Share

The Legitimate Playboy Heir
The Legitimate Playboy Heir
Author: Black_Jaypei

One

PAGHINTO ng Van sa garahe ay agad akong bumaba bitbit ang traveling bag na dala ko. Mabilis akong tumakbo papasok ng Mansion. Matinding kaba ang nararamdaman ko sa bawat hakbang papasok sa loob ng Mansion.

Napatigil ako sa pagtakbo ng marinig ko ang paborito niyang musika. Bumuga ako ng marahas na hangin ng makita ko siyang bibong-bibo na sumasayaw kasama ang dalawang batang lalaki na sa tingin ko ay lima at apat na taong gulang.

What the fuck!

Napatitig ako sa dalawang bata na tunuturuan niya ng nakaluma niyang moves. Parang manok lang na iniinsayo dahil may laban. Atras-abante at kaunting lambot ng katawan habang kasabay sa galaw ang kamay na animo’y lilipad na. Napangiwi ako ng nakita sa dalawang bata ng ang araw na ako ang sumasayaw ng ganiyan kasama niya.

Sobrang badoy pala!

Hindi ako mapakali sa byahe dahil okupado niya ang isipan ko, mula Thailand walang pahinga deritso dito sa Hacienda. Minsan ang sarap rin ni Lolo na gisahin ng mga tanong. Bakit kasi mas gusto niyang dito sa Hacienda? Ano bang mayroon sa Lugar na ito na hindi niya maiwan-iwan?

Putikan ang mga tao dito. Iyan ba ang gusto niyang nakakasalamuha kaysa sa mga businesses partner niya na hindi na dadapuan ng kahit isang alikabok.

Ngayon makikita ko lang siyang walang ka sakit-sakit, mukhang hindi naman isinugod sa hospital! Putangina! Akala ko ba nakaratay na siya sa kama at hindi na magawang makakilos? Hindi naman sa hindi ako masaya na makita siyang nasa maayos na kalagayan pero nakakagago! Ginamit niya ang sakit niya para umuwi ako, bumalik sa kinamumuhian kong Mansion!

Umikot siya dahilan para makita niya na ako. Napatigil siya sa pagsayaw at pinakatitigan ako. Kahit may salamin siya kitang-kita ko ang paglaki ng mata niya sa gulat na makita ang gwapo niyang apo.

“Kael?” Tawag niya sa akin.

“Apo?!” Tumango ako.

“Hindi mo ba bibigyan ng yakap ang Lolo mo?” Tanong niya at idinipa ang mga kamay.

Umiling ako bago napangiti. Ibinato ko sa sofa ang bitbit kung bago lumapit sa kaniya at niyakap siya. Mahigpit ang ganting yakap niya sa akin at rinig na rinig ko ang mahinang tawa niya na parang sayang-saya siya na makita ako. Well...

I miss this freaking old man!

Bumitaw siya sa yakap at ipinatong sa magkabilaang balikat ko ang mga kamay niya na para bang sinusuri ako.

“Is that really you, Kael?” I chuckled.

Sa ibang bansa lang ako namalagi hindi na makapaniwala na ako talaga ‘to. Tsk! Matanda nga naman!

“Your the most handsome grandson, only one...” I grin.

“Niko Vanrielle Hamilton.” I smirked.

“Mabuti naman at napasyal ka dito...” I rolled my eyes. Anong napasyal? Gagik! Talagang sinadya kung umuwi dahil tumawag sa akin ang family doctor na matindi na ang sakit niya!

“Tss. Stop, fooling around. I know you plan this and it's not funny at all...” I rolled my eyes.

Sumalampak ako sa sofa at isinandal ko ang ang ulo ko sa likod ng sofa at mariing ipinikit ang mata ko. Masaya akong makita siyang maayos pero hindi ako natutuwa na makatungtong sa pamamahay na ito!

“This is the only way I know to make you coming home. Matangal-tagal na ng huli tayong nagkita and—”

“Papang. May maganda pong babae sa labas ng—Kael?” She cut grandpa’s off.

Iminulat ko ang mata ko at napatingin sa magandang boses ng babae. Tumaas ang sulok ng labi ko ng makita ko ang magandang babae na malapit kay Lolo. She have a beautiful angelic face,  beautiful eyes, pointed nose and kissable lips, her perfect body shape and she's tall like a model. She's still the girl I meet before but I think she's full for nine months...

Fiona.

Tumayo ako. “Ow, Hi. Kamusta?” Ngumiti siya.

Hinaplos niya ang umbok niyang tiyan bago tumingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya, well, I didn't see it wrong.

“Ito... Buntis ulit.” I nodded.

She so damn pretty pregnant!

In my high school days I court—Flirt with her but she's so fucking hard to get. Kita mo nga naman sa Hamilton pa rin ang bagsak niya pero hindi lang sa akin.

“Hiro, Kiro... Batiin niyo ang Tito Kael niyo.” Napatingin ako sa dalawang batang lalaki na kasayaw ni Lolo kanina. Lumapit ito sa amin at pinakatitigan ako.

“Hello po!” They said in unison.

Sa unang tingin walang duda na isa silang Hamilton, lalong-lalo na si Hiro kitang-kita ang pagkakapareho nila ni Gael. Walang hiyang Gael, buntisin ba naman taon-taon si Fiona pero kahit may mga anak na chicks na chicks pa rin ang datingan niya.

“Hey, boys!” Gunulo ko ang buhok nila. Naglakad ako papalapit sa traveling bag na ibinato ko kanina sa sofa.

“May pasalubong ako, guess what?” Nagkatinginan ang dalawa bago tumingin sa akin na may malapad na ngiti sa labi.

“Toys!”

“Chocolate!”

They said in unison that's make me chuckled.

I know that Gael have a sons so I buy pasalubong for them.

“Taran!” Inilabas ko ang isang set ng toy cars at isang box ng chocolates. Nagningning ang mga mata nila ng makita ang hawak ko. Mahilig si Hiro sa mga laruan Gael na Gael ang ugali. Si Kiro naman ay mahilig sa chocolates halata naman dahil mukhang kinain na ng chocolate ang apat na ngipin niya sa unahan.

“This is for you.” Ibinigay ko kay Hiro ang toy cars.

“...And for you.” Inabot ko kay Kiro ang chocolates.

Matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ni Hiro. Napangiti ako ng bumungisngis si Kiro dahilan para bumungad sa akin ang bungi niyang ngipin.

“Mommy! Mommy, look...” Nagtatalon si Kiro sa harap ni Fiona habang ipinapakita ang chocolate na hawak nito.

“Yes, baby. Anong sasabihin niyo kay Tito Kael?” Hinaplos ni Fiona ang mukha ng anak niya. Nagkatinginan ang dalawa bago tumingin siya akin.

“Thank you po!” Nginitian niya ako.

“You’re welcome.” Ginulo ko ang buhok ni Hiro.

“Sayamat po!” Gigil na sambit ni Kiro. I chuckled it was so cute to hear his words, it was salamat. Yumuko ako para magkapantay kami.

“Walang anuman po.” Gaya ko sa boses niya na ikinalaki ng mata niya. Para bang hindi siya makapaniwala na marinig iyon mula sa akin.

I chuckled. “Give me five?” Malapad siyang ngumiti at inilapat ang maliit niyang kamay sa nakabukas ko’ng palad.

“High five!” He grin.

This kid is fun.

“Go on, baby. You can play and eat but don't forget to share to each other.” Paalala ni Fiona sa mga anak na tumango naman ang mga ito bago tumakbo papunta sa veranda.

Tumayo ako ng tuwid at tumingin kay Fiona. “May pasalubong rin ako sayo...” I scratch my nape.

“Nasa sasakyan pa.” She nodded and smile.

“Ahhhh!!”

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggagalingan ng matinis na boses. Kunot-noo ako’ng napatingin kay Fiona na nakatakip sa bibig.

“Are you with someone?” She curiously ask.

Oh, fuck!

Hazel is with me!

Napatakbo ako pababa ng maalala ko may kasama ako. Napatigil ako sa pagtakbo ng makita ko siyang napapalibutan ng tatlong malalaking aso na abot hangang bewang niya. It was color black, brown and white pitbull dogs.

Napalunok ako ng makita ang sobrang takot sa mukha niya. Halos makadikit na siya sa halaman na malapit sa kinatatayuan niya. Mahigpit na nakahawak sa maleta niya.

“Shoo! Shooo! Stay away from me, you stupid dogs!” Singal niya sa mga aso dahilan para mas lumapit pa ito sa kaniya. Ang isa ay mukhang na galit pa sa kaniya.

Patay!

Napatingin siya sa akin ng mapansin akong nakatayo sa hindi kalayuan sa kaniya at nakamasid. Kitang-kita ko sa maganda niyang mukha ang pagmamaka-awa na tulungan ko siya.

“Kae—wahhh!” Iniharang niya ang maleta sa harapan niya bago tumingin sa akin.

“Help me! Help me, Kael!” Sigaw niya sa akin.

Gusto kung matawa sa itsura niya pero hindi ko magawa dahil baka matigang ako mamaya. Sumipol ako ng tatlong beses dahilan para mapalingon sa akin ang mga aso.

They bark and run towards me.

“Whoah! Whoaah!” To my surprised.

Dinilaan ako ng isa sa mukha ang isa naman ay kinakagat-kagat ang pantalon ko habang ang isa naman ay tumayo at pinagdidilaan ako sa pisngi.

Mukhang na miss ako ng mga alagad ni Lolo, wala na silang balak na tigilan ako kung hindi pa sumipol si Lolo dahilan para maging maamong tupa ito at bumalik sa kaniya-kaniyang lunga.

That's my boys!

Iginaya ko si Hazel papasok sa loob ng bahay. Halatang takot na takot siya dahil ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.

“Hi. You okay?” Tanong ko kay Hazel.

Sinamaan niya ako ng tingin na para bang papatayin ako. “Do I look okay after I'm almost dying because of that crazy dogs?” Bulong niya sa akin na may bahid ng inis.

“Don’t worry baby... They won't bite pretty lady...” Kinindatan ko siya.

“Ahem.” Napatingin ako sa tumikhim at nakita ko si Lolo na seryosong nakatingin sa aming dalawa. Mas tamang sabihin na kay Hazel siya nakatingin na para bang sinusuri niya ito.

Inakbayan ko si Hazel. “Pa, si Hazel.” Nilingon ko si Hazel nakatingin siya sa akin na para bang naghihintay ng sunod kung sasabihin.

“... Kaibigan ko.” I added.

Pinandilatan ako ni Hazel at pa simpleng kinurot sa tagiliran. “Anong kaibigan?” Bulong niya sa akin na halatang pinipigilan na sumigaw.

I grin. “Sakyan mo na lang... Mamaya ako ang sasakay sayo.” Ganti kong bulong sa kaniya at kinindatan siya.

Hindi naman pwede na agad-agad kung sasabihin na shota ko siya. Masyadong complicated ang buhay ko sa Mansion na ito hindi tulad sa Thailand na pino-problema ko lang kung paano ako magpapasaya sa maghapon.

Tumingin ako kay Lolo. “Hazel, Ralphierro Hamilton in front of you... My grandfather.” I introduce him to her.

“Hi, good afternoon, your such a handsome Man, Daddy!” Hazel said in a seductive way, she even did her seductive lip bite!  That's make grandpa raised his eyebrow.

“We are not related to each other for you to call me like that.” Inirapan ni Hazel si Lolo. Pahiya ang pota! Landiin ba naman si Tanda.

“... Don. Call me Don Raphael.” He added.

Bakas sa boses niya ang inis. Napalunok ako ng bumaling sa akin ang matalim niyang tingin.

Patay!

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin kay Hazel na gulat na gulat ang itsura ng tingin siya ni Lolo ay napayuko siya.

“Anong ginagawa niya dito? We don't have any occasion, it's not fiesta.” Malamig na tanong ni Lolo.

Napakamot ako sa gilid ng ilong ko. “She’s here to have a break from work. Vacation...” Nagsalubong ang dalawang kilay ni Lolo.

“What kind of work?”

“She’s a famous model in Thailand.”

“I don't care.” Napalunok ako. “Hacienda ito hindi resort at hindi bakasyonan.” Dagdag niya.

He look at Hazel. “Hindi basehan ang ganda para masabi mong mabuti ang isang tao. Hija, iayun mo sa Lugar ang suot mo. Kung ayaw mong mabastos sa pamamalagi dito, ayusin mo ang pananamit mo.”

Napayuko si Hazel sa paghiya sa kaniya ni Lolo.

“Papa—”

“Cheska!” He cuts me off.

Napalunok ako ng marinig ko ang pangalan ng babaeng iyon. Bakit kailangan niyang tawagin ang babaeng iyon? Anong gusto niyang palabasin?

Putangina naman!

“Cheska!” Pag-uulit niya.

“P-po?!” I heard her sweet innocent voice.

Napatingin ako sa likod ng pader na pinanggagalingan ng boses. Nakita ko siyang nakatingin sa kinaruruonan namin. Nagtama ang paningin naming dalawa bago ibinaba ang tingin kay Hazel. Nakita ko ang lungkot na bumalatay sa kaniyang mukha. I just started at her emotionless.

“What are you standing at? Where's my grandson?” Mahinahong tanong ni Lolo.

Napalunok ako. Pabalik-balik ang tingin ko kay Lolo at Cheska.

“N-nasa kwarto po, tulog...” Mahinahon niyang tugon.

Walang pinagbago napakalambing ng boses niya. Inosenteng-inosente pa rin ang datingan niya sa akin. She's so simple in her duster yet so attractive.

“Wag na Pa, ako na lang ang pupunta.” Pigil ko.

Pinakuha ko ang maleta ni Hazel sa isang katulong. Iginaya ko siya papunta sa veranda kung na saan si Fiona na nakamasid sa mga anak niya na naglalaro.

Lumapit siya sa amin at ngumiti sa akin bago tinapunan ng tingin si Hazel. “Dito ka na muna, makipag-kuwentuhan ka sa kaniya.” Kinindatan ko si Hazel bago ko sila iniwan sa veranda. Sumunod sa kuwarto na pinasukan ni Cheska.

Grandpa is a very strict person—Kaya hindi ko pwedeng iwan sa kaniya si Hazel baka masapak niya na dahil sa ginawa nito. Tinitinggala siya ng maraming tao hindi lang ng mga taga dito sa Hacienda kundi pati na rin sa larangan ng negosyo. He's a business man. Iginagalang at makapangyarihang tao.

Mabait naman si Lolo... Sa akin nga lang.

Pagbukas ko ng pinto sumalubong sa tenga ko ang iyak ng sanggol. Bumungad sa akin ang maliit na kwarto pero sapat lang iyon para sa kanilang dalawa. Maliit na kama, may crib at halos lahat ng nasa loob ay gamit ng bata.

Cheska is our maid and unluckily I got her pregnant!

Kung ang pambubuntis ng babae ay parang pag shoot lang ng bola sa basketball ring malamang humakot na ako ng trophy, sympre MVP ako!

Sumandal ako sa nakasarang pinto habang nakamasid sa kaniya na hawak ang bata sa bisig niya. Mahinang gumagalaw ang katawan niya para ihili ang bata.

“Gising na ang baby ni Mama...” Pagka-usap niya sa bata. She chuckled like she's enjoying seeing the baby.

“Nandito si Papa...” Halos pabulong niyang sabi pero sapat pa rin ang lakas nito para marinig ko.

Namulsa ako at naglakad papalapit sa kinaruruonan niya na malapit sa crib ng bata. Humarap siya sa akin dahilan para makita ko ang kabuohan ng mukha ng bata. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng biglang huminto ang tibok ng puso ko saglit bago ito tumibok na para bang nasa isa akong marathon.

Damn!

“Can I carry the baby?” I ask.

Puno ng pagtataka ang kaniyang mukha bago tumingin sa batang nasa bisig niya. Nagdadalawang-isip pa siya kung ibibigay niya ba sa akin ang bata. Well, hindi ko naman siya masisi.

Maingat niyang inilipat sa bisig ko ang bata. I smile as I saw him comfortable in my arms. Shit, what a weird feeling inside of my freaking chest.

Hindi ko maalis ang mata ko sa mapula niyang pisngi. Kahit gusto kung tingnan si Cheska ay hindi ko magawang alisin ang mata ko sa kaniya.

I can see myself on him!

Mula sa itim na itim niyang mga mata, makapal na kilay, matangos ang ilong, manipis at mapula niyang labi ay kuhang-kuha niya sa akin. Ang maputi at makinis niyang balat, maging ang kulay ng buhok niya ay kuhang-kuha niya sa akin.

A real carbon copy of mine!

Sa unang tingin ay mahirap pang matukoy kung sino ang ka-mukha niya ngunit kapag tinititigan siya ng matagal, I can describe it. Paniguradong sa paglaki niya mas kitang-kita ang pagkakapareho naming dalawa that we are...

Father and son.

“Hello, baby...” Hinaplos ko ang maliit niyang pisngi gamit ang likod ng daliri ko.

“Daddy.” Tumingin ako kay Cheska na nakatingin lang sa aming dalawa.

“He’ll call me Daddy.” Ayaw ko ng Papa!

Tumango si Cheska at ngumiti sa akin. Binalik ko ang attention ko sa Bata at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi habang nakatingin sa akin.

“This is Daddy...” A smooth chuckled escape in his lips that's make me chuckled too. Damn, my heart is melting!

What a cute sounds!

Sa dami ng babaeng dumaan sa akin, sa dami rin ng sumusugod dito sa Mansion at nagsasabing na buntis ko ito ang kauna-unahang nahawakan ko ang sarili kong dugo’t laman. Teka—Pang ilan na nga ba siya?

Nakapa ko ang bulsa ko na maalala kung may ibibigay ako kay Cheska. Dinukot ko sa bulsa ko ang maliit na box at inaabot ko sa kaniya. Nakatingin siya sa inaabot ko bago nag-angat ng tingin sa akin.

I smile to her. “For you...” Nag-aalanggan pa siyang tanggapin ito pero sa huli ay inabot niya lang naman at binuksan ito.

It was a gold necklace with infinity pendant.

Tumingin siya sa akin na may malalaking mata. Iniharap niya pa sa akin ang laman ng box na ibinigay ko sa kaniya at napalunok.

“P-para sa akin ito, Sir Kae—”

“Just call me Niko, kapag tayong dalawa lang ang magkasama. Nagustuhan mo ba? Sa Thailand ko pa ‘yan binili, tingin ko kasi bagay sayo...” Kinindatan ko siya.

“A-ah... Kasi Sir—Niko pala...” Hinawi niya ang ilang hibla ng kaniyang buhok papunta sa likod ng tenga niya.

“Hindi ko po ito matatanggap, masyado po itong mamahalin.” Nahihiyang sambit niya.

“No, you already accept it there's no turning back. Try it... I want to see you wearing that.” Tumango siya.

Pinagmasdan ko siya naglakad papunta sa harap ng salamin at isinuot niya ang kwentas na bigay ko. Nakangiti siya habang nakahawak sa pendant ng kwentas ng maisuot niya na ito. Naglakad ako papunta sa likuran niya at yumuko ng bahagya para bumulong sa kaniya.

“It’s really suit to you.” I whisper in her ears.

Nagulat siya sa ginawa ko kaya kaagad siyang napalingon sa akin dahilan para mahalikan niya ako sa pisngi. Para akong naging bato sa kinatatayuan ng lumapat ang labi niya sa pisngi ko at ramdam ko ang pag-init ng tenga ko, paniguradong pulang-pula ito ngunit kaagad naman akong nakabawi sa gulat. Mabilis ang kilos na humakbang siya palayo sa akin at tinakpan ang bibig niya habang malalaki ang mata na nakatingin sa akin.

I chuckled seeing her reaction. Gulat na gulat ang itsura niya na para bang hindi makapaniwala na n*******n niya ako. What a priceless!

“S-sorry, sorry... Hindi ko sinasadya, n-nagulat ako. Bakit kasi ang lapit-lapit ng mukha mo sa akin?” Nahihiya na may pa nunumbat niyang sabi. Namumula ang kaniyang mukha.

“Bakit may problema ba kung hindi mo sinasadyang mahalikan ako? Eh, wala ngang tayo tumuwad ka sa akin, hindi ko rin sinasadyang buntisin ka.” I smirked.

Napayuko siya. “Don’t be shy. Parang hindi pa natin ginagawa ang bagay na higit pa sa halik.” I added.

Nakita ko na mas lalong namula ang mukha niya. Ang lakas din naman talaga ng epekto ko sa babaeng ‘to, oh...

Ang gwapo ko talaga!

“Bakit sa pisngi lang pwede rin naman sa labi?” Naglakad ako papalapit sa kaniya habang pa-atras naman siya ng pa atras.

“S-sir.” Ma-awtoridad na tawag niya sa akin na para bang sinasabi niyang tumigil ako sa nais kung gawin sa kaniya.

Malapad akong napangiti ng lumapat sa pader ang katawan niya. Nagtaka siyang umalis sa harapan ko ngunit kaagad ko namang na itukod ang isa kamay ko sa pader dahilan para ma-corner ko siya.

“Ops! Corner...” I grin.

“Sir... L-lumayo ka sa akin...” Saway niya sa akin pero hindi niya magawang tumingin sa akin.

‘Yan ang nakakainis! Alam ko namang ka-mukha ko ang anak niya pero hindi naman pwedeng sa bata siya nakatingin na comfortable sa bisig ko habang kinaka-usap ko siya!

“Do you have boyfriend?” Sabihin mong meron hindi na sisikatan ng araw!

Nakayuko siya at sunod-sunod siyang umiling. Hinawakan ko ang baba niya at ini-angat para magtama ang mata naming dalawa. Bakas sa inosente niyang mukha ang takot. Bumaba ang mata ko sa mapupula niyang labi at pumasok sa isipan ko kung gaano ka sarap halikan ng labi niya.

“Bakit wala? Sa ganda mo’ng ‘yan walang nagtatangka na umakyat ng ligaw sayo?” She gulp.

May banda sa akin na mayamang malaman na wala siyang boyfriend pero hindi ko maiwasang hindi matawa sa iisiping ayaw niyang makipag-relasyon dahil umaasa siya sa akin?!

“Sir.” Sinalubong niya ang tingin ko.

“Sino ba naman ang mag-aakyat ng ligaw sa akin kung sa tapat pa lang ng gate tatlong higanting aso ang nakabantay?”

I laughed. “Naghanap ka kasi ng manliligaw na ‘di duwag sa aso... Sorry na lang sila.” I lick my lower lips.

Well, I don't have plan to build a family with her. I don't like her and I don't even love her. What happened between us is just a one night stand! I'm just attractive to her, she's so damn pretty and sexy. Sorry na lang sa makakatuluyan niya, ako unang nakatira kay Cheska at may bunga pa!

Tungkol sa bata ay si Lolo ang may gusto nito kaya siya ang nagbibigay ng lahat—in short he's the father!

I slowly move my face closer to her and our lips is just almost press together when the baby in my arms cried. Sa gulat ni Cheska ay na itulak niya ako palayo sa kaniya.

“Fuck.” Mura ko ng muntik ng mahulog ang bata sa bisig ko mabuti na lang at mabilis ang isa kung kamay na dinaluhan ang isa kung kamay.

***

“Niko Vanrielle Hamilton!” I gulp.

That's my real name but Kael is my nickname.

“Papa—”

“Who’s that girl? Why did you bring her here? What a disrespectful and flirt! I'm not stupid to believe in you that she's your friend! Kailan ka pa nagdala ng babae sa Mansion na ito?” Malamig na tanong ngunit mahinahon. Naka-upo siya sa pang-isahang couch na nandidito sa veranda habang nakatingin sa kalangitan.

Itinaas ko ang dalawa kung kamay na para bang sinasabi ko na hinay-hinay naman sa mga tanong, mahina ang kalaban.

“Pa, relax... Baka atakihin ka sa pagkakataon na ito baka matuluyan na talaga ang biro mo." Biro ko.

“I’m asking you, kid!”

“I’m no longer a kid!” I protested.

Masamang tingin ang itinapon niya sa akin. Napabuga ako ng marahas na hangin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Hindi ko maikakaila na kilalang-kilala niya talaga ako. Sino nga ba namang hindi kung siya ang nagpalaki sa akin?

Ang alam ko lang masaya ako kay Hazel. She's the long time girlfriend I have in my whole life! I'm so proud of myself that we reach two weeks together.

My long time girlfriend.

“I still don't know Pa. All I know, I'm happy to be with her. Maybe she—”

“Your not getting any younger...” He cut me off.

“Habang tumatagal bumabagsak na ang katawan ko. Ramdam ko na hindi na ako magtatagal...” Napatingin ako ng seryoso sa kaniya.

“Sa nalalabing araw ko, gusto ko kayong makasama ni Gael...” Nagtama ang paningin naming dalawa. Napalunok ako ng sarili kong laway dahil para bang nakabara sa lalamunan ko ang mga sinabi niya.

This can't be!

“Bago ko lisanin ang mundong ito, gusto ko kayong magkasundo ni Gael at makita kang ikinakasal sa altar.” Napalunok ako.

“Of course Dad! You can attend at my wedding day if you want I'm going to marry Ha—”

“Cheska.” He cuts me off.

Natigilan ako sa sinabi ni Lolo at napatitig sa kaniya para sa susunod niyang sasabihin. “...I want you to marry Cheska.” He continue.

“No fucking way!” I protested.

“Kahit kailan hindi ako magpapakasal sa babaeng lubog sa putikan! Kita mo naman ang layo ng estado namin sa isa't-isa Papa, I will never gonna like her nor love her! She's nothing to me... Iyong Bata? Wala rin akong pakialam doon! Ikaw lang naman ang may gustong buhayin iyon, ikaw ang nagbibigay ng lahat kaya ikaw ang Ama! Pa, That girl, Cheska? Hindi sapat ang katawan niya bilang kabayaran sa utang ng pamilya niya sa atin! Kahit tirahin pa namin siya pareho ni Gael, hindi sapat!” I added.

“Watch your words!” Nanginginig sa galit na saway sa akin ni Lolo. Tinuro niya pa ako habang may masamang tingin sa akin na para akong lulupuhin.

Sa dami-dami ng babaeng dumaan sa akin, anak mayaman, mataas ang pinag-aral. Ang mga tipo kung babae ay modelo, artista, politician's daughter, A big time woman kung baga. Sympre, inaayon ko sa estado ko sa buhay! Tapos ano?

Gusto niyang matali sa akin ang katulong na iyon? Wow! Kamusta naman ang ilang taong pamimili ko ng babaeng makakasama kong sa katulong lang ang bagsak ko?!

What a shame!

“I am Niko Vanrielle Hamilton —”

“Na bumuntis ng katulong!” He cuts me off.

Natigilan ako sa sinabi ni Lolo dahilan para mapayuko ako. Tumaas na ang boses niya na pilit kinapakalma kanina. Binalot ako ng kahihiyan ang buong sistema ko hindi lang para sa akin para na rin kay Lolo dahil sa mga ginawa kung kagaguhan.

Siguro nga ako ang nagdala ng malaking kahihiyan sa pamilya but he never told me like this, in fact. He's always at my back to back me up. Palagi ko siyang kakampi sa lahat ng bagay kahit na ako ang may mali. But now... He slap me the truth that I’ll never expect he will throw it to me.

I'm a man of shame!

“Kael.” Tawag niya sa akin na mahinahon ang boses.

I will never gonna marry that fucking slave over my deadly abs!

“Kael.” Pag-uulit niya ngunit hindi ko siya pinansin.

No fucking way!

Naglakad ako papalabas ng Mansion hindi para bastusin siya kundi para pakalmahin ang sarili ko dahil ayaw na ayaw ko sa lahat ang makasagutan ang taong kakampi ko buong buhay ko.

Nakita ko si Cheska na nakatayo sa hindi kalayuan sa amin may hawak na tray laman ang isang basong tubig at gamot. Nakayuko siya ng tumama sa kaniya ang paningin ko. Hindi ko man makita ng maayos pero alam kong na nunubig ang mga mata niya. Wala akong pakialam kung narinig niya ang mga sinabi ko dahil totoo naman ang lahat ng iyon!

Dumiretso ako palabas ng Mansion.

Nagtangis ang bagang ko ng makita ang lalaki na nagmamadaling lumabas sa nakaparadang Gray pick up sa garahe at mabilis ang hakbang na naglakad papasok sa mansion bitbit ang isang paper bag na halatang pasalubong ang laman. Ngunit kaagad na napatigil ng makita ako na nakatayo sa taas ng hagdanan.

Bakas sa mukha niya ang gulat ng makita ako, ang ngiti sa labi niya ay biglang naglaho. Ang galit na nararamdaman ko kanina sa sinabi ni Lolo mas lalong na dagdagan ng makita ko ang pagmumukha ng magaling kung kapatid!

Gael.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status