Kateryna's POV"Kain ka na, Kateryna," sabi ni Asher na may subo-subo pang manok. Ngumiti naman ako bago ako tumango."Sige, kumain ka lang," sabi ko.Umiling naman si Asher bago niya inilagay ang mangkok na may ulam sa tabi ng plato ko."Mamaya na ang party mo, kailangan busog ka. At saka maya-maya lang nandito na 'yong mga mag-aayos sa'yo," sagot naman nito sa akin.Malalim naman akong napabuntong hininga. Wala kasi akong gana kumain, simula kasi umalis si Everett kagabi hindi pa siya umuuwi."May balita ka na ba kung nasaan si Everett?" tanong ko.Tumigil naman sa pagkain si Asher bago tumingin sa akin."Si boss? Wala, eh. Nag-text lang siya sa akin na samahan kita ngayon kasi hindi raw siya makakauwi," sabi naman nito.Napahinga naman ako ng malalim bago ako tumingin sa pagkain na nasa plato ko.Wala talaga akong ganang kumain. Parang hindi rin talaga ako nagugutom."Kumain ka na, Kateryna. Ako kasi ang malalagot kay Everett kapag nalaman niyang hindi ka kumain. Siya pa naman ang
Fina's POV Nakatayo ako hindi kalayuan sa villa ni Gunner. I had a bad feeling lately about Vivian's constant errands. She never stays on a single place, even though the Nox has no mission, she's always out there doing shits on her own. And standing here made me realize na maybe I was right all along. "What are you doing there, Vivian?" tanong ko sa kan'ya when she finally went out. Mukha namang hindi siya nagulat, she's more likely expecting to see me. "Work," sagot lang nito bago sumakay sa sasakyan niya. Mabilis naman akong sumakay sa loob din no'n and was about to speak nang salubungin ako ng isang baril. "What are you doing?!" I hissed when she pointed her gun directly on my head. "How about you? What are you doing?" she hissed back. I looked at her like she was impossible. "You're a traitor, aren't you?" tanong ko pero ngumisi lang siya. Akma ko na sanang aagawin ang baril na hawak niya pero mabilis niya 'yong naipalo sa akin bago ko pa man makuha. "Not as fast as you
Daveed's POVNakaupo ako ngayon sa isang mahabang mesa habang nasa gitna naman nakapwesto si Mistress.Kanina pa kami nandito pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Busy lang siya sa pag-scan ng papel na hawak niya."Isn't that the woman you like?" bigla niyang tanong kaya ako natigilan bago ako tumango at nagsalita."Yes, Mistress," sagot ko."Do you already have a plan on how to get her?" tanong ulit nito habang busy pa rin sa pag-scan ng papel.Nandito kami sa five star hotel ni Mistress. I was on my way to meet her nang tawagin ako kanina ni Kateryna."None as of the moment. But I am on the pr---" hindi ko na natapos ang sana ay sasabihin ko nang bigla siyang tumigil."Don't do it," biglang sabi nito na siyang nagpatigil sa akin. Kumunot din ang noo ko."Why, Mistress? I am capable of---" hindi ko na naman muling natapos ang dapat ay sasabihin ko nang muling magsalita ang babaeng katabi ko bago niya ibinaba ang hawak niyang papel."I have a different plan in my mind. I am
Kateryna's POVNakatayo ako ngayon sa harapan ng puntod ng mga magulang ko.Sa tuwing pumupunta ako rito, hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal dahil naaalala ko pa rin ng malinaw kung ano ang nangyari pitong taon na ang nakakaraan."Are you okay?" biglang tanong sa akin ni Everett na nakatayo rin sa tabi ko.Tumango naman ako bago ako huminga ng malalim at saka ako nagsalita."Sa totoo lang, hindi ko pa rin nakakalimutan kung papaano pinatay ang mga magulang ko sa harapan namin ng kapatid ko. Walang awa silang binaril kahit sa harapan mismo ng mga anak nila. Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip kung bakit sila pinatay, ang sabi ng mga pulis na nag-imbestiga baka raw may kagalit ang mga magulang namin dahil nalaman nila na marami kaming pinagkakautangan," sabi ko bago ako muling huminga ng malalim. Hindi naman sumagot ang lalaking katabi ko."Wala kaming pera kaya hanggang ngayon hindi namin kilala kung sino ang pumatay sa kanila, hanggang ngayon 'yong may sala ay libre pa ring
Kateryna's POVNakahiga ako sa kama habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang naging trato sa akin ng kapatid ko, napabayaan ko ba siya habang nag-i-stay siya malayo sa akin?Noong huling pagkikita namin sa hospital, iba na rin ang trato niya sa akin. Pati kung paano niya ako kausapin, ibang iba na. Pakiramdam ko hindi siya si Kaleigh na kasama ko nang ilang taon."Wif, what happened?" biglang tanong sa akin ni Everett na kapapasok lang ngayon dito sa kwarto. Agad naman akong naupo upang salubungin siya."Hub---" hindi ko na natapos ang sana ay sasabihin ko nang bigla na lamang niya akong niyakap na parang alam niya na kung ano ang nangyari.Hindi naman na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lamang ang sarili ko na umiyak.Iba ang pakiramdam ng yakap ni Everett sa akin ngayon, parang ito ang yakap na hinihintay ko matapos ng mga nangyari at dahil sa dami ng iniisip ko."S-Si Kaleigh..." untag ko bago ko hinigpitan ang pagkakayakap sa kan'ya.Hindi n
Kateryna's POVMabagal akong naglalakad papunta kina Asher at Drake habang nagpupunas ng mukha.Ang sakit. Ang bigat bigat ng dibdib ko. Bakit gano'n na lang ang galit sa akin ng kapatid ko? Sobra ko ba siyang napabayaan?"Ma'am Kateryna, anong nangyari?" bungad na tanong sa akin ni Drake nang makalapit ako sa kanila ng tuluyan.Agad naman akong inalalayan ni Asher upang maupo sa loob ng sasakyan nang mapansin niya na nanginginig at nanghihina na rin ako dahil sa kakaiyak.Hindi ako nakapagsalita, at patuloy lang na umiyak.Bakit gano'n? Masama ba ako?"Kateryna, anong nangyari? Nag-away ba kayong magkapatid?" tanong ni Asher.Hindi pa rin ako nagsalita at patuloy pa rin ako sa paghikbi kaya naman inabutan na ako ng tubig ni Drake.Ang sakit, paulit-ulit na nadudurog ang puso ko sa tuwing naaalala ko kung papaano ako itinaboy ng kapatid ko."I-Ihatid niyo ako sa bahay ni Everett," sabi ko na lang.Nakita ko namang tumango ang dalawa bago mabilis na kumilos. Umayos na rin ako ng upo ha
Kateryna's POVMalalim akong napabuntong hininga bago ako napalunok habang nakatayo rito sa harapan ng pintuan ng condo ni Kaleigh.Sa ilang taon na kaming magkasama, ngayon lamang ako kinabahan ng ganito dahil sa kan'ya.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago ako nagkatok. Hindi rin naman nagtagal ay may nagbukas na ng pinto.Bahagya akong ngumiti habang sumisipat-sipat sa likod ng babae na nagbukas.Mali ba ako ng napuntahang condo?"Uh, hi? Nand'yan ba si Kaleigh?" nakangiting tanong ko sa babae.Hindi naman siya agad nakagalaw. Nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko habang nakatingin sa akin."Hi? Nan--" hindi ko na natapos ang sana ay muling sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita."N-Nand'yan si Kaleigh," sabi nito bago mabilis na tumakbo. Kunot noo ko naman siyang sinundan ng tingin bago ako pumasok sa loob."Wow," untag ko dahil sa kung gaano kaganda at kalinis ang condo na 'to. Talagang binigyan ni Everett ng maayos na titirahan ang kapatid ko."Ate?" narinig kong pa
Kateryna's POVIlang araw na kaming nag-i-stay ni Everett dito sa villa niya. Dito na rin siya umuuwi after niya manggaling sa company.Si Mazy naman ay hindi na nag-stay kasama namin, ang sabi ni Everett ay patuloy na nagpapagaling daw dahil sa lala ng natamo niyang injuries matapos 'yong nangyaring insidente sa bahay.Malalim akong napabuntong hininga habang nakadungaw sa malawak na pool sa ibaba. Hindi ko inakala na napakarami pala talagang ari-arian ni Everett."Kateryna? Nand'yan ka ba?" narinig kong tanong ni Asher sa likod ng pinto ng kwarto namin ni Everett.Naglakad naman ako papalapit sa pinto bago ko 'yon binuksan. Kita ko naman kung papaano siya halos mapatalon sa gulat matapos kong buksan ang pinto."Ah, hehe. Pinatatanong kasi ni bossing kung papasok ka raw ba ngayon sa kompanya niyo?" tanong nito. Huminga naman ako ng malalim bago ako tumango.Hindi ko kasi alam kung bakit nitong mga nakaraan ay wala ako sa mood."Oo, sabihin mo pupunta ako. Mag-aasikaso lang ako," sabi
Kateryna's POVMarahan kong iminulat ang mga mata ko bago ako napatingin sa paligid. Napatingin naman ako sa tabi ko nang may mapansin akong nakahiga. Mabilis ding tumibok ang puso ko nang makita ko kung sino ang nakahiga sa tabi ko.Akma na sana akong tatayo ngunit nagulat ako nang bigla akong higitin ni Everett."I'm still sleepy," sabi nito nang nakapikit pa rin ang mga mata bago ko naramdaman ang kamay niya sa balakang ko."Magluluto ako ng pagkain," sabi ko naman pero napahinto ako nang idinilat ni Everett ang mata niya.Natawa naman ako dahil halos nakasilip lang siya at halatang antok na antok pa nga."No. Let's sleep, Wif. I'm so fucking tired," ungot nito bago hinigpitan ang hawak sa balakang ko."Wala tayong kakainin kung hindi ako tatayo," sabi ko."We could order a lot of foods online later," sagot naman nito."Ang gastos mo talaga," sabi ko bago ko inalis ang kamay niya sa balakang ko. Hindi naman na siya tumutol pa."Tss," sabi na lang nito. Hindi naman na ako sumagot at