Share

Four

Cheska Yvonne.

KASALUKUYAN akong naghahain ng hapunan namin ni Papa. Tortang tatlong, chapsoy at pritong isda ang niluto ko. Inayos ko na ang mesa habang naghihintay sa kaniya.

Isinama siya ni Paulo sa sabungan. Ayaw ko siyang payagan pero iyon na lang ang libangan ni Papa kaya wala akong magawa, alam kong doon nagiging masaya si Papa kahit papaano.

Mula kahapon hangang ngayong maghapon, wala akong ibang ginawa kundi ang linisin ang buong bahay. Malinis naman na dati kaya ang ginawa ko ay iniba ko ang ayos ng sala. Maging sa kwarto. Pinalitan ko ang mga kurtina, punda at sapin ng kama. Nilabhan ko na kasabay ang ilang damit ni Papa na lalabhan.

Pumunta ako sa likod bahay para kunin ang mga sinampay ko. Habang kinukuha ko ang mga sinampay ko napatingin ako sa pathway kung saan ko narinig ang ingay.

Unti-unti kong nakita ang mukha niya hangang sa makita ko ang kabuohan ng niya. May dala-dala siyang manok na akala mo naman batikan na sabunggero. Panay ang pakikipag-kwentuhan nito kay Paulo na may dala-dalang manok na sa tingin ko ay na sambot.

May ilang lalaki na nakasunod sa kanila. Isa na doon si Papa na kitang-kita ko sa mukha ang kasiyahan niya. Ito kasi iyong bagay na hindi niya na gagawa ng mga panahong pinapa-aral niya ako dahil imbes na isugal niya iniipon niya para pantustos sa akin.

Alam kung sobrang sakit sa kaniya ang ginawa ko. Sobra-sobrang hirap ang dinanas niya. Iginapang niya ako sa hirap upang maitaguyod pero ito pang ang igaganti ko...

Nagpabuntis ng maaga.

Ang laki ng ginawa kong kasalanan kay Papa pero hindi niya pinaramdam sa akin na wala akong kwentang anak. Patuloy niya pa rin akong minamahal at sinusuportahan. Ang isa't-isa na lang ang karamay namin. Lahat gagawin ko upang makabawi kay Papa. Susuklian ko ang lahat ng paghihirap niya kahit na alam kung sobrang labo na.

“Anak!” Napangiti ako ng kumaway sa akin si Papa.

Ang sarap sa pakiramdam na ganito pa rin sa akin si Papa. Kung dati kumakaway siya sa akin kapag pagdating siya galing sa trabaho ngayon kumakaway siya sa akin galing sa Lugar na gustong-gusto niyang puntahan dati na hindi niya magawa ng bata pa ako.

Napatingin ako kay Sir Kael dahilan para magtama ang mata naming dalawa. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at nagmamadaling kinuha lahat ng sinampay ko at pumasok sa loob.

Bakit nandito na naman siya?

Kahapon, bumalik rin siya dito kasama ni Paulo at nag-inuman sila sa kubo. Ginawa pang hotel ang kubo namin dahil doon sila nakatulog ni Paulo. Sabi ni Papa, bandang alas tres na ng madaling araw umuwi si Sir Kael ng may tumawag dito, sigurado naman ako na si Hazel iyon.

Ibinaba ko sa sofa ang mga tutupiin at kumuha ako ng isang pitcher ng tubig at baso. Ito ang palagi kung ginagawa kay Papa sa tuwing darating siya.

“Dahil nanalo ang manok ko! Magpapa-vedio okie si Niko-boy!” Announced ni Paulo habang nakaturo kay Sir Kael.

Naghiyawan ang ilang kasama nila na para bang tuwang-tuwa sa sinabi ni Paulo.

“Boss, baka pwedeng alak rin!”

“Oo, nga Boss. Balato naman diyan!”

“Limang kahon lang ng Gin, solve na!”

“Samahan mo na rin Boss ng masarap na pulutan!”

Sambit ng mga ito kay Sir Kael. Masamang tingin ang itinapon ni Sir Kael kay Paulo.

“Tanga! Bakit ako? Gago ka ba?" Inis na tanong ni Sir Kael kay Paulo na ikinakamot naman nito sa ulo.

“Oo ka na lang, Tol! Manok lang panalo sa akin, sayo isang daang libo! Balato mo na sa amin ito. Sagot mo lahat ngayong gabi.” Kinindatan ni Paulo si Sir Kael at tinap sa balikat.

100 thousand? Paano kung na talo, ide na sayang lang ang pera niya?! Palibhasa mayaman!

“Pa, tubig niyo po.” Iniabot ko kay Papa ang baso. Sinalinan ko ito ng tubig ng tanggapin niya.

“Salamat, Anak.” Nakapamasid lang ako kay Papa habang umiinom.

Ayaw kung alisin kay Papa ang mata ko dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin na para bang lulusawin na ako!

“Sige! Sagot ko ang pulutan, inumin maging ang vedio-okie basta kayo na ang bahala na magdala dito!” Napatingin ako kay Sir Kael ng magsalita siya.

Natigilan ako ng makita na sa akin sa nakatingin habang nagsasalita. Napalunok ako ng makitang dumilim ang mukha niya at inirapan ako bago nag-abot ng pera kay Paulo. Kaagad naman itong umalis para bumili, talagang sumama ang lahat!

Anong problema ng manyakis na ito?

“Maiwan ko na muna kayo, magpapalit lang ako ng damit.” Paalam ni Papa.

Inilagay ko sa mesa ng kubo ang pitcher at ang baso. Baka uhaw na ang mga loko na iyon, hindi kaya basta-basta ang pag-akyat ng vedio-okie dito sa amin.

Kaming dalawa na lang ang nandito ni Sir Kael kaya iba na naman ang ihip ng hangin.

“Kamusta? Nakatulog ba kayo ng mahimbing kagabi?” Biglang tanong niya.

Kung tulog lang ang pag-usapan, sympre! Payapang-payapa ang tulog ko!

Sinulyapan ko siya ng tingin. “Oo naman! Sobra! Sobrang himbing ng tulog namin dahil walang esturbo, hindi tulad doon sa Mansion na napakababoy ng nasa kabilang kwarto, walang kapaguran, gabi-gabi na nga magdamagan pang gumagawa ng milag—”

“So, your enjoying listing to us?” He cut me off.

Napatakip ako ng bibig ng makita ko ang nakakainis na ngisi na sumilay sa kaniyang mukha sinundan pa ng mahina niyang pagtawa.

Susmaryosip Cheska!

Sinabi ko ba talaga ‘yon sa kaniya ng harap-harapan? Shit! Lupa kainin mo na ako!

Mabilis akong tumakbo papunta sa bahay, isinara ko at pinto at ni-lock ng mabuti. Sumandal ako sa nakasarang pinto habang habol hininga.

Jusko!

Ang simple ng tanong niya dapat Oo o kaya opo lang ang sagot! Napakadaldal mo Cheska. Bakit? Bakit sinabi mo ang ganu'ng bagay? Ano ka ngayon?

Wala na, punong-puno na ako ng kahihiyan sa harap ng lalaking iyon. Hindi ko na siya kayang harapin, sana hindi na kami magkita ng lalaking iyan! Kahit bali-baliktarin mo ang mundo, Boss mo pa rin siya!

Umuwi ka na! Uwi! Uwi!

“Oh, anak bakit ganiyan ang itsura mo? Bakit na mumula ang mukha? Ah, may sakit ka ba?” Nag-aalala na tanong ni Papa.

Pulang-pula ako sa kahihiyan Pa!

Sunod-sunod akong umiling at umalis sa pagkakasandal sa pinto. Na-upo ako sa tabi ng mga tutupiin. Nag-angat ako ng tingin kay Papa na salubong ang kilay na nakaturo sa pinto.

“Bakit mo sinarado? Hindi pa naman madilim, may tao sa labas... Si Sir Kael?” Napahilamos ako sa mukha ko.

Wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya.

“Pa,” Tumayo ako. “K-kasi... Kakain na tayo! Gusto kung kumain na tayong dalawa lang katulad ng dati, isa pa ang mga tao sa labas bisita ni Paulo hayaan mo na sila... Kumain na tayo!” Palusot ko.

Lumapit ako kay Papa at yumakap sa bewang niya. “Ako ang nagluto ng haponan, hindi pwedeng hindi mo titkman...” Paglalambing ko sa kaniya at tumawa naman siya.

“Oh, siya! Halika na, kumain na tayo. Tamang-tama at gutom na ako sa kakasigaw kanina, mabuti na lang at nandito ka anak may pagkain ng nakahain.” Ngumiti ako kay Papa.

Kumunot ako ng upuan at puna-upo ko si Papa. Nilagyan ko ng pagkain ang plato niya bago ako na upo sa tabihan niya.

“Kung pwede lang Pa, mas gusto ko na magkasama tayo. Para na aalagaan kita at na babantayan...” Sagot ko at sinimulang magsalin ng pagkain sa sarili kung Plato.

“Kaso hindi pwede anak, maging masaya na lang tayo na kahit ilang araw ay nagkakasama tayo sa isang buwan...” Tumango ako sa kaniya.

Hindi ako makakain ng maayos kasi naman si Sir Kael pa rin ang nasa isip ko. Ano kayang iniisip niya sa akin sa mga panahong ito? Paniguradong gutom rin siya pero hindi ko alam kung paano ko siya papakainin pagkatapos ng mga sinabi ko.

Bahala siyang magutom ginusto niya iyan, eh!

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ni Papa narinig ko ang ingay sa labas. Mukhang dumating na sila Paulo. Maya-maya pa ay naririnig ko na ang ingay ng vedio-okie.

“Mang Cesar!” Sigaw ni Paulo sa labas ng pinto.

Mabilis na tinapos ni Papa ang pagkain niya at tinungo ang pinto. Naiwan ako sa kusina na nagligpit ng pinagkainan namin. Hinugasan ko na rin ang mga ginamit namin bago ako nagtungo sa kwarto.

Pinagmasdan ko muna si Baby Yvan na mahimbing pa rin na natutulog. Kumuha ako ng damit sa cabinet ko at pumasok sa maliit kung banyo para mag-ayos ng sarili ko.

Dali-dali kung tinapos ang pagligo at nagbihis ng itim oversized shirt at floral cotton short. Binalot ko muna ng towel ang basa kung buhok. Lumabas ako ng banyo at kaagad na nilapitan ko ang anak ko.

“Oww... Tahan na baby. Nandito na si Mama...” Binuhat ko ito.

Punong-puno ng luha ang mukha niya. Ngumuso siya na para bang nagpapa-awa nag pag-iyak niya. Cute!

“Kawawa naman ang baby na ‘yan, sorry na po baby ko...” Pagka-usap ko sa kaniya at marahang isinayaw. Hinalikan ko siya sa noo at marahang niyakap.

“Wait lang, baby... Magt-timpla si Mama ng milk mo.” Lalabas na sana ako ng kwarto para ipagtimpla siya ng gatas ng mapansin kung nakabukas pa rin ang binata sa kwarto ko.

Nilapitan ko ito upang isara ngunit natigilan ako ng matanaw ko siya sa kubo na may hawak-hawak na isang baso na may lamang alak. Nag-iinuman sila habang si Paulo naman ay kinarer na ang pagkanta sa vedio-okie.

Nagtatawanan sila. si Papa nandoon rin pero sabi niya sa akin hindi siya iinom. Mukhang totoo naman ang sinabi niya dahil nakikipag-kwentuhan lang siya doon.

Napatingin ako kay Sir Kael. Inisaang inom niya ang laman ng baso niya. Kitang-kita ko ang pag-galaw ng adams apple niya sa bawat paglunok niya ng alak. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang ngiwi niya na para bang pinagt-tiyagaan niya lang ang iniinom niya.

Napatingin siya sa akin. Nagtama ang mata naming dalawa. Napalunok ako ng maramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Gusto kung umiwas ng tingin sa kaniya pero hindi ko magawa. Ngumiti siya kaya hindi ko maiwasang hindi gumanti ng ngiti sa kaniya.

He's so hot!

Mas lalong na baliw ang tibok ng puso ko.

Nakita ko na parang may binulong sa kaniya si Paulo at tumango naman siya at parang bumulong rin. Ano kayang sinabi ng lalaki na iyon?

“Happy viewing sayo, Cheska! Pinapasabi ni Niko-boy ang ganda mo...” Jusko!

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Napatingin kay Paulo na sa akin na rin nakatingin. Mas magandang sabihin na lahat sila nakatingin sa akin maging si Papa.

Buwisit ka Paulo, i-mic ba naman! Nakakahiya!

Mabilis kong isinara ang bintana. Tumalikod na ako at mahigpit na napahawak kay Baby Yvan. Hindi pa rin kumakalma ang puso ko. Nagbaba ako ng tingin kay Baby, gising na gising siya at hindi na umiiyak.

“Ano bang ginagawa sa akin ng Daddy mo... Palagi na lang akong na papahiya.” Mahinang bulong ko kay Baby.

Pinanggigilan ko na lang si Baby kaysa isipin ang Ama niya. Pinagtimpla ko siya ng gatas. Pinalitan ko rin ang diaper niya ng makita kung puno na ito. Ipinatong ko ang mga unan para gawin kung sandalan, naka-semi-lie ako sa kama ko habang nasa dibdib ko si Yvan na panay ang ngiti-ngiti. Nilalaro ko lang siya ng hindi pa siya natutulog.

“I love you...” Nilaro-laro ko ang maliit niyang daliri niya na nakapalibot sa hintuturo ko.

“Baby ko...” Pakantang sabi ko.

Napapangiti ako sa tuwing naririnig kong mahina niyang mga tugon. Ilang oras na kaming ganito. Sinubukan ko na siyang patulugin pero sa tuwing gagawin ko ay umiiyak siya kaya hinayaan ko na lang siya at hintayin na dalawin ng antok. Halos mapuno na ang cellphone ko sa tadtad ng picture naming dalawa. Kung anu-ano na ang ginagawa ko sa kaniya.

Hindi pa rin na titigil ang vedio-okie, habang tumatagal pawasak ng pawasak ang boses ng kumakanta.

“Bakit ayaw po matulog ng baby na ‘yan? Ah... Ano po gusto mo? Hm...” Pina-upo ko siya sa tiyan ko at ginawang sandalan niya ang mga bente ko. Hawak-hawak ko pa rin ang mga kamay niya.

“He want to sleep with me...”

Nanlaki ang mata ko ng makita si Sir Kael na nakasandal sa nakasarang pinto ng kwarto ko. Bumangon ako sa kama at akmang magsasalita na ng in-isang hakbang niya ang pagitan naming dalawa at tinakpan niya ang bibig ko.

“Shh... Don't shut. I just want to see Yvan before I leave...” Bulong niya sa akin habang nakatakip pa rin sa bibig ko ang kamay niya.

Amoy na amoy ko alak sa bibig niya at may halong menthol. Ang bango rin ng kamay niya, iyong perfume niya ang na aamoy ko.

Tumango ako kaya tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko. Na upo siya sa gilid ng kama. Itinukod niya ang dalawang siko sa kaniyang hita habang sinasabunutan ang sariling buhok.

Napatingin ako sa orasan. 11:42 PM. Wala na rin akong naririnig na ingay sa labas siguro tapos na ang inuman nila.

Mahigpit akong napayakap kay Baby Yvan bago dahan-dahan na umayos ng upo sa kama. Kumuha ako ng isang unan at ipinatong ko sa hita ko bago inayos ng upo si Baby.

“A-anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Kapag nakita ka ni Papa mapapatay kita kapag may mangyaring masama sa kaniya.” Bulong ko sa kaniya na may bahid ng inis. Saglit niya akong tiningnan.

“Not gonna happen. Hinatid ko siya sa kwarto niya at mahimbing na ang tulog niya. Gusto ko lang makita si Yvan kaya pumuslit ako...” He said while straightly looking into my eyes.

Nagbaba siya ng tingin kay Yvan. Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi niya ng makita itong gising pa. Yumuko ito para gawaran ng halik si Yvan pero agad ko ring hinarang sa mukha niya ang unan.

“What?” Inis niyang turan.

Dapat sa Mama muna kasi! Char.

“Amoy alak ka, bawal mong halikan, yakapin at buhatin si Yvan kapag naka-inom ka...” Seryoso kung sambit sa kaniya.

“Lasing ka na Sir, magpahinga ka na.” I added.

Malamlam ang mga matang tiningnan ako. Umalis na siya sa kama at naglakad na papalayo. Nalaglag ang panga ko ng maghubad siya ng damit, isinunuod nito ang sapatos maging ang pantalon na suot nito.

Oh my tinapa’ng hilaw! Sweet, matigas na yummy 6 pack abs sa akin ay bumungad!

Tanging boxer short lang ang itinira niya! Iniwan niya sa sahig ang mga hinubad niya bago umupo sa paanan ng kama at nilingon kami ni Yvan.

Gumapang siya papalapit sa amin ni Yvan kaya mahigpit akong napakapit sa unan. Anong binabalak niya?

“A-anong ginagawa mo?" Na uutal kung tanong sa kaniya ng makalapit siya sa amin.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Magpapahinga.”

Simpleng saad niya at isinubsob ang mukha sa unan na nakapatong sa hita ko at ipinalibot sa katawan ni Yvan ang braso niya. Halos ilang saglit akong hindi humingga dahil sa pagkabigla sa ginawa niya.

Pakiramdam ko ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Nakatitig lang ako sa maputi niyang likod na halatang-halata na palaging nasa gym.

Sunod-sunod akong napalunok dahil hindi ako comfortable sa position namin, kung wala si Yvan ako ang yakap niya. Kung wala ang unan sa hita ko malamang nakasubsob siya sa petchay ko!

“S-sir, ano ba... Sinabi kung magpahinga ka pero hindi ko sinabi na sa amin ka magpahinga.” Untag ko sa kaniya pero hindi siya gumalaw.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ng lumalim na ang paghinga niya. Wala akong magawa kundi ang mapa-irap. Hindi ko magawang makagalaw dahil naka-unan siya sa mga hita ko.

“Baby, no...” Saway ko kay Baby.

Mahigpit kasi itong nakahawak sa buhok ni Sir Kael at minsan ay hinihila parang sinasabunutan niya tuloy ang Daddy niya.

“No, baby... Don't hurt Daddy, don't do that...” Paki-usap ko kay Baby at sinubukan na tangalin ang pagkakahawak sa buhok ni Sir Kael.

Bakit ba kasi sa hita ko pa siya na higa alam ayaw ko nga sa kaniyang palapitin si Yvan dahil naka-inom siya tapos ngayon subsob na subsob pa talaga!

Pinilit kung umalis sa pagkakaunan niya sa hita ko. Itinulak ko siya papunta sa gilid para naman makahinga kami ni Yvan, umiiyak na kasi halatang inaantok na. Inilapag ko sa gitna si Baby ng makatulog na ito. Pinalibutan ko siya ng unan para hindi siya mahulog o kaya maipit ni Sir Kael.

Kumuha ako ng isang kumot at ginawa kong sapin sa lapag. Kumuha ako ng isang unan at nahiga ako sa lapag. Maliit kama ko, hindi kami kakasyang tatlo at kahit kasya kami hindi ako matutulog sa tabihan niya dahil wala kaming relasyon para matulog sa iisang kama. Ilang saglit pa ay dinalaw na ako ng matinding antok at hinayaan ko na ang sarili ko na matulog.

“Hm...” Ungol ko ng hindi ko maigalaw ang katawan ko na para bang may mabigat na bagay na nakapatong sa akin.

Ang lambot naman ng sahig!

Iminulat ko ang mata ko ng maramdaman kong may mainit na tumatama sa tenga ko. Napatakip ako sa bibig ko at pigil ang hininga na nilingon ko ang anak ko.

Napapagitnaan ako ni Sir Kael at ni Yvan!

Nakayakap sa akin si Sir Kael at naka-unan ako sa braso niya. Nakasubsob ang mukha niya sa akin kaya kapag nag-angat ako ng tingin sa kaniya ay magkalapit ang mukha namin habang si baby Yvan naman ay nakayakap sa braso ko at nakadantay ang maliit niyang paa sa akin.

Paano ba ako napunta dito sa kama?

Napatingin ako sa orasan. 3:11 AM Shit! Bakit ang bagal ng oras?

Dahan-dahan kung inilayo sa kaniya ang mukha ko at pinakatitigan ang mukha niya. Mula sa makapal niyang kilay, matangos na ilong, manipis at mapupulang labi. Napaka-gwapo niya sa malapitan, kitang-kita ko ang pagkakapareho nila ni Yvan.

Ang sarap sa pakiramdam na ganito kami. Iyong pakiramdam na buong-buo ka at walang kulang sayo. Iyong pangarap mo na suntok sa buwan pero nangyari. Magkakatabi sa iisang kama na para bang totoo kaming isang pamilya. Sana palaging ganito...

“Sana ako na lang...” Mahinang sambit ko.

Sa lahat ng ‘Sana’ ko sa buhay ito ang pinakamalabong mangyari. Sana ako na lang, sana ako na lang ang mahalin niya, sana magustuhan niya rin ako.

“Ano bang hindi mo magustuhan sa akin?” May tampo kung tanong sa kaniya.

Mabuti naman akong tao, mabait at mapagmahal. Kaya ko siyang mahalin ng higit pa sa buhay ko. Kaya ko siyang alagaan, kaya ko siyang pagsilbihan. Marunong ako ng mga gawaing bahay, marunong akong maglaba, magluto. Lahat-lahat na... Naging mabuti akong Ina kay Yvan kahit hindi namin siya pinagplanohan pinanindigan ko ang responsibilidad ko. Kaya ko ring maging mabuti at tapat na asawa sa kaniya.

“Mahirap lang ako at hindi ako bagay sa isang katulad mo...” Iyon ang sagot sa tanong ko!

Siguro nga mayroon akong tinataglay na ganda na pantapat kay Hazel. Kung agali lang din ang pagbabasehan higit na mas lamang ako sa kagandahang asal sa kaniya pero kung estado sa buhay ang basehan, talong-talo na ako dahil siya mataas ang pinag-aralan at malayo na ang narating sa buhay, maliban sa pagiging anak mayaman isa siyang sikat na model na hinahanggaan ng lahat.

“Mahal na mahal kita Niko...” Bulong ko kasabay ang luha na naglalandas sa aking pisngi.

Malakas ang loob ko na sabihin sa kaniya ang katagang iyon dahil alam kung tulog siya. Kahit papaano ay na sabi ko na rin sa kaniya ang matagal ko ng kinikimkim na pagmamahal ko sa kaniya. Hinaplos ko ang pisngi niya.

“Sapat na sa akin na kilalanin mo si Yvan bilang anak mo...”

Pilit akong ngumiti. Tinuyo ko ang pisngi ko.

Masaya ako at kontento na ako sa kung ano ang ipinapakita at ipinaparamdam niya kay Yvan. Siguro nga hindi pa siya handang matali sa ibang babae pero nakikita ko na mabuti siyang ama para sa anak niya.

Dahan-dahan kung inalis ang kamay niya sa tiyan ko at dahan-dahan akong tumagilid paharap kay Yvan. Inayos ko ang higa ni Baby at pinaunan ko siya sa braso ko. Kinumotan ko siya dahil malamig na. Naramdaman kong gumalaw si Niko sa likuran ko. Hindi ko maiwasang kabahan dahil baka na gising ko siya at narinig niya ang mga sinabi ko. Nakaunan pa rin ako sa braso niya at muling pumulupot sa katawan ko ang braso niya sa pagkakataong ito, nakatagilid na rin siya paharap sa akin at isiniksik niya ang katawan niya sa katawan ko.

Malamig na pero sa ginawa niya ay na pawi na ang lamig na nararamdaman ko dahil magkadikit na magkadikit ang balat naming dalawa, lalo pa’t wala siyang saplot pang-itaas.

Napakagat labi ako ng maramdaman ko ang matigas na bagay na tumatama sa pang-upo ko. Siniko ko siya sa tagiliran para lumayo siya sa akin ng kaunti.

Buwisit! Tulog ba ito o nagtulog-tulogan lang? Nananadya talagang idikit sa akin ang talong niyang tigas na tigas!

Ilang beses ko siyang siniko pero imbes na lumayo mas lalo pa siyang sumiksik sa akin at naramdaman ko na humalik siya sa batok ko.

“S-sir!” Saway ko sa kaniya.

Ilang ulit niya pa akong hinalikan sa batok. Humaplos ang kamay niya sa braso ko na nakayakap kay Yvan at hinawakan ang kamay ko. Sumikdo ang puso ko sa ginawa niyang iyon.

“Stop being rude.” He huskily whispered to my ears.

“I’m not. You are, Sir!” Inis na tugon ko sa kaniya.

“Stop calling me, Sir.” Saway niya. Hinalikan niya ako sa balikat.

“Next time you're going to call me Sir. I'm going to kiss—oh. No...” He paused. I feel his lips kissing my earlobe.

“I’m going to fuck you.” He whispered.

Black_Jaypei

Dedicated to: Ma'am 𝐋𝐨𝐯𝐢 𝐀𝐧𝐚𝐥𝐚

| Like
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lovi Anala
nakakabtin mag basa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status