Lilipat na si Colleen, ano kaya ang mangyayari sa kanila ni Jared?
"Oo nga sana, pero dahil tumawag ka, hindi na," sabi ko sa kanya, sabay ngiti kahit hindi niya ako nakikita. "Ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong umuwi araw-araw. Hindi tulad dati… halos gusto ko nang manatili sa opisina at matulog na lang doon para makapagtrabaho.""Ibig mong sabihin… namimiss mo na ako?" tanong niya, may kasamang mahinhin na tawa, pero halatang may kilig sa boses."Gusto mo ba akong pauwiin ngayon na?" tanong ko, may halong biro pero umaasa na sana oo ang isagot niya. Makatanggap lang ako ng "oo", baka liparin ko pa ang daan pa-uwi."Nagtatrabaho ka pa, ayokong makaistorbo. Ayoko ring maging dahilan ng pagiging pabaya mo sa trabaho," tugon niya, biglang nag-aalalang tono."Kung alam mo lang kung gaano ko na gustong umuwi ngayon pa lang," bulong ko, "Kaso nag-alala ako na baka sisihin mo na naman ang sarili mo.""Hindi ko pipilitin na umuwi ka ngayon, pero bukas, siguraduhin mong akin ka buong araw," sabi niya, kunwaring mahigpit ang tono pero halata ang pananabik
Jared's POVTahimik akong nakaupo sa aking opisina habang pinagmamasdan ang balita na kumakalat sa buong bansa. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking labi. Talaga bang inakala nila na makakaligtas sila sa ginawa nila sa asawa ko? Akala nila tapos na ang lahat? Hindi. Hindi ako titigil hangga’t hindi sila tuluyang nagbabayad.Kilala ko ang ama ni Stacey, isang lalaking kilalang istrikto pagdating sa relasyon. Matapos siyang iwan ng kanyang asawa para sa ibang lalaki, halos isumpa na niya ang lahat ng babaeng tagawasak ng tahanan. Kaya sigurado ako na hinding-hindi makakabalik si Stacey sa poder ng ama niya.At kung sakaling piliin niyang pumunta sa kanyang ina? Malabo rin. Sa buhay na ginagalawan niya nitong mga nakaraang taon, hindi siya magtatagal doon. Wala na ring naiwang yaman ang ina at amain niya mula nang sampahan sila ng kaso ng dating asawa ng kinakasama nito. Halos makalbo ang kanilang kabuhayan sa laki ng bayad na pinagkakautangan nila ngayon.Samantala si Derrick… Ala
"Marcus," wika ni Uncle Rick habang nakatingin sa batang may pagkamangha sa mga sinasabi sa kanya, "kapag lumaki ka at nagkaroon ka ng mga taong mahal mo at gusto mong protektahan, makakaya mong gawin ang mga bagay na akala mo’y imposibleng gawin. Lalampasan mo ang mga limitasyon mo dahil iisipin mong kailangan ka nila."Tahimik akong tumango bilang pagsang-ayon. Totoo ang bawat salitang binigkas ni Uncle Rick. Kapag may mahal ka, nagkakaroon ng saysay ang bawat paghihirap mo."At dahil bata ka pa," sabay ngiti ni Jared kay Marcus, "ang kailangan mo lang gawin sa ngayon ay magsaya. Hayaan mo muna kaming mga matatanda ang mag-alala sa mga bagay na ‘yon.""Tama sila," dagdag naman ni Diane habang hinahaplos ang buhok ni Marcus. "Mag-aral ka nang mabuti. Responsibilidad mo 'yan hindi lang sa sarili mo, kundi para rin 'yan sa kinabukasan ng mga taong mamahalin mo. 'Yan ang magiging hagdan mo para sa mas maginhawang buhay. Kaya hahayaan na lang kita na kumain muna ng kumain."Nagtagal pa k
Colleen's POVMaaaring mamatay ako, pero mamamatay akong masaya. Marami ang ‘di makakaintindi, na dapat ay umiiyak ako, nalulugmok, o naawa sa sarili. Pero hindi ko magawa. Hindi ko maramdaman ang lungkot na inaasahan ng iba. Sa halip, punô ng pasasalamat ang puso ko. Napapaligiran ako ng pamilya na nagmamahal sa akin, at sapat na 'yon.Bagamat may kaunting kirot sa dibdib ko para kay Jared. Mula nang makalabas ako ng ospital, palagi siyang abala. Hindi ko man nakikita kung anong ginagawa niya, nararamdaman ko. Parang may kung anong pinaghahandaan. Masaya siya minsan, malungkot sa iba, at madalas ay parang galit. Pero kanino? Hindi ko alam. Ayokong lamunin siya ng galit. Ayokong may gawin siyang makakasama sa kanya.Si Jared, ang asawa ko at napakagwapo niya. Kapag tinitingnan niya ako at nginingitian, parang gusto kong i-freeze ang oras. Gusto kong titigan siya nang matagal. Hindi ako plastik. Oo, nalulungkot ako. Natatakot din. Pero isinuko ko na ang buhay ko sa Maykapal. Kaya sa mg
Third Person's POV"Ang tanga mo ba?" galit na tanong ni Derrick kay Stacey habang mariing nakakunot ang noo. "Matagal na tayong may relasyon sa likod niya at ni minsan, wala siyang nalaman. Ano sa tingin mo ang dahilan para gumastos siya ng panahon at effort sa ganito lang, dahil lang nakipag-away ka sa asawa niya? Asawa na ni hindi naman niya minahal mula’t simula?"Napakuyom ng kamao ni Stacey. "Pero sinabi niyang mahal niya ang asawa niya," mariin niyang sagot, pilit pinanghahawakan ang natitirang tiwala sa lalaking nasa harap niya.Biglang tumawa si Derrick, isang mapang-asar at mapagmataas na tawa."Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng 'pag-ibig'?" aniya, pilit pinipigilan ang panlalait. "Mas matagal pa akong kasal sa asawa ko kaysa sa kasal nila, pero ni minsan, hindi ko siya minahal. Ni hindi ko nga siya ginustong makasama. At ikaw? Akala mo ba minahal kita? Sa totoo lang, kahit gaano ka pa kagaling sumubo ng titi ko at kahit ilang ulit pa kitang kantutin, hindi ibig sabihin n
Third Person's POV"Hindi ito pwedeng mangyari!" galit na sabi ni Derrick kay Stacey. Kasalukuyan silang kumakain ng almusal sa loob ng kanilang apartment nang bigla silang bombahin ng sari-saring chat at mensahe mula sa iba't ibang tao, lahat nagtatanong, lahat gustong malaman ang totoo tungkol sa kanila."May sinabi ka ba sa kahit na sino tungkol sa atin?" singhal ni Derrick, nanlilisik ang mga mata habang mahigpit na hawak ang cellphone."Syempre wala!" mabilis na sagot ni Stacey, bakas sa mukha ang pagkabigla at pagkainsulto sa tanong ng lalaki. "Napag-usapan na natin ’to, Derrick. Matagal na tayong ganito. Bakit ko naman isasapubliko ang relasyon natin kung alam kong delikado sa’yo?" dagdag niya, nanginginig ang tinig."Eh kung ganon, paano nila nalaman?" bulalas ni Derrick, halos mapasigaw sa pagkabigla. Napatayo siya mula sa kanyang upuan, parang may sasabog sa dibdib."Ni hindi ko nga sinabi sa pamilya ko, Derrick," paliwanag ni Stacey, lumapit sa kanya ngunit pinigilan ang sa