Share

Chapter 8b

Author: R.Y.E.
last update Last Updated: 2025-05-07 18:34:19

Colleen

Dumating ako sa tamang oras at agad akong umupo sa paborito kong pwesto sa café. Doon sa may glass wall, kung saan tanaw ang kalye at naririnig ang mahinang musikang laging pinapatugtog sa loob.

Paulit-ulit akong huminga nang malalim habang hinihintay siya. Wala akong ideya kung ano ang itsura niya, kaya ang tanging magagawa ko ay maghintay hanggang may lumapit.

“Colleen?” tawag ng isang boses ng babae. Napatingin ako sa kanya. Sa unang tingin pa lang, alam ko nang siya na ‘yon. Maganda siya, maputi, matangkad, makinis ang kutis, at halatang sanay sa pag-aayos ng sarili. Kaya naman naintindihan ko agad kung bakit nahulog si Jared sa kanya.

“Oo,” sagot ko nang mahinahon. Umupo siya sa harapan ko, ngunit hindi pa man kami nakakapagpalitan ng mabuting salita ay bigla na siyang nagbitaw ng mga salita na tila tinik sa aking pandinig.

“Ikaw ba ‘yung malanding babae na gustong agawin ang boyfriend ko?” matalim niyang tanong.

Napatingin ang ilang tao sa kabilang mesa sa direksyon nami
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 70b

    Third Person's POVSamantala, nasa study room si Jared sa kanyang mansyon nang tawagan niya ang telepono. Sigurado siya na nagmumula kay Derrick at Stacey ang mga text na natatanggap niya, paulit-ulit at kahit papaano nakaramdam siya ng kaunting ginhawa dahil wala pa silang naipapadala kay Colleen. Sandali lang iyon; alam niyang napakabilis magbago ng ihip ang hangin.“Hello, Mom,” bungad niya nang sinagot ang tawag.“Dumiretso ka rito—agad,” mahinang utos ni Claire na may halong pag-aalala.“Bakit? May problema ba?” tanong ni Jared, ramdam ang bigat sa boses.“Magdahilan ka kay Colleen, sabihin mo na may business meeting tayong kailangan pag-usapan,” mariin ngunit kalmado ang tugon ni Claire.“Okey,” sagot niya. Tumayo siya mula sa upuan at nagtungo sa kwarto nila ni Colleen, natagpuan niya ito na mahimbing ang tulog. Hindi na niya ginising ang asawa; alam niyang kailangan nitong magpahinga. Bago umalis, pinaalam niya kay Lucy at kay Betty ang pupuntahan niya, saka siya nagmaneho pap

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 70a

    Third Persons' POV“Sigurado ka ba diyan?” tanong ni Stacey kay Derrick, bakas sa kanyang tinig ang kaba at pag-aalinlangan.“Akala ko ba sinabi mo na—”“Kalimutan mo na lang ang sinabi ko!” mariin niyang sigaw na pumailanlang sa buong silid. Napalingon ang lahat ng preso kasama na ang dalaw ng mga ito na nandoon, at natahimik sandali ang paligid. Mariing kumuyom ang kamao ni Derrick, puno ng poot ang kanyang mga mata. “Isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao ang iniutosan kong mag-imbestiga, at kinumpirma niya ang lahat. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa pagkasira ng karera ko. At hindi ko hahayaan na mamuhay siyang masaya kasama ang asawa niya. Ginawa niya iyon para sa asawa niya? Gagawin kong walang halaga ang lahat ng iyon.”Napalunok si Stacey at halos manginig ang boses nang tanungin niya, “Anong… anong balak mong gawin?” Nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang pumasok sa isip niya ang isang malagim na ideya. “Huwag mong sabihin, hindi… tigilan mo na ‘yan, Derrick! Malapi

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 69b

    Sa mga nakalipas na buwan na magkasama kami, araw-araw ay mas lalo ko siyang nakikilala. Iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Pinakamalakas, pinakamatapang, pero siya rin ang may pinakamalambot na puso. Ikinuwento niya sa akin na nagsikap siyang magtrabaho para lang makapasok at makatapos ng kolehiyo at alam kong totoo ang lahat ng iyon. Inimbestigahan ko pa nga siya noon, pero nang madiskubre ko ang nakaraan niya, tuluyan na akong sumuko at nagtiwala sa kanya.Tama si Ate Ingrid, kaya kong mabuhay sa hirap kung ako lang. Pero sa kalagayan niya, hindi ko alam kung kakayanin ko. At higit sa lahat, sa positibong pananaw na meron siya. Kung ako siguro ang nasa sitwasyon niya, baka sinisi ko na ang Diyos sa lahat ng pasakit na binigay sa akin. Pero siya, hindi. Hindi siya naninisi ng kahit sino. Tinitiis niya ang sakit, at buong pusong tinatanggap ang nais ng Diyos para sa kanya.“Babalik ka na ba sa trabaho bukas?” tanong niya sa akin habang nakahiga kami sa kama, nakatalikod siya p

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 69a

    Jared’s POVPag-uwi ko ng bahay, agad kong hinanap ang asawa ko. Napabuntong-hininga ako ng maluwag nang makita ko siyang nasa kusina kasama sina Betty at Mama Lucy.“Hi, Wifey,” bati ko habang hinalikan siya sa sentido at mahigpit ko siyang niyakap na para bang ilang taon kaming hindi nagkita.“Anong problema, Hubby? May nangyari ba?” tanong niya agad, halatang may pag-aalala sa tono ng boses niya. Pati sina Betty at Mama Lucy ay nakatingin din sa akin na may bakas ng pagkabahala.Ngumiti ako para hindi sila mag-alala at sinabi ko, “Wala naman. Wala. Medyo... nakahinga lang ako ng maluwag.”“Bakit? Ayos na ba lahat sa opisina?” usisa ni Colleen. Tumango ako bilang tugon.“Si Mr. Davidson ay nagdesisyon na. Malamang naiinis siya kay Ate Ingrid at nag-away na naman sila. Kilala mo naman ang kapatid ko, hindi ba?” sagot ko, at tumango siya na may ngiti.“Mainitin kasi ang ulo noon. Kaya nga pinapunta kita para samahan siya, mas kalmado ka at mas kaya mong mag-isip ng tama kaysa sa kanya

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 68

    Jared's POVPakiramdam ko ay naligaw ako matapos ang sandaling iyon. Alam kong ayaw ko nang dagdagan pa ang iniisip ni Colleen, pero hindi ko mapigilan. Pasalamat na lang ako na hindi niya binigyan ng ibang kahulugan ang pag-iyak ko sa harap niya. Minsan, nararamdaman kong mahina ako. Sino bang lalaki ang iiyak dahil sa isang babae? Wala masyado, hindi ba? Pero siguro, ‘yong mga nagmamahal nang totoo, sila rin ang pinakamasasaktan. Sobrang tragic talaga.Ngayon, habang iniisip ko ang asawa ko, pinipilit kong maging matatag para sa anak namin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag talagang iniwan na kami ni Colleen… Paano ko nga ba magagampanan nang tama ang pagiging ama sa aming anak na babae? Nangako ako na ipagmamalaki niya ako palagi, pero paano ko magagawa iyon kung wala na si Colleen sa tabi namin?“Jared…” narinig kong tawag sa akin ni Ate Ingrid. Nang tingnan ko siya, nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Pasensya ka na kung tinawag pa kita rito. Alam ko ang pinag

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 67

    Colleen's POV Hindi kailanman naging masaya para sa akin ang mga weekend. Hindi, hanggang sa mga nakaraang linggo na kasama ko ang aking pamilya. Tuwing Sabado, sinisiguro ni Jared na magkakasama kami rito sa bahay, at para bang nadaragdagan ang buhay ko tuwing nangyayari 'yon. Ganito ko siya nararamdaman kahit pa alam kong mahina na ang aking katawan. Gayunpaman, masaya ako, labis na masaya. “Hi, wifey…” bati ni Jared habang umupo siya sa tabi ko. Anim na buwan na ang ipinagbubuntis ko at kagagaling lang namin sa check-up. Ayos naman ang aming baby kahit medyo mababa ang timbang, sabi ni Dr. Chin ay normal lang iyon, lalo na sa kondisyon ko. Ngunit wala naman akong dapat na ipag-alala dahil malusog naman ang aming anak. 'Yun ay sapat na para sa akin, para sa amin ni Jared. Kita ko kay Jared ang kasabikan, ngunit ramdam ko rin ang takot niya. Alam niya na sa ikapitong buwan ay dadaan ako sa cesarean, at walang katiyakan kung ano ang mangyayari pagkatapos. Pilit kong pinapakita na ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status