Share

Chapter 9

Author: noowege
last update publish date: 2026-04-11 06:13:29

Tuluyang nagising ang diwa ni Elena sa isang madilim at tahimik na silid. Gabi na. Tumatagos ang sinag ng buwan mula sa glasswall.

Ramdam niyang malambot ang hinihigaan niya. Tingin niya ay nasa kama siya. Pero napapansin niyang malawak ang lugar na kinalalagyan niya ngayon.

Agad siyang bumangon at nagtungo sa teresa. Ngunit napasinghap siya nang malaman na ang taas taas ng kinaroroonan niya. Pakiramdam niya ay nasa pinakatuktok siya ng isang building.

Sinalubong siya ng malakas na hanging pan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 44

    Nakamasid si Elena sa veranda habang nagtatawanan ang kaniyang ama at si Farah sa labas. Nakikita niyang masaya ang dalawa at nararamdaman niya sa kaibuturan niyang ayos na ang lahat sa kanila at maari na silang mag-umpisa sa pinakasimula kung saan nila iniwan doon ang mga bagay na dapat nilang natapos noon pa. Nasa harapan na ni Elena ang mga kailangan niya. Natupad ang hinihiling niyang sana ay um-okay na ang kaniyang ama. Masaya na ang ama niya at buhay buhay na nasa harapan niya. Ilang saglit ay tumama ang sinag ng araw sa mukha niya dahilan para balingan niya ang silangan at matanaw ang pag-usbong ng haring araw. ‘Bagong umaga, bagong pag-asa’ ika nga ng iba.Kaya lang bakit iba ang nararamdaman niya sa mga oras na yun? Bakit hindi pag-asa ang nararamdaman niya sa mga oras na yun kundi... kalungkutan?Parang may kulang.Parang hindi tama na maging masaya. Parang gusto niyang maiyak.Ilang saglit ay napatakip siya bigla sa bibig nang makaramdam siya ng kakaiba. Namilog ang mga

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 43

    Kung gaano kalala ang kahungkagan sa puso ni Elena? Hindi rin niya maipaliwanag. Tuwing naalala niya kung papaano sila naghiwalay ni Hector bago sumabog ang buong mansyon ay parang sinasakal siya. Ang huling ang ala-ala niya kay Hector ay nagiging bangungot niya sa araw araw. “M-Malayo pa po ba?” tanong niya sa personal driver ni Hector.Oo, kasama niya ang mismong driver ng lalaki ngunit hindi niya na kasama si Hector. Bago nangyari iyon ay nakahanda na ang lahat, nakaplano na ang lahat na animo nahulaan ni Hector na mangyayari ang bagay na yun. Sinabi nito sa driver nito na ihatid siya sa lugar na iyon oras na may mangyari rito.At heto nga siya. Sakay ng itim na kotse ay binabagtas nila ang malubak na daan. Ang tabi ay mga palayan. Nasa probinsiya na sila at hindi niya alam kung ano ang dadatnan sa lugara na yun. Sabi ng driver ay doon na raw siya titira upang masiguro ang kaligtasan niya. At isa pa'y ang pupuntahan niya ay ang property na binili ni Hector upang gawing taguan niya

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 42

    Biglang nagkakaputukan ulit. Ang problema ay sa dereksyon nila ni Hector nakatuon ang putok na iyon kaya agad siyang ikinubli ni Hector.Isang malutong na mura ang narinig niya kay Hector habang ikinukubli siya nito sa may sofa. Namimilog ang mga mata niya habang pasimpleng kinakargahan ni Hector ng bala ang dalang baril. “Stay here,” anito habang hawak ng may rahan ang pisngi niya.Kahit siya ay hindi inasahan ang nakitang sinseridad at panlalambot sa mga mata ni Hector habang nakatitig sa mga mata niya. Namamangha na napatango siya at sinunod ang gusto nito. Napatakip siya sa tainga nang marinig ang putok ng mga baril sa paligid. Wala na si Hector sa tabi niya. Kailangan niyang mag-ingat ngayong wala na siyang aasahan sa paligid niya. Ilang saglit ay nagulat na lang siya nang may balang naligaw sa gawi niya. Tumama iyon sa sofa at kamuntikan nang madaplisan ang binti niya mabuti na lang at hindi iyon umabot sa mismong binti niya. Hindi na siya naghintay pang tamaan kaya tumakbo s

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 41

    Habang pinagmamasdan ni Elena ang paligid tila talon na bumubuhos ang mga ala ala sa isipan ni Elena. Ang mga ala-ala kung kailan nawala ang anak nila ni Hector at napahamak siya. Katulad noong mga panahong iyon, wala ring pakialam si Hector. Hindi na rin siya aasa pa sa lalaki. Ano ba naman kasi siya kay Hector? Hindi niya rin naman alam kung anong mayroon sila maliban sa dati silang naging fvck buddy.“Really? You just came alone?” nanunuya ang boses ni Esmael habang nakaupo sa itim na single sofa.Ang binigay ni Esmael ay ang address ng mismong mansyon nito. Nang dumating siya roon ay si Luigi ang kaagad niyang naisip. Wala roon si Kunred, tanging si Esmael lang ang humarap sa kaniya.“Oo. At nasaan na si Luigi?” aniya sa malamig na boses.Pakakawalan si Luigi kapalit niya. Iyon ang usapan nila ng ama ni Luigi. Nang malaman ng ama nito ang sinapit ni Luigi ay hindi nag-atubili ang ama nito na mag-isip ng hakbang at tawagin ang mga tauhang pwede nitong makuha para sa delikadong re

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 40

    Hector, Aalis ulit ako. Sa pagkakataong ito ay titiyakin kong hindi mo na ako mahahanap. Inaamin kong ikaw ang sinisisi ko hanggang ngayon kaya nawala ang anak na'tin. Ang galit ko sa'yo ang dahilan kaya kita nilapitan ulit. Umaasa akong sa pagkakataong iyon ay maiganti ko man lang ang anak ko. Iniisip kong oras na nakaganti ako ay matatahimik na ako. Na kapag napabagsak na kita ay mapagbigyan ko na ang sarili ko. Kaya lang parang niloloko ko lang ang sarili ko. Kasi imposibleng mapabagsak kita. Nasa iyo ang lahat ng bagay na hirap akong abutin. Kaya't ang pagpapabagsak sa iyo ay parang suntok sa buwan. Sa pagkakataong ito tinuturuan ko na ang sarili kong kalimutan ang lahat ng nangyari sa ating dalawa. Tuturuan ko ang sarili kong umusad at mamuhay ng katulad ng dati. Salamat at binasa mo ito at hindi mo itinapon sa basurahan. Nasa mesa ang card na pinahiram mo sa akin isusuli ko na. Malaki ang nagastos mo sa'kin. Pero huwag kang mag-alala. Unti unti kong babayaran ang lahat. Buw

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 39

    Napadapa si Luigi nang dumapo ang malakas na suntok mula kay Kunred. Balak niyang umalis sa condo niya kinaumagahan. Inagahan niya at bandang 3 AM siya nagbalot bago nagtungo sa pinto ng kaniyang condo. Iniisip niyang hindi malalaman nina Esmael na nandoon si Elena oras na umalis siya sa condo. Balak niyang lumayo at hindi na magpapakita pa. Napagsabihan niya na si Elena. Nalaman na nito ang lahat tungkol kina Kunred at sa kapatid nitong si Esmael. Ikinuwento niya ang lahat sa babae sa pamamagitan ng sulat na iniwan niya. Kaya lang saktong paglabas niya ng condo niya at nai-lock ang pinto niya'y sumalubong sa paningin niya si Kunred. Mala demonyo ang ngiti nito at bigla na lang siyang binatukan. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at na-lock niya ang condo bago siya binatukan ni Kunred. Nandoon kay Elena ang key card, iniwan niya kaya ayos lang. Masubuksan nito ang pinto at makakauwi ng ligtas.At nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili sa isang madilim na silid. Ang lamp

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 26

    Hindi Miami, hindi sa kung saang lugar o sa ibang bansa kundi sa Pinas. Tama. Nakarating na nga si Elena sa Pinas sa wakas. Sa dami ng pinagdaanan niya ay nagawa niyang makauwi.Ang nangingitim niyang balat ay mas pinapaitim pa ng araw sa tabing dagat. Sinadya niya iyon upang hindi kaagad makilala

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 25

    Matapos ang mahabang pagkakakulong ni Elena sa isang pribadong isla ay dinala naman siya ni Hector pabalik sa Switzerland. Sa pagkakataong iyon ay sa Lauterbrunnen siya dinala nito. Sa lugar kung saan sikat sa pangalang The ‘Valley of 72 Waterfalls’ ang pinakamagandang view na nakita niya buong buh

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 24

    Nagtagis ang bagang ni Elena nang makita ang mga damit na papalabhan ni Hector sa kaniya. Tinitiyak ng lalaking mamumuti ang buhok niya sa kunsimisyon. Pati ba naman iyong mga labahin na hindi kay Hector dinala nito roon upang palabhan sa kaniya. Talagang pinapahirapan siya ng lalaki. Hindi niya n

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 23

    "Dad hear me out. Hindi na maayos ang pag-iisip ng lalaking yun. Hindi na'tin alam kung anong gagawin niya kay Elena. Minsan nang napahamak si Elena dahil sa lalaking yun noon. Tapos ngayon tinangay niya na naman si Elen--" hindi na natapos ni Luigi ang sasabihin nang bigla na lang siyang inundayan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status