CHESKA YVONNE
“Ches, palitan mo 'yong bedsheet ko!” Natigilan ako sa paghuhugas ng pingan at nilingon ko si Sir Kael. Pakamot-kamot siya sa braso niya na naglakad palabas. Magsasalita na sana ako ng huminto siya at muling lumingon sa akin. “Gawan mo ako ng almusal dalhin mo sa garden.” Tumango ako. “Ah! Nga pala 'yong sasakyan ko maalikabok na, linisan mo na rin. Wag mong gagasgasan!” Ikinuyom ko ang kamao ko at gigil na umaktong susuntukin siya ng makaalis sa harapan ko. Wala na siyang ibang ginawa kundi utusan ako ng utusan. Hindi ako katulong dito pero ang isang 'to kung makapag-utos wala akong masabi! “Bwisit! Bwisit siya! Kailan ba siya lalayas dito?” Oo, mansion niya 'to pero mas gusto ko na wala siya dito dahil ang laki ng problema niya sa akin. Pinaghahampas ko ang unan niya sa kama. Alam mo 'yong pakiramdam na hindi mo maibuhos sa kaniya ang galit mo kaya sa ibang bagay na lang. “What are you doing?” Agad akong tumigil sa ginagawa ko at tumayo ng tuwid. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at nakita ko si Sir Gael sa labas ng silid ni Sir Kael. “Sir Gael, may kailangan po ba kayo?” Dinampot ko ang maduming bedsheets at inilagay sa laundry basket. “Sinong nagpapasok sa'yo sa kwarto na 'to? Hindi ba sinabi ko sa'yo na ayaw na kitang makita dito? Cheska, ang trabaho mo ang gawin mo.” Napayuko ako. Kung meron man akong lugar na hindi pwedeng puntahan sa mansion na ito 'yon ay kwarto ni Sir Kael. Ito ang ipinagbawal sa akin ni Sir Gael lalo na nang bumalik ang kapatid niya. Kahit ako naman ay kahit hindi niya ipagbawal sa akin iyon ang gagawin ko ngunit paano naman ako makakaiwas kung ginagawa akong utusan ng kapatid niya? “Sir— Ayoko rin na mag-isip siya ng kung anu-ano dahil hindi naman dapat. “Labas!” Palabas ako ng silid ng makasalubong ko si Sir Kael. Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa ibaba upang labhan ang tinanggal ko mabuti na lang kinuha ito sa akin ni Diday dahil siya na lang ang maglalaba. “Na saan na ang almusal ko? Alam mo bang kanina pa ako naghihintay, ah?!” Napaigtad ako sa gulat ng sumalubong sa akin ang galit na boses ni Sir Kael. Napayuko ako at halos hindi na ako mag-angat ng tingin dahil sa kanina pa ako nahihiya sa kapalpakan ko. “Pasensya na po, Sir, igagawa ko na ho kayo.” “Wala na akong gana! Ano bang silbi— “Kael.” Sabay kaming nag-angat ng tingin kay Sir Gael na masama ang tingin kay Sir Kael. Nakapamulsa ito habang bumababa. “Hindi tagapa-luto ang trabaho ni Cheska dito, hindi rin siya katulong para utos-utusan mo. Personal nurse siya ni Papa. Hindi ka lumpo o may malalang sakit tulad ni Papa para asikasuhin ni Cheska.” Ito namang si Sir Kael tumayo pa ng tuwid at nginisihan ang kapatid niya na para bang inaasar ito. “Bakit ba nakikialam ka na naman, ah?” Sinalubong ni Sir Kael si Sir Gael ng makababa ito sa hagdanan. Nagkatitigan silang dalawa at sa uri ng titig nila ay para silang nagpapatayan. “Hindi porket ikaw ang palaging kasama ni Tanda dito, ikaw lang ang may karapatan dito.” “Akala ko pa naman, maayos ang ugali mo sa pag-alis mo... Nagkamali ako. Mas lalo kang naging tarantado!” Dinuro ni Sir Gael si Sir Kael. “Hayop— “Sir Kael! Sir, tumigil kayo! Parang awa niyo na, igalang niyo ho si Don Raphael.” Pumagitna ako sa kanilang dalawa dahil panigurado akong mauuwi sila sa sapakan. Si Sir Kael lang naman ang may balak na manapak si Sir Gael kalmado siya pero ang tingin niya kay Sir Gael ay masyadong matalim. “Hindi mo alipin si Cheska, sa susunod na makikita ko siyang gumagawa ng gawain ng iba. Mananagot ka sa akin, tandaan mo. Hindi ka nandidito para magbuhay hari!” Ilang saglit pang pinakatitigan ni Sir Gael si Sir Kael bago ito umalis. Nagpipigil naman ng galit si Sir Kael at balak pang habulin ang kapatid niya pero pinigilan ko siya. “Bitiwan mo nga ako!” Winaksi niya ang kamay ko. Dinuro niya ako. “Kasalanan mo 'to!” Walang ibang ginawa ang magkapatid sa tuwing nagkasalubong sila ay mag-bangayan. Naawa ako kay Don Raphael dahil wala siyang ibang gusto kundi ang magka-ayos ang magkapatid ngunit malabong mangyari 'yon. “Cheska, where's my juice?” Natigil ako sa pagpa-planza ng damit ni Ma'am Hazel ng bigla siyang bumaba at hinahanap niya ang juice na pinapagawa niya. Agad kung iniwan ang pinaplanza ko at tinungo nag kusina para gawan siya ng juice. Kung wala si Sir Kael ito namang girlfriend niya ang panay ang utos. Bagay nga sila, pareho silang bossy! “Ito na ho ma'am ang juice—jusko! Iyong ina-planza ko!” Inilapag ko sa center table ang baso na may lamang juice at agad kung kinuha ang planza. Napatakip ako sa bibig ng makitang nasunod ang dress ni Ma'am Hazel. Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko pala na patay ang planza at iniwan kung nakapatong sa damit. “Oh my god! Alam mo ba kung gaano ka mahal ang damit na 'to?!” Sigaw sa akin ni Ma'am Hazel ng mahawakan ang damit niya. “Ma'am, pasensya na po, hindi ko sinasadya... Babayaran ko po ang na sira ko.” Mangiyak-iyak akong napayuko. “Maayos ba niyang pasensya mo ang dress ko? Kulang ang isang buwan mong sahod upang mabayaran 'to! Bakit ba kasi napakaburara mo?!” Sinampal niya ako dahilan para tuluyan na akong umiyak. Sa tinagal-tagal kung nagta-trabaho dito sa mansion, ngayon lang ako nakatanggap ng sampal at ang mas masakit pa sa hindi ko pa amo. “Pasensya na po kayo, Ma'am, hindi ko sinasad— Natigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang kunin ang kamay ko at sinampal ng sarili niya. Natumba siya sa sahig at umiyak. “Anong nangyayari dito?” Biglang sulpot ni Sir Kael. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin kay Ma'am Hazel na nakasalampak sa sahig na umiiyak. Mabilis itong nilapitan ni Sir Kael at tinulungang tumayo. “Kael, ayoko na dito! Please, umalis na tayo...” Yumakap sa kaniya si Ma'am Hazel. “Anong nangyari?” Sinuri niya ang katawan ni Ma'am Hazel na para bang tinitingnan niya kung may pasa ito. “Sinunog niya ang dress ko, kinaka-usap ko lang siya ng bigla siyang magalit. Sinampal niya ako, Kael, look!” Ipinakita niya kay Sir Kael ang sunod niyang dress. Masamang tingin ang itinapon sa akin ni Sir Kael. Lumapit ito sa akin at mahigpit akong hinawakan sa braso at marahas na hinila papunta sa kusina. “Hindi porket palaging nasa likod mo si Gael hahayaan kitang saktan si Hazel!” Itinulak niya ako dahilan para sumalampak ako sa sahig at na untog pa ako sa kanto ng island counter. Napahawak ako sa noo ko at nakita kung may dugo. “Kael, what are you doing?!” Nagmamadaling nilapitan ako ni Ma'am Mika. Sinubukan niya mang daluhan ako pero nahihirapan siya dahil sa umbok niyang tiyan. “Sa susunod na sasaktan mo si Hazel hindi lang 'yan ang matitikman mo sa akin!” “Sir, wala po akong ginagaw— “Wag ka ng magpaliwanag pa! Nakita ng dalawang mata ko na sinisigawan mo at sinampal mo si Hazel!” “Hindi po totoo 'yan...” Umiiyak na umiiling ako. Wala akong ginagawang masama kay Ma'am Hazel maliban sa na sunog ang dress niya. Hindi ko siya sinampal, siya ang gumawa no'n sa sarili niya. “Kael, tama na! Kahit ano pa ang na gawa ni Cheska, babae pa rin siya. Hindi mo siya kailangang saktan! Sana tinanong mo rin si Cheska kung ano ang totoong nangyari.” Inalalayan akong tumayo ni Ma'am Mika at tiningnan ang noo ko na may hiwa. “Diday! Pakikuha ang first aid kit, bilisan mo!” Sigaw ni Ma'am Mika. Imbes na mag-alala ako para sa sarili ko mas nag-aalala ako kay Ma'am Mika dahil buntis siya. Baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya hindi ko mapapatawad ang sarili ko at baka ano pa ang magawa sa akin ni Sir Gael. “Ma'am, ayos lang po ako. Kumalma lang po kayo, maupo muna kayo.” Inalalayan ko siyang makaupo sa silya at binigyan siya ng tubig. Hinawakan niya ang kamay ko, alam ko na nag-aalala siya sa akin pero ayos lang ako. Maliit na galos lang 'to. “Ano ba talagang nangyari, Ches?” “Ang totoo niyan, ma'am kasalanan ko. Pabaya ako dahil iniwan ko ang planza at na sunog ang dress niya ng kuhanan ko siya ng juice.” “Ches.” Pinisil niya ang kamay ko. “Bakit mo ba ginagawa 'to sa sarili mo? Hindi mo gawain ang mga bagay na 'yan, alagaan mo naman ang sarili mo. May Baby Yvan ka na dapat tutukan...” “Hindi ko naman po siya pinapabayaan.” Dumating na si Diday dala ang first aid kit. Si Ma'am Mika na ang naglinis ng sugat ko kahit na kaya ko naman. Hindi ako lumabas ng kwarto ng dumating na si Sir Gael dahil ayoko na ako na naman ang dahilan nang pagtatalo nilang magkapatid. Hindi naman ako pwedeng umuwi ng ganito sa bahay namin dahil ayoko may mangyaring masama kay Papa kapag nakita niya akong may benda baka isipin niya pa na inaapi ako dito. Maagang gumising si Baby Yvan kaya dinala ko siya sa garden na upang pa arawan. Masyado pang maaga kaya alam ko na wala pang gising sa kanila ng ganitong oras. Nakaupo ako sa silya sa harap ng coffee table dito sa garden. Hinahaplos ko ang maliliit na daliri ni Baby Yvan na mahigpit na nakahawak sa hintuturo ko. “Miss ka na ang Lolo mo, baby... Uwi tayo?” Hinalikan ko siya sa noo at hinaplos-haplos ang mapupula niyang pisngi. “Hindi mo siya pwedeng dalhin sa lugar na kung saan-saan mo gusto.” Inilapag ni Sir Kael sa harapan ko ang isang baso na may lamang gatas. Umupo siya sa katapat kung silya at uminom siya ng kape sa kaniyang tasa. Karapatan ko na dalhin ang anak ko sa kahit saan ko gustuhin. Hindi niya ako mapipigilan. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Wala akong balak na ka usapin siya dahil masama pa rin ang loob ko sa kaniya sa nangyari kahapon. “Inumin mo na ang gatas, lalamig na 'yan.” “Salamat na lang baka may lason pa 'yan.” Akmang aalis ako sa harapan niya ng pigilan niya ako. Tumayo siya at inilipat ang silya sa tabihan ko. Napatingin ako sa braso niya na nakapatong sa sandalan ng silya na kinauupuan ko. “About yesterday, I didn't mean to hurt you. I'm sorry,” Nilingon ko siya. “Kaya ba ginawan mo ako ng gatas pambalubag loob?” “No.” Tiningnan niya ako. Nakita ko ang guilty sa mukha niya ng dumapo ang mata niya sa noo ko na may benda. Bahagya siyang humarap sa akin at akmang hahawakan ang sugat ko agad akong umalis sa tabihan niya. “Tawagin niyo na lang ako Sir, kapag may ipag-uutos kayo.” Iniwan ko siya. Mabilis akong naglakad papasok sa kabahayan. Inakyat ko si Baby Yvan sa kwarto ng makasalubong ko si Ma'am Mika. Kinuha niya sa akin si Baby Yvan dahil hinahanap daw ako ni Don Raphael. “Magandang umaga, Don Raphael. Kamusta po ang pakiramdam niyo?” Bati ko sa kaniya ng makapasok sa silid niya. “Magandang umaga. Anong nanyari diyan sa noo mo?” Puna niya. Agad naman akong umiling at ngumiti sa kaniya. “Na untog lang po ako sa pinto.” Hindi siya kumbinsido sa sagot pero tumango rin bandang huli. Inalalayan ko siya papunta sa veranda. “Nasa kondisyon ang katawan ko baka naman pwede mong patugtogin ang paborito kung musika.” “Magandang idea po 'yan, Don Raphael!” Nakangiting bumalik ako sa loob ng kaniyang silid at isinalang ang paborito niyang kanta. Binalikan ko siya sa veranda na nakangiting nakatingin sa akin. “Halika, mas masayang sumayaw na may kapareha.” Nakangiting tinanggap ko ang kamay ni Don Raphael at sumayaw kaming dalawa ng cha-cha. Hindi naman ito ang unang beses na sumayaw kami at siya rin mismo nagturo sa akin ng sayaw na 'to. Kaya hindi na ako na iilang sa kaniya lalo pa't nakikita ko na kapag ganito siya ay masaya ang gising niya. “Gumagaling ka na.” “Sympre po, magaling ang nagturo.” Nagtawanan kaming dalawa habang patuloy sa pagsasayaw. Kung dati kasi palagi kong naapakan ang paa niya ngayon na perfect ko na. “Bravo!” Natigilan ako ng marinig ang boses ni Ma'am Hazel sa ibaba. Nasa garden sila ni Sir Kael at laking gulat ko na lang na hawak ni Sir Kael si Baby Yvan na hindi malaman ang gagawin.. “Ches, I need help!”CHESKA YVONNE Mabilis kong itinulak ang mukha niya palayo sa nakalabas kung dede at ibinalik ko na sa loob ng bra muntik ko ng makalimutan na manyak pala itong katabi ko. Wala pa ngang limang minuto ng umiyak na naman si Baby Yvan kaya wala akong magawa kundi ang padedehin ulit siya pero wala pang dalawang minuto iniwan niya na naman. Itinaas niya ang kaniyang kamay. He play his small hands, close-open but the way he did that it's like his getting his dad's attention. "Aba, Aba, natuto ka na rin sa kalokohan ng Daddy mo." Saway ko kay Baby Yvan at hinawakan ang kamay niya. "Ikaw naman, Niko, hindi ka nakakatuwa." "Sorry na po, Commander." Nagpa-cute pa ang loko. Sa isang Italian restaurant kami kumain ng tanghalian. Siya ang nag-order ng mga pagkain dahil wala akong alam kung paano um-order doon. Habang kumakain kami siya ang may hawak kay Baby Yvan kaya ang bagsak sinusubuan ko siya kasi sa tuwing maabot ni Baby Yvan ang pagkain hinahablot at pinipiga. "Ches?" "Hm
CHESKA YVONNE Inaayos ko ang mga damit ni Baby Yvan. Tinutupi ko ito at inilalagay sa little cabinet niya dito sa kwarto ni Niko. Kasalukuyan na ring kwarto namin ni Baby Yvan sa mga nakalipas na araw. Habang nagliligpit ako ay bumukas ang pinto ng banyo. Nanuot sa ilong ko ang pinaghalo na mabangong amoy ng shower gil ni Niko at Baby Yvan. Nilingon ko ito. Nakita kung nakatapis ng tuwalya sa ibabang parte si Niko habang sa isang bisig niya si Baby Yvan na balot na balot rin ng tuwalya, nilalaro niya ito. “Wooshh! Captain Yvan the plane is ready for take off...” Umakto ito na parang inililipad si Baby. Kitang-kita kong tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya at ganu'n rin si Baby Yvan. Sa ilang araw naming pananatili dito sa kwarto niya nakita ko na mas naging malapit silang mag-ama sa isa't-isa. Tinuroan ko siyang magtimpla ng gatas, maghugas ng baby bottle, kung paano paligoan si Baby, kung paano ito bihisan at sa lahat ng itinuro ko sa kaniya isang bagay lang ang hindi niya kaya
CHESKA YVONNE Ang walang hiya, hindi man lang inisip na natutulog na si Yvan ‘yan tuloy na gulat. Pikon na pikon na talaga ako sa kaniya pero sa tingin ko mas pikon na pikon siya sa akin. Kaya masayang-masaya ako ngayon, feeling ko magiging maganda ang araw ko. “Ang ganda ngiti natin, ah...” Puna ni Diday sa akin ng madatnan ko ito sa kusina na nagkakape. “Maganda lang talaga ang gising ko.” Hinawi ko ang buhok ko. Nagtimpla ako ng gatas ko at tinabihan ko si Diday na kumakain ng almusal. “Parang kailan lang gumigising ka na pinagsaluban ng langit at lupa.” “Hindi na ngayon.” Ngumiti ako ng matamis. Sympre, alam ko na ang panlaban kay Niko. Iyon pala ang kahinaan niya, hindi naman totoo, bakit pikon na pikon? Nagtawanan kami ni Diday. Sa gitna ng tawanan namin pumasok si Niko sa kusina dahilan para matahimik kami ni Diday. Wala itong saplot pang itaas at tanging pajama lang ang suot nito at nakatsinelas. Himala yata at maaga siyang gumising. Madilim ang mukha nito at mas lal
CHESKA YVONNE Tatlong araw ang lumipas na iwas na iwas ako sa hudyong Daddy ng anak ko! Ang walang hiya, gusto pang maka-ulit sa akin mabuti na lang at kumatok si Ma'am Mika ng araw na ‘yon kundi masisilayan ni Yvan ang kalibogan ng kaniyang Daddy. “Cheska, pinapapunta ka ni Sir Kael sa silid niya.” Sabi ni Diday ng madaanan ako nitong naglilinis sa Sala. “Bakit raw?” Napakamot ako sa ulo ko. “Baka umiiyak si baby Yvan.” “Ano?!” Bulaslas ko. Paano na punta sa kwarto niya ang anak ko na hawak-hawak ito ni Ma'am Mika at naglalaro sa silid ng mga bata. “Makasigaw ka naman, gulat na gulat? Nandoon sa kaniya kasi sumakit ang tiyan ni Ma'am Mika.” Ibinaba nito ang laundry basket na puno ng labahan. “Tingnan mo na. Hindi ‘yon marunong magpatahan ng bata, magaling lang gumawa ng bata.” Tumawa si Diday. Nananadya talaga ang lalaking ‘yon! Iniiwasan ko na ngang pumunta sa silid niya dahil natatakot ako na maulit ang nangyari ang mas malala baka higit pa doon ang mangyari sa amin. Baka
CHESKA YVONNE Madaling araw pa lang ay gising na si baby Yvan. Nilabas ko siya sa kwarto at nagtungo kaming dalawa sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas, umupo ako sa isang stool at pinasuso ko si baby habang umiinom rin ako ng gatas. Pagkatapos niyang sumuso ay hindi na siya na tulog pa. Ang ginawa ko ay nilaro ko muna siya at nang oras na para asikasuhin ko si Don Raphael ay ibabalik ko na sana siya sa silid ng makasalubong ko si Ma'am Mika at kinuha niya sa akin si Baby. “Ako ng bahala kay Yvan-Yvan, asikasuhin mo na muna si Papa, bago ang nag-iinarte mong alaga.” Natatawa nitong sabi. Mukha nga namang nag-iinarte lang kasi si Sir Kael dahil sa hindi naman bali-bali ang buto nito sa paa at kamay ay hindi ito lumalabas ng kaniyang silid. “Kay Ma'am Mika ka muna, Anak. Pakabait ka,” Pinaulanan ko ng halik sa mukha si Baby bago ko siya iniabot kay Ma'am Mika. “Hello, baby Yvan-Yvan ni Tita, muah!” Hinalikan nito si baby. “Good morning, baby namin...” Niyakap nito si baby Yvan. “Mab
CHESKA YVONNE “Kael! Kael! Putangina, lumabas ka diyan!” Sigaw ni Sir Gael sa labas ng kwarto ni Kael. Hindi ko man siya makita alam ko na galit na galit ang kaniyang boses. Sa lakas ng pagkalampag nito sa pinto ng kwarto nito ay para bang gusto niya itong sirain. “Anong inga—” Hindi na tapos ang sasabihin ni Sir Kael ng sumalubong sa kaniya ang malakas na suntok ng kapatid. Sa hindi malamang dahilan kaagad na gumanti ng suntok si Sir Kael. Sa suntukan nila nakarating sila sa Sala. “Kael! Gael! Tama na!” Awat ni Ma'am Mika ng bumagsak ang dalawa sa harapan niya na mahigpit na nakahawak sa kwelyuhan ng isa’t-isa. “Ano bang problema mo, ah?!” Inis na sigaw ni Sir Kael sa Kuya niya. “Kung bumalik ka dito para sirain ang lahat ng pinaghirapan ko, ngayon pa lang magbalot-balot ka na!” Nag-aapoy sa galit na tugon ni Sir Gael. Na alarma ang mga tao sa Mansion. Maging si Don Raphael ay napababa ng marinig ang away ng dalawa. Habang ako ay napako sa kainh kinatatayuan. Sa araw-araw