Share

Chapter 2

ANDREA

"ANDREA," tawag sa akin ng kasamahan kong kasambahay slash caretaker na si Manang Fely. Nasa edad singkwenta na ito pero maliksi pa rin at may kadaldalan. Ngunit mabait naman ito at maalaga.

"Bakit po, Nang?" tanong ko rito ng makalapit na ako sa kanya. Nakita kong hawak nito ang cell phone na bahagyang nakalayo sa kanyang kanang tainga. May kausap yata ito sa phone.

"Kakausapin ka daw ni Bea," sabi ng matanda at inabot sa akin ang kanyang cell phone.

Mabilis kong pinahid ang basa kong mga kamay sa aking t-shirt at kinuha ang kanyang phone. Kasalukuyan kasi akong nasa lavatory at naglalaba ng aking mga kakaunting damit.

"Ibalik mo na lamang sa akin kapag tapos ka na," umalis na ang matanda pagkasabi niya ng mga katagang iyon.

Hindi na ako nakapagpasalamat dito dahil nakaalis na ito sa lavatory. Sinagot ko na lamang ang nasa kabilang linya.

"H-hello?"

"Hi, Andrea. Kumusta ka na diyan? Namimiss mo na ba ako?" sabi ng babae na nasa kabilang linya.

Oo, babae. Siya ang may-ari ng bahay at amo kong si Beatrice Alonzo or Bea. Twenty-two years old lang ito pero napakayaman at successful na sa murang edad.

"Ah... Si ma'am talaga. Okay naman po ako rito. Kayo po diyan?" ganting tanong ko.

"Hmm... heto medyo busy. Tsaka nami-miss na rin kita pero ikaw, obvious na hindi mo ako na-miss," nahimigan ko ang pagtatampo sa boses ng babae.

"Ikaw talaga, ma'am. Sobrang mapagbiro ka po." Tumawa ako ng mahina. Medyo hindi na ako komportable sa kanyang sinasabi. Pero wala namang bago sa mga ginagawa niya. Simula nang mapunta ako sa bahay na ito ay ganito na ang trato nito sa akin. "Mag-iingat na lang po kayo diyan at huwag kang magpalipas ng gutom."

"Hay, sige na nga. Ikaw din diyan, ha. Medyo matatagalan pa kasi ang balik ko diyan dahil napaka-busy ko pa. Pero bibisita ako agad diyan kapag natapos ko ang lahat ng mga gawain ko rito," sasagot pa sana ako ng marinig ko ang boses ni Ariz sa kabilang linya na tinatawag na si Bea. Si Ariz na personal bodyguard daw ng babae. "Andrea, mamaya na lang ulit, ha. Tatawag ako kay Manang Fely ulit. Huwag ka ring magpalipas ng gutom diyan. Bye." Tsaka nawala na ito sa kabilang linya.

Saglit akong napatingin sa screen ng cellphone at kumibit-balikat na lamang. Hinanap ko si Manang Fely para ibalik ang cellphone niya dito. Ang unang pinuntahan ko ay ang kusina na extension ng lavatory.

"Nasaan ang Lola mo, Dis?" tanong ko sa apo ni Manang Fely na si Candice, fifteen years old. Nag-iisang anak ng nag-iisa ring anak ni Manang Fely.

Ulila na si Candice. Namatay ang nanay nito ng ipinanganak siya. Tinakbuhan ng tatay ni Candice ang nanay niya ng malamang buntis ito kaya kahit ang Lola niya ay hindi nakilala kung sino ang lalaki.

Kaya simula pa pagkabata, ang Lola Fely na nito ang nagpalaki kay Candice. Ang lola ni Candice ang nagsilbing nanay at tatay dito. 

Gaya ng lola nito, medyo masungit na bata si Candice pero kapag naging vibes naman kayo ay mabait naman ito. May pagkatamad nga lang ang batang 'to at laging nakababad sa cell phone. Typical na ugali ng mga kabataan ngayon. Ano nga ulit iyong sinasabi nila? Ah, cell phone is life!

Gaya ngayon, nakatunganga na naman ito sa kanyang cell phone habang ang hugasin niya na kanina pa inutos ng kanyang Lola ay hindi pa natatapos. Nga pala, si Manang Fely ay biyuda na rin. Naunang namatay ang mister nito at ilang buwan nga lang, sumunod ang nag-iisang anak nito ng isilang ang apong si Candice.

"Ewan, te. Nandyan lang ‘yon. Hanapin mo na lang," sagot ng dalagita sa akin. Hindi man lamang ito tumingin sa gawi ko. Napailing-iling na lamang ako.

Pagdating kasi sa amin ng lola niya, medyo hindi ito marespeto. Kay Bea lang ito parang aligaga at mabilis pa kay Flash na sumusunod sa utos.

Sabagay, amo nga naman niya si Ma'am Bea. Ito ang nagpapakain sa mga ito at nagbibigay ng libreng tirahan at sahod kaya naiintindihan kong kay Bea lang mataas ang respeto niya. Si Bea pa nga yata ang nagpapaaral dito. Hindi ko sure pero nag-assume lang ako.

Umiling-iling na lamang ako at hinanap ulit si Manang Fely. Medyo may kalakihan din kasi ang beach house ni Bea na pwede kang maglaro ng tago-taguan kung gugustuhin mo.

Nilibot ko ang loob ng bahay at hindi ko nakita si Manang Fely doon, kaya nagpasya akong pumunta sa hardin. At tama nga ang hinala ko kasi doon ko nakita ang matanda. Inabot ko lamang ang cell phone nito at nagpasalamat. Abala rin kasi ang matanda sa pagbubuhos ng tubig sa mga bulaklak.

Bumalik ako sa lavatory para tapusin ang aking nilalabhan. Magtatanghali na rin kasi at kailangan ko ng magluto. Kaunti lang naman ang aking nilalabhan dahil kakaunti lamang ang aking mga damit.

Tatlong buwan na akong nasa poder ni Bea at malugod na tinanggap niya ako bilang kasambahay. Hindi ko alam kung paano ako napadpad dito pero ang sabi nila ay nakita daw ako ni Bea sa dalampasigan isang umaga na naglalakad ito roon. Agad daw akong tinulungan ng babae at magmula noon ay kinupkop na dito sa beach house niya.

Ang laki ng utang na loob ko kay Bea. Isa na ‘yong pagligtas niya sa buhay ko at pagpapagamot sa akin. Oo, sobrang malubha raw ang kalagayan ko nang makita ako ni Bea sa dalampasigan pero mabuti raw at naagapan dahil sa pagiging concern citizen ni Bea. Sa tulong ng mga doctor, sa utos ni Bea, nagamot ako ng maayos.

Ngunit, ang masaklap ay nagkaroon ako ng amnesia. Hindi ko maalala kung sino ako at kung saan ako nanggaling. Pero kahit ganoon, tinanggap pa rin ako ni Bea sa bahay niya. Nagtiwala siya sa akin kahit hindi niya alam kung anong totoo kong pagkatao. Hindi man lamang ito nagduda sa akin kahit na may tama ako ng baril at posibleng masamang tao. Kaya bilang pasasalamat ay tinanggap ko nang lubos ang alok niyang maging kasambahay niya rito sa kanyang beach house. Choosy pa ba ako? Eh, wala na nga akong matirhan tapos hindi ko pa alam kung sino ako.

Ang pangalan kong Andrea ay bigay sa akin Bea. Okay lang naman sa akin ‘yon. Temporary name ko nga raw muna, ika niya, habang inaalala ko pa raw kung sino ako. Ang masaklap lang, hindi rin makapagbigay ng saktong time frame ang doctor kung kailan babalik ang ala-ala ko. Baka daw bumalik bukas makalawa o baka hindi na.

Sinubukan ko namang tandaan at hagilapin sa aking isipan kung sino ako pero sa kasamaang palad, sakit lamang ng ulo ang nakukuha ko tuwing pinipilit kong makaalala. Ang labas, lagi ko pang naabala si Manang Fely at Candice tuwing umaatake ang sakit ng ulo ko. 

Sabi naman ng doctor, na si Doc Mighty, noong sinuri niya ulit ako, na hayaan ko na lang daw muna na kusang bumalik ang ala-ala ko. At huwag ko nang pilitin ang utak ko sa pag-iisip. May binigay naman siyang gamot sa akin na effective naman at nakakawala ng sakit sa ulo kapag aking iniinom.

Kaya ayun nga, ang bilis lumipas ng panahon at tatlong buwan na akong nandito sa beach house ni Bea. Once a week, umuuwi ang babae dito para bisitahin kami at makipaglandian sa akin.

Oo, nilalandi niya ako. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin ang kakaibang trato niya sa akin. Ilang beses niya pa nga akong pinagtangkaang pagsamantalahan. I mean, inaakit niya ako at gumagawa ng mga hindi kaaya-ayang mga bagay para bumigay lang ako. Nakakatakas naman ako dito, so far.

Maganda naman si Bea. Sexy at super attractive pero ewan ko ba, hindi ko lang siya feel. Kasi siguro ay straight ako? Actually, may pagkakahawig nga sila ng aktres na si Bea Alonzo. Magkasing tangkad din siguro.

Wala naman akong problema sa same sex pero hindi ko rin alam kung bakit wala akong maramdamang atraksiyon sa babae. Siguro nga ay straight talaga ako.

Tapos hindi ko sure kung trip lang talaga niya ako or sadyang mapang-asar lang ang babae? Hindi ko rin lubos maisip na interesado si Bea sa kapwa babae, eh. Tsaka bakit ako? Malakas lang siguro ang tama ng babaeng ‘yon.

Ah, ewan. Kung anuman ang dahilan ni Bea at kung bakit niya ginagawa ‘yon, siya lang ang nakakaalam sa totoong adhikain niya. Pero sa part ko, iiwasan ko na lamang siya at huwag masyadong umasa sa pinapakitang atensyon nito sa akin. Ang ending, baka ako pa ang masaktan kapag nakipaglaro rin ako sa kanya.

Tinapos ko na lamang ang aking nilalabhan. Pagkatapos kong maisabit sa sampayan ang aking mga damit ay pumasok na ako sa kusina para magluto ng tanghalian. Nandoon pa rin si Candice at nakatambay. Nakatitig pa rin sa cell phone niya pero this time, wala na ang hugasin.

Nakangiting ginulo ko na lamang ang buhok niya. Ang lakas ng atungal niya tsaka siya ngumuso. Kinurot ko na lamang ang magkabilang pisngi niya dahil napaka-cute ng expression ng mukha niya. Mas lalo pa itong umatungal at nagpapadyak na umalis na lamang sa kusina. Natawa na lamang ako nang malakas.

At least makakapagluto na ako ng maayos dahil wala ng sagabal na hugasin sa lababo. Maasahan naman talaga ang dalagitang ‘yon kung minsan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
snowqueen
Hindi mo ako maloloko Andrea! Lol
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status