เข้าสู่ระบบ“Umalis ka na nga diyan. Mabasag mo na naman iyang mga plato namin ni Mama. Balak mo bang ubusin ang lahat ng pinggan namin?!”Muntik nang matumba si Selana nang itulak siya ni Rodora. Mabilis siyang napakapit sa hawak niyang tungkod upang di masubsob sa lapag. “Palamunin ka na nga, sakit ka pa sa ulo,” patuloy ni Rodora.Wala siyang ibang nagawa kundi ang hayaan na lamang si Rodora na siyang magpatuloy sa gawain. Balak niyang tumulong sa gawaing bahay kahit papaano.Nagising siyang bulag sa pamamahay na iyon. Maliban doon ay wala rin siyang maalala. Maliban sa pangalan niyang nasa company ID ay wala na siyang ibang alam tungkol sa sarili niya.Atsaka, nalaman niya rin na nalaglag ang batang pinagbubuntis niya ayon kay Ate Fely na siyang nakakita sa kaniya sa bundok. Nawalan siya ng anak. Paulit ulit na bumabalik iyon sa isipan niya at sa tuwing sisikapin niyang mag-isip ay sumasakit lang ang ulo niya.“Magwalis ka na lang kaya sa labas? Para naman mapakinabangan ka rito sa bahay,”
Kumuyom ang kamao ni Hector nang mabalitaan ang nangyari kay Elena. That fvcker! Bulalas ni Hector sa isipan. Kumuyom ang kamao niya habang hawak ng mariin ang cellphone. Tila gusto niyang magteleport ngayon at magpunta kaagad sa taong salarin ng pagkakadukot kay Elena.“Hector?” Nag-angat siya ng tingin sa nagsalita. It's Farah. Dati, nag-e-enjoy siyang kasama ang babae kahit ilang beses itong magsukat ng damit o kahit walang katapusan ang kaàrtehan nito. Kaya lang ngayon tila naiirita siya habang hinihintay ito sa labas ng dressing room. Pakiramdam niya'y nagtitiis na siya sa tuwing kasama ito.“Where are you going?” malambing na sambit ni Farah nang mapansin ang biglaan niyang pagtayo.“May emergency,” aniya sa babae.Nakalimutan niya nang magpaalam kay Farah dahil sa pagmamadali. Hindi niya rin alam kung bakit kailangan niyang magmadali.Hindi niya naman gusto si Elena. Pagkukunwari lang ang lahat pero bakit kailangan niyang magmadali pagkatapos niyang malaman na nasa panganib
Hindi alam ni Elena kung anong mararamdaman. Ilang kotse ang sumama sa kaniya tungo sa hospital kung saan nandoon ang kaniyang ama. Hindi lang dalawang kotse kundi tatlo pa, lulan ang mga body guards.Pinagbuksan siya ng isa nang dumating na sila sa hospital. Kaagad nagradyo ang isa sa tauhan doon sa taong nasa kabilang linya.“Nakarating na kami sa hospital. Stand by. Palibutan niyo ang paligid ng hospital. Magmatyag kayo, kapag may kahina-hinala ay i-report niyo kaagad!” anito sa mga kasamang nagbabantay sa kaniya.Napakunot ang noo niya sa mga kinikilos ng mga tauhan ni Hector. Wala rin siyang ideya kung anong meron at bakit pinapalibutan siya ng mga tauhan ng lalaki. Hindi naman siya tatakas. Kaagad siyang natigilan nang maalala na nagkita sila ni Luigi noong nakaraan. Hindi kaya'y dahil doon? Kumuyom ang kamao niya at tahimik na nagdasal na sana walang gawing masama si Hector kay Luigi. Kaya dapat layuan niya na si Luigi. Napapasama ang mga taong malapit sa kaniya. Katulad ng
Namimigat ang pakiramdam ni Elena nang magising kinabukasan. Hindi niya na maalala kung ilang beses siyang inangkin ni Hector kagabi. Wala na si Hector nang magising siya. Nagpapasalamat siya at wala ito ngayong umaga. Trauma lang ang hatid ng lalaking 'yon sa kaniya. Nagtungo siya sa CR at akmang maliligo nang mapansin na wala siyang pasa sa braso ngayong umaga. Nakakapanibago na nag-ingat pala si Hector kagabi. Sa tuwing may nangyayari sa kanilang dalawa ni Hector ay parati siyang may pasa sa katawan. Marahas ang lalaki at hindi nag-iingat sa mga galaw nito sa ibabaw ng kama. Pero ngayong umaga, nagulat siya nang malaman na wala siyang pasa.At pagkatapos niyang maligo ay nagulat pa siya nang malaman na may pagkain na sa kusina. Malinis na ang buong condo. May on call na mga maids na dumarating para maglinis.Gusto niyang puntahan ang Papa niya ngayon. Kaya kahit mabigat ang katawan niya ay aalis siya. Pero nagulat siya pagkababa niya nang makita si Luigi sa labas ng condo buildi
Nagpapasalamt si Elena na pumayag si Hector na dalawin niya ang ama. Kahit papaano ay may kwenta ang pang-aakit niya dito kagabi. Kaya lang sa hospital ay siya lang ang pinagtitinginan ng mga tao. Nakasunod sa kaniya ang apat na body guard. Nagtataka tuloy siya. Ayos lang naman kahit isang body guard lang ang pagbantayin sa kaniya. Isang tauhan pa nga lang ni Hector hindi niya na kayang takasan. Ano pa iyong malalaking body guard na apat?Nagulat siya nang pagkarating niya sa hospital ay may nagbabantay na pala sa ama niya. Pinupunasan nito ang Papa niya nang makarating siya. "Ako po ang inatasan ni Sir Hector na magbantay po sa ama niyo,” ani babae.Napalunok siya. Ibig sabihin ay hindi naman pala napabayaan ang ama niya. Bakit kaya ginagawa ni Hector ito? Naitanong niya sa sarili.Inasikaso niya at ni-follow up ang bills ng ama na ikinagulat niyang nabayaran na rin pala. At ang lahat ng iyon ay si Hector ang gumawa. Binayaran nito ang bills nila at binigyan pa ng taga-bantay at
Tuluyang nagising ang diwa ni Elena sa isang madilim at tahimik na silid. Gabi na. Tumatagos ang sinag ng buwan mula sa glasswall.Ramdam niyang malambot ang hinihigaan niya. Tingin niya ay nasa kama siya. Pero napapansin niyang malawak ang lugar na kinalalagyan niya ngayon.Agad siyang bumangon at nagtungo sa teresa. Ngunit napasinghap siya nang malaman na ang taas taas ng kinaroroonan niya. Pakiramdam niya ay nasa pinakatuktok siya ng isang building. Sinalubong siya ng malakas na hanging panggabi. Ang City Lights ay tanaw na tanaw niya mula roon. Dalawang braso ang biglang sumulpot mula sa likod. Hindi niya ito namalayan. Nakatuko iyon sa barandilya ng teresa. “Do you like what you see?” Ang baritunong boses ni Hector ang pumailanlang mula sa likuran niya. Nakakulong siya sa mga braso ng binata. Kadiliman pa rin ang lumulukob mula sa likuran nila. Hindi nito binuksan ang mga ilaw sa condo unit na iyon. Tumatama ang mainit na hininga ni Hector sa balikat niya. Kinikilabutan siya







