Share

Two

Niko Vanrielle.

DAHAN-DAHAN akong naglakad papunta sa kwarto ni Hazel. Ginawa ko ang lahat para maglakad ng walang ingay ang aking mga paa.

Napangisi ako ng pihitin ko ang pinto at bukas ito. Kaagad akong pumasok sa loob at in-lock ang pinto.

Bumungad sa akin ang nakakatakam na tanawin at sumalubong rin sa pandinig ko ang iyak ng sanggol mula sa kabilang silid.

“Baby...” Sinungaban ko ng halik si Hazel ng salubungin niya ako ng yakap.

“Baby, nakakainis ang Lolo mo pinaghiwalay pa tayo ng kwarto.” Bulong niya sa akin habang panay ang tili dahil sa ginagawa kong paghalik sa kaniya.

“Shh... Minimize your voice baka may makarinig sa atin.” I whisper at her. “I can't sleep, what a noise of that kid!” Irita na sambit niya.

“Don’t worry, we won't sleep. We’ll play all night...” I grin before I claim her lips. Mapusok ko siyang hinalikan at sinasabayan niya ang bawat halik ko sa kaniya. My hands traveling to her body. Massaging her breast, squeezing and fuffle it.

Hazel Gil.

I meet her in Thailand. In her shoot where I was having an good time. At first, I can say that she hit difference... I was attractive to her, she ignore me at first and I tell myself that she's going to be mine!

We date end up in my bed, moaning my name.

Speaking of moan... Kahit anong pilit niyang pigilan ang ungol na lumabas sa kaniyang bibig ay hindi niya magawa dahil sa mabilis at walang tigil kung pagbayo sa loob niya.

Tumirik ang mata niya sa sarap na dulot ng walang humpay kung pagbayo. Pareho na kaming naliligo sa sarili naming pawis. Pareho na rin kaming habol hininga.

“Oh... Baby.” I groan and I push so hard inside of her that's make her shout in shock. “Sh...” Tinakpan ko ang bibig niya.

Hindi ko na naririnig ang iyak ng bata, siguro mga isang oras bago iyon matigil. Tahimik na sa kabilang kwarto kaya hindi dapat kami gumawa ng ingay na ikagigising ng lahat.

“I-I’m cumming, again... Baby. Ohh...” She moan.

Ilang beses pa akong umulos at naramdaman ko ang katas niya na pumalibot sa pagkalalaki ko, I continue thrusting in and out until I feel that I almost there. I immediately withraw my cock inside of her and I masturbate myself for a second then I reached the climax.

Bagsak akong nahiga sa kama sa tabihan niya. Nagsalubong ang kilay ko ng makitang ang sama ng tingin niya sa akin.

“W-what?” Hinihingal kung tanong sa kaniya.

Inirapan niya ako. “P-pwede mo namang iputok sa loob ah, bakit hindi mo ginawa?” May tampong tanong niya sa akin.

“Ikaw na ang may sabi, ayaw mo pang magka-anak tayo. Maliban sa pag-inom mo ng pills mabisang pag-iingat na rin ang withrawal para siguradong hindi kita mabubuntis.” Kinindatan ko siya.

May career siya na ini-ingatan at ayaw ko rin naman na masira ito ng dahil sa akin. Mahal niya ang trabaho niya kaya dapat lang na siguraduhin ko na hindi ko siya mabubuntis habang nasa larangan pa siya na mahal na mahal niya.

“What if I'm ready to build a family with you?” Na ubo ako ng masamid ako ng sarili kong laway.

I'm not fucking ready yet!

“Are you?” I seriously ask her.

“There’s a part of me saying yes but I can't let go of my fashion. I—”

“So, your not. Let's just enjoy ourselves together. That's it!” I cut her off.

Iniyakap ko sa hubad niyang katawan ang braso ko at isiniksik sa leeg niya ang mukha ko. I kiss her neck down to her breast. I position myself on the top of her and my warrior is getting hard again ready for all night fight! Muling na buhay ang katawang lupa ko at sabik na sabik na maangkin siya ng paulit-ulit hangang magdamag.

Cheska Yvonne.

NA GISING ako ng marinig kung umiiyak si Baby Yvan. Bumangon ako sa kama kahit na tamad na tamad akong bumangon dahil wala pang apat na oras ang tulog ko. Hindi lang dahil sa panay ang iyak ni baby kundi dahil na rin sa ungol na mula sa kabilang kwarto.

“Gutom na ba ang baby ko? Ah...” I talk to him like I can receive an answer from him.

Kinuha ko ang gatas niya at pina-inom siya. Tumigil siya sa pag-iyak kaya pinagmamasdan ko lang siya hangang sa maubos niya ang gatas at nakatulog na ulit.

Kinuha ko ang milk bottle niya ng wala na itong laman. Tinakpan ko habang naglalakad papunta sa bedside table para doon ipatong. Napatingin ako sa paglalakad at napatingin sa malapad na pader kung saan ko na rinig ang ungol.

Akala ko ay guni-guni ko lang ngunit paulit-ulit kung naririnig kaya impossible na guni-guni ko iyon. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader.

4:59 AM.

Hindi pa rin sila tapos?! Alas otso pa lang sa gabi naririnig ko na ang ungol sa kabilang kwarto hangang ngayon ba naman na umaga na at ilang minuto na lang ay sisinag na ang araw gumagawa pa rin sila ng milagro?!

Buwisit!

“Kung ayaw niyong magpatulog, magpatulog kayo!” Inis na sigaw ko.

Napatakip ako sa bibig ko at nagmamadaling bumalik sa kama at nagtalukbong ng kumot ng mapansin kong natigil ang ingay sa kabilang silid. Mabuti na lang at hindi nagising si baby sa ginawa ko.

Akala ko titigil na sila pero paglipas ng ilang minuto ganu'n na naman ulit. Timihaya ako sa kama at bumuga ng marahas na hangin ng maramdaman ko ang kakaibang kirot sa dibdib ko.

Ito ‘yong dahilan kung bakit hindi ako makatulog. Pinapakiramdaman ko ang puso ko, habang tumatagal na naririnig ko ang ungol nila sa kabilang linya paulit-ulit na sinasakal ang puso ko. Gusto kung magprotesta pero anong laban ko? Kahit anong gawin ko, kahit sabihin kong ‘mahal kita, Niko!’ hindi magbabago ang tingin niya sa akin...

Katulong lang ako na naanakan niya.

Alam ko namang hindi niya ako gusto at hindi niya ako magugustuhan, masyado ng mataas ang ambition ko kung pangarap ko na mahalin niya ako.

Mahal ko siya simula pa lang ng una bago pa ako maging katulong sa mansion na ito. Isa akong simple’ng estudyante habang siya naman ay sikat na playboy sa paaralan. Halos lahat ng babae ay nagiging girlfriend niya minsan nga sinasabi ko sa sarili ko na...

Sana ako na lang.

I'm a highschool graduate as a Summa Cum Laude. Gusto kung makapagtapos ng pag-aaral at iyon rin ang gusto ni Papa para sa akin. Double kayod ang ginawa niyang pagt-trabaho para makapagtapos ako ng highschool araw-gabi ay nagt-trabaho siya. Gusto kung maging working student pero ayaw niya dahil responsibilidad niya raw iyon sa akin ang mapa-aral ako. Dahil sa walang humpay na pagt-trabaho ni Papa sa sakahan at iba pang gawaing bukid para makapag-ipon na makapasok ako sa isang sikat na university ay inatake siya sa puso.

Kahit ayaw niya ay mas pinili kung magtrabaho para sa aming dalawa kaysa ang mag-aral ng kolehiyo. Mahalaga sa akin si Papa at mas mahalaga siya sa mga pangarap ko dahil siya na lang ang nag-iisang pamilya ko. Kakampi ko...

Si Tiya Lolit na mayordoma sa Mansion ng mga Hamilton ang nagpasok sa akin na maging kasambay dito. Malaki ang pasahod sa akin ni Don Raphael. Sobrang sapat sa pang araw-araw namin ni Papa at mambili na rin ng maintenance niya. Maliban sa malaking sahod na ibinibigay niya ay pinag-aral niya rin ako ng kolehiyo.

Masasabi ko'ng ubod ng bait si Don Raphael kahit na madami ang nagsasabi na masamang tao siya. For me, he's an angel!

Sa Mansion ay hindi ako komportable kapag nasa Mansion si Sir Kael ang bunsong apo ni Don Raphael na ubod ng gwapo at kamanyakan sa katawan. Alam ko sa sarili ko na crush ko siya at hindi lang doon ang nararamdaman ko pero ng makasama ko siya sa iisang bubong doon ko napagtanto na napakalaking manyak at bastos niya!

Third year college ako at fourth year college siya ng may mangyari sa aming dalawa. Ang bilis ng pangyayari, sa isang iglap ay isinuko ko sa kaniya ang bagay na dapat ay ilalaan ko para sa taong makakasama ko habang buhay. Lasing siya ng gabing ‘yon, sa kalasingan niya ay sa kwarto ko siya nakapasok. Inalalayan ko siya papunta sa kwarto niya at kahit inis na inis ako sa kaniya nagawa ko siyang alagaan para mahimasmasan. At ng halikan niya ako ay hindi ko nagawang magprotesta, gustong-gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa dahil may parte sa akin na gusto ko ang ginagawa niya.

Nang gabing iyon, napagtanto ko na kahit anong inis ko sa kaniya at kahit paulit-ulit kung sabihin sa sarili ko na wala na akong nararamdaman sa kaniya ay tinraydor ako ng sarili ko.

I love him! I love the man who took my virginity!

Paglipas ng araw, linggo at buwan madami ang napapansin kung nagbago sa akin. Madalas akong magsuka tuwing umaga o ‘di kaya nagigising sa gabi para lang kumain ng mga pagkain na ang weirdo! Natuklasan ko na lang na buntis ako ng himatayin ako sa gitna ng gym, ng foundation day.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot akong umamin kay Papa dahil baka atakihin na naman siya sa puso. Lalo naman kay Don Raphael dahil sa mga panahon na iyon ay ilang linggo na siyang namamalagi sa hospital dahil sa sakit niyang cancer. Hindi ko alam kung sasabihin ko kay Kael, kung anong plano niya sa amin ng batang dinadala ko bunga ng isang gabing pagsasama.

Si Sir Gael at ako lang ang nakaka-alam na buntis ako dahil siya ang pumunta ng tumawag sa Hamilton mansion ang nurse ng school. Walang alinlangang tinanong niya sa akin kung ang kapatid niya ang naka-buntis sa akin. Wala akong balak na magsinungaling at hindi ko kayang gawin iyon dahil iba ang ugali ni Sir Gael.

Hindi siya nagulat o pinagsalitaan ako ng masama dahil nakita niya ng gabing iyon na pumasok si Sir Kael sa kwarto ko. Imbes na sa akin siya magalit ang kapatid niya ang sinugod niya at galit na galit dahil hindi lang ako ang babaeng na buntis nito. Dalawang linggo bago ko matuklasan na buntis ako ay may dalawang magkasundo na college student ang sumugod sa Mansion ng Hamilton, buntis ito at si Sir Kael ang Ama. Iyon ang dahilan para isugod si Don Raphael sa hospital.

Masyadong marami ang nangyari at komplikado ang lahat. Gusto ni Kael na ipalaglag ko ang bata katulad ng mga una niyang ginawa sa mga babaeng nabuntis niya. Ngunit tumutol si Don Raphael, gusto niyang buhayin ko ang bata dahil sinabi niyang hindi na siya magtatagal at gusto niyang magkaroon ng apo kay Sir Kael, babayaran niya ako ng malaking pera alagaan ko lang ang sarili ko hangang sa mailuwal ko ang bata. He will provide everything in my pregnancy. Kael was against in his grandfather’s want but when Don Raphael say that it was his last wish from him, he agreed!

Pumayag ako sa gustong gawin ni Don Raphael pero hindi ibig sabihin no’n ay magpapaka-ama si Sir Kael sa anak ko at papanagutan niya ako. Wala siyang paki-alam sa gustong mangyari ni Don Raphael, wala siyang paki-alam sa amin ng magiging anak niya.

Tumutol ako ng una ngunit sa huli pumayag ako ng atakihin sa puso si Papa dahilan para mangailangan ako ng malaking pera para sa operation ni Papa.

Hindi man ito ang gusto kong mangyari ngunit wala akong magawa. Gusto ko sana na kung bubuhayin ko ang bata, gusto ko siyang mabigyan ng kompleto’ng pamilya at panindigan kami ni Sir Kael, hindi man para sa dignidad ko ngunit para na lamang sa anak ko. Ako ang babae, ako ang dihado.

It's also, one year before I graduate as a nurse but stop studying because I'm pregnant.

Iba’t-ibang Pagka-graduate ni Sir Kael ng kolehiyo ay pumunta siya ng ibang bansa. Malaking kahihiyan ang dinulot niya sa pamilya nila at ako ang sinisisi niya doon dahil nagpabuntis ako sa kaniya—hindi ko naman ginusto ito dahil sa aming dalawa buhay ko ang na sira. Umalis siya ng bansa kahit ayaw ni Don Raphael.

Mula sa pagiging katulong, naging taga-alaga ako ni Don Raphael, siya na lang ang asikasuhin ko, dapat ay maka-inom siya ng gamot sa tamang oras. I am the care taker of him, hindi na siya kumuha pa ng personal nurse dahil ako na lang ang kinuha niya kahit hindi ako maka-graduate. Ang hirap ng sitwasyon ko dahil dalawa ang inaalagan ko, hindi ko alam ang kung sino ang uunahin ko kapag umiiyak si Baby at panay naman ang tawag sa akin ni Don Raphael kapag may kailangan siya. Ang hirap magpalaki ng anak pero mas mahirap mag-alaga ng matanda.

Habang paulit-ulit na naririnig ko ang ungol sa kabilang kwarto, walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Nasasaktan ako pero may karapatan ba ako na makaramdam ng ganito kung sa simula’t sapol pa lang ay walang kami...

Do I deserve this?

Kung kaya ko lang hatiin ang katawan ko ay gagawin ko para sabay silang maalagaan—

“You know what? Kael is a certified playboy... When I first meet him, I hate him at first... Sino ba namang hindi eh, lahat na lang kasi ng babae na umaaligid sa kaniya pinapatulan niya.” Kwento ni Hazel kay Fiona.

Tahimik akong naglakad papunta sa kinaruruonan ni Don Raphael para bigyan siya ng pagkain. Naka-upo si Don Raphael sa dulo habang sa kanan niya naman si Sir Gael na tahimik na kumakain, katabi ang asawa niya na si Ma'am Fiona na panay ang pakikipag-kwentuhan kay Hazel na katapat niya. Ang dalawa nilang anak na si Hiro at Kiro na ina-alalayan na kumain ng kaniya-kaniyang Yaya.

Wala si Sir Kael.

Bilid naman ako sa Hazel na ito, magdamagan ba namang diligan ni Si Kael ngayon buhay na buhay! Siguro ganito nga ang mga tipong babae ni Sir Kael.

Unang tingin pa lang ay hindi mo maikakaila na maganda siya, mataas ang pinag-aralan at mayaman.

“Well, gwapo siya sa paningin ko at ang lakas ng datingan niya hindi ko maikakaila sa sarili ko na type ko siya...” Kinikilig na dagdag ni Hazel dahilan para mahinang tumawa si Ma'am Fiona.

“Cheska. Sumabay ka na...” Sambit ni Don Raphael ng nilalagyan ko ng pagkain ang plato niya.

“Mamaya na lang oh, Don Raphael.” Madalas niya akong alukin na sumabay sa kanila pero madalas ko rin siyang tanggihan dahil nahihiya ako na makisalo sa kanila lalo pa’t isang pamilya sila’ng kumakain.

Pagkatapos nilang kumain, inihatid ko si Don Raphael sa kaniyang silid at pina-inom na ng kaniyang gamot. Pinahirapan ko ng ointment ang kaniyang dalawang binti dahil mayroon siyang arthritis maliban sa cancer. Iniwan ko siya sa loob na nagpapahingga pagkatapos kung buksan ang lahat ng bintana.

“Don Rap—”

“Iwan mo na ako.” He cuts me off.

Nakayukong sinunuod ko na lang siya dahil sa tuno ng boses niya ay mukhang malungkot siya. Sa tinagal ko dito, kilala ko na si Don Raphael. Ganiyan siya kapag nagkakasagutan sila ni Sir Gael sa nakita ko kanina okay naman sila dahil sumabay si Sir Gael sa pagkain, gawain kasi nito an kapag nagkasagutan sila ay hindi ito sumasabay sa pagkain.

Wala si Sir Kael sa hapag, hindi kaya sila ang may tampuhan? Tungkol ba ito sa usapan nila kahapon? I heard everything what he said and it's like a gun shooting my chest, nonstop.

Bali-baliktarin ko man ang mundo, hindi magbabago ang tingin niya sa akin na katulong lang ako at mula sa putik.

Magpapa-alam sana ako na uuwi sa amin pero mukhang kailangan ako ni Don Raphael kaya wag na lang muna, maiintindihan naman ako ni Papa.

“Pst!” Napatingin ako sa naka-awang na pinto.

Balak ko sanang lapitan ngunit mapagtanto ko na kwarto iyon ni Sir Kael. Madilim sa buong silid dahil wala akong na aaninag na liwanag sa loob.

Nagmamadali akong bumaba sa kusina dahil baka may makakita sa akin na nakatayo sa harap ng pinto ni Sir Kael baka kung ano pa ang isipin nila lalo na’t alam kung sila ni Hazel na ipinakilala niyang kaibigan kay Don Raphael.

“Cheska, right?” Napatigil ako sa paglalakad ng may magsalita sa Sala.

It's Hazel.

“O-opo, may kailangan po ba kayo?” Magalang kong tanong sa kaniya. Kahit hindi ko gusto ang presence niya dapat ko pa rin siyang igalang at pagsilbihan dahil isa siyang bisita sa Mansion.

Tiningnan niya ako mula ulo hangang paa. “I want you to bring Kael’s breakfast in his room.” Ngumiwi siya. “You’re just a plain and simple, siguro akong hindi ka niya papatulan.” She added.

Gusto niya bang isampal ko sa pagmumukha niya si Baby Yvan?!

Lumapit siya sa akin at Hinawakan ang buhok at nandidiring binitawan. “Yuck! Naliligo ka ba?” Binuntunan niya pa ng tawa.

FYI, palagi akong naliligo!

Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Sa pagmamadali ko kanina nakalimutan ko ng magsuklay. Nataranta ako ng tinawag ako ni Don Raphael sinabayan pa ng iyak ni Baby kanina.

Maayos naman ang itsura ko ah. Kahit nakasuot ako ng duster at palaging naka-bun ang ayos ng buhok pero may ilang hibla ng buhok na nasa harap.

“Ligo-ligo rin pag may time, baka mangalingasaw...” Ipinaypay niya pa sa harap niya ang kamay niya na para bang may mabaho.

Oy, kahit ganito itsura ko malinis ito! Mabango at fresh! Kamusta naman ang sayo, maganda ka nga sa panlabas kamusta naman ang petchay mo, masyado nang na sobrahan sa dilig kaya laspag na!

Mahigpit akong napakapit sa suot kung duster dahil sa gigil ko sa kaniya. Ang sarap niyang sampalin at sabunutan mabuti na lang at mabait ako. Kalma, Cheska! Kalma.

“No, offense ah? I'm a frank person. I can talk what I want to say based on what I saw...” Ngumiti siya sa akin. “You know what? Kulang ka lang sa ayos pero unang tingin ko pa lang sayo ay maganda ka...” Dagdag niya pa.

Sasagot na sana ako sa kaniya ng may kumalabit sa akin. Nagpa-alam muna si Tiya Lolit bago niya ako hinila papunta sa kusina. Aligaga siya at minamadali niya akong dalhin sa kwarto ni Sir Kael ang pagkain nito. Pagka-abot sa akin ni Tiya Lolit ng tray ana puno ng pagkain ay nagmamadali akong naglakad papunta sa kwarto niya dahil sabi ni Tiya Lolit kanina pa daw ito naghihintay ng almusal, pinadala niya na daw sa isang maid pero pinabalik nito dahil ako daw ang gusto nito na magdala ng almusal niya.

Arte!

Nilukob ako ng matinding kaba ng makatayo ako sa harap ng silid niya. Bumuntong hininga ako bago mahinang itinulak ang pinto gamit ang mga paa ko. Mabuti na lang at naka-awang na ang pinto ng kwarto niya kaya hindi ko na kailangan pang pihitin ang doorknob.

Pagkapasok ko ng kwarto niya na nuot sa ilong ko ang panlalaki niyang perfume at sobrang tapang nito pero kahit ganu'n ay ang bango ng datingan nito sa akin.

Nakita ko siyang nakadapa sa kama habang yakap-yakap ang isang unan at nakasubsob ang mukha dito. Nakakumot siya hangang bewang. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya ng makita kong wala siyang damit pang-itaas.

Tumayo ako sa malapit sa gilid ng kama hawak ang almusal na dala ko. “S-sir Kael, ito na po ang almusal niyo.” Mahinang sambit ko pero sapat na iyon para marinig niya.

Gumalaw siya. Inangat niya ang ulo niya at papikit-pikit pa ang mata na tumingin sa akin. Shit ang gwapo! Ngumiti ito ng makita ako, nag-inat pa ito bago na upo sa gitna ng kama.

“Good morning...” Matamis niyang bati sa akin.

Good morning mo mukha mo! Ikaw lang naman ang masaya ako hindi! Akala niya siguro hindi abot sa kabilang kwarto ang ingay ng kababalaghan nila ni Hazel kagabi!

“G-good morning Sir...” Kahit labag sa loob ko binati ko na rin siya. Puyat ako Oo! Puyat ako sa pandidiri sa kanila!

Tinap niya ang gilid ng kama tanda na ilapag ko doon ang dala ko. Para akong robot na lumapit sa kama niya at inilapag doon ang tray na dala ko.

“Ang sarap ng tulog ko...” He said. Ang lapad pa ng ngiti ng loko.

Ang tanong na tulog ka ba talaga?

“Ikaw ba?” He added and look at me.

Ako ba in-insulto nito? Paano ako makakatulog ng mahimbing kung sa kabilang kwarto magdamag na may humahalinghing?

Tumango na lang ako.

Wala akong balak na kausapin siya. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin kahapon, iyong nangyari rin kagabi. Hangang ngayon wala pa rin siyang pinagbago. Siya pa rin ang Niko Vanrielle Hamilton na nakilala ko! Ang lalaking bumuntis sa isang pulubi at katulong na si...

Cheska Yvonne Torres.

“Ches.” Napatingin ako sa kaniya na kumakain ng sandwich. Iyan na naman tayo sa pa Ches-Ches na iyan! Diyan mo ako nakuha na gago ka!

“May problema ka ba sa akin?” He ask.

Ang laki ng problema ko sayong loko ka!

“W-wala.” Tipid kung tugon sa kaniya.

Ramdam ko ang awkward sa pagitan naming dalawa. Ewan ko ba kung bakit niya ako kinaka-usap ng ganito samantalang noong malaman niyang buntis ako halos itulak ako ng mata niya sa hagdan kapag nagkakasalubong kami. Palaging masama ang tingin niya sa akin at hindi niya ako pinapansin. Para bang may nakakahawa akong sakit kaya niya ako iniiwasan.

“Tawagin niyo na lang po ako Sir, kapag tapos na kayong kumain.” Sambit ko.

Ayaw kong magtagal sa kwarto niya hindi ko gusto ang ihip ng hangin para akong hihikain dito. Lumabas na ako kahit wala pa siyang tugon sa sinabi ko. Pinuntahan ko si Baby ng makalabas ako ng silid niya, nakasalubong ko ang isang katulong, Mikay ang pangalan niya. Ibinilin ko sa kaniya na puntahan na lang mamaya si Sir Kael kapag tapos na itong kumain dahil asikasuhin ko naman muna ang anak ko. Mabuti na lang at mabait sa akin si Mikay at kaibigan ko dito kaya pumayag siya.

“Hindi ba day off mo ngayon?” Puna ni Mikay.

“Oo.” Tumango ako. Tiningnan niya ako na may pagtataka sa mukha. “Bakit hindi ka pa nagbibihis para bisitahin ang Papa mo?” Tanong niya.

“Sa susunod na lang siguro, hindi pa kasi ako nakakapag-paalam kay Don Raphael baka hanapin niya ako. Mukhang malungkot pa naman siya...” Tumango si Mikay.

“Ikaw ang bahala, pwede ka namang magsabi kay Tiya Lolit para siya na lang ang magsabi kay Don Raphael. Isa pa, hinihintay ka ng Papa mo...” Tumango ako sa kaniya. “Sige, ibaba ko na muna ito.” Paalam niya dala ang gamit sa panlilinis.

Pumunta ako sa kwarto ko kung na saan ang anak ko. Tulog pa ito kaya na upo muna ako sa kama. Hindi ko maiwasang hindi malungkot. Ilang linggo ko ng hindi na bibisita si Papa dahil nitong mga nakaraan ay nakabantay ako kay Don Raphael sa hospital.

Miss na miss ko na siya at ang mas nakakalungkot pa ay nagagawa kong alagaan ang ibang tao pero siya hindi ko magawang alagaan tulad ng pag-aalaga ko kay Don Raphael dahil malayo ako sa kaniya.

Minsan na iisip ko na inabuso ko ng sobra ang kabaitan ni Papa. Pero sa tuwing sasabihin niya na iintindihan niya ako at alam niyang ang ginagawa ko ay para sa aming dalawa. Para may pang araw-araw siya at maintenance ng gamot. Nagpapasalamat siya sa akin dahil hindi ko siya iniwan at pinapabayaan.

Si Papa na lang ang meron ako. Maliit pa lang ako ng iwan ako ni Mama kay Papa. Itinaguyod niya akong mag-isa, pinalaki bilang isang mabuting tao. Naging Mama at Papa ko siya kaya nga sa kaniya ako kumukuha ng lakas dahil isa rin akong single parents.

‘Kung kaya ko, mas kaya mo anak...’

Tumatak sa akin ang sinabi ni Papa. Itinaguyod niya ako ng mag-isa at may tiwala siya na kaya ko ring itaguyod ng mag-isa si Baby Yvan.

Sa susunod na linggo bibisitahin ko na si Papa at kung maari ay hihingi ako ng dalawa o tatlong araw na bakasyon para makasama ko rin si Papa.

Ilang araw ang lumipas, pasikip ng pasikip ang Lugar namin ni Sir Kael sa isa't-isa. Mabuti na lang at paminsan-minsan lang kami nagkikita dito sa Mansion dahil madalas silang mamasyal ni Ma'am Hazel. Halos araw-araw silang wala at uuwi ng gabing-gabi na. Ilang gabi na rin akong buwisit na buwisit at puyat na puyat tulad ngayon.

Madaling araw na gising na gising pa rin ang diwa ko.

“Ma’am Fiona, uminom ka po muna ng gatas.” Iniabot ko sa kaniya ang isang baso ng gatas. “Bakit gising pa po kayo? ‘Di ba masama iyon sa buntis...” Dagdag ko.

“Salamat, Ches.” Tinanggap niya ang baso. Napalunok ako dahil na aalala ko si Sir Kael sa pagtawag niya sa akin ng Ches.

“Wala pa kasi si Gael, nag-aalala na ako...” Tumanaw siya sa garahe. Tumingin siya sa akin. “Ikaw, bakit gising ka pa?”

Sino ba naman kasing makakatulog kung may gumagawa ng milagro sa kabilang kwarto?! Gabi-gabi na lang!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status