Share

TLPH 4

Penulis: Black_Jaypei
last update Terakhir Diperbarui: 2023-05-05 07:36:16

CHESKA YVONNE

Kung kaya ko lang hatiin ang katawan ko ay gagawin ko para sabay silang maalagaan—

“You know what? Kael is a certified playboy... When I first meet him, I hate him at first... Sino ba namang hindi eh, lahat na lang kasi ng babae na umaaligid sa kaniya pinapatulan niya.” Kwento ni Ma'am Hazel kay Ma'am Mika.

Tahimik akong naglakad papunta sa kinaruruonan ni Don Raphael para bigyan siya ng pagkain. Nakaupo si Don Raphael sa dulo habang sa kanan niya naman si Sir Gael na tahimik na kumakain.

Katabi ang asawa niya na si Ma'am Mika na panay ang pakikipagkwentuhan kay Ma'am Hazel na katapat niya. Ang dalawa nilang anak na si Hiro at Kiro na ina-alalayan na kumain ng kaniya-kaniyang Yaya nito.

Wala si Sir Kael.

Bilid naman ako kay Ma'am Hazel na ito, magdamagan ba namang diligan ni Si Kael ngayon buhay na buhay! Siguro ganito nga ang mga tipong babae ni Sir Kael.

Unang tingin pa lang ay hindi mo maikakaila na maganda siya, mataas ang pinag-aralan at mayaman.

“Well, gwapo siya sa paningin ko at ang lakas ng datingan niya hindi ko maikakaila sa sarili ko na type ko siya...” Kinikilig na dagdag ni Ma'am Hazel dahilan para mahinang tumawa si Ma'am Mika.

“Cheska. Sumabay ka na...” Sambit ni Don Raphael ng nilalagyan ko ng pagkain ang plato niya.

“Mamaya na lang oh, Don Raphael.”

Madalas niya akong alukin na sumabay sa kanila dahil ang sabi niya ay hindi ako katulong kundi personal nurse niya pero madalas ko rin siyang tangihan dahil nahihiya ako na makisalo sa kanila lalo pa’t isang pamilya sila’ng kumakain.

Pagkatapos nilang kumain, inihatid ko si Don Raphael sa kaniyang silid at pinainom na ng kaniyang gamot. Pinahirapan ko ng ointment ang kaniyang dalawang binti dahil mayroon siyang arthritis maliban sa cancer. Ito ang araw-araw kung ginagawa mas mahirap pa sa pagiging katulong.

“Don Rap—”

“Iwan mo na ako.” He cuts me off.

Iniwan ko siya sa loob na nagpapahinga pagkatapos kung buksan ang lahat ng bintana.

Nakayukong sinunuod ko na lang siya dahil sa tuno ng boses niya ay mukhang malungkot siya.

Sa tinagal ko dito, kilala ko na si Don Raphael. Ganiyan siya kapag nagkakasagutan sila ni Sir Gael sa nakita ko kanina okay naman sila dahil sumabay si Sir Gael sa pagkain, gawain kasi nito kapag nagkasagutan sila ay hindi ito sumasabay sa pagkain.

Wala si Sir Kael sa hapag, hindi kaya sila ang may tampuhan? Tungkol ba ito sa usapan nila kahapon? I heard everything what he said and it's like a gun shooting my chest, nonstop.

Bali-baliktarin ko man ang mundo, hindi magbabago ang tingin niya sa akin na katulong lang ako at mula sa putik.

Magpapaalam sana ako na uuwi sa amin pero mukhang kailangan ako ni Don Raphael kaya wag na lang muna, maiintindihan naman ako ni Papa.

“Pst!” Napatingin ako sa naka-awang na pinto.

Balak ko sanang lapitan ngunit mapagtanto ko na kwarto iyon ni Sir Kael. Madilim sa buong silid dahil wala akong na aaninag na liwanag sa loob.

Nagmamadali akong bumaba sa kusina dahil baka may makakita sa akin na nakatayo sa harap ng pinto ng silid ni Sir Kael baka kung ano pa ang isipin nila lalo na’t alam ko na girlfriend niya si Ma'am Hazel na ipinakilala niyang kaibigan kay Don Raphael.

“Cheska, right?” Napatigil ako sa paglalakad ng may magsalita sa sala.

It's Ma'am Hazel.

“O-opo, may kailangan po ba kayo?”

Magalang kong tanong sa kaniya. Kahit hindi ko gusto ang presence niya dapat ko pa rin siyang igalang at pagsilbihan dahil isa siyang bisita sa Mansion.

Tiningnan niya ako mula ulo hangang paa. “I want you to bring Kael’s breakfast in his room.”

Ngumiwi siya. “You’re just a plain and simple, siguro akong hindi ka niya papatulan.” She added.

Gusto niya bang isampal ko sa pagmumukha niya si Baby Yvan?! Lumapit siya sa akin at Hinawakan ang buhok at nandidiring binitawan.

“Yuck! Naliligo ka ba?” Binuntunan niya pa ng tawa.

Iyan rin ang sinabi niya sa akin ng dumating sila. FYI, palagi akong naliligo!

Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Sa pagmamadali ko kanina nakalimutan ko ng magsuklay. Nataranta ako ng tinawag ako ni Don Raphael sinabayan pa ng iyak ni Baby kanina.

Maayos naman ang itsura ko ah. Kahit nakasuot ako ng duster at palaging naka-bun ang ayos ng buhok pero may ilang hibla ng buhok na nasa harap.

“Ligo-ligo rin pag may time, baka mangalingasaw...” Ipinaypay niya pa sa harap niya ang kamay niya na para bang may mabaho.

Oy, kahit ganito itsura ko malinis ito! Mabango at fresh! Kamusta naman ang sa'yo, maganda ka nga sa panlabas kamusta naman ang petchay mo? Masyado nang na sobrahan sa dilig kaya laspag na!

Mahigpit akong napakapit sa suot kung duster dahil sa gigil ko sa kaniya. Ang sarap niyang sampalin at sabunutan mabuti na lang at mabait ako.

Kalma, Cheska! Kalma.

“No, offense ah? I'm a frank person. I can talk what I want to say based on what I saw...” Ngumiti siya sa akin. “You know what? Kulang ka lang sa ayos pero unang tingin ko pa lang sayo ay maganda ka...” Dagdag niya pa.

Sasagot na sana ako sa kaniya ng may kumalabit sa akin. Nagpaalam muna si Tiya Lolit bago niya ako hinila papunta sa kusina. Aligaga siya at minamadali niya akong dalhin sa kwarto ni Sir Kael ang pagkain nito.

“Kanina pa naghihintay si Sir Kael ng agahan niya. Ikaw ang gusto niyang maghatid nito sa kwarto kaya bilisan mo na!”

“Ho? Sa pagkakaalam ko p hindi ako katulong dito?"

“Wag ka ng umangal! Wag nating hayaan na bumuga ng apoy ang dragon kaya dalian mo na!”

Pagka-abot sa akin ni Tiya Lolit ng tray na puno ng pagkain ay nagmamadali akong naglakad papunta sa kwarto niya dahil sabi ni Tiya Lolit kanina pa daw ito naghihintay ng almusal.

Pinadala niya na daw sa isang maid pero pinabalik nito dahil ako daw ang gusto nito na magdala ng almusal niya.

Arte!

Nilukob ako ng matinding kaba ng makatayo ako sa harap ng silid niya. Bumuntong hininga ako bago mahinang itinulak ang pinto gamit ang mga paa ko. Mabuti na lang at naka-awang na ang pinto ng kwarto niya kaya hindi ko na kailangan pang pihitin ang doorknob.

Pagkapasok ko ng kwarto niya na nuot sa ilong ko ang panlalaki niyang perfume at sobrang tapang nito pero kahit ganu'n ay ang bango ng datingan nito sa akin.

Nakita ko siyang nakadapa sa kama habang yakap-yakap ang isang unan at nakasubsob ang mukha dito. Nakakumot siya hangang bewang.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya ng makita kong wala siyang damit pang-itaas. Tumayo ako sa malapit sa gilid ng kama hawak ang almusal na dala ko.

“S-sir Kael, ito na po ang almusal niyo.” Mahinang sambit ko pero sapat na iyon para marinig niya.

Gumalaw siya. Inangat niya ang ulo niya at papikit-pikit pa ang mata na tumingin sa akin. Shit ang gwapo! Ngumiti ito ng makita ako, nag-inat pa ito bago na upo sa gitna ng kama.

“Good morning...” Matamis niyang bati sa akin.

Good morning mo mukha mo! Ikaw lang naman ang masaya ako hindi! Akala niya siguro hindi abot sa kabilang kwarto ang ingay ng kababalaghan nila ni Hazel kagabi!

“G-good morning Sir...”

Kahit labag sa loob ko binati ko na rin siya. Puyat ako, Oo! Puyat ako sa pandidiri sa kanila!

Tinap niya ang gilid ng kama tanda na ilapag ko doon ang dala ko. Para akong robot na lumapit sa kama niya at inilapag doon ang tray na dala ko.

“Ang sarap ng tulog ko...” He said. Ang lapad pa ng ngiti ng loko.

Ang tanong na tulog ka ba talaga?

“Ikaw ba?” He added and look at me.

Ako ba in-insulto nito? Paano ako makakatulog ng mahimbing kung sa kabilang kwarto magdamag na may humahalinghing?

Tumango na lang ako.

Wala akong balak na ka usapin siya. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin kahapon, iyong nangyari rin kagabi. Hangang ngayon wala pa rin siyang pinagbago. Siya pa rin ang Niko Vanrielle Hamilton na nakilala ko! Ang lalaking bumuntis sa isang pulubi at katulong na si...

Cheska Yvonne Torres.

“Ches.”

Napatingin ako sa kaniya na kumakain ng sandwich. Iyan na naman tayo sa pa Ches-Ches na iyan! Diyan mo ako nakuha na gago ka!

“May problema ka ba sa akin?” He asked.

Ang laki ng problema ko sa'yong loko ka!

“W-wala.” Tipid kung tugon sa kaniya.

Ramdam ko ang awkward sa pagitan naming dalawa. Ewan ko ba kung bakit niya ako kinaka-usap ng ganito samantalang noong malaman niyang buntis ako halos itulak ako ng mata niya sa hagdan kapag nagkakasalubong kami. Palaging masama ang tingin niya sa akin at hindi niya ako pinapansin. Para bang may nakakahawa akong sakit kaya niya ako iniiwasan.

“Tawagin niyo na lang po ako Sir, kapag tapos na kayong kumain.” Sambit ko.

Ayaw kong magtagal sa kwarto niya hindi ko gusto ang ihip ng hangin para akong hihikain dito. Lumabas na ako kahit wala pa siyang tugon sa sinabi ko. Pinuntahan ko si Baby ng makalabas ako ng silid niya, nakasalubong ko ang isang katulong, Diday ang pangalan niya.

Ibinilin ko sa kaniya na puntahan na lang mamaya si Sir Kael kapag tapos na itong kumain dahil asikasuhin ko naman muna ang anak ko. Mabuti na lang at mabait sa akin si Diday at kaibigan ko dito kaya pumayag siya.

“Hindi ba day off mo ngayon?” Puna ni Diday.

“Oo.” Tumango ako.

Tiningnan niya ako na may pagtataka sa mukha. “Bakit hindi ka pa nagbibihis para bisitahin ang Papa mo?” Tanong niya.

“Sa susunod na lang siguro, hindi pa kasi ako nakakapagpaalam kay Don Raphael baka hanapin niya ako. Mukhang malungkot pa naman siya...” Tumango si Mikay.

“Ikaw ang bahala, pwede ka namang magsabi kay Tiya Lolit para siya na lang ang magsabi kay Don Raphael. Isa pa, hinihintay ka ng Papa mo...” Tumango ako sa kaniya. “Sige, ibaba ko na muna ito.” Paalam niya dala ang gamit sa panlilinis.

Pumunta ako sa kwarto ko kung na saan ang anak ko. Tulog pa ito kaya na upo muna ako sa kama. Hindi ko maiwasang hindi malungkot. Ilang linggo ko ng hindi na bibisita si Papa dahil nitong mga nakaraan ay nakabantay ako kay Don Raphael sa hospital.

Miss na miss ko na siya at ang mas nakakalungkot pa ay nagagawa kong alagaan ang ibang tao pero si Papa hindi ko magawang alagaan tulad ng pag-aalaga ko kay Don Raphael dahil malayo ako sa kaniya.

Minsan na iisip ko na inabuso ko ng sobra ang kabaitan ni Papa. Pero sa tuwing sasabihin niya na iintindihan niya ako at alam niyang ang ginagawa ko ay para sa aming dalawa. Para may pang araw-araw siya at maintenance ng gamot. Nagpapasalamat siya sa akin dahil hindi ko siya iniwan at pinapabayaan.

Si Papa na lang ang meron ako. Maliit pa lang ako ng iwan ako ni Mama kay Papa. Itinaguyod niya akong mag-isa, pinalaki bilang isang mabuting tao. Naging Mama at Papa ko siya kaya nga sa kaniya ako kumukuha ng lakas dahil isa rin akong single parents.

‘Kung kaya ko, mas kaya mo anak...’

Tumatak sa akin ang sinabi ni Papa. Itinaguyod niya ako ng mag-isa at may tiwala siya na kaya ko ring itaguyod ng mag-isa si Baby Yvan.

Sa susunod na linggo bibisitahin ko na si Papa at kung maari ay hihingi ako ng dalawa o tatlong araw na bakasyon para makasama ko rin si Papa.

Ilang araw ang lumipas, pasikip ng pasikip ang Lugar namin ni Sir Kael sa isa't-isa. Mabuti na lang at pa minsan-minsan lang kami nagkikita dito sa Mansion dahil madalas silang mamasyal ni Ma'am Hazel. Halos araw-araw silang wala at uuwi ng gabing-gabi na. Ilang gabi na rin akong buwisit na buwisit at puyat na puyat tulad ngayon.

Madaling araw na gising na gising pa rin ang diwa ko.

“Ma’am Mika, uminom ka po muna ng gatas.” Iniabot ko sa kaniya ang isang baso ng gatas. “Bakit gising pa po kayo? ‘Di ba masama iyon sa buntis...” Dagdag ko.

“Salamat, Ches.” Tinanggap niya ang baso. Napalunok ako dahil na aalala ko si Sir Kael sa pagtawag niya sa akin ng Ches.

“Wala pa kasi si Gael, nag-aalala na ako...” Tumanaw siya sa garahe. Tumingin siya sa akin. “Ikaw, bakit gising ka pa?”

Sino ba naman kasing makakatulog kung may gumagawa ng milagro sa kabilang kwarto?!

Black_Jaypei

Dedicated to: Ma'am 𝐋𝐨𝐯𝐢 𝐀𝐧𝐚𝐥𝐚

| Sukai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Lovi Anala
nakakabtin mag basa
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Legitimate Playboy Heir    TLPH 15

    CHESKA YVONNE Mabilis kong itinulak ang mukha niya palayo sa nakalabas kung dede at ibinalik ko na sa loob ng bra muntik ko ng makalimutan na manyak pala itong katabi ko. Wala pa ngang limang minuto ng umiyak na naman si Baby Yvan kaya wala akong magawa kundi ang padedehin ulit siya pero wala pang dalawang minuto iniwan niya na naman. Itinaas niya ang kaniyang kamay. He play his small hands, close-open but the way he did that it's like his getting his dad's attention. "Aba, Aba, natuto ka na rin sa kalokohan ng Daddy mo." Saway ko kay Baby Yvan at hinawakan ang kamay niya. "Ikaw naman, Niko, hindi ka nakakatuwa." "Sorry na po, Commander." Nagpa-cute pa ang loko. Sa isang Italian restaurant kami kumain ng tanghalian. Siya ang nag-order ng mga pagkain dahil wala akong alam kung paano um-order doon. Habang kumakain kami siya ang may hawak kay Baby Yvan kaya ang bagsak sinusubuan ko siya kasi sa tuwing maabot ni Baby Yvan ang pagkain hinahablot at pinipiga. "Ches?" "Hm

  • The Legitimate Playboy Heir    TLPH 14

    CHESKA YVONNE Inaayos ko ang mga damit ni Baby Yvan. Tinutupi ko ito at inilalagay sa little cabinet niya dito sa kwarto ni Niko. Kasalukuyan na ring kwarto namin ni Baby Yvan sa mga nakalipas na araw. Habang nagliligpit ako ay bumukas ang pinto ng banyo. Nanuot sa ilong ko ang pinaghalo na mabangong amoy ng shower gil ni Niko at Baby Yvan. Nilingon ko ito. Nakita kung nakatapis ng tuwalya sa ibabang parte si Niko habang sa isang bisig niya si Baby Yvan na balot na balot rin ng tuwalya, nilalaro niya ito. “Wooshh! Captain Yvan the plane is ready for take off...” Umakto ito na parang inililipad si Baby. Kitang-kita kong tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya at ganu'n rin si Baby Yvan. Sa ilang araw naming pananatili dito sa kwarto niya nakita ko na mas naging malapit silang mag-ama sa isa't-isa. Tinuroan ko siyang magtimpla ng gatas, maghugas ng baby bottle, kung paano paligoan si Baby, kung paano ito bihisan at sa lahat ng itinuro ko sa kaniya isang bagay lang ang hindi niya kaya

  • The Legitimate Playboy Heir    TLPH 13

    CHESKA YVONNE Ang walang hiya, hindi man lang inisip na natutulog na si Yvan ‘yan tuloy na gulat. Pikon na pikon na talaga ako sa kaniya pero sa tingin ko mas pikon na pikon siya sa akin. Kaya masayang-masaya ako ngayon, feeling ko magiging maganda ang araw ko. “Ang ganda ngiti natin, ah...” Puna ni Diday sa akin ng madatnan ko ito sa kusina na nagkakape. “Maganda lang talaga ang gising ko.” Hinawi ko ang buhok ko. Nagtimpla ako ng gatas ko at tinabihan ko si Diday na kumakain ng almusal. “Parang kailan lang gumigising ka na pinagsaluban ng langit at lupa.” “Hindi na ngayon.” Ngumiti ako ng matamis. Sympre, alam ko na ang panlaban kay Niko. Iyon pala ang kahinaan niya, hindi naman totoo, bakit pikon na pikon? Nagtawanan kami ni Diday. Sa gitna ng tawanan namin pumasok si Niko sa kusina dahilan para matahimik kami ni Diday. Wala itong saplot pang itaas at tanging pajama lang ang suot nito at nakatsinelas. Himala yata at maaga siyang gumising. Madilim ang mukha nito at mas lal

  • The Legitimate Playboy Heir    TLPH 12

    CHESKA YVONNE Tatlong araw ang lumipas na iwas na iwas ako sa hudyong Daddy ng anak ko! Ang walang hiya, gusto pang maka-ulit sa akin mabuti na lang at kumatok si Ma'am Mika ng araw na ‘yon kundi masisilayan ni Yvan ang kalibogan ng kaniyang Daddy. “Cheska, pinapapunta ka ni Sir Kael sa silid niya.” Sabi ni Diday ng madaanan ako nitong naglilinis sa Sala. “Bakit raw?” Napakamot ako sa ulo ko. “Baka umiiyak si baby Yvan.” “Ano?!” Bulaslas ko. Paano na punta sa kwarto niya ang anak ko na hawak-hawak ito ni Ma'am Mika at naglalaro sa silid ng mga bata. “Makasigaw ka naman, gulat na gulat? Nandoon sa kaniya kasi sumakit ang tiyan ni Ma'am Mika.” Ibinaba nito ang laundry basket na puno ng labahan. “Tingnan mo na. Hindi ‘yon marunong magpatahan ng bata, magaling lang gumawa ng bata.” Tumawa si Diday. Nananadya talaga ang lalaking ‘yon! Iniiwasan ko na ngang pumunta sa silid niya dahil natatakot ako na maulit ang nangyari ang mas malala baka higit pa doon ang mangyari sa amin. Baka

  • The Legitimate Playboy Heir    TLPH 11

    CHESKA YVONNE Madaling araw pa lang ay gising na si baby Yvan. Nilabas ko siya sa kwarto at nagtungo kaming dalawa sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas, umupo ako sa isang stool at pinasuso ko si baby habang umiinom rin ako ng gatas. Pagkatapos niyang sumuso ay hindi na siya na tulog pa. Ang ginawa ko ay nilaro ko muna siya at nang oras na para asikasuhin ko si Don Raphael ay ibabalik ko na sana siya sa silid ng makasalubong ko si Ma'am Mika at kinuha niya sa akin si Baby. “Ako ng bahala kay Yvan-Yvan, asikasuhin mo na muna si Papa, bago ang nag-iinarte mong alaga.” Natatawa nitong sabi. Mukha nga namang nag-iinarte lang kasi si Sir Kael dahil sa hindi naman bali-bali ang buto nito sa paa at kamay ay hindi ito lumalabas ng kaniyang silid. “Kay Ma'am Mika ka muna, Anak. Pakabait ka,” Pinaulanan ko ng halik sa mukha si Baby bago ko siya iniabot kay Ma'am Mika. “Hello, baby Yvan-Yvan ni Tita, muah!” Hinalikan nito si baby. “Good morning, baby namin...” Niyakap nito si baby Yvan. “Mab

  • The Legitimate Playboy Heir    TLPH 10

    CHESKA YVONNE “Kael! Kael! Putangina, lumabas ka diyan!” Sigaw ni Sir Gael sa labas ng kwarto ni Kael. Hindi ko man siya makita alam ko na galit na galit ang kaniyang boses. Sa lakas ng pagkalampag nito sa pinto ng kwarto nito ay para bang gusto niya itong sirain. “Anong inga—” Hindi na tapos ang sasabihin ni Sir Kael ng sumalubong sa kaniya ang malakas na suntok ng kapatid. Sa hindi malamang dahilan kaagad na gumanti ng suntok si Sir Kael. Sa suntukan nila nakarating sila sa Sala. “Kael! Gael! Tama na!” Awat ni Ma'am Mika ng bumagsak ang dalawa sa harapan niya na mahigpit na nakahawak sa kwelyuhan ng isa’t-isa. “Ano bang problema mo, ah?!” Inis na sigaw ni Sir Kael sa Kuya niya. “Kung bumalik ka dito para sirain ang lahat ng pinaghirapan ko, ngayon pa lang magbalot-balot ka na!” Nag-aapoy sa galit na tugon ni Sir Gael. Na alarma ang mga tao sa Mansion. Maging si Don Raphael ay napababa ng marinig ang away ng dalawa. Habang ako ay napako sa kainh kinatatayuan. Sa araw-araw

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status