Share

Chapter 3

Sa susunod na buwan manganganak na ako. Dito pa rin ako nakatira sa condo unit ni Kuya Gustavo. Tahimik akong nakamasid sa mga ilaw mula sa street light sa baba. I was caressing my swollen tummy while singing a lullaby for my baby inside until he stop kicking and fall asleep.

Ang bilis lang lumipas ng mga araw sa isang buwan makikita ko na siya at mahahawakan. Marahan kong nilapat ang likod ko sa sandalan ng upuan ng muli kong maramdaman ang mahinang pagsipa ng anak ko. Mataman kong tinitigan ang tiyan kong umaalon  dahil sa mga galaw niya na tila ba ayaw pa nitong matulog at gusto pang maglalaro sa loob ng tiyan ko.

"Football player ka ba anak? Ang lakas sumipa ah..." nakangiting tanong ko sa kanya, muli itong sumipa kaya mahina akong natawa.

This baby boy inside me is so playful, palagi niyang pinapalakas ang loob ko sa panahong nakakaramdam ako ng pagod at gusto ko ng sumuko. Ang mumunting galaw niya sa loob ng tiyan ko ang pumapawi sa lungkot na aking nararamdaman sa tuwing nag-iisa na ako. Ang tahimik niyang presensya ang nagpapalakas sa akin, na kahit ba tinalikuran kami ng ama niya binigay pa rin siya ng Diyos sa akin para bigyan ako ng pag-asa.

I lost him and in the process I almost lost myself. Kung hindi lang dahil sa anak ko matagal na akong sumuko. Iyong akala kong makakasama ko habang buhay ay sa isang iglap bigla na lang nawala. Ang mas masakit pa ay hindi ko alam ang dahilan.

Ang bilis ng lahat ng pangyayari. Ang saya-saya pa namin pero isang araw nagising na lang ako na tapos na pala ang lahat. Nagising na ako sa matagal kong pagkakatulog at isang panaginip lang pala ang lahat ng nangyari. Isang masamang panaginip na ayaw ko ng muling maranasan. Lahat ay nawala at imposible ng maibalik. Isa na lang itong alala na kailangan ko ng iwan.

Hindi ko namalayan na nag-uunahan na palang mahulog ang mga luha ko. Ilang buwan na ang lumipas pero bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako? Ang dami paring katanungan sa isip ko na minsan nakakatulugan ko na lang. Kinabukasan ganun pa din ang nangyayari, wala pa rin akong mahanap na kasagutan.

Saan ba kasi ako nagkulang? Ano bang naging kasalanan ko at kailangang mangyari sa akin to?

***

"Zia, sigurado ka ba talagang gusto mo magtrabaho dito?" Tanong ni Mica sa akin. Tumango ako kay Mica dahil kailangan ko talaga ang trabahong 'to.

Nasa bungad pa lang kami ng bar dinig ko na ang malakas na tugtugan mula sa loob. Ngayon ako pinapunta ng kaibigan kong si Mica dahil nakausap niya na daw kagabi ang manager para sa akin. Naghahanap kasi ako ng extra income para matustusan ang aking pag-aaral.

I'm a working student, nineteen years old from Davao, pero dito ako sa Manila nag-aaral. Third year college na ako ngayon, isang taon na lang magtatapos na ako sa kolehiyo. Hindi ako umuwi ng Davao ngayong summer dahil may summer class ako, dalawang subjects lang naman para next pasukan konti na lang ang subjects na kukunin ko.

Pagkapasok namin napansin ko agad ang grupo ng mga kaedad kong nagsasayawan. Madaming tao ngayon dahil friday lalo't wala ng pasok. Halos mga kabataan ang nandito sa bar at nagsasaya.

"Tita Daisy, ito po tung sinasabi kong kaibigan na mag-aaply bilang barista."

Pinasadahan ako ng tingin ng manager mula ulo hanggang paa saka ngumisi at tinuro ang hagdanan pataas. "Dalhin mo sa itaas andun si Sir Ethan, siya ang mag-e-interview sabi niya." Kinabahan ako sa uri ng tingin at ngisi ng tinawag ni Mica na Tita Daisy pero pilit kong pinatatag ang aking loob. Kailangan ko ng trabaho.

"Ano Zia, handa ka na ba? Wag kang kabahan 'pag makita mo si Sir Ethan, masungit ang mukha nun tsaka mukhang palaging galit pero mabait naman."

Tango lang ang sagot ko sa kanya dahil kinakabahan talaga ko. Alam ko naman kung ano ang pinasok kong trabaho. Nung nakaraang bakasyon nagtraining ako ng bar tending. Maliban kasi sa pagiging flight stewardess gusto ko ring sumakay sa barko o cruise.  Nag-e-space out na ata ako dahil hindi ko man lang namalayan na nasa harap na pala kami ng opisina ng sinasabing Boss nila.

"Relax Z, hindi nangangagat si Sir Ethan. Wag kang mamutla dyan." pagpapagaan niya sa loob ko.

Ilang katok pa muna ang ginawa ni Mica bago kami nakarinig ng sagot sa loob. Naunang pumasok si Mica saka sinenysan niya akong sumunod sa kanya. Bigla akong kinabahan dahil sobrang tahimik sa loob. Hindi dinig ang ingay na mula sa malakas na tugtog sa baba. Dim ang ilaw at may isang lalaking nakatalikod sa amin.

Sinenyasan ako ni Mica para lumapit sa kanya dahil may ilang dipa ang pagitan namin. Ewan ko ba pero parang hindi ko maihakbang ang mga paa ko palapit sa kanya kaya siya na mismo ang lumapit sa akin at hinila ako sa harap ng table ng Boss niya.

Ilang minuto na kaming nakatayo pero nanatili lamang itong nakatalikod sa amin. Hindi ko alam kung ano ang trip niya kung bakit ayaw niyang humarap sa amin? Kung wala naman pala siyang balak na harapin kami e di sana hindi niya na lang kami pinapasok diba?Iniisip ko tuloy na baka nakakatakot ang mukha niya kayaw mas gusto nitong nakatalikod sa amin.

 Sinenyasan ko si Mica na aalis na lang kami baka kasi wala sa  mood ang amo nila at sa amin pa ibunton ang galit pero ayaw ni Mica.

"Good evening, Sir Ethan." magalang na bati niya dito. Isang minuto muli ang lumipas saka ito humarap. Bilang ko dahil nakatingin ako sa orasan na kasabit sa dingding niya.

Umayos ako ng tayo ganun din si Mica, para kaming mga myembro ng ROTC na kaharap ang officer namin sa tikas ng pagkakatayo naming dalawa. 

"You can leave her, Miss Reyes."

Natigilan ako. Bakit niya pinapaalis si Mica? Naguguluhan ang mga mata kong tumingin sa kaibigan ko pero ngumiti lang ito sa akin na tila ba sinasabing mag-relax ako.

"Okay Sir." paalam ni Mica saka humarap sa akin. "Galingan mo girl, sa baba muna ako." ngumuso ako sa kanya pero alam ko namang wala akong magagawa. Malamang hindi naman pwedeng kahit sa interview ko kasama ko pa si rin Mica.

Pagkasara pa lang ng pinto ni Mica ay agad akong binundol ng kaba lalo na ng mapansin ko ang folder na binigay ko kay Mica  nung nakaraan para sa application ko na nasa ibabaw ng mesa niya. High end itong bar na pinapasukan ni Mica na kailangan ko pang magsubmit ng bio data sa kanila. Sabi pa ni Mica madaming gustong makapasok dito dahil malaki ang pasahod tsaka maganda ang benipisyo kaya din ako naengganyo.

Napalunok ako ng matanto kong kanina pa pala kami tahimik dalawa. Nakatatitig lang sa akin si Sir.  Hindi ko alam kung mauna ba akong magsalita o hihintayin kung kakausapan niya ako. Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kinabahan ako dahil sa sobrang tahimik ng silid pakiramdam ko nabibingi ako sa tila dagundong na hatid niya sa dibdib ko dahil sa pagtitig niya sa akin.

Umiwas ako ng tingin kahit pa ramdam ko ang titig niya. Ilang segundo pa muli ang lumipas saka pa siya nagsalita.

"Take your seat, Miss Hernan." pormal niyang sabi sa akin. Hindi na ako nagtataka kung saan niya nalaman ang apelyedo ko.

Tumikhim muna ako saka umayos ng upo sa bakanteng upuan sa harap ng mesa niya. Hindi ako nakatingin sa kanya dahil pakiramdam ko matutunaw ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Muli mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. 

"Relax, I won't bite." aniya ng mapansing halos hindi na ako humihinga.

Paano ako makaka-relax? Hindi naman ganito ang sinabi ni Mica sa akin. Ang sabi niya si Tita Daisy lang ang nag-interview sa kanya. Ilang tanungan lang saka tanggap na siya agad. Pero bakit sa akin ang tindi naman, si Big Boss pa talaga.

"Introduce yourself." 

Lumunok muna ako ng ilang beses dahil pakiramdam ko nanunuyo ang aking lalamunan bago ako nagsalita. Nabasa niya naman ang bio-data ko pero siguro nga kailangan talagang magpakilala ulit sa kanya.

"My name is Zia Alejandra Hernan, 19, from Davao. Tourism student po ako Sir, isang taon na lang magtatapos na ako kung papalarin. Working student po ako at nasa Davao ang aking mga magulang. Ako lang po mag-isa dito sa Manila kaya naghahanap ako ng trabaho na maari kong pagkakakitaan para pantustos sa mga pangangailangan ko."

Madami pa akong sinabi sa kanya pero hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin. Diritso lang ang tingin niya at blangko lang ang expression ng kanyang mukha. Tumahimik ako saka yumuko. Napasobra ata ako ng introduction, nakakahiya naman baka isipin pa ni Sir na nagyayabang ako. Pati kasi ang pagiging honor ko noong elementary at high school sinali ko pa na wala namang kinalaman sa pinag-aaplyan kong trabaho.  

"Do you know what are you into?"

Malamang pupunta ba ako dito ng hindi handa? 

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I almost hitch my breath when I notice his brooding eyes is looking at me intently na tila ba kanina niya pa minamasdan ang bawat galaw ko. His aura is intimidating pero hindi ako pwedeng magpadala. Kailangan ko ng trabaho, malaking tulong sa akin kung matatanggap ako dito. Kahit hindi na barista, kahit waitress o taga hugas basta lang may pandagdag ako sa panggastos ko sa araw-araw. Kinalma ko ang aking sarili saka matapang na tumingin sa kanya.

"Yes Sir." sagot ko na hindi inaalis ang mga tingin sa mata niya. 

Tumaas ang sulok ng labi niya sa naging sagot ko pero bakit kahit ngiting aso si Sir ang gwapo niya pa rin. Hmmp gusto ko tuloy kutusan ang sarili ko. Talaga Zia, sa gitna ng interview yan ang nasa isip mo?

"Pwede kang mabastos dito."  nananantiya ang tingin niya sa akin. " Baka iiyak ka lang." aniya saka nakakalokong ngumisi ulit.

Tumaas ang isang kilang ko sa sa sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Bata?

"Hindi ako basta-basta umiiyak Sir, tsaka kaya kong ipagtanggol ang sarili ko."palaban kong sagot sa kanya.

Nagta-taekwondo ako nung high-skul ako. Pambato ako ng  Sta. Ana High school sa palaro at ilang beses na din akong nanalo. Pinatigil lang ako ni Mamang nung minsan na-sprain ang paa ko dahil natatakot siyang baka sa susunod hindi lang pilay ang aabutin ko at baka mabalian pa ako ng buto.

Nabanggit na din sa akin ni Mica ang mga yon kaya alam ko na. Hindi naman talaga maiiwasan yon dahil iba't-ibang klase ng tao ang pumapasok dito sa bar nila. Madalas ang mga lalaki kapag nalalasing nawawala sa sarili, pero may mga bouncer naman. Yon nga lang sa dami ng tao hindi talaga maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

"I don't want, one day you'll come in my office crying."

Naisip kong kahit naman siguro mangyari yon hindi na man ako didirtiso sa opisina niya para umiyak. Ano yon FC lang? 

"Hindi niyo na man po siguro hahayaang bastusin lang ang mga empleyado mo diba?" matapang kong dagdag sa sagot ko kanina at nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya. Napansin kong ang hilig niyang ngumisi, bakit kaya? Naa-amuse ba siya sa mga sagot ko o naiirita? Dalawa lang yon e.

"I'm not here all the time. I'm also working, walang magtatanggol sayo." 

Ay iba! Talagang personal na tagapag-tanggol? Swerte naman ng mga empleyado niya kung ganun.

"May bouncer naman kayo Sir." sagot ko. As if naman kung andito siya sasali siya sa pag-awat sa mga nanggugulo. " Kaya ko ang sarili ko."

Pinasadahan niya ng tingin ang mukha ko hanggang sa aking katawan, pero syempre dahil naka-upo ako hanggang dibdib lang ang mga mata niya. Biglang nag-init ang pisngi ko dahil tumagal ang pagkakatitig niya doon. Gusto ko sanang hilahin ang blouse ko pataas pero nakakahiya baka isipin pa ni Sir na nagpe-feeling ako. Pero wag ka, itong dibdib ko ang isa sa mga assets ko. 

Siguro napansin niyang nakita kong nakatitig siya doon kaya muling bumalik ang tingin niya sa aking mukha. 

Maliit akong ngumiti sa kanya na tila ba sinasabing 'Huy Sir nakita ko yon! Wag kang ano dyan!'  pero nagkibit balikat lang ito na tila ba balewala lang sa kanya. Sabagay sa gwapong ito ni Sir, malamang iba't ibang babae ang nagkakandarapa dito. Baka nga mas malaki pa ang mga dyoga nun sa akin.

 " Ayos lang din naman po siguro sa inyo Sir,  kung ipagtanggol ko ang aking sarili sakali mang may mang-bastos sa akin diba?"

"With that body?"

Anong problema sa katawan ko?  Siguro iniisip niya kung paanong pagtatanggol ang aking gagawin sa liit ko. Wag kang kumpyansa Sir, maliit lang to pero matibay.

"Maliit lang ang katawan ko sir pero kaya kung ipagtanggol ang sarili ko." gusto ko pa sanang sabihin sa kanyang black belter ako at wag siyang magkakamali sa akin dahil baka masampolan ko siya.

Tama lang ang laki ng aking katawan, hindi payat hindi din mataba. Pero matangkad ako kumpara sa mga kaedaran ko. Kaya nga nagkalakas loob akong kumuha ng tourism kasi sabi nila may height advantage na ako sakaling gustuhin kong maging flight attendant.

"How old are you again?" casual niyang tanong na tila ba pinapababa ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Nineteen po."

"Too young."  he chuckled.

Anong too young? Wala namang sinabi sa akin si Mica na age limit dito, kung ganun sana e di nalang ako nag-abala pang mag-apply. Nagsimula na akong mainis kay Sir, napapansin ko puro nega ang reaksyon niya sa akin. Bakit di nalang kaya niya sabihing hindi ako tanggap para matapos na. May bar pa naman sa kabila, kung ayaw niya e di doon na lang ako mag-aaply. 

"You're too young to work here." ulit niya na lalong ikinainis ko. 

"Halos magkaedad lang kami ni Mica Sir, isang taong lang naman ang tanda niya sa akin. Nineteen din siya nung nagsimula siyang magtrabaho dito."  depensa ko sa kanya saka napairap pa ako. May age limit naman pala e di sana sa simula pa lang hindi niya na ako in- interview. Nakalagay na sa bio data ko ang edad ko at imposibleng hindi niya ito nabasa.

"Ano Sir, tanggap ba ako?" Hindi na ako nakapagpigil lalo na ng makita ko ang pinipigalan niyang tawa. Nawalan na din ako ng gana pang magtrabaho dito sa kanila dahil puro negative si Sir. Hindi ganito ang sinabi ni Mica sa akin, baka nga hindi para sa akin ang trabahong 'to.

"What can you contribute in my bar?"

Kunot noo akong tumingin sa mga mata niya. Hindi pa nga tanggap contribute agad? Pinagtawanan niya na nga ako kanina tapos ngayon may ambagan pa?

"Bakit may contribute, Sir? Naghahanap nga akong trabaho diba, tapos pako-contribute pa kayo? Wala namang sinabi si Mica sa akin na may ambagan pala dito sa bar niyo bago tumanggap ng empleyado. Wala akong pera ngayon Sir, wala akong maiiambag sa inyo dahil ginamit ko pang-enroll kahapon. Tsaka sa yaman niyong yan humihingi pa kayo ng contribution sa mga empleyado niyo? Mahiya naman kayo uy!" diri-dirtsong sabi ko sa kanya. Huli na ng marealize ko na iba pala ang pagkaintindi ko sa sinabi niya. 

"The fuck!?" aniya saka pinigilan ang sariling matawa.

Hindi ko tuloy alam kung anong dapat kung gawin ng makita ko ang pinipigilan niyang tawa. Gusto kong tumakbo na lang sa labas at di na magpakita kailanman. Anong kabobohan ba kasi ang pumasok sa utak ko at hindi ko agad na gets ang 'contribute ' na sinabi niya? Nagyabang pa ako kaninang honor student ako tapos heto simpleng tanong di ko man lang masagot ng maayos. Juskopo kunin niyo na lang po ako. Shit! Nakakahiya talaga!

Nag-iinit ang aking psingi sa kahihiyan. Mabuti at dim ang ilaw dito sa opisina niya  kundi makikita niyang kulay violet na ang mukha ko. Violet kasi morena ako.

Para makabawi umayos ako ng tayo saka tumikhim at nagtaas ng noo para isalba ang pride ko.

"Mauna na ako, Sir." sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya. Tama na ang kahihiyang natanggap ko ngayong gabi. 

Nagpang-abot ang kilay niya tumingin sa akin. Kumibot ang labi niya ngunit hindi agad nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa akin na tila ba nasa isang show ako. Siguro sa loob-loob ng utak niya pinagtatawanan niya na ako. Nako-conscious na ako sa mga tingin niya at lalo lang nag-iinit ang mukha ko.

"Why are you leaving? We're not yet done." walang gatol niyang sabi sa akin, sasagot sana ako pero muli siyang nagsalita."...and you're not yet giving your contribution." 

Naikuyom ko ang kamo sa labis na pagkapahiya. Alam kong nagkamali ako ng pagkaiintindi sa sinabi niya pero kailangan niya bang ipamukha sa akin ang kabobohan ko? Mabuti nga at kaming dalawa lang ang nadito sa loob ng opisina niya kundi baka kanina pa ako hinimatay dito. 

"Wala akong maiaambag sayo, Sir." sabi ko saka tumalikod na pero ilang hakabang pa lang ang ginawa ko ng marinig ko ang pag-click ng lock sa opisina niya. Naiinis akong humarap sa kanya pero siya ay tatawa tawa lang at halatang iniinis ako lalo.

"Aalis na po ako, Sir. Sa iba na lang po ako mag-aaply." pilit kong pinakalma ang aking boses.

Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad sa pwesto ko ng hindi inaalis ang tingin niya sa akin. I feel like I'm his prey waiting for him to eat me whole the way he stared at me. I shifted my gaze to avoid his eyes. Hindi ko kayang salubungin ang titig niya sa akin.

Tumigil siya sa aking harapan, bahagyang yumuko para magpantay ang mga mukha namin. I almost close my eyes when I smelled his manly scent. Iba sa pangkariniwang amoy ng mga kaklase ko. Nakakaliyo ang klase ng amoy ng pabango niya. Umatras ako dahil natatakot akong baka marinig niya ang kalabaog na aking puso pero bago ko pa man yon magawa ay mahigpit ng nakaalalay ang mga kamay niya sa bewang ko. 

"Sir..." walang lakas na saway ko sa kanya. Inangat ko ang mga kamay ko para itulak siya pero nanghihina din ang mga ito.

 "I ask you if  you know what are you into, right?" bulong niya sa akin.

Sandali akong nawalan ng imik. Nagloading saglit ang utak ko, mukhang nawalan ng signal dahil sa sinabi niya. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero parang lahat at ng mga salita ay na-corrupt sa aking memory. 

Ano nga ba itong pinasok ko? 

As far as I can remember pumunta ako dito para mag-apply ng trabaho. It's either bar tender, waitress, washer or any available position... not this position na halos magkayap kaming dalawa.

"You're hired but in one condition." aniya na hindi pa rin inaalis ang kamay sa bewang ko. It's my first time to be this close to a man other than my father, my brother and my bestfriend. I tried to push him pero lalo niya lang akong hinapit palapit sa kanya. Para akong napapaso sa init ng kanyang katawan.

"A-ano pong c-condition Sir?" nauutal kong tanong sa kanya. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko para pigilan ang panginginig nito.

Matagal bago siya nagsalita. Tumitig siya sa mga mata ko saka nang-aakit na na binasa ang mga labi niya saka pilyong ngumiti sa akin.

" You will only mixed and serve drinks for me, Baby."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status