Share

The Lieutenant And Mafia's Angel
The Lieutenant And Mafia's Angel
Author: Black_Jaypei

TRIST & RAM 1

BUMABA si Tristañia sa kaniyang sasakyan nang maiparada niya ito sa tapat ng white house. Tiningnan niya ang paligid at nakita kung niya ang dalawang guard na naglilibot nang makita siya agad itong yumuko upang magbigay galang.

She's the beautiful, spoiled, only girl in the family. Her brothers treat her like a princess. For them she's the treasure that no one can explain how valuable she is. May be she is hard-headed but everyone loves her from the buttom of their stone heart.

“Good morning, Young Princess.”

Inayos niya ang kaniyang suot na brown leader jacket and she flipped her hair before she walk towards the wide entrance of the white house. Bumukas ang pinto mula sa loob at bumungad sa kaniya ang mayordoma at nagbigay galang sa kaniya.

“Magandang umaga, Young Princess.”

Sinulyapan niya ang mayordoma at binigyan nang tipid na ngiti bago pumasok sa kabahayan. Tinanong niya ang mayordoma kung na saan ang kaniyang kapatid. Hinatid siya nang mayordoma sa tapat ng pinto ng opisina nang kaniyang kapatid.

Tinanguan niya ito at umalis. Huminga siya ng malalim bago kumatok at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Nakatakip siya sa ilong nang bumungad sa kaniya ang silid nitong nababalot nang amoy ng alak.

Natagpuan niya ang kaniyang kapatid na naka-upo sa swivel chair habang nakatanaw sa labas ng glass wall. Hawak nito ang old-fashion glass na may lamang alak.

Umiling siya dahil wala pa ring pagbabago ang kaniyang kapatid—ginagawa pa ring almusal ang alak na akala mo'y walang pamilya. Nilapitan niya ito. Tumayo siya sa gilid ng kinauupuan nito at nakangiting tumanaw sa mga bata na naglalaro sa harden.

“Hindi ko alam kung nagtatago ka dito o in-enjoy ang pagiging ama.”

Nakangiting sinulyapan niya ang kaniyang kapatid. Titig na titig ito sa mga bata na naglalaro. Sumandal siya sa desk nito ng sulyapan siya nito ng malamig na tingin.

“Ngayon pa lang sinasabi ko sa 'yo na hindi ang sagot ko.”

Inilapag ni Tristan ang baso sa desk at nagsalin ng alak. Agad naman na nalukot ang mukha niya nang marinig ang sinabi nito. Kilalang-kilala talaga siya nang kaniyang kapatid, hindi niya pa nga ito nasisimulang kombensihin nakahindi na ka agad.

“Pero, Charley! Wala pa akong sinasabi.” Maktol niya.

Natigilan siya at agad na napatakip sa kaniyang bibig. Humarap sa kaniya ang kaniyang kapatid. Masama ang titig nito sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay.

Patay!

Napakamot siya sa kaniyang ulo. “S-sabi ko napanuod ko na ang bagong movie ni Charley, iyon ang ibig kung sabihin, hehe. Ikaw ba Kuya... Charley?”

“What do you want?”

Itinukod niya ang kaniyang mga kamay sa mesa. Huminga siya ng malalim bago sinalubong ang seryosong titig sa kaniya ng kaniyang kapatid.

“I've already told you this before—

Tumayo si Tristan dahilan para matigilan siya. She's about to continue her sentence when her brother point her using his forefinger and anger flash on his face.

“What I've told you before will always be the answer.”

Inis na hinampas niya ang mesa at hinarap ang kaniyang kapatid. Sinalubong niya ang galit nitong mga mata. Kung nagagalit ito dahil sa gusto niya, siya naman ay galit dito dahil ayaw nitong pumayag sa gusto niya.

“Bakit ba ikaw na lang palagi ang na susunod?! Buhay ko 'to! Akala ko ba gagawin mo ang lahat para maging masaya ako bakit ikaw ang humahadlang? Alam mo? Hindi na kita maintindihan, malaki na ako! Kaya ko na ang sarili ko!”

“When I say no, it's a no! Do you understand me, Tristañia?!”

Puno ng awtoridad na sambit ni Tristan. Napayuko siya dahil ito ang unang beses na tinawag siya nito sa kaniyang unang pangalan. Bakas sa boses at mukha nito ang matinding pagtitimpi dahil ito ang unang beses na sinubukan niyang makipagmatigasan.

“Bakit mo ba ako pinipigilan? Natatakot ka ba na lumabas ang tunay na katauhan ng isang Tristan Sandoval?”

Mas lalong tumalim ang titig sa kaniya ni Tristan. “You can't stop me! I know everything your doin—

“Are you starting a war against me, Tristañia?”

Napalunok siya ng makita ang pagkuyom ng kamao nito at umigting ang panga tanda na nagtitimpi ito. Napayuko siya. “It's not what I mean...” Sambit niya sa mahinahong boses.

Sa pagkakataong ito alam niyang nagkamali siya at iba ang nagkaroon ito ng ibang ibig sabihin pero hindi ito ang nais niyang iparating.

“Alam ko na ginagawa mo ang lahat para sa akin na alam mong nakakabuti para sa akin pero sana naman hayaan mo akong maging ako sa kahit na anong gustuhin ko.”

“Hayaan? Sinasabi mo bang hayaan kita kapag ginusto mong maging p****k?”

Naikuyom niya ang kaniyang kamao. Natigilan si Tristan ng mapagtanto ang lumabas sa kaniyang bibig. Napahilamos ito sa sariling mukha gamit ang mga palad. Hahawakan siya nito pero iniwas niya ang kamay niya.

“Hindi ako pumunta dito para hingiin ang permiso mo, pumunta ako dito para ipaalam sa 'yo na hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko!”

Buong tapang niyang sinalubong ang titig ni Tristan. Kitang-kita niya na lumambot ang mukha nito. Siya naman ay pinipigilan ang umiyak sa harapan nito.

“Love.”

Tinalikuran niya na ito. Naglakad siya palabas ng opisina nito at hindi ito pinansin kahit na ilang beses pa siyang tinatawag nito. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan ng may pumigil sa kaniyang braso.

“Do you think being a public servant will drive you safety like I do? Love, you're making your life living in hell.”

“Wala akong pakialam! Gagawin ko ang gusto ko! Hindi na ako bata. Hindi ko na kailangan ng set-up na ginagawa niyo, ayoko na!”

Winaksi niya kamay ni Tristan. Hinarap niya ito ng buong tapang. Ano bang mali sa gusto niya na maging isang pulis na maglilingkod sa bayan at magtatanggol sa mga na aapi?

“Try to disobey me, you'll see.” A calmly warm is the very wickedly.

She slightly smile. “Sorry to disappoint you, I already did.”

Nagdilim ang mukha ni Tristan. Umangat ang kamay ni Tristan ng hindi niya mapigilan ang kaniyang galit. Nabigla naman si Tristañia ng makita ito dahilan agad siyang napayuko at hinarang ang kamay sa mukha niya at hinintay na tumama ang palad nito.

“Anong nangyayari dito?”

Napalingon si Tristan sa pinanggagalingan ng boses ng kaniyang asawa. Umigting ang panga ni Tristan at gigil na ikinuyom ang kamao bago inilagay sa loob nang bulsa.

Tinaasan ni Yuki ng kilay si Tristan bago ito tumingin sa gawi ni Tristañia na ngayon ay nakatingin kay Tristan na para bang takot na takot habang kanina lang ay buong-buo ang tapang.

“Ate Yuki!”

Para itong bata na tumakbo papunta kay Yuki at umiyak sa balikat nito. Nagkatitigan silang mag-asawa. Inirapan ni Tristan si Yuki nang makita ang uri ng titig nito na wala ito sa panig niya.

“I grown enough to stand on my own. I want to fulfill my dream not on continue living on my nightmare.”

Tristan phone's vibrate on his pocket. Someone's calling that's why he walk towards the garden while Yuki and Tristañia is on the living room.

“Ate, sabihin mo nga, may mali ba sa pangarap ko?”

Sunod-sunod na umiling si Yuki at hinawakan ang kamay ni Tristañia. “Walang mali sa pangarap. Kung minsan pinipili natin ang pangarap na hindi na aayon sa kung ano tayo, kaya ito nagiging mali.”

Hinawakan ni Yuki ang pisngi ni Tristañia. “Alam kung matagal mo ng kinukumbinsi ang kuya mo pero sinubukan mo bang alamin ang dahilan?”

“Ayaw niya akong magpulis dahil isa siyang Mafia Boss!”

“Makinig ka, Love. May dahilan ang kuya mo. Una sa lahat, ikaw ang babaeng pinakamamahal at iniingatan niya bago pa man ako dumating sa buhay niya. Pangalawa, nag-aalala siya sa 'yo. Ayaw ka niyang payagan dahil hindi biro ang trabaho ng isang pulis, ayaw ka niyang masaktan at mapahamak. Narinig mo na ba ang kasabihan na kapag isa kang pulis kalahati ng katawan mo ay nasa hukay na?”

“Anong pinagka-iba no'n sa pagiging kapatid ng isang Mafia Boss?”

Nagkatitigan si Yuki at Tristañia ng mapansin na may nakatingin sa kanila. Sabay silang tumingin sa kinatatayuan ni Tristan. Tumayo si Tristañia at nilapitan ang kaniyang kapatid.

Kung talagang mahal siya nito at nag-aalala sa kaniya. Gagawin nito ang hiniling niya at hindi niya na ipagpipilitan pa ang pangarap na matagal niya ng gusto.

“Bumaba ka sa pwesto mo at susundin ko ang gusto mo.”

“What?”

Nakangiting sumulyap siya kay Yuki bago tumingin kay Tristan at nginisihan ito.

“Hindi ba ang hirap pakawalan ng pangarap na inaasam natin lalo na kung mahal natin ang humihiling nito? Wala itong pinagka-iba sa pangarap ko na ipinagbabawal mo.”

Nakangiting pumalakpak si Tristañia. “Bibigyan kita ng isang buwan para pag-isipan ang sinabi ko, ganu'n kita ka mahal, Charley-boy!” Kinindatan niya ang kaniyang kapatid at nag finger heart na ikinapikon naman ni Tristan.

“Love! Bumalik ka dito, Tristañia!” Tawag ni Tristan sa kapatid na pantalon-talon na papunta sa pintuan.

“Kapag hindi ka bumaba sa pwesto magiging pulis ako at wala kang magagawa.”

She smile sweetly and wave her hands to her brother playfully before she look at her sister-in-law who was smiling at her.

Binuksan niya ang pinto at mabilis na lumabas bago pa man siya maabutan ni Tristan na tinatawag siya ng pa ulit-ulit.

She grin before she entered her car and drive away from her brother white house.

***

NAGULAT siya ng may isang kamay ang dumapo sa kaniyang balikat. Mabilis niyang hinablot ang kamay at pinilipit ito bago siya umikot.

“Aw! Aray Lieutenant Trist!”

Napakurap-kurap si Tristañia ng makita ang kasamahan niyang sumisigaw sa sakit dahil sa ginawa niya. “Inspector Jade?”

Si Inspector Kayden Jade Jimenez. Isang gwapo, matangkad at magaling na pulis. Hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa at kung mayroon man siyang hinahangaan sa kaniyang departamento ay ang inspector 'yon dahil sa galing nito sa pag-aresto ng mga criminal. Hindi siya criminal pero parang nahuli na yata nito ang puso niya.

“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?”

Agad niya namang binitawan ang braso nito at humingi ng pasensiya dahil sa ginawa niya. Hindi niya napansin ang pagdating nito kaya akala niya isa itong kalaban at nahuli siya sa ginagawa niyang page-spy sa isang abandonadong building.

“Pasensiya na, Inspector.”

Inayos nito ang suot na jacket at sumilip sa gawi ng kaniyang minamanmanan. “May tatlong bantay sa loob at may dumating na isang van. Sigurado na akong dito dinala ang mga babae.”

“Lieutenant, titingnan ko ang nangyayari sa loob. Kapag hindi ako nakabalik sa loob nang labing-limang minuto tumawag ka na ng back-up.”

“Copy sir.”

Hindi siya mapakali sa kaniyang pinagtataguan. Wala pang sampong minuto pero sunod na putok ng baril. Hindi na siya makapaghintay ng 15 minuto kaya tumawag siya sa kanilang opisina at humingi ng saklolo bago sumunod sa loob kay Inspector.

“Inspector!”

Lumingon sa kaniya si Inspector at agad niya namang kinalabit ang gatsilyo ng kaniyang baril ng makita ang kalaban sa likod nito. Laking gulat niya ng itutok sa kaniya ni Inspector ang baril at kinalabit ang gatsilyo na halos magkasabay lang sila.

Sabay silang napatingin sa kanilang likuran at doon nakita na parehong may kalaban sa kanilang likuran. Sumenyas si Inspector kaya agad naman siyang nagtago sa tambak na kahon at pinuntahan ang direction na itinuturo nito.

Limang dalaga ang natagpuan niyang nakagapos ang mga kamay at paa. May busal sa bibig at umiiyak ang mga ito. Hindi siya makagalaw sa kaniyang kinatatayuan at napatitig sa mga ito pakiramdam niya siya ang nasa position ng mga dalaga at siya ang nahihirapan.

“Lieutenant Trist, kalagan mo na sila!”

Napatingin siya kay Inspection Jade na nakikipagbarilan bago siya tumingin sa mga bata na nagsusumamong tulungan sila. Nagmamadaling nilapitan niya ang mga ito at tinanggal ang busal sa bibig.

“Ate tulungan niyo po kami! Ayaw pa naming mamatay."

“Gusto ko nang bumalik kay Mommy!”

“Ate tulungan niyo po ang kaibigan namin. Kinuha siya ng isang lalaki at dinala sa kwarto, pang-awa niyo na tulungan niyo siya.”

“Tutulungan ko ang kaibigan niyo, wag kayong mag-alala. Makakaalis tayo dito ng buhay kung makikinig kayo sa sasabihin ko.” Nagmamadaling tinanggal niya ang mga gapos ng kamay ng mga ito at nagtulungan na matanggal ang gapos sa mga paa.

“Wag kayong mahiwa-hiwalay. Maghanap kayo ng ligtas na mapagtataguan, bilis!” Utos niya sa mga ito at agad namang tumakbo.

Susunod na sana siya sa mga bata ng may kalaban sa kaniyang harapan. Babarilin niya na sana ito ng may biglang sumipa sa kamay niya dahilan para tumilapon ang baril na hawak niya.

“Masyado kang pakialamera!”

Isang malakas na sipa ang pinakawalan nito at agad niya namang nahilagan dahil yumuko siya. Awtomatikong gumalaw ang paa niya para gumanti dito at tumama sa mukha ng kalaban dahilan para tumilapon sa tambak na mga kahon at nahulog ang mga ito.

Nakipaglaban siya dito gamit ang kaniyang mga kamay at paa. Hindi madaling kalaban ng kaniyang kaharap dahil base sa kilos at lakas ng tira nito ay masasabi niyang isang professional.

“Ahhh!!”

Isang flying kick ang ibinigay niya dito dahilan para tumilapon ang kalaban at bumagsak sa sahig. Lalapitan niya na sana ito pero agad siyang natigilan ng damputin nito ang baril niya na tumilapon kanina.

“Katapusan mo na, Beautiful Lieutenant!”

Wala sa kaniya ang attention ko kundi sa lalaking nasa likuran nito na kakalabas pa lamang mula sa isang pinto. Nagsasara ito ng butones ng kaniyang suot na pulo at isang dalagita ang nakasunod dito na punit-punit ang damit, umiiyak habang yakap ang sarili.

Hayop! Isa siyang hayop!

Pumalakpak ito habang nakatingin sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ito. Ang mukhang hinding-hindi ko nakakalimutan!

Papatayin kita!

“Nemuel.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status