Magandang Araw! This is Admiralzxc, at pasensya na po kung matagal ako bago makapag-update. Naging busy lang talaga ako nitong mga nakaraan pero pipilitin kong makabawi. Pipilitin ko ring mag-doble o triple o kung mas kaya maka-limang kabanata kada araw. Maraming salamat pa rin sa pagmamahal sa kwento kong ito. Patungo na rin tayo sa exciting parts, at paniguradong kung may mga katanungan kayo ay masasagot na sa mga susunod na updates ko.Salamat muli! May ginagawa nga pala akong bagong kwento, sana suportahan niyo rin ito dahil katulad ng TMBRW, hindi ko rin kayo bibiguin.Maraming salamat! Nawa'y patuloy niyo pa rin akong suportahan.xxx
Hunter's POV"All goods na ang controll room, mga tsong," nakangiting sabi ko sa earpiece habang nakatingin sa mga monitors na nasa harapan ko.Nandito ako ngayon sa CCTV room nitong venue. Bago pa man magsimula ang party, nauna na ako rito para i-check kung may mga daga na namang nakapasok.Ayaw kasi ni bossing masira ang gabing 'to dahil may mga special guests din daw siyang kailangang asikasuhin.Ang sabi niya sa amin, kailangan ma-secure ang safety ni Ms. Kateryna, dahil ang party raw na 'to ay para talaga mahuli kung sino ang tunay niyang kaaway.FlashbackTahimik akong kumakain habang nakatingin sa hawak kong tinapay. Minsan talaga, napapaisip din ako kung anong klaseng buhay mayroon ako."Muni-muni, Hunter?" natatawang sabi ni Drake kaya tinignan ko siya ng masama."Ginagawa mo rito?" tanong ko matapos niyang umupo sa tabi ko."Hindi mo ba nabasa ang sabi ni boss? Pumunta raw rito," simpleng sagot niya bago kinuha ang kape ko at saka ininuman."Tangina mo naman," nandidiring sa
Kateryna's POVMagkatabi kaming nakaupo ni Everett sa isang round table. Nandito pa rin sina Asher at Drake."Hubby? Hanggang anong oras ang party?" tanong ko habang inililibot ko ang paningin ko. Tinignan niya naman ako bago siya sumagot."Later, we'll leave," sagot lang nito bago ngumiti.Napahinga naman ako ng malalim bago ako tumango.Kanina pa kasi kami narito. Tapos na rin kaming kumain, at tapos na rin akong ipakilala ni Everett sa mga kakilala niyang mga negosyanteng katulad niya."Ma'am Kateryna, ayos ka lang ba?" biglang tanong ni Drake kaya mabilis akong tumango."Rein," biglang pagtawag ni Everett kay Asher kaya ako napatingin sa kan'ya.Tumango naman si Asher na nakaupo malapit sa akin bago niya pinagpagan at kunwaring inayos ang suot niyang suit."Una na ako, Kateryna. See you later," sabi nito bago sumaludo at saka umalis.Napahinga naman ako ng malalim pero agad nawala ang pag-iisip ko nang bigla na lamang may lumapit sa amin."Mr. Gunner! What a great evening, isn't i
Kateryna's POVMalalim ang binibitawan kong hininga habang nakatayo sa tapat ng isang malaking salamin.Katatapos pa lamang akong ayusan ng glam team na nasa ibaba. Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at hinihintay kong sunduin ako ni Everett.Nakakulot ang buhok ko habang nakasuot naman ako ng isang maroon off shoulder dress na hapit na hapit sa katawan ko. May mahaba rin 'tong slit na abot hanggang hita.Napalunok ako. Hindi pa rin kasi ako sanay na nagsusuot ng mga ganitong damit pero kailangan na masanay na rin talaga ako."You look beautiful," mabilis akong napatingin sa doorway kung saan nakatayo si Everett habang naka-crossed arms at titig na titig sa akin.Napangiti naman ako bago ako napahinga ng malalim."Are you comfortable wearing that dress?" sabi nito bago naglakad papalapit sa akin. Tumango naman ako bago ako napahawak sa tiyan ko."Oo naman. Medyo naiilang lang ako kasi feeling ko medyo bloated ako," sabi ko habang nakatingin sa tiyan ko."Let me see," sabi niya naman b
Kateryna's POV"Kain ka na, Kateryna," sabi ni Asher na may subo-subo pang manok. Ngumiti naman ako bago ako tumango."Sige, kumain ka lang," sabi ko.Umiling naman si Asher bago niya inilagay ang mangkok na may ulam sa tabi ng plato ko."Mamaya na ang party mo, kailangan busog ka. At saka maya-maya lang nandito na 'yong mga mag-aayos sa'yo," sagot naman nito sa akin.Malalim naman akong napabuntong hininga. Wala kasi akong gana kumain, simula kasi umalis si Everett kagabi hindi pa siya umuuwi."May balita ka na ba kung nasaan si Everett?" tanong ko.Tumigil naman sa pagkain si Asher bago tumingin sa akin."Si boss? Wala, eh. Nag-text lang siya sa akin na samahan kita ngayon kasi hindi raw siya makakauwi," sabi naman nito.Napahinga naman ako ng malalim bago ako tumingin sa pagkain na nasa plato ko.Wala talaga akong ganang kumain. Parang hindi rin talaga ako nagugutom."Kumain ka na, Kateryna. Ako kasi ang malalagot kay Everett kapag nalaman niyang hindi ka kumain. Siya pa naman ang
Fina's POV Nakatayo ako hindi kalayuan sa villa ni Gunner. I had a bad feeling lately about Vivian's constant errands. She never stays on a single place, even though the Nox has no mission, she's always out there doing shits on her own. And standing here made me realize na maybe I was right all along. "What are you doing there, Vivian?" tanong ko sa kan'ya when she finally went out. Mukha namang hindi siya nagulat, she's more likely expecting to see me. "Work," sagot lang nito bago sumakay sa sasakyan niya. Mabilis naman akong sumakay sa loob din no'n and was about to speak nang salubungin ako ng isang baril. "What are you doing?!" I hissed when she pointed her gun directly on my head. "How about you? What are you doing?" she hissed back. I looked at her like she was impossible. "You're a traitor, aren't you?" tanong ko pero ngumisi lang siya. Akma ko na sanang aagawin ang baril na hawak niya pero mabilis niya 'yong naipalo sa akin bago ko pa man makuha. "Not as fast as you
Daveed's POVNakaupo ako ngayon sa isang mahabang mesa habang nasa gitna naman nakapwesto si Mistress.Kanina pa kami nandito pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Busy lang siya sa pag-scan ng papel na hawak niya."Isn't that the woman you like?" bigla niyang tanong kaya ako natigilan bago ako tumango at nagsalita."Yes, Mistress," sagot ko."Do you already have a plan on how to get her?" tanong ulit nito habang busy pa rin sa pag-scan ng papel.Nandito kami sa five star hotel ni Mistress. I was on my way to meet her nang tawagin ako kanina ni Kateryna."None as of the moment. But I am on the pr---" hindi ko na natapos ang sana ay sasabihin ko nang bigla siyang tumigil."Don't do it," biglang sabi nito na siyang nagpatigil sa akin. Kumunot din ang noo ko."Why, Mistress? I am capable of---" hindi ko na naman muling natapos ang dapat ay sasabihin ko nang muling magsalita ang babaeng katabi ko bago niya ibinaba ang hawak niyang papel."I have a different plan in my mind. I am
Kateryna's POVNakatayo ako ngayon sa harapan ng puntod ng mga magulang ko.Sa tuwing pumupunta ako rito, hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal dahil naaalala ko pa rin ng malinaw kung ano ang nangyari pitong taon na ang nakakaraan."Are you okay?" biglang tanong sa akin ni Everett na nakatayo rin sa tabi ko.Tumango naman ako bago ako huminga ng malalim at saka ako nagsalita."Sa totoo lang, hindi ko pa rin nakakalimutan kung papaano pinatay ang mga magulang ko sa harapan namin ng kapatid ko. Walang awa silang binaril kahit sa harapan mismo ng mga anak nila. Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip kung bakit sila pinatay, ang sabi ng mga pulis na nag-imbestiga baka raw may kagalit ang mga magulang namin dahil nalaman nila na marami kaming pinagkakautangan," sabi ko bago ako muling huminga ng malalim. Hindi naman sumagot ang lalaking katabi ko."Wala kaming pera kaya hanggang ngayon hindi namin kilala kung sino ang pumatay sa kanila, hanggang ngayon 'yong may sala ay libre pa ring
Kateryna's POVNakahiga ako sa kama habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang naging trato sa akin ng kapatid ko, napabayaan ko ba siya habang nag-i-stay siya malayo sa akin?Noong huling pagkikita namin sa hospital, iba na rin ang trato niya sa akin. Pati kung paano niya ako kausapin, ibang iba na. Pakiramdam ko hindi siya si Kaleigh na kasama ko nang ilang taon."Wif, what happened?" biglang tanong sa akin ni Everett na kapapasok lang ngayon dito sa kwarto. Agad naman akong naupo upang salubungin siya."Hub---" hindi ko na natapos ang sana ay sasabihin ko nang bigla na lamang niya akong niyakap na parang alam niya na kung ano ang nangyari.Hindi naman na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lamang ang sarili ko na umiyak.Iba ang pakiramdam ng yakap ni Everett sa akin ngayon, parang ito ang yakap na hinihintay ko matapos ng mga nangyari at dahil sa dami ng iniisip ko."S-Si Kaleigh..." untag ko bago ko hinigpitan ang pagkakayakap sa kan'ya.Hindi n