Nanginginig akong napahawak sa likod ni Everett. Hawak niya pa rin ang kamay ni Mang Ronie, habang si Mang Ronie ay namimilipit na sa sakit.
"E-Everett..." pagtawag ko sa kan'ya. Agad niyang binitawan ang kamay ni Mang Ronie bago ako hinila.
Pinagtitinginan kami ng mga kapitbahay namin, at naririnig ko pa rin ang sigaw at mga mura ni Mang Ronie.
"A-Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Everett nang huminto kami sa paglalakad. Nasa likuran ko pa rin si Kaleigh.
"Who's that asshole?" tanong nito. Walang emosyon ang kan'yang mukhang nakatingin sa akin. Napahinga naman ako nang malalim bago ako sumagot.
"Isa sa mga pinagkakautangan namin," sagot ko.
"And his name is Ronie?" tanong ulit naman nito sa akin. Tumango naman ako bilang pagsagot.
Hindi naman na nagsalita si Everett. Pumunta na lang siya sa passenger seat ng sasakyan at binuksan 'yon. Tinignan ko naman si Kaleigh na hanggang ngayon ay nanginginig sa takot.
"Tara na muna," sabi ko bago ko siya hinila papasok sa sasakyan. Matapos no'n ay pumunta ako sa gawi kung nasaan si Everett at doon ako umupo.
Napatingin ako kay Kaleigh na sa tingin ko ay unti-unti ng kumakalma. Hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa kan'ya na kasal na ako, at sa isang mayamang tao pa.
Tumingin naman ako sa gawi ng driver seat nang pumasok doon si Everett at nagsimulang magmaneho. Sumandal ako sa upuan bago ako napatingin sa labas. Masyado nang maraming nangyari ngayong araw, anong oras pa lang pero pakiramdam ko ubos na ang energy ko.
Patuloy lang na nagmaneho si Everett habang nanatili kaming tahimik. Kahit si Kaleigh ay tahimik lang na nakatingin sa labas.
"We're here," biglang sabi ng lalaking katabi ko kaya naman napatingin ako sa bahay na nasa harapan namin. Halos mapanganga naman ako.
Bahay pa ba 'to? Ang laki naman masyado.
"D'yan din ba nakatira ang mga magulang mo?" tanong ko bago ako tumingin sa kan'ya.
"Huh?" untag nito habang nakakunot ang noo.
"Hindi ba? Mga kapatid mo?" tanong ko pa.
"Tss. I don't have a f*cking family. They're all f*cking dead," biglang sabi nito.
Mabilis ko namang sinilip ang kapatid ko sa rear view mirror, baka kasi narinig niya ang mga pagmumura nitong lalaking katabi ko.
"Hindi ko naman alam. Kailangan magalit?" sabi ko.
Ang alam ko lang patay na ang daddy niya, hindi ko naman alam na wala na siyang pamilya.
Muli kong tinignan ang bahay na nasa harapan namin. Ang laki ng bahay na 'to, para na siyang mansyon, kasya ata sampung pamilya rito.
Bumaba na si Everett ng sasakyan matapos niyang mag-park. Binuksan din niya ang pinto kung nasaan ako pati na rin kung nasaan si Kaleigh. Agad akong bumaba at tumingin sa paligid.
Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon dahil oras din ang binilang bago kami nakarating dito.
Malaki ang bahay ni Everett, habang ang garahe naman nito ay may mga nakaparada na sampung sasakyan, at limang motor bike.
"Ate? Sino siya?" tanong ni Kaleigh bago humawak sa braso ko. Tinignan ko naman si Everett na ngayon ay naglalakad na papasok sa main door ng bahay niya.
"Mamaya ko ipapaliwanag sa'yo. Basta pumasok muna tayo ngayon sa bahay niya," sagot ko. Hindi naman kumibo si Kaleigh. Sumunod naman kami sa pagpasok sa loob ng bahay ni Everett.
"Wow!" narinig kong sabi ni Kaleigh nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang pagkamangha na nararamdaman ko.
Kung maganda na sa labas ang bahay ni Everett, mas maganda pala rito sa loob. Wala kang ibang makikitang kulay maliban sa black, navy blue, hunter green, at white. Napaka-modern tignan ng bahay niya. Kahit mga gamit niya ay gano'n ang kulay, at pati mga gamit niya alam mong mga mamahalin.
"Ate, mayaman ba si kuya?" tanong ng kapatid ko habang nakatingin kay Everett na ngayon ay may kausap sa cellphone. Hindi naman ako nakapagsalita, tanging tango lang ang aking nagawa.
"I'll be back," biglang sabi ni Everett kaya agad akong napahawak sa braso niya. Napatingin naman siya sa kamay ko bago sa akin.
"S-Saan ka pupunta?" tanong ko.
Hindi ko rin alam kung bakit ko tinatanong, pero gusto kong malaman dahil malay ko ba kung bahay ba talaga 'to ni Everett, baka kung sino ang may ari nito tapos pumasok kami rito.
"I just need to finish some workloads. I'll be back tonight. You can cook, and eat whatever you want on the kitchen," sabi nito bago umalis nang tuluyan. Napahinga naman ako ng malalim.
"Ate? Boyfriend mo ba 'yon?" biglang tanong ni Kaleigh kaya agad akong napatingin sa kan'ya.
"H-Ha? H-Hindi ah!" sabi ko bago ako bumitaw sa pagkakakapit sa akin ni Kaleigh at naglakad papunta sa sofa.
"Weh? Bakit namumula ka?" pang-aasar ng kapatid ko na sinundan ako sa sofa.
"H-Hindi kaya!" sabi ko sabay iwas ng tingin. Nakita ko namang natawa si Kaleigh bago nagtatatalon sa harap ko.
"Ahh! Naalala ko nga pala sabi ni kuya kanina, touch my wife raw!" asar pa nito bago nagtititili sa harap ko.
Napapikit na lang ako dahil sa hiya bago ko itinago ang mukha ko sa kamay ko.
Bakit ba kasi gano'n ang sinabi ng lalaking 'yon kanina?
Asher's POV
"Papunta na raw ba si Boss?" tanong ko.
"Oo raw," sagot naman ni Liam bago hinithit ang hawak niyang sigarilyo.
"Sino nga ulit 'yong pinahahanap ni Bossing?" tanong ni Drake bago humithit din sa hawak niyang sigarilyo.
"Ronie raw. Ang daming Ronie sa mundo, mahahanap mo kaya 'yon, baliw?" tanong ko kay Hunter na busy sa pagtipa sa hawak niyang laptop.
"Tang*na mo! Ikaw lang naman ang weak," sagot naman nito sa akin. Natawa naman ako.
Alam kong imposibleng mahanap ang tao gamit ang pangalan lang, pero kapag si Hunter na ang usupan? Kahit ata nawawala pa noong dekada sitenta mahahanap niyan, eh.
Kabilang kami sa mafia group na under ni Everett, kami ang Gunners. Walang sumusubok na bumangga sa amin, kung mayroon man ay agad naming na-e-eliminate sa underworld. May kan'ya kan'ya kaming posisyon sa grupo namin. Si Hunter ang computer freak, si Drake ang bomb specialist, si Liam ang con artist, at ako? Ako ang pinaka-pogi sa aming lahat.
May mga posisyon kami sa grupo namin, pero lahat kami ay pro sa paggamit ng iba't ibang uri ng mga baril, kahit explosive devices.
"Ano raw ba kasing kaso ng lalaking 'yan?" tanong ni Liam.
"Ewan. Hindi naman niya sinabi," sagot ko bago ininom ang hawak kong alak.
Hindi naman kami gano'n kaagresibo, hindi rin kami basta pumapatay ng kung sinu-sino. Unless may atraso talaga sa amin ang tao. Pero ibang usapan kapag si Everett ang binangga mo.
"Ngayon pa lang natatakot na ako para sa Ronie na 'to. Todas ka talaga kapag si Everett ang nagpahanap sa'yo," iiling-iling na sabi ko.
"Found him!" narinig kong sigaw ni Hunter. At kasabay no'n ay ang pagpasok ni Everett sa loob ng hideout namin habang may hawak na Magnum Research Desert Eagle na baril sa kaliwa niyang kamay.
Napailing na lang ako. Mukhang mahabang gabi na naman ito.
Vivian's POVPatuloy kami sa pagtakbo at pagtago ni Kateryna sa tuwing may mga makakasalubong kaming mga lalaking armado ng baril.Nasa trenta minutos na rin siguro magmula nang patayin ang ilaw kanina. Tanging ang generator na lang ng lugar na 'to ang gumagana kaya naman may ibang area na madilim at wala talaga kahit kaunting liwanag.Damage na rin at wasak ang ibang parte ng building kaya may ibang ilaw na nagpapatay sindi."Kaya mo pa bang tumakbo?" tanong ko kay Kateryna matapos naming pumasok sa isang kwarto.Napalunok pa ako bago ko inilibot ang paningin ko sa buong kwarto kung safe ba kami rito. Nandito pala kami sa isang bedroom."O-Oo," naghahabol din ang hiningang sabi ni Kateryna.Ngumiti naman ako bago ako nagsalita."Mabuti naman," sagot ko bago ako napaupo sa upuan malapit sa amin.Alam kong malapit nang mag-collapse ang building na 'to ano mang oras mula ngayon dahil sa dami ng mga bombang sunod-sunod na sumabog kanina."Vivian...B-Bakit ka pala nandito?" tanong bigla n
Kateryna's POVMatapos lumapit nang lalaki kanina ay hindi na ako napakali pa. Mukha namang walang iniisip si Drake sa tabi ko, at gano'n din si Everett na naging maya't maya ang ginawang pagtingin sa akin."Are you okay?" bigla niyang tanong nang magkasalubong ang mga mata naming dalawa.Napalunok naman ako bago ako tumango pero natigilan ako nang may makita akong isang babae na naglalakad papunta sa gawi namin.At hindi katulad ng ibang mga babae na nandito na elegante ang mga suot na damit, siya ay simple at plain black dress lang ang suot.Tumayo naman ako, at dahil sa ginawa ko ay napatingin na rin sa harapan namin si Everett.Tumayo na rin siya at tinabihan ako bago hinawakan ang kamay ko.Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong klaseng kaba ba 'tong nararamdaman ko."Nice meeting you again the infamous, Everett Gunner," bungad niya sa amin.Napalunok naman ako bago ko tinignan din ang lalaking katabi ko na bah
Mazy's POVI was staring at Everett since they came here. I really can't wait to kill that Kateryna. She even has the audacity to throw a party. I pity her, because before, si Everett mismo ang gumagawa no'n without me asking."Alam mo, if looks could kill nakabulagta na kanina pa 'yang asawa ni Gunner," sabi ni Theodore na katabi ko.Hindi na ako nagsalita pa at ininom na lang ang alak na laman ng baso na hawak ko."Ayaw mo talaga kumain?" tanong niya."No," sagot ko.He had been asking me if I want to eat since we came here. Kanina niya pa ako paulit ulit na tinatanong."You know what, I know that Kateryna was the one who asked Everett to throw a party," sabi ko lang.Because duh, it's obvious! Halata namang hindi nag-e-enjoy si Everett sa mga nangyayari ngayon.Natawa naman si Theo na kumakain sa tabi ko."So, what's your plan?" biglang tanong nito kaya mabilis ko siyang nilingon.A smile escaped my lips after thinking about my plan."Once she went to the bathroom, I'll make sure h
Magandang Araw! This is Admiralzxc, at pasensya na po kung matagal ako bago makapag-update. Naging busy lang talaga ako nitong mga nakaraan pero pipilitin kong makabawi. Pipilitin ko ring mag-doble o triple o kung mas kaya maka-limang kabanata kada araw. Maraming salamat pa rin sa pagmamahal sa kwento kong ito. Patungo na rin tayo sa exciting parts, at paniguradong kung may mga katanungan kayo ay masasagot na sa mga susunod na updates ko.Salamat muli! May ginagawa nga pala akong bagong kwento, sana suportahan niyo rin ito dahil katulad ng TMBRW, hindi ko rin kayo bibiguin.Maraming salamat! Nawa'y patuloy niyo pa rin akong suportahan.xxx
Hunter's POV"All goods na ang control room, mga tsong," nakangiting sabi ko sa earpiece habang nakatingin sa mga monitors na nasa harapan ko.Nandito ako ngayon sa CCTV room nitong venue. Bago pa man magsimula ang party, nauna na ako rito para i-check kung may mga daga na namang nakapasok.Ayaw kasi ni bossing masira ang gabing 'to dahil may mga special guests din daw siyang kailangang asikasuhin.Ang sabi niya sa amin, kailangan ma-secure ang safety ni Ms. Kateryna, dahil ang party raw na 'to ay para talaga mahuli kung sino ang tunay niyang kaaway.FlashbackTahimik akong kumakain habang nakatingin sa hawak kong tinapay. Minsan talaga, napapaisip din ako kung anong klaseng buhay mayroon ako."Muni-muni, Hunter?" natatawang sabi ni Drake kaya tinignan ko siya ng masama."Ginagawa mo rito?" tanong ko matapos niyang umupo sa tabi ko."Hindi mo ba nabasa ang sabi ni boss? Pumunta raw rito," simpleng sagot niya bago kinuha ang kape ko at saka ininuman."Tangina mo naman," nandidiring sabi
Kateryna's POVMagkatabi kaming nakaupo ni Everett sa isang round table. Nandito pa rin sina Asher at Drake."Hubby? Hanggang anong oras ang party?" tanong ko habang inililibot ko ang paningin ko. Tinignan niya naman ako bago siya sumagot."Later, we'll leave," sagot lang nito bago ngumiti.Napahinga naman ako ng malalim bago ako tumango.Kanina pa kasi kami narito. Tapos na rin kaming kumain, at tapos na rin akong ipakilala ni Everett sa mga kakilala niyang mga negosyanteng katulad niya."Ma'am Kateryna, ayos ka lang ba?" biglang tanong ni Drake kaya mabilis akong tumango."Rein," biglang pagtawag ni Everett kay Asher kaya ako napatingin sa kan'ya.Tumango naman si Asher na nakaupo malapit sa akin bago niya pinagpagan at kunwaring inayos ang suot niyang suit."Una na ako, Kateryna. See you later," sabi nito bago sumaludo at saka umalis.Napahinga naman ako ng malalim pero agad nawala ang pag-iisip ko nang bigla na lamang may lumapit sa amin."Mr. Gunner! What a great evening, isn't i