaniyang kanang kilay. Medyo malalim kasi ang sugat niya dito, sa tingin ko ay singsing ni Sir Gael ang tumama dito.

Kinuha ko ang cotton at nilagyan ko ng kaunting alcohol. Dahan-dahan ko iyong idinampi sa sugat niya at bahagyang hinihipan para hindi niya naramdaman ang hapdi.

Napatigil ako sa pag-ihip sa sugat niya ng maramdaman kung dumapo ang palad niya sa maliit kung bewang at pumipisil. Para akong naging bato sa ginawa nito dahil parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko mula sa kaniya palad dahilan para mag-init ang katawan ko.

“Si Yvan?” He asked.

Napatingin ako sa kaniyang mata dahilan para sumikdo ang puso ko ng magtama ang aming mga mata. Napalunok ako ng dalawang beses ng mapagtanto ko na magkalapit ang aming mukha. Tumatama sa mukha ko ang kaniyang mainit na hininga, amoy na amoy ko rin ang kaniyang mamahaling pabango. Muli akong napalunok ng mapansin kung bumaba ang mata niya sa labi ko, ilang dangal lang ang pagitan ng labi naming dalawa.

“N-nasa kwarto, tulog na.” Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Mabilis kung tinapos ang paglilinis ng sugat niya at niligpit ko ang ginamit ko. Ibinalik ko sa banyo ang first aid kit bago nagtungo sa bed side table.

Inabot ko sa kaniya ang isang basong tubig at ang gamot na iinumin niya. Kinuha niya naman iyon at pinagmasdan ko lang siya habang umiinom. Kitang-kita ko ang pag-galaw ng adams apple niya tanda na lumunok siya, he's so hot!

Para lang akong na nunuod ng isang commercial sa TV sa ganda ng tanawin na nakikita ko ngayon. Kung nandidito si Hazel hindi ko magagawa ang mga ito. Ang malaya siyang titigan at alagaan.

Nang ibalik niya sa akin ang baso ay kaagad ko siyang tinalikuran—

“Ches.” Kuha niya ng attention ko.

Natigilan ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa pulsuhan ko. Awtomatiko akong napatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin bago ako nag angat ng tingin sa kaniyang mukha.

“Hindi ko na dapat pa’ng itanong sa’yo ito pero gusto kung marinig ang sagot mo. Iniiwasan mo ba ako?” Binawi ko ang kamay ko.

Sa kabila ng pag-aalaga ko sa kaniya ng ilang araw hindi pa rin maalis sa dibdib ko ang galit na nararamdaman sa kaniya dahil sa ginawa niya kay Sir Gael. Hindi ko lubos maisip na kaya nitong gawin ang bagay na iyon sa sarili’ng kapatid.

Iniiwasan ko rin ang siya a dahil ayaw kong mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko dapat na hinahayaan ang sarili na may maramdaman pa kaniya dahil mali ang magkaroon ng relasyon sa isang lalaki na may iba ng kinakasama, hindi ako maninira ng relasyon ng iba.

Ngunit, kahit anong iwas ko sadyang mapaglaro Ang tadhana dahil ako ang nag-aalaga dito at nag-aasikaso.

“Magpahinga ka na, Sir.” Iyon lang ang tanging sagot ko sa kaniya bago ko dinampot ang tray na pinagkainan niya at mabilis na nilisan ko ang kaniyang silid.

Kinabukasan.

Madaling araw pa lang ay gising na si baby Yvan. Nilabas ko siya sa kwarto at nagtungo kaming dalawa sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas umupo ako sa isang stool at pinasuso ko si baby habang umiinom rin ako ng gatas.

Pagkatapos niyang sumuso ay hindi na siya na tulog pa, ang ginawa ko ay nilaro ko muna siya at nang oras na para asikasuhin ko si Don Raphael ay ibabalik ko na sana siya sa silid ng makasalubong ko si Ma'am Fiona at kinuha niya sa akin si Baby.

“Ako ng bahala kay Yvan-Yvan, asikasuhin mo na muna si Papang, bago ang nag-iinarte mong alaga.” Natatawa nitong sabi.

Mukha nga namang nag-iinarte lang kasi si Sir Kael dahil sa hindi naman, bali-bali ang buto nito sa paa at kamay ay hindi ito lumalabas ng kaniyang silid.

“Kay Ma'am Fiona ka muna, anak. Pakabait ka,” Pina-ulanan ko ng halik sa mukha si Baby bago ko siya iniabot kay Ma'am Fiona.

“Hello, baby Yvan-Yvan ni Tita, muah!” Hinalikan nito si baby. “Good morning, baby namin...” Niyakap nito si baby Yvan.

“Mabait talaga ‘yang baby na ‘yan, wag ka lang magmamana sa Daddy mo, ah?” Pagka-usap nito kay Yvan at naglakad papunta sa sala kung saan ang kaniyang mga anak na pinapakain ng kaniyang-kaniya nitong Yaya.

Buntis na buntis na si Ma'am Fiona, malapit niya ng ipanganak ang Unica hija nila ni Sir Gael. Speaking of Sir Gael, nakasalubong ko ito sa hagdanan.

“Good morning, Sir.” Bati ko sa kaniya at bahagyang yumuko.

“Morning.” Tipid na sagot nito at mabilis akong nilampasan.

Pinagmasdan ko ito. Mabilis naman na tumakbo papalapit sa kaniya si Hiro at Kiro, yumakap ito sa magkabilaang hita niya. Hinalikan niya ng mga ito sa noo bago bumalik sa kaniya-kaniyang Yaya para tapusin ang pagkain.

Lumapit siya kay Ma'am Fiona na naka-upo sa mahabang sofa habang karga-karga si Baby Yvan. Hinalikan niya si Ma'am Fiona bago dumapo ang mata nito kay Baby Yvan. Nilaro-laro niya ang kamay ng anak ko bago hinalikan sa kamay.

Kitang-kita ko na mahal na mahal ng pamilyang ito ang anak ko.

“Si Yvan?”

“Nasa veranda ng kwarto ni Don Raphael kasama ang mga anak ni Sir Gael naglalaro.”

“Ano?”

“Okay lang siya doon, hawak siya ni Don Raphael. Palagi niya iyong ginagawa sa araw-araw, kasama ang mga apo niya.”

Kung iniisip niya na basta ko lang iniwan si Baby pwes nagkakamali siya. Daily routine na ni Don Raphael pagkatapos niyang kumain ng almusal ay nasa veranda siya kasama ang mga apo niya habang nagbibilad sa araw, kailangan rin iyon ni Baby.

“Kung hindi mo siya iniiwan sa kwarto kung sino-sino naman ang pinag-iiwan mo. Hindi ba pwedeng sa kaniya lang ang buong oras mo, ah?” May bahid ng inis na sambit nito.

“UTUSAN ho ako dito, hindi ako SEÑIORITA sa mansion na ito.” I emphasize that word to remind him what is my role in this Mansion.

“Kunin mo si Yvan, dalhin mo siya sa akin. Siguro naman pagbibigyan mo na ako ngayon na makasama siya?”

Madalas niya hilingin sa akin na dalhin ko sa kaniya si Yvan. Gusto niya itong makita pero hindi ko ginagawa, hindi dahil sa ayaw ko silang magkaroon ng alone time kundi ayaw ko na masanay si Yvan na kasama siya at aalis rin naman.

Pagkatapos kung ligpitin ang pinagkainan niya ay dinala ko sa kusina. Pagkatapos kung kumain ng almusal ay nagtungo ako sa silid ni Don Raphael.

Nadatnan ko na tulog na si Don Raphael ka tabi ang kaniyang mga apo na natutulog na rin maliban kay baby Yvan na gising na gising at nilalaro nito ang damit ni Kiro na siyang katabi niya.

Marahil ay napatulog na ito ni Don Raphael ngunit sa lakas niyang humilik ay nagising ito. Dahan-dahan kung kinuha si baby Yvan at lumabas ng silid.

Nagdadalawang-isip ako na dalhin siya sa kwarto ng Daddy niya pero sa huli ay ginawa ko. Hindi naman ito para sa akin, eh. Para naman sa anak ko, gusto ko rin na makilala niya ang Daddy niya at magkaroon ng pagkakataon na magkasama.

Hindi ko na datnan si Sir Kael sa kaniyang silid ngunit na rinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo, mukhang naliligo ito.

Lalabas na sana kami ni Baby Yvan ng bumukas ang pinto mula sa banyo at iniluwa no’n si Sir Kael. Nakasuot ito ng kulay itim na pajama ngunit walang saplot pang-itaas, tinutuyo nito ang buhok gamit ang puting tuwalya.

Pinasadahan ko ito ng tingin mula sa kaniyang mukha na may malapad na ngiti ng bumungad kami sa kaniya ni Yvan. Bumaba ang mata ko sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang abs na may tubig pang dumadaloy dito.

“Baka mabitawan mo ang bata sa kakatitig mo sa akin.” Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at bahagyang tumalikod.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. Sa tingin ko ay naglakad siya papunta sa kaniyang walk in closet.

“May problema ka ba sa akin? Alam kung may gusto kang marinig mula sa akin pagkakataon mo na ito para itanong...” Seryosong sambit niya habang naglalakad papalapit sa amin ni Yvan.

Isang bagay lang naman ang gusto kung malaman na makakapagpalinaw sa aking nararamdaman.

“May kinalaman ka ba sa pakasunog ng tubuhan ni Sir Gael?” Seryosong tanong ko sa kaniya.

Nagsalubong ang kilay nito na para bang hindi niya inaasahan na ito ang itatanong ko sa kaniya.

Bumuga siya ng marahas na hangin at tinalikuran niya kami. Naglakad siya papunta veranda ng kaniyang silid at itinukod ang dalawang siko sa hamba habang nakatingin sa labas.

“What do you think?” Balik nitong tanong sa akin.

Sinulyapan ito ng tingin sa akin. Na gulat ako sa tanong niya dahil may possibilidad na may kinalaman ito sa nangyari.

“H-hindi. Hindi mo kayang gawin ‘yon. Please, sabihin mong hindi mo gagawin ‘yon...” Paki-usap ko sa kaniya.

Ayaw Kong paniwalaan pero sa tingin ko dapat akong maniwala dahil nangyari na. Bakas sa mukha ko ang pagkadismaya na para bang siya na ang pinakamasamang tao sa mata ko.

“Give me a reason why would I tell the truth, Ches?”

“Wala akong karapatan na tanungin ka ng ganito, akala ko kasi pwede dahil iyon ang sabi mo. Sorry kong nakiki-alam ako sa gulo niyong magkapatid.”

Naglalakad ako papalabas ng silid niya. Akmang bubuksan ko ang pinto ng silid ng may kamay na pumigil sa braso ko.

“Wala, Ches.” Pag-amin niya.

“Wala akong kinalaman sa nangyari, sinusumpa ko sa harap ng anak ko, wala akong kinalaman. Sinasabi ko ‘to sayo dahil ayaw kung nagbago ang tingin mo sa akin...” Dagdag pa nito habang nakatingin sa mata ko.

“B-bakit? Bakit hindi mo sabihin ang totoo?” Umiling si Kael.

“Para saan pa? Nabugbog na ako ni Gael, para saan pa ang katutuhanan na ‘yan? Isipin niya kung anong gusto niyang isipin wala akong paki-alam sa kaniya. Ang sa akin lang, inosente ako sa mata niyo ni Yvan.” Tugon niya.

“Hindi naman ako magtatagal dito, aalis na ako kapag ayos na ang mga sugat ko.” Pag-iiba niya ng usapan.

“Kailan ka babalik?” Nakayukong tanong ko.

Hindi ko man makita pero ramdam ko nasa amin ni Yvan ang mata niya.

“Hindi na siguro...” He scratched his nape.

“Pagkatapos ng nangyari, ako na naman ang nagdala ng kahihiyan sa pamilyang ‘to.” Dagdag niya pa.

Napatingin ako sa kaniya. “Pero wala ka ngang kasalanan hindi ba? Makipag-bati ka kay Sir Gael iyon ang mas madaling gawin kasya ang lumayo ka...” Mahinang sambit ko.

“Ayaw mo akong pa alisin ‘no? Bakit mami-miss mo ba akong alagaan?” Panunukso nito.

Oo, kahit na nag-iinarte lang siya. Aalagaan ko siya basta nandito lang siya. Napayuko ako dahil pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko. Narinig ko rin ang mahinang tawa nito.

“Si baby, sympre mami-miss ka. Na sanay na kaya siya na nakakasama ka kahit minsan...” Tugon ko.

Inisang hakbang nito ang pagitan naming dalawa. Ipinulupot niya ang braso sa maliit kong bewang at hinapit dahilan para magkadikit ang aming katawan.

Sa gulat ko ay nag-angat ako ng tingin kay Sir Kael.

“S-Sir...” Utal kong saway sa kaniya dahil sa ginawa nito.

“Really? That's what you called me, again? Those it means you want another Yvan?”

Napa-awang ang labi ko ng maalala ko ang sinabi niya ng huli ko siyang tinawag na Sir. Nagpumiglas ako sa yakap niya ngunit mas malakas siya sa akin at iniingatan ko si baby na nasa kamay ko.

Ang mas ikinagulat ko ng hapitin niya pa ako lalo palapit sa kaniya at walang sabi-sabing dumapo ang kaniyang labi sa labi ko. Banayad ang kaniyang halik na siyang nakapagpabaliiw sa puso ko. Habang hinahalikan niya ako ay naramdaman ko na lang na isinandal niya ako sa malamig na pader bago pinutol ang halik na sinimulan niya.

Pinaglapat niya ang aming mga noo at puno ng pagsusumamo ang kaniyang mga mata na nakatitig sa aking mga mata. Ganitong titig rin ang ibinigay niya sa akin ng gabing may mangyari sa amin.

“I miss you...”

He huskily whispered before he kiss me.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
LILEBETH LACERNA
wala n po b itong kasunod
goodnovel comment avatar
LILEBETH LACERNA
sanay may mga mging update ito
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status