Share

Three

Cheska Yvonne.

MADALING araw pa lang ay nakahanda na ako ng mga gamit na dadalhin ko sa pag-uwi sa bahay. Nakapagpa-alam na ako kay Don Raphael at pumayag naman siya na magbakasyon muna ako sa bahay.

Bandang alas dos na ng madaling araw dumating si Sir Gael kaya madaling araw na rin ako bumalik sa kwarto dahil sinamahan ko muna sa Sala na maghintay si Ma'am Fiona. Kahit tamad na tamad akong bumalik sa kwarto bumalik pa rin ako dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Tulad ng inaasahan ko, hindi pa rin sila tapos! Kaya imbes na matulog ako ay nag-ayos na ako ng gamit namin ni Baby Yvan na dadalhin kaysa naman pilitin ko ang sarili kong matulog.

Mabuti na lang at good mood ang baby ko, mukhang masarap ang tulog nito kaya ngiting-ngiti ngayon. Inilapag ko siya sa kama pagkatapos ko siyang bihisan. Hindi pa naman siya sobrang likot kaya hindi naman siya mahuhulog sa kama.

Nagtungo ako sa banyo para ang sarili ko naman ng asikasuhin ko. 30 minutes ang itinagal ko sa banyo para maligo at gawin ang morning routine ko. Mabilis ang bawat kilos ko dahil baka umiyak na si Baby. Nagbihis ako ng isang blue jeans, white off-shoulder blouse at pinarisan ko ng puting sapatos. Inilugay ko lang ang buhok ko na hangang bewang. Bihira ako maglugay ng buhok kapag umaalis lang. Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko binalikan ko na ang anak ko sa kama.

Isinukbit ko sa balikat ko ang itim kong tote bag kung saan nakalagay ang cellphone, wallet, at gatas ni baby. Binuhat ko na si baby at binitbit ko ang duffle bag kung saan nakalagay ang gamit ni Baby, gamit lang naman niya ang dinala ko at dalawang pares lang ng damit para sa akin dahil may damit naman ako sa bahay.

Isinara ko na ang kwarto ko bago naglakad pababa ng hagdan ng madaanan ko ang magkapatid na Hiro at Kiro.

“Good morning Tita!” Tumakbo papalapit sa akin si Kiro. Tita ang tawag niya sa akin kahit na alam niyang maid ako sa Mansion na ito.

“Good morning Baby Yvan-Yvan!” Gigil na sabi ni Kiro kaya napangiti ako ng lumabas ang bungi niyang ngipin. Napaka-hyper niya kasi, sana paglaki ni Baby ganiyan din siya ka masiyahin.

“Good morning, Kiro.” Nginitian ko siya. Nagtatalon siya na para abutin si Baby Yvan kaya inilapag ko muna ang bitbit kung duffle bag at bahagyang umupo para magkatapat sila.

“Hello! Baby... Yvan-Yvan!” He play my son's small hands before he kiss on cheek. Ang sweet ni Kiro, paniguradong kapag lumabas ang little sister niya ay sweet na sweet ito dito.

“Stop, blocking Tita Cheska. She's leaving...” Saway ni Hiro sa kapatid.

Napaka-seryoso kasing bata ni Hiro parang si Sir Gael lang tapos ito namang si Kiro parang si Sir Kael ang ugali.

“Sige na, aalis na muna kami ni Yvan. Pakabait ka ah?” Bilin ko kay Kiro at tumango siya sa akin.

“Yes, Tita Cheska! Goodbye kiss baby Yvan!” Hinalikan niya ulit si Baby sa pisngi.

“Take care Tita Ches." Hiro seriously said. Ginulo ko ang buhok niya bago kinuha ang duffle bag at nagpatuloy sa paglalakad.

“Ches! Kumain ka na muna bago umalis...” Habol sa akin ni Ma'am Fiona.

Nilingon ko siya na galing sa dining. Nakasunod sa kaniya si Sir Gael na nagsusuot ng Jacket nito.

“Hindi na po Ma'am, sa bahay na lang.” Sagot ko.

Tumango naman siya at nginitian ako.

“Sige ikaw ang bahala.” Tumango naman ako sa kaniya.

Umakbay si Sir Gael kay Ma'am Fiona at hinalikan ito sa noo. “I have to go, I’ll see you later.” Bulong nito bago hinaplos ang umbok niyang tiyan at ginawaran rin ng halik.

“Don’t move to much.” Bilin nito.

“Hon, sa farm ang punta mo?” Tanong ni Ma'am Fiona sa asawa. Tango lang ang isinagot nito.

“Good! Uuwi si Cheska sa Papa niya baka pwede mo na silang isabay... Mainit kawawa naman ang baby Yvan-Yvan na ‘yan!” Pinanggigilan ni Ma'am Cheska ang pisngi ng anak ko.

Tumango si Sir Gael bago tumingin sa akin. Kahit seryosong tao si Sir Gael at nakakatakot ang itsura niya, mabait siyang tao.

“H-hindi na po. Wag na Sir, may dadaanan pa po kasi ako. Magt-trysicle na lang ako.” Nakakahiya na kasi kung magpapahatid pa ako.

“Okay.” Hinawakan niya ang isang paa ni baby at pinakatitigan.

“Take care of my nephew.” Tumango ako sa kaniya at hinatid siya ng tingin hangang sa makalabas ng Bahay.

“Bye, Hon! Umuwi ka ng maaga kung ayaw mo akong manganak ako ng maaga!” Pahabol ni Ma'am Fiona.

Minsan kasi masyado namang over kung makipag-inuman si Sir Gael katulad nang isang gabi. Madaling araw na, puyat na puyat talaga ang asawa niya sa kakahintay.

“Ingat kayo.” Kumaway sa akin si Ma'am Fiona ng maihatid niya kami tapat ng gate.

“Salamat po.” Nakangiting tugon ko sa kaniya.

Nag-abang ako ng trysicle sa labasan at nagpahatid ako papunta sa mini-mart. Bumili ako ng grocery para sa Bahay. Baka ubos na ang pagkain ni Papa na binili ko ng nakaraan medyo matagal na rin iyon. Bumili na rin ako ng ulam na lulutuin ko mamaya para sa hapunan namin ni Papa panigurado kasing nakapagluto na siya pagdating ko.

Tumambay muna ako sa park para kumain muna kasi nagugutom na ako, mabuti na lang at bumili ako ng makakain ko. Pagkatapos kung kumain na libang ako na panuorin ang isang pamilya na nagb-bounding. Nakakatuwa silang pagmasdan, tunuturuan ng Ama ang anak niyang babae na magbike habang nakamasid lang sa kanila ang asawa at ang maliit na batang lalaki nakahawak sa kamay nito, sa tingin ko ay dalawang taon gulang na iyon.

Napatingin ako sa baby ko. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kaniya, naranasan ko kasi ang lumaki na walang ina. Ang hirap ng walang Mama na nakagabay. Sobra akong na iingit sa mga kaklase ko na hinahatid-sundo ng kanilang mga magulang, kapag may problema sa school Mama agad ang unang pumupunta pero ako wala. Si Papa, si Papa lahat ang gumagawa para sa akin.

Ayaw kung maranasan ni Baby ang naranasan ko kasi alam kung malungkot, mahirap at masakit lalo na at may mga bully akong classmates na paulit-ulit na ipinaparamdam sa akin na wala akong Mama.

“Sorry, baby...” Piyok kung sambit sa anak ko. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi.

“Hindi man kita mabigyan ng kompletong pamilya, mamahalin naman kita ng sobra-sobra... Hindi mo mararamdaman na may pagkukulang sa pagkatao mo... Mahal na mahal kita baby.” Hinalikan ko siya sa noo ka sabay ang pagpatak ng mga luha ko.

Ilang oras ang itinagal ko sa park at hindi ko na isip na kapag sobrang tanghali na ay wala ng buma-byahe papunta sa amin. Wala ng masasakyan kaya wala akong ibang choice kundi ang maglakad. Gusto na sanang bumalik sa Mansion ng Hamilton dahil masyado ng mainit pero gustong-gusto ko talagang makita si Papa kaya pinilit ko na maglakad pauwi. May dahilan rin ako para umalis muna sa Mansion. Ngayon pa ba ako aarte na maglakad eh, nang high school nga ako naglalakad lang ako pa uwi.

Sunod-sunod na busena ng sasakyan ang narinig ko. Hindi ko pinansin kasi nasa tabi na naman na ako. Bulag lang ang driver kung sasagasaan pa ako na nasa tabi!

Muling bumusena ang sasakyan at napansin kong kapantay ko na ito kaya nilingon ko kahit na hirap na hirap na ako dahil sa mga dala-dala ko. Isa pa si Baby kahit maliit pa habang tumatagal na buhat ko pabigat rin ng pabigat.

Ramdam na ramdam ko na rin na basa na ang damit ko dahil sa pawis, maging sa noo ko ramdam ko na may tumutulo ng tubig. Grabi ang init kahit na may payong ako, tagos na tagos pa rin sa balat.

“Ches!” Napalunok ako ng marinig ko ang pamilyar na boses. Anong ginagawa niya dito?

Napahinto ako sa paglalakad at hinarap ang sasakyan na sinasabayan ako. Hindi nga ako nagkamali si Sir Kael.

“What the! Are you out of your mind woman?!” May bahid ng galit na sigaw niya sa akin.

Kahit gusto ko siyang sigawan pabalik hindi ko magawa dahil habol na ang hininga ko. Pakiramdam ko anumang oras ay mawawalan na ako ng hininga. Uhaw na uhaw na rin ako, sa kasamaang palad nakalimutan ko pang magbaon ng tubig!

30 minutes lang naman akong naglalakad.

“Sakay!” Mariin niyang utos at binagbuksan ang passenger seat na sa tabihan niya.

Hindi na ako nagdalawang isip na sumakay dahil gusto rin ng masisilungan at mabawasan ang pagod na nararamdaman ko. Pagkapasok ko sa loob ay agad niyang kinuha sa akin si baby. Ibinaba ko ang mga dala kung bag sa lapag ng sasakyan at isinandal ko ang katawan ko sa passenger seat.

“Water?” Iniabot niya sa akin ang isang bottle water. Walang alinlangang tinanggap ko ito at uminom.

“S-salamat...”

Akala ko katapusan ko na!

“Hindi naman simana-santa ngayon para magpinitensya ka sa initan.” He sarcastically said.

Bakit kasalanan ko ba na wala na akong masakyan?

Nilingon ko siya na may masamang tingin sa kaniya, nilakasan niya ang aircon ng sasakyan.

“Dinamay mo pa ang bata.” Bulong niya dahilan para mapatingin ako kay baby na nasa bisig niya. Kawawa naman ang anak ko, pulang-pula na lalo ang mukha nito.

Wala akong pakialam sa kaniya. Pikon na pikon na ako sa kaniya. Gabi-gabi na lang! Siya kaya ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko na umuwi sa amin dahil sa ang baboy nila sa kabilang kwarto.

Pati ako na pupuyat! May times na hindi ko talaga magawang makatulog. Buwisit! Malala ang puyat ko ngayon kaysa sa mga unang linggo ng manganak ako na gabi-gabi umiiyak si Baby.

Dinampot ko ang bag na inilapag ko para kumuha ng towel pero na hagip na ng mata ko na pinunasan niya na ang mukha ni baby gamit ang mamahalin niyang panyo.

Ilang minuto pa kaming nagtagal sa loob ng sasakyan. Medyo nakarecover na ako dahil sa malamig sa loob ng sasakyan niya at naka-inom na rin ako ng tubig pero na nangangalay na ang mga kamay at paa ko.

“Ihahatid ko na kayo.” Ibinaba ko ulit ang bag ko. Kukunin ko na sa kaniya si Baby ng ilayo niya sa akin.

“What are you doing?” Tinaasan niya pa ako ng isang kilay.

“Didn’t I told you that I'm going to drive you home?” He added.

Napa-irap naman ako. “O-oo nga Sir, paano ka makakapagmaneho kung hawak mo si Yvan?” Nagbaba siya ng tingin kay baby.

“So, Yvan his name?” He lick his lower lips. Shit!

Tumango ako. “Nixirico Yvanrill...”

Tumingin siya sa akin. “Hamilton?”

Umiling ako. “Torres.”

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya ng makita kong umigting ang panga at biglang nag-iba ang auwra ng mukha niya. Napalunok ako dahil hindi ko gusto na makita ang ganiyan niyang itsura, nakakatakot siya kapag ganiyan siya. Marahil, hindi iyon ang inaasahan niya’ng sagot mula sa akin.

Pakiramdam ko nasa initan pa rin ako dahil sa tension sa pagitan naming dalawa.

Binuhay niya na ang makina ng sasakyan. Hindi ko na pinagtangkaan pang kunin sa kaniya si Yvan. Ayaw ko kasing makita ulit ang nakakatakot niyang itsura, ayaw ko ring masigawan. Dahan-dahan lang ang takbo ng sasakyan. Na iinip na ako sa loob ng sasakyan kaya hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanila ni Yvan.

Naka-upo na sa kandungan niya si Yvan gamit ang isa niyang kamay hawak niya ito at ang isa naman ay sa manibela. Madalas ko siyang makita na nakayuko na para bang tinitingnan niya ang mukha ni Yvan.

“Bakit nga ba nandito ka?” Bilang tanong ko.

Nilingon niya ako. “I heard what's happened to your boss.” Hindi iyon ang tinutukoy ko!

“Hindi iyon. Ang sinabi ko bakit ka nandito? Impossible naman na napadaan ka lang...” Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Hindi naman siguro masamang umasa na kaya siya nandito para sa amin ni Yvan?

“Ah, ‘yon ba? Hindi ko naman alam na bawal na akong mapadaan dito.” Napatingin ako sa kaniya na nakatutok ang mata sa daan.

Tama nga ba ang hula ko?

He chuckled. “Stop staring.” Saway niya sa akin.

“Pupuntahan ko ang kaklase ko ng highschool balita ko kasi sikat na sabunggero na tapos panalo kahapon.” He explained.

Si Paulo ang tinutukoy niya. Malapit lang ang Bahay no’n sa bahay namin ni Papa mas madaling sabihin na kapit-bahay! Matalik niyang kaibigan no’ng highschool. Sabunggero talaga ang loko na iyon, sabong is life!

Palagi namang talo, himala ata at nanalo ang loko!

“Anong gagawin mo do’n?”

Ano naman sa kaniya? Eh, double-double pa kaya ang pera niya kaysa sa mga napapanalunan nito!

“Hihinggi ng balato...” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Kailan pa nanghingi ang isang Niko Vanrielle Hamilton? Eh, sa pagkaka-alam ko siya ang gumagastos sa lahat no’ng araw!

Umasa ako na kaya siya nandito para sa amin ni Yvan pero nagkamali ako dahil napadaan siya dito para puntahan ang kaibigan niya para lang sa balato!

Ang kapal ng mukha!

“Nandito na tayo!” He announced. Itinabi niya ang sasakyan at inihinto sa gilid na medyo may silong sa isang puno.

“Did you enjoy the ride with me, baby?” Malambing niyang tanong kay Yvan at ini-angat niya ito paharap sa kaniya.

Nang una niyang mahawakan si Yvan ingat na ingat siya iyon bang hindi siya sanay na may bata sa bisig niya pero sa nakikita ko ngayon mukhang sanay na sanay na siya. Comfortable naman sa kaniya Yvan, siguro ramdam ni Yvan na hawak-hawak siya ng Daddy niya.

He smile as he saw Yvan’s smile.

Bumaba na siya ng sasakyan kaya nagmamadali na dinampot ko ang mga bitbit ko at sumunod sa kaniya. Binuksan ko ang payong at nagmamadali na lumapit sa kinaruruonan niya na ginawa niyang panangga sa init ang palad niya para hindi mainitan ang mukha ni Yvan. E, ano naman sa kaniya na nakasuot ng sunglass.

Mula sa kinatatayuan namin natatanaw ko na ang bahay namin ni Papa. Medyo malayo pa ang bahay namin mula sa kalsada, may pathway lang sapat na makadaan ang tao, hindi kasya ang malalaking sasakyan. Motor, pwede pa.

“So fucking hot.” Bulong niya.

Napatingin ako sa kaniya. Naitaas ko ang hawak kung payong ng hindi naman pala siya nasisilungan dahil masyado siyang matangkad!

“S-sorry, ako magdadala —”

“Give me that fucking umbrella.” He cut me off.

Bakit ang sama ng tabas ng dila niya?

Iniabot ko naman sa kaniya ang payong, naglakad na siya at iniwan akong nakatayo. Abah! Ako ang may-ari ng payong tapos iiwan ako? Ang kapal ng mukha!

Mabilis ang bawat hakbang ko para habulin siya. Normal na lakad niya dalawang hakbang sa akin.

“Niko-boy!” Sigaw ng kung sino.

Hindi ko pinansin ang sumigaw dahil sobra na akong na iinitan. Nakayuko na akong naglalakad para hindi masyadong masakit sa mukha.

“Aray.” Reklamo ko ng tumama ang mukha ko sa isang matigas na—Likod!

Hindi ko napansin na huminto siya sa gitna ng daan. Sumilip ako sa unahan para tingnan kung sino ang kaharap niya.

It's Paulo.

“Hanep! Ikaw nga ‘yan Tol!” Lumapit ito kay Sir Kael at inakbayan. Magkasabay na naglakad ang dalawa papunta sa kubo sa tapat ng bahay namin.

Oy, sira-ulo! Wag mong patuloyin ang manyakis na ‘yan sa Bahay namin! Kung bisita mo ang manyakis na doon mo sa bahay niyo!

“Kamusta? Tangina, ang laki ng pinagbago mo, Tol. Ano tumitira ka pa ba ng Gin?” Sambit nito.

“Hindi ako tumitira ng Gin, tanga! Iniinom ‘yon. Iba ‘yong tinitira ko.” Ganting sigaw ni Sir Kael dito.

Abah! Sa harap pa talaga ng anak ko nagbatuhan ng mga ganiyang salita!

“Mang Cesar! Mang Cesar! May bisita ka!” Tawag ni Paulo kay Papa.

Buwisit na Paulo 'to inunahan pa ako. Hindi ko bisita ang manyakis na iyan! Sayo iyan dahil Ikaw ang sadya niyan!

Dumiretso ako sa loob ng Bahay namin na gawa sa kahoy at nipa ang Sala. Ang dalawang kwarto naman ay gawa sa hallow blocks at ang kusina ay gawa sa kahoy rin. Inilagay ko sa sofa na gawa sa kahoy ang gamit namin ni Yvan bago naglakad papunta sa mesa at inilapag ko doon ang grocery.

“Pa?” Tawag ko kay Papa ng hindi ko makita.

Inilibot ko ang paningin ko. Pumunta ako sa kusina ng marinig ko ang kalabog mula dito. Nakita ko si Papa na nagluluto sa kusina. Napatingin ito sa akin kaya ngumiti ito ng malapad ng makita ako.

“Anak!” Sinalubong ko ng yakap si Papa.

“Papa...” Bulong ko sa gitna ng yakapan naming dalawa. Sobra ko siyang na miss. Wala akong pakialam kahit na hawak-hawak niya pa ang sandok.

“Mabuti at napabisita ka anak, kamusta si Don Raphael magaling na ba?” Tanong niya ng kumalas siya sa yakap ko.

Tumango ako. “Bumubuti na po ang lagay niya, sorry Papa ngayon lang ako nakauwi nitong huli.” Tumango naman si Papa at ngumiti.

“Ayos lang iyon. Ang mahalaga, nandito ka. Masaya akong makita ang princessa ko...” Malambing na sambit ni Papa at hinalikan ako sa noo.

“Na miss kita Papa!” Niyakap ko ulit siya. “Ako rin, anak...” Hinaplos niya ang likod ko.

“Kamusta ka naman Papa? Umiinom ka po ba ng maintenance mo? May gamot ka pa po ba? Iyong pakiramdam mo, hindi na ba kumikirot ang dibdib mo?” Sunod-sunod kung tanong sa kaniya.

He laughed. “Wag kang mag-alala, ayos na ayos si Papa.” Napangiti na lang ako sa sagot niya kasi mukhang okay naman talaga ang kalagayan ni Papa.

“Teka lang anak, tinatawag ako ni Paulo. Panay ang sigaw sa labas.” Tumango naman ako kay Papa.

Pinagmasdan ko siya na lumabas ng Bahay dala-dala pa ang sandok. “Paulo, anong ingay mo diyan?!” Sigaw ni Papa ng makalabas. Sumunod naman ako kay Papa para kunin kay Niko ang anak ko.

“Mang Cesar nandito si Niko-boy! Hinahamon ka ng inuman, magaling pa ‘tong tumira ng Gin kaya maglambanog tayo!” Sinalubong ni Paulo kay Papa.

“Tanga! Hindi nga ako tumitira ng Gin!” Singhal niya kay Paulo.

Nakita kong naging seryoso ang mukha ni Niko ng magtagpo ang mata nila ni Papa. Napatakip ako sa bibig ko ng hindi ko na sabi kay Papa na nandito na sa Hacienda si Niko.

“Putangina, bata pala ang dala mo! Hanep ka, Niko-boy! Sinong ina niyan? Teka may kasam—Cheska?!” Gulat na sambit ni Paulo at nagpapalit-palit ang tingin niya sa amin ni Niko.

Minsan maluwag rin talaga ang turnilyo ng ulo nitong si Paulo. Ngayon lang ako napansin e, nasa likod ako ng lalaki na iyan kanina, na untog pa nga ako! Dumaan pa ako sa harap nila ng pumasok sa bahay.

“Whoah! Tol, kayo na?" Hindi makapaniwalang tanong ni Paulo kay Niko.

Napatingin si Niko sa akin kaya inirapan ko siya. Kahit kailan hindi naging kami ng lalaki na iyan, isa pa may girlfriend iyan na ginagabi-gabi! Piste!

Lumapit sa akin si Paulo at hinaplos ang buhok. “Oy, haba ng hair.” Pang-aasar niya sa akin na ikina-irap ko sa kaniya.

Nilapitan ko si Niko at kinuha ko sa kaniya si Yvan. Wala naman siyang na gawa kundi ang ilipat ito sa kamay ko.

“Anong ginagawa ng lalaking iyan dito?!” Nagpipigil na sigaw ni Papa. Kaagad akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa braso.

Alam kung may karapatan siyang magalit pero kailangan niyang kumalma. “Pa, tama na... Hindi iyan pumunta dito sa atin, si Paulo ang pinunta niya dito. Tara na po sa loob...” Hinila ko papasok sa loob ng Bahay.

Nagmamatigas pa sa una si Papa pero nagpatanggay rin naman sa akin. Pumasok kami sa loob ng bahay. Kinuha ko siya ng tubig.

“Pa, bawas-bawasan mo na ang pagkamainitin ng ulo ko. Natatakot ako para sayo...” Seryoso kong sabi sa kaniya.

“Hawak-hawak niya ang apo ko, tama ba ang sinabi ni Paulo?” Umiling ako.

“Hindi Pa. Hindi kami at hindi mangyayari na maging kami...” Pilit akong ngumiti. “May girlfriend siyang kasama at sa nakikita ko, ibang-iba ang Niko na nakilala ko kapag kasama niya ang girlfriend niya.” Dagdag ko pa.

Kumirot ang dibdib ko. Ang sakit pala kapag sa mismong bibig mo lumabas ang ganitong mga salita. Mahal ko siya at masakit sa akin ang mga nangyayari sa loob ng Mansion.

Kapag nakikita ko silang magkasama ni Hazel, hiniling ko na sana kami na lang ni Yvan iyon. Nasa amin ang attention niya, ang presence niya pero kapag na aalala ko mga sinabi niya sa akin noon maging ang narinig ko sa kaniya nitong huli.

Kailangan ko ng tanggapin na walang pag-asa para sa aming dalawa. Magiging masaya na lang ako para sa kanila ni Hazel, masaya rin ako kahit na papaano ay nagkakaroon siya ng maikling oras para kay Yvan. Siguro nga hangang doon lang ang kaya niyang ibigay dapat ko na iyong tanggapin.

Sinabi ko ang lahat kay Papa, mula ng pagdating niya sa Hacie maging ang dahilan kung bakit magkasabay kaming dumating dito sa bahay.

“Kung ganu'n, alam ba ng girlfriend niya na may anak sayo si Sir Kael? Tanggap ba nito ang bata? Hindi ba kayo inaapi sa Mansion?” Sunod-sunod na tanong ni Papa.

“Hindi, Papa. Hindi ko alam kung alam ni Hazel ang tungkol kay Yvan pero masasabi kong okay kami ni Yvan sa Mansion, mabait sa akin ang pamilya’ng Hamilton maging ang asawa ni Sir Gael, ganu'n rin si Sir Gael at si Don Raphael.” Paliwanag ko kay Papa.

“Kahit hindi ka niya pinanagutan nakikita ko na nagpapaka-ama siya kay Yvan. Mabuti naman at hinatid niya kayo...” Mahinahon niyang tugon.

“Sige na ayusin mo na muna ang gamit niyo sa kwarto. Maghahain lang ako ng pananghalian, tawagin ko si Sir Kael baka gusto niyang sumbay sa atin.” Kumunot ang noo ko.

“Doon na lang iyon makikikain kay Paulo, nanalo daw sa sabong kahapon. Siguro naman may masarap na pagkain sa kanila.” Nagsalubong ang kilay ni Papa.

“Nanalo? Kailan pa nagkaroon ng sabong ng biyernes? Bukas pa ang sabong, ikaw talaga anak...” Umiling na sambit ni Papa bago ako iniwan sa Sala.

Ano?! Bukas pa ang sabong e, ano ang sinasabi ng lalaking iyon na hihingi siya ng balato kay Paulo dahil nanalo sa sabong?

Inayos ko ang gamit ni Yvan. Pinalitan ko rin ito ng damit bago pinatulog. Sa kama ko ito inihiga dahil wala naman akong crib dito sa bahay namin.

Nagtatakang lumabas ako ng Bahay ng hindi ko makita si Papa sa loob ng Bahay, sabi niya maghahain na siya.

Gutom na ako!

Napatingin ako sa kubo ng marinig ko ang tawanan. Boses iyon ni Papa at Paulo. Kaya pala wala sa loob kasi nandito.

“Anak, halika na. Kumain ka na!” Tawag sa akin ni Papa kaya tumango ako.

Naglakad ako papunta sa kubo at nakita ko na nakahanda ang maraming pagkain sa mesa. Bumungad sa akin si Papa na kumakain katabi si Paulo. Habang katapat naman ni Papa si Niko.

“Cheska, kain na! Tabihan mo na si Niko-boy!” Aya sa akin ni Paulo habang punong-puno ng pagkain ang bibig. Patay gutom lang ang pig!

Sinulyapan ko si Niko na tahimik na kumakain, take note naka-kamay pa siya! Hirap na hirap siyang himayin ang ginataang tilapia na nasa plato niya.

Mas lalo akong na gutom ng makita ko ag pagkain kaya walang imik na na-upo ako sa tabihan ni Niko at naglagay ng kanin sa plato ko at sympre ang ginataang tilapia na sobra kung na miss!

Inabutan ako ni Papa ng kutsara at tinidor kaya tinanggap ko iyon. Laking bukid ako pero hindi ako nagkakamay, alam iyon ni Papa.

Nabalot ng katahimikan ang kubo ng dumating ako para bang wala sa kanilang gusto na magsalita. Kanina lang panay tawa ni Papa at Paulo ngayon para silang speaker na nakamute.

“Si Yvan?” Napatingin ako kay Niko ng basagin niya ang katahimikan.

“Nasa kwarto, pinatulog ko na.” Tumango naman siya.

Pagkatapos naming kumain nagpa-alam na si Paulo at Niko na may pupuntahan sila. Sa tingin ko alam ni Papa ang pupuntahan kaya mabilis rin itong pumayag na umalis na.

Inihatid ni Papa sa kusina ang mga hugasan kaya na iwan ako dito sa kubo na nagliligpit pa rin ng mesa.

“Pandak!” Sigaw ng kung sino.

Mabilis akong napalingon sa daan na tinahak ni Niko at Paulo. Salubong ang kilay na tiningnan ko si Niko ng makita ko itong nakatingin sa akin.

“A-ako?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya at itinuro ko pa ang sarili ko.

“Oo! Sino pa ba?!” Nginisihan niya ako.

Hindi lang manyakis ang lalaking ito, bully pa! Ang kapal ng mukhang tawagin ako ng pandak!

“Wag mong ipapatira sa lamok si Yvan, ikaw ang titirahin ko kapag may kagat siya ng lamok!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status