TRISTAÑIABUONG araw akong nasa opisina at naging abala sa trabado. Kung hindi ako nakaramdam ng gutom hindi ko namalayan na alas tres na sa hapon. Nagtimpla ako ng kape ng lumapit sa akin ang isa sa kasamahan ko.“Lieutenant pinapatawag ka ni Commander.”“Susunod ako.”Iniwan ko ang kape sa table ko at tinungo ang opisina ni Commander. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Commander, si Captain Wenard na nakaupo sa visiting chair habang si Inspector Jade nakatayo sa gilid.Nagbigay galang ako kay commander bago tumayo sa tabi ni Inspector Jade. “Binabati kita, Lieutenant sa matagumpay na operasyon niyo ni Inspector Jade.”“Salamat, Commander.”“Huh! Hindi magiging matagumpay ang operasyon kung hindi kami dumating. Lieutenant, kung hindi kami dumating paniguradong pinaglalamayan ka na ngayon. Hindi kaya isang palabas lang nangyari kahapon para masabing tapat ka?” Sarkastikong sambit ni Captain Wenard.“Anong ibig mong sabihin, Captain?”“Hindi ba't mortal na ka
Baca selengkapnya