Share

Chapter 2

"Pack all your things Alejandra, you'll stay in my unit. " diritso lang ang tingin ng seryosong mukha ni Kuya Gustavo sa akin. Walang itong pakialam sa nag-aalburutong kapatid na halos mag-isang linya na ang kilay dahil kanina pa nangungulit sa akin na doon din ako titira sa kanya. Padabog pa itong tumayo saka lumapit sa akin.

"She'll stay in my unit nga Kuya, kulit mo din e. " protesta ni Gaston sa nakakatandang kapatid pero hindi siya pinapakinggan nito. "Mas maaalagaan ko si Z kung magkasama kami sa condo." dagdag niya pa.

"Are you not thinking Gaston? Gusto mo bang isipin ni Noel na binabahay mo ang kapatid niya?" Halatang napipikon na si Kuya Gustavo sa kakulitan ni Gaston. Tama nga naman si Kuya Gustavo. Isa pa, ano na lang ang iisipin ng mga magulang nila diba?

Si Kuya Gustavo at Kuya Noel na kapatid ko ang magbestfriend kaya alam kong pino-protektahan niya din niya ang friendship nila at the same time ayaw niya ring ma bad-shot ang kanyang kapatid. Kuya Gustavo is mature enough when it comes to decision making hindi katulad namin ni Gaston na padalos-dalos lang.

"It's fine Kuya, e di sasabihin ko kay Kuya Noel na ako ang ama ng baby ni Z." nakangising sagot nito na tila ba hindi nag-iisip. "Easy..."

Tahimik lang ako at palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ng  nagbabangayan. Kung sana pinayagan na nila akong umuwi e di nasa apartment na ako ngayon nagpapahinga. Absent ako ngayong araw sa trabaho ko sa hotel dahil sa nangyari pero bukas papasok na ako ulit. Sabi naman ng doktora okay lang magtrabaho ako basta doble ingat lang at wag magpa-stress sa trabaho.

"Sa condo tayo, Z, ha?" mahinang sabi niya pero narinig ni Kuya kaya lalo lang itong nainis sa kanya. Ewan ko ba sa magkapatid na to, parang nakikipag kompetensiya pa sa isa't isa, e pwede naman na nila akong iwan dahil ayos na ako. Nakakahiya tuloy dahil alam kong nakakaabala na ako sa kanila. Siguro nasa meeting ang mga ito ngayon kung walang nangyari sa akin.

"Will you please shut up Gaston! You're not helping, you know that?" annoyed na saway ni Kuya pero bago pa sila mag-away nagsalita na ako. 

"Kuya Gustavo, Gaston, doon na lang ako sa apartment. Ayos lang naman ako doon." mahina kong sabat sa usapan nila.

Sabay silang dalawang tumingin sa akin na tila ba hindi nila nagustuhan ang sinabi ko kaya agad akong yumuko. 

"Ayos lang po talaga ako Kuya, Gaston, hindi ko naman pwedeng iasa sa inyo ang buhay ko. Malaking abala lang ako sa inyo." mahina kong sabi pero yon ang totoo.

Problema ko kasi to kaya ako ang maglulutas nito pero ayaw naman paawat ng dalawang magkapatid.Tumahimik saglit, akala ko papayag na sila pero muling nagsalita si Gaston.

"Ikaw kasi Kuya e, sabing sa akin siya sasama ang kulit mo pa." aniya na may halong paninisi. Pinanlakihan ko siya ng mata pero mukhang hindi naman nito na gets ang ibig kong sabihin ayan tuloy lalong nagalit si Kuya.

"Quit playing Gaston, pababalikin kita sa hacienda!" banta nito sa kapatid at nakita kong natigilan si Gaston. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon niya. Takot pala ang kumag pabalikin sa hacienda kaya nabahag ang buntot. Sabagay sanay na kasi ito sa city life dahil nga galing US kaya siguro takot na doon sa plantasyon nila iikot ang buhay niya kung totohanin ni Kuya ang sinasabi niya. Nakakatakot naman din kasi to si Kuya Gustavo, hindi lang sa salita pati na rin sa mukha kasi sobrang seryoso na para bang laging galit sa mundo.

Tumayo ito saka umakbay sa kuya niya. "Si Kuya di na mabiro."aniya at peke pa itong ngumiti kay Kuya saka bumaling sa akin. "Wag kang mag-alala Z, magkatabi lang naman yong unit namin ni Kuya, pwede naman akong tumambay doon Kuya diba?"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa sinabi ni Gaston. Kung ganito kakulit ang magiging kapitbahay ko baka mas mapaaga ang panganganak ko. Hindi parin kasi talaga nagbago itong kababata ko, napakakulit pa rin.

"Kuya ha, doon ako tatambay sa unit mo." pangungulit niya pa pero hindi siya sinagot ni Kuya at tinanggal pa nito ang kamay niyang nakaakbay dito.

"Let's go Alejandra." ani Kuya saka inalalayan na ako palabas.

True to his words, Gustavo Sandoval won't take no for an answer kaya heto ako ngayon isa-isang nililigpit ang mga gamit ko sa dati kong apartment. Ngayong araw ding 'to lilipat na ako sa condo unit niya sa Makati. Wala naman daw gumagamit nun kaya pumayag na ako. Gusto ko ngang kutusan kanina si Gaston, nakikipag bangayan pa siya kay Kuya gayong magkatabi lang naman pala ang unit nila.

Si Gaston naman, wala ng nagawa dahil natakot na baka pauwiin ni Kuya sa hacienda. Nakakatuwa lang na kahit malaki na si Gaston takot pa rin ito kay Kuya, halatang malaki ang respeto niya para sa nakakatandang kapatid.

Pinag-book na rin ako ng ticket ni Kuya Gustavo para sa pag-uwi ko sa Davao. Ipapaalam ko sa mga magulang ko ang nangyari sa akin pero babalik pa rin ako dito sa Manila para sa trabaho ko. Tatapusin ko lang ang kontrata ko sa hotel at uuwi din ako ng Davao para manganak.

Hindi naman ibig sabihin na nabuntis ako ay titigil na ang buhay. Ngayon pa ba ako susuko na nadagdagan na ang mga taong maging inspirasyon ko para lalong magpursige sa buhay?

My parents might be disappointed pero alam kong maiintindihan nila ako. Ipagpapatuloy ko pa rin naman ang pangarap ko. Life must go on. Sa panahon ngayon, hindi pwedeng maging mahina. Hindi lang naman ako ang single mom sa mundo. 

Tama nga ang sinabi ni Kuya Gustavo, may mga nangyayari sa buhay na hindi natin inaasahan pero magbibigay ito ng malaking leksyon sa atin at siguro nga sa akin ito na yon. Itong pagbubuntis ko ang maging turning point ng buhay ko at nasa sa akin na kung paano ko ito haharapin.

"Z, saan ka natulog kagabi? Anong oras natapos ang duty mo bakit ngayon ka lang umuwi?" malambing na tanong niya sa akin. Siya si Gia ang kaibigan at roomate ko.

Natigil ako sa pagliligpit ng mga gamit ko at humarap sa kanya.  Hindi ko namalayan na dumating na pala siya, wala kasi ito kanina dito sa loob nung dumating ako. Akala ko nga hindi kami magpang-abot dalawa ngayon.

Lumapit ito sa akin saka malambing na yumakap. Yayakap din sana ako pabalik sa kanya pero natigilan ako ng mapansin kong suot niya na naman ang isa sa mga dress ko. Hindi naman sa nagdadamot ako pero hindi lang kasi ito ang unang beses na ginamit ni Gia ang mga damit ko ng hindi nagpapaalam sa akin.

"Ay Z, pasensiya ha, hiniram ko kahapon kasi hindi ako nakapaglaba ng damit." sabi niya dahil napansin niya ang reaksyon ko.

Roomate ko si Gia at isang taon na din kaming magkasama. Magkaedad kaming dalawa, magkasing tangkad tsaka magkasing katawan lang kaya madalas kaming mapagmakamalan dawala. Parehas kaming morena tsaka pareha din ang haba ng buhok namin. Dagdagan pa na isang letra lang ang pinagkaiba ng first name naming dalawa. Kung nakatalikod ito iisipin mo talagang siya ako lalo na kapag suot niya ang damit ko. 

Wala naman akong problema sa pagsuot-suot niya sa ibang mga damit ko kaso lang madalas kasi hindi siya nagpapaalam. Tsaka paanong hindi mauubos ang mga damit niya e halos gabi-gabi siyang gumagala. Wala naman sa akin kung gagala siya kasi nasa tamang edad na siya yon nga lang sana wag niyang gamitin ang mga gamit ko.

"Galit ka, Z ?" paglalambing niya." Sorry na...promise hindi na ulit ako manghihiram ng damit mo. Lalabhan ko din ito agad , lagyan ko ng downy para mabango."

Umiling na lang ako sa kanya, ano pa bang magagawa ko? Gustuhin ko mang magalit sa kanya wala na din namang silbi dahil tapos niya ng suotin ang damit ko. Saka ang damit na suot niya ngayon ay regalo pa ni...n-niya sa akin na ayoko ng gamitin.

"Sayo na yan Gia, hindi ko din naman yan magagamit." 

Nakitang kong kumislap ang mga mata niya. Matagal ko din naman kasing napapansin na gusto niyang hiramin tong damit kaso hindi lang nakahanap ng bwelo. Nakakainis lang isipin na sinuot niya ito ng hindi nagpapaalam sa akin gayong pwede niya naman akong etxt kung wala ako dito.

"Salamat Z, ang bait-bait mo talaga." aniya saka umikot pa para ipakita sa akin ang damit na suot niya. "Bagay sa akin Z, diba? Salamat talaga at magka-size lang tayo ang dami ko ng naa-arbor na damit sayo."

Tipid lang akong ngumiti sa kanya. Parehas naman sana kaming may trabaho ni Gia pero hindi ko alam kung bakit hindi siya bumibili ng mga gamit niya. Kahit nga dito sa bahay umaasa siya sa akin. Minsan nakakainis na pero mas lamang pa rin ang awa ko sa kanya dahil alam ko din naman na bread winner siya sa pamilya nila. 

"Nga pala Z, dumaan si Sir Monroe dito kahapon hinahanap ka, may pinabibigay sayo." Binuksan niya ang kabinet at may inabot sa aking paper bag. Tinanggap ko ito pero hindi ko muna tiningna ang laman, mamaya na lang.

Si Sir Monroe ang lalaking tinulungan ko sa parking lot ng hotel. Night shift ako nun at lumabas ako saglit para bumili ng hapunan. Nang dumaan ako sa parking area nakita ko ang lalaking nahihirapang huminga bago pa ito makapasok sa sasakyan niya. Mabilis akong tumawag ng ambulansya kaya naligtas siya. Napag-alaman naming galing pala sa meeting si Sir sa loob ng hotel at bigla na lang itong inatake pagkalabas niya. Simula nun naging kaibigan ko na ito at parang anak na ang turing niya sa akin.

"Salamat Gia." pasalamat ko saka pinagpatuloy ang pagliligpit sa mga gamit ko. " Nga pala Gia, lilipat na ako ng bahay. May nakita akong lipatan na malapit lang sa trabaho ko."

Yon ang naisip kong rason kung bakit ako lilipat, pero totoo din naman. Hindi ko lang sasabihin sa kanya ang address dahil baka makikitira din siya sa akin,nakakahiya kay Kuya Gustavo.

Hindi siya umimik maya-maya ay bigla na lang itong yumakap sa akin mula sa aking likuran. "Kaya ka ba lilipat dahil sa nakikialam ako sa mga gamit mo?" malungkot niyang tanong sa akin. Marahan kong tinapik ang kamay niyang nakayakap sa akin saka ngumiti. Kahit na ganito ang ugali ni Gia, mabait naman ito sa akin.

"Ano ka ba, hindi yon ang dahilan. Kailangan ko lang kasi dahil nahihirapan na akong magbyahe kapag night shift ako."

Hindi siya nagsalita kaya muli akong napatigil sa pagliligpit saka humarap sa kanya. Bakas sa mukha ni Gia ang lungkot pero kailangan ko rin kasi itong gawin para sa aking sarili. Kalaunan masasanay rin naman siyang hindi na kami magkakasama.

"Sigurado ka na ba talaga? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" paninigurado niya pa sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya saka tumango. "Malulungkot ako dahil nasanay na akong nandyan ka, pero kung yan ang desisyon mo wala na akong magagawa. Maghahanap na lang ako ng ibang makakasama dito para may kahati ako sa bayad."

"Pasensiya kana Gia ha, kailangan ko din kasing mag-ipon, tsaka nagkataon na walking distance lang ang bagong unit, I mean ang bagong apartment ko sa hotel na pinagtatrabahuan ko." tumango lang ito sa akin saka tinulungan na ako sa pagliligpit. Ang ibang damit na nagamit na ni Gia ay iniwan ko na sa kanya. Remembrance ko na lang din tsaka pag lumaki na ang tiyan ko hindi ko rin naman na magagamit. 

***

"Feel free to use all the things here in my unit Alejandra. If you want to change the curtains or some of the things here, it's fine with me. Just call me and I'll wire you the money." 

"Ayos na ito Kuya, nakakahiya na po talaga sa inyo." tanggi ko saka umupo sa sofa. Kaming dalawa lang ni Kuya ang nandito ngayon dahil may emergency meeting daw si Gaston.Ayaw pa nga sana akong iwan pero ako ang nagpumilit sa kanya, andito naman kasi si Kuya kaya ayos lang.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Ang laki ng unit ni Kuya Gustavo, mas malawak kesa sa unit ni Gaston. Tatlo ang rooms, master's bedroom ang inukopa ni Kuya, yung isa ginawang gym tapos ang isa para sa guest at yon ang gagamitin ko.

His unit is warm and cozy. Mabango tsaka malinis, hindi halatang walang nakatira dito. Unang tingin palang alam mo ng lalaki ang nakatira dito. Combination of white and gray ang pintura pati na rin ang lahat ng gamit sa loob. Wala masyadong dekorasyon sa loob maliban sa isang abstract painting na nakasabit sa dingding. Minimalist din ang design ng sofa ni Kuya na bumagay sa interior design. All things are properly organized. 

Ang sabi ni Kuya sa akin umuuwi lang siya dito sa unit niya kapag may meeting siya dito sa Manila. Ayaw niya daw maki-share sa unit ni Gaston kasi kung sino-sino lang daw ang pinapapasok nito doon.

"Kuya, salamat ha." sabi ko ng umupo siya sa sofang katapat ko.

"For what?" kunot noong tanong niya sa akin.

"For helping me." sagot ko. Tipid akong ngumiti sa kanya pero diristo pa rin ang tingin niya sa akin na tila ba binabasa niya kung anong nasa isip ko. " Ang laki ng abala ko sa inyo Kuya kaya salamat talaga. Habang buhay kong tatanawing utang na loob sa inyo ni Gaston. Balang araw pagsisikapan kong makabawi sa kabaitan niyo sa akin."

"Don't think about it."  sagot niya sa akin. " What I want you to do is stand up. You have to be strong for your baby, Alejandra."

Tumango ako sa kanya. Tama si Kuya hindi na lang ito tungkol sa akin ngayon o sa nararamdaman ko. May bata sa aking sinapupunan na kailangan kong buhayin at panindigan.

Natahamik kaming dalawa. Wala akong topic na maaring buksan kasi hindi naman talaga kami close ni Kuya gaya ng closeness namin ni Gaston pero maya-maya lang ay muli itong nagsalita.

"Are you sure you still want to work in that hotel?" natigilan ako sa tanong ni Kuya. 

Naisip ko kung hindi sa hotel saan? Wala din naman kasi akong ibang mapagtatrabahuan pa maliban sa hotel na dati ko ng pinapasukan, lalo na ngayong buntis ako. Ayoko din namang tumambay doon sa Davao at maging pabigat sa mga magulang ko. Sayang din ang ilang buwan na sasahurin ko kung hindi ako magtatrabaho lalo na ngayong kailangan kong mag-ipon para sa panganganak ko.

"There's a chance that he might see you there? Or maybe he's now looking for you. " 

Malungkot akong ngumiti kay Kuya Gustavo saka umiling. Hindi ko sinabi kanya ang ginawa niya sa akin kaya nasasabi nito ngayon na baka hinahanap niya ako. Kung alam mo lang Kuya baka pati ikaw isumpa mo ang gagong yon.

Katulad kanina hindi pa din nagbabago ang reaksyon ng mukha ni Kuya. Naisip ko tuloy kung ganito ba siya sa lahat ng mga nakakausap niya?

"Hindi niya na ako hahanapin Kuya." sagot ko at gusto ko  na sanang sabihin kay Kuya na ayoko siyang pag-usapan kaso nakkatakot ang anyo ng mukha niya dahil hindi ko mababasa kung ano ang emosyon dito.

"Why?" isang salita lamang pero alam kong nagbabadya ito ng panganib kapag hindi ako maging maingat sa sagot ko. Hindi sa gusto ko siyang protektahan, ayoko lang mandamay ng ibang tao.

 " Tinapos niya na ang lahat sa amin, Kuya." dama ko ang pait sa salitang lumabas sa aking bibig pero yon ang katotohanan.

 Klarong-klaro sa akin ang lahat ng sinabi niya. Hinding-hindi ko kakalimutan ang pagtaboy at pagyurak niya sa aking pagkatao. Hinding-hindi ko kakalimutan ang masasakit na salitang binitawan niya sa akin.

Lumunok ako dahil pakiramdaman ko nanunuyo na naman ang lalamuna ko at naiiyak na naman ako. 

"What if he finds out that you're pregnant? Do you think he will not take your child away from you?" tanong niya na tila ba naka base sa sagot ko kung anong susunod niyang sabihin. 

Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kanya. May magbabago ba kapag nalaman niyang buntis ako? Sa baba ng tingin niya sa akin hindi malabong iisipin lang nitong sa ibang lalaki ang dinadala ko. Ayokong pati ang batang nasa sinapupunan ko ay madamay sa pangyuyurak niya sa akin.

"Work with Gaston then, that way he won't find you. I'll make sure of that." he said with finality. I know if he said so, he sure would do it.

Naluluha akong tumingin kay Kuya Gustavo.  Sobra-sobrang pagmamalasakit na ang ginawa niya sa akin. Tama si Kuya kung sa hotel ako magpapatuloy ng trabaho malaki ang posibilidad na magkita kami ulit pero kung kay Gaston ako magtatrabaho at tutulungan ako ni Kuya, hinding hindi na muling magkrus ang landas naming dalawa.

"Salamat Kuya." hindi ko na napigilan ang aking sariling maging emosyonal ulit. Lumipat ako sa tabi niya saka yumakap sa kanya. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko,huli na ng marealized ko ang awkward pala kasi hindi ko naman siya kapatid saka hindi din nami super close. Kakalas na sana ako sa kanya pero  naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin.

"I'm always here for you, Alejandra. Be strong."

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
tama yan zia huwag ka na magwork dahil siguradong magkkita lang kayo ni Eithan
goodnovel comment avatar
LadyAva16
Thanks po sa support......
goodnovel comment avatar
LadyAva16
Thanks po...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status