Sakit ba, Jared?
Third Person's POVGaya ng sinabi ni Jared kay Colleen, dumiretso siya sa opisina pagkatapos ng pananghalian. Pero hindi para magtrabaho, may mahalaga siyang dapat kausapin. Isang pag-uusap kasama si Ellie, ang pribadong imbestigador na kaibigan ng kaibigan niyang si Noah.Noon pa man ay humingi na siya ng tulong kay Noah upang magsagawa ng imbestigasyon ukol kina Stacey at Derrick. Ngunit matapos ang unang ulat, napagtanto niyang kailangan niya ng mas malalim na pagsisiyasat, yung mas pribado, mas personal. Kaya't muling lumapit siya kay Noah."Pare!" bati ni Noah habang nagkakamayan sila. Umupo silang tatlo sa sofa sa loob ng opisina. Sinabihan na ni Jared ang kanyang assistant na kanselahin lahat ng appointments niya sa araw na iyon."Kumusta? Anong resulta?" agad na tanong ni Jared, diretso sa punto. Napatingin si Noah kay Ellie, na agad namang nag-abot ng isang puting envelope."Malaking tulong ang unang report mo. Dahil doon, mas madali kong nahukay ang baho ni Derrick," sagot n
Third Person's POV“Sa tingin mo, babae ang magiging baby natin?” tanong ni Jared habang kumikislap ang mga mata sa tuwa. Hindi na niya mapigilan ang ngiti sa labi dahil sa nakikitang saya ni Colleen. Ramdam niya ang matamis na enerhiya na bumabalot sa kabuuan nito at nadadala rin siya.“Babae man o lalaki, wala akong pakialam. Ang mahalaga, sigurado akong mamahalin ko ang anak natin… kasi sa atin siya,” sagot ni Colleen, habang nakatitig sa kanya ng may lambing.“Pwede na ba tayong mamili ng gamit niya ngayon?” ani Jared, puno ng sigla at sabik. Natawa si Colleen.“Maaga pa. Ni hindi pa nga natin alam kung ano ang kasarian niya,” sagot niya, habang pilit pinipigilan ang ngiting sumisilay sa labi.“Kailan tayo mamimili?” tanong ulit ni Jared, halatang hindi mapakali.“Talagang anak ka nga ni Mommy Claire,” tukso ni Colleen. “Pareho kayong hindi marunong maghintay. Pati si Ingrid, sabik palagi. Mana nga kaya sa inyo ang magiging anak natin?”“Gusto ko siyang maging kagaya ng mama niya n
Third Person's POVMuling bumalik si Jared sa trabaho, habang sina Lucy at Betty ang nag-alaga kay Colleen sa mga oras na abala siya.Alam ni Colleen na kailangan din ni Rick si Lucy, lalo na’t may karamdaman din ito. Ngunit kahit ganoon, masaya siyang malaman na unti-unti na itong bumubuti dahil na rin sa tulong ni Jared sa kanilang gastusing medikal."Hindi ko talaga alam kung paano kita mapapasalamatan," seryosong sabi ni Lucy kay Jared habang magkasama silang naka-upo sa may gilid ng pool, malapit lang sa kanilang kwarto."Hindi mo kailangang pasalamatan ako, Mama Lucy," sagot ni Jared sabay buntong-hininga. "Ako mismo ang nag-alok. Siguro... may konti pa rin akong guilt sa dibdib ko para sa asawa ko. At sa bawat pagkakataong makatulong ako sa inyo, parang nababawasan 'yon kahit papaano.""Ano’ng pinag-uusapan niyong dalawa?" tanong ni Colleen habang dahan-dahang lumalapit, dahilan upang matigilan ang dalawa. Maaliwalas ang mukha nito, at halatang mas gumaan ang pakiramdam kumpara
Jared's POV Lumipas na ang mahigit isang linggo mula nang nalaman namin ang totoong kalagayan ni Colleen. Nasa kwarto namin kami ngayon, dating kanya lamang nang maalala ko ang mga sulat na itinago niya sa drawer ng bedside table. "Itatapon ko na lahat ng 'to," sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ang mga papel. Tumingin siya sa mga iyon, walang imik. "Nung nasa ospital ka pa, nakita ko ‘tong mga sulat. Binuksan ko… at napansin kong may ilan kang nabuksan rin. Gusto ko lang sanang ipaliwanag ‘yon," dagdag ko, at tumango siya. "Matagal na kaming wala ni Stacey. Walang nangyari sa amin. Yung perang pinadala ko sa kanya, kabayaran lang 'yon para manahimik siya tungkol sa kung anuman ang iniisip kong ginawa mo raw sa kanya," paliwanag ko pa, at napakunot ang noo ni Colleen. "Hindi ko siya ginawan ng masama," mahinahon niyang sagot, may lungkot sa mata, at tumango ako habang pilit na ngumiti. "Alam ko na ngayon ‘yon. Sinabi niya na pinapadalhan mo raw siya ng mensahe na lumayo sa akin.
Jared's POVNoong unang gabi ni Colleen sa ospital, nag-usap kami tungkol sa amin. Ramdam kong may hindi siya sinasabi, parang may tinatago siya sa akin. Pero alam kong sa tamang panahon, malalaman ko rin ang totoo. Umaasa akong magiging maayos ang lahat pagkatapos ng operasyon niya, kahit pa sinabi ni Dr. Gerard na sa ngayon ay imposibleng mangyari iyon.Habang mas nakikilala ko si Colleen at nalalaman ang pinagdaanan niya, pakiramdam ko’y isa akong hangal. Ang tanga ko, at kung anu-anong masama ang iniisip ko tungkol sa kanya. Pero mali pala ako. Napakabuti niya. Napakamaunawain.Ang dami na niyang pinagdaanan, pero nananatili siyang positibo sa buhay. Samantalang ako, kahit wala sa katiting ng dinanas niya ay nakadama pa rin na hindi patas ang mundo ng sabihin ako n i Mommy na pakasalan siya two years ago.Sinabi ko na sa kanya ang totoo, na nagseselos ako kay Dr. Gerard. Na mas madalas siyang ngumiti rito kaysa sa akin. At inamin kong... mahal ko na siya. Kaya ko siya tinanong kun
Stacey's POVHanggang ito ngang huli kong tawag sa kanya. Sinabi niyang babayaran niya ako. Pero hanggang ngayon, ni isang kusing, wala pa rin akong natanggap. Sinabi ko pa ngang tumatawag si Colleen habang kausap ko siya sa telepono, pero pinutol ko ‘yung tawag para lang makausap siya nang maayos. Kailangan kong malaman kung ano na talaga ang nangyayari, kaya sinundan ko siya… at doon ko sila nakita ni Colleen sa mall.Nag-abang ako. Naghintay ako hanggang sa nag-iisa na lang si Colleen. Suwerte kong pumasok siya sa restroom. Sinundan ko siya roon, at nagkunwari akong nagulat na lang ako nang makita siya. Pero tiningnan lang niya ako, hindi man lang ako pinansin. Ang kapal!Hindi ko ‘yun pinalampas. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang makaalis.Naalala ko na nasa labas na kami ng restroom noon. Sinabi ko sa kanya ang totoo… tungkol sa kalagayan niya. Pero ang tapang talaga niya. Parang hindi siya natatakot mamatay.Wala akong pakialam kung mamatay man siya kinabukasan. Hi