-- I am very thankful to all of you my readers, I am thankful na sinusuportahan nyo ang story ko at binabasa nyo ito. Di ko naman akalain na may nagbabasa nito akala ko kasi wala.😅😅. Kaya maraming salamat sa inyo. -LauVea
Kaileen POV"I am back!" sigaw ko sa kanilang lahat."Oh my gosh, Kaileen is that you?" maarteng tanong ni Gladys ang pinsan ko kay Tito Liam. Anak sa labas si Karissa."Para ka namang timang, Gladys. Pumunta ka pa sa party ni mommy ko kahapon ahh!""Ay sorry I forgat."I just rolled my eyes on her. Bago lang din naming nalaman iyon. Pero tanggap naman siya ni Tita Clarissa ko. Kaya tanggap din namin siya. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.'There you are, akala ko hindi siya darating.' Napatingin ito sa akin. Habang iniinom nito ang alak na laman ng baso nito. Matiim at madilim ang tingin na ibinibigay nito sa akin."Kaileen, I am glad. Dumating ka.""Hindi pwede mamiss ko ito, Jessa. Alam mo naman ako. Kung nasaan ang party, nandoon ako."Jessa Benitez one of my collagues, nagkakilala kami sa US kung saan ako nag-aaral. Magkasama din kami sa bar hoping escapades namin sa US."Drink this, Kaileen." Ibinigay sa akin ni Jessa ang baso ng tequila.Tinanggap ko naman ito. Habang ini
Habang gumagapang ako papalabas sa kotse na sinasakyan namin ni D ay sobrang nanghihina talaga ako. Pero pinilit kong lumabas sa kotse na iyon para mailigtas ang buhay ko.Tumayo ako. Pero pagtayo ko ay may humawak sa buhok ko."Saan ka pupunta, Ayiesha?" tanong noto sa akin.Nanlaban ako pero hindi ko magawang mapuruhan ito. Dahil talagang wala akong lakas, dahil sa panghihina.Isang putok ng baril ang umalingawngaw. Nabitawan ako ni D at humarap ito sa salarin. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ito."Graige, Asian?" tanong ko.Pinaputukang muli ni Graige si D. Kaya ayon natumba ito. Agad namang lumapit sa akin si Asian, para alalayan ako. Napatingin ako kay D. May tama ito sa gitnang noo. Binuhat ito ni Graige at itinapon sa may dagat."Graige, tulungan mo ako."Iyon na lang ang tanging narinig ko dahil nawalan na ako ng malay.Nagising ako na habol ang hininga ko. Paulit-ulit ko iyong napapanaginipan, unti-unti ng bumabalik ang mga ala-ala ko at isa iyon sa mga naalala ko."Bad d
Bigla akong kinabahan sa naging reaksyon ni Sir Terrence. Kaya agad nila akong pinalabas. Pero dinig na dinig ko pa din ang sigaw ni Sir Terrence sa labas.Tinatawag ang pangalan na Ayiesha.Kinagabihan ay nagpunta si Mayor Alvarez sa bahay. Akala ko ay magagalit ito sa akin. Dahil sa ginawa ko."Please, Miss Albais, nakikiusap ako. Tulungan mo ang pamangkin ko. Sa nakita ko kanina ay parang ikaw ang sagot. Nagwawala siya kanina at tinatawag ang pangalan ni Ayiesha. Kailangan pa namin siyang turukan ng pampatulog para kumalma siya.""Sige po. Sasama po ako sa inyo.""Sigurado ka ba, Jen?" tanong ni Graige."Yes, Kuya Graige. Gusto ko din namang makatulong."Sumama ako sa mansion ni Mayor Alvarez. Namamangha pa rin ako sa loob ng mansion. Inihatid niya ako sa kwarto ni Sir Terrence."Papalagyan ko na lang ng single bed ang kwarto na ito. Para dito ka na matulog.""Sige, mayor."Napatingin ako sa lalaking mahimbing na natutulog. Nilapitan ko ito. Kaming dalawa na lang ang nandito, dahil
Agad kong pinahinto kotse na sinasakyan ko at lumabas. Pinuntahan ko iyong eskinita kong saan ko nakita si Ayiesha.Pero bigo ako. Sinuyod ko na ang lahat ng daan. Kaso wala. Hindi ko siya mahanap. Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang kamay ko."Ayiesha!" sigaw ko. Gusto kong mahanap na ang kapatid ko."Sir Liam. Let's go. May naghihintay po sa inyo."Tinignan kong muli ang eskinita na iyon. Baka sakaling lumabas si Ayiesha. Pero bigo ako. Naglakad na lang ako muli papuntang kotse at sumakay.Bago kami umalis ay tinignan kong muli ang eskinitang iyon.Jen POVMuntik na. Muntik na akong makita ni Kuya Liam. Yes, bumalik na talaga ang ala-ala ko 5 months ago. Pero di pa lahat.Habol ko ang hininga ko. Dahil sa ginawa kong pagtago at pagtakbo. Ayaw ko siyang pagtaguan. Pero may pumipigil sa akin na magpakita sa kanya."Best."Napakislot ako, dahil sa ginawa ni Asyang."Ano ba. Nakakagulat ahh!" sigaw ko sa babae."Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bumalik ako. Kasi hindi ka sumunod sa aki
After 3 yearsJen POVPabaling-baling ang ulo ko. Mula sa aking kinahihigaan. Nagising ako na sobrang pawis ko."Nanaginip ka na naman?" tanong nito sa akin.Hindi ko alam kong ilang oras lang ang tulog ko. Sa loob ng tatlong taon na wala akong maalala ay palaging bumabalik sa akin ang mga panaginip na iyon."Magpapahangin lang ako."Lumabas ako sa kubo na iyon. Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Sa loob ng tatlong years ay wala akong maalala. Ang tanging sinabi lang sa akin ni Graige ay nakita niya ako sa dalampasigan. Sa loob ng tatlong taon ay ang isla na ito ang naging tahanan ko.Kahit na anong gawin ko ay wala akong maalala. Kahit na anong gawin ko ay hindi ko alam kong sino ako. Pangalan ko ay di ko din alam. Kaya pinangalanan na lang akong Jen ni Craige.Dahil malapit ng mag-umaga ay nagsidatingan na ang mga mangingisda."Jen!"Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Nginitian ko si Asyang. Ang babaeng naging kaibigan ko sa isla na ito.Madami namang nakatira sa i
Gumanti ako ng putok. Kaya nalaman ng kampo ni D na nandito kami. Isa-isa naming napatumba ang mga kalaban mula sa labas.Nakapasok na kami sa mansion. Bawat makasalubong namin ay binabaril namin.Ayiesha POVHilam ang aking mukha at mga mata ng aking mga luha. Hindi ko matanggap ang ginawa nila kay Terrence.Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang hiyaw ni Terrence na tanda na nasasaktan ito. Hindi ko mapigilan ang lumuha.'Isa lang naman ang gusto ko, Ayiesha. Ikaw. Sumama ka sa akin, makakaligtas ang mahal mo.'Iyon ang sabi sa akin ni D. Hindi ko kaya na iwan sila. Pero hindi ko naman kaya na makitang nahihirapan si Terrence. Kaya kahit na masakit ay kailangan kong magsakripisyo. Terrence is my life. He is my life.Bumukas ang pinto ng kwarto. Nasa paanan ako ng kama nakayukyuk at umiiyak."Kung ako lang sana ang pinili mo. Hindi nila mararanasan ang lahat ng ito.""Kahit anong gawin mo. Hindi ikaw ang pipiliin ko. Pero dahil sa ginawa mo. Wala akong choice."Tumawa ito. "Wala