Share

The Mafia Boss Wrath
The Mafia Boss Wrath
Author: Jane_Writes

Prologue

Sa isang mamahaling hotel sa Manila.Nagdiriwang ng bagong taon ang buong pamilya ng mga Huxley.

Ang batang si Vernon Huxley at ang bunsong kapatid nitong babae ay masayang naglalaro sa isang hotel room.

Excited ang batang si Vernon sa pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi. Mahilig kasi siya sa fireworks sa tuwing sumasapit ang bagong taon. Malambing at masayahin si Vernon. Habang naglalaro siya ng laruang robot. Tinawag sila ng kaniyang magulang upang magtungo na sa rooftop ng hotel.

Masayang tumakbo papa labas ng hotel room ang batang lalaki. Siya'y sampung taong gulang, at ang kaniyang bunsong kapatid naman ay edad pitong taong gulang.

Nang makarating sila sa rooftop ilang segundo na lamang ay papatak na sa alas-dose ng gabi. Ang gabing hindi malilimutan ng batang si Vernon Huxley

“Vernon, let's count down.” Ani ng kaniyang ina sa masayang tono ng boses.

Ngumiti ng pagkalawak-lawak ang batang si Vernon. Kasabay no'n ay nagsimula siyang magbilang ng sampu.

“10, 9, 8,7,6,5,4…”

“Happy New Year!” sigaw nito habang nakatingin sa kalangitan.

Ang iba't ibang klase ng fireworks ay nasaksihan ng batang si Vernon kasama ang kaniyang pamilya. Maingay ang paligid at makukulay na fireworks ang malayang nakikita nito. Habang abala si Vernon sa panonood ng mga fireworks ay kasabay no'n ang malakas na putok ng baril na nanggaling sa likuran ng kaniyang ina.

Gulat na napabaling si Vernon sa kaniyang ina na nakabulagta sa malamig na sahig.

Nakita ni Vernon ang mga armadong lalaki na nakatutok ang mga baril sa kaniya at sa kaniyang ama at bunsong kapatid.

“ Mommy!” Umiiyak na dinaluhan ni Vernon ang kaniyang ina na naghihingalo dahil sa tama ng bala sa gilid ng dibdib nito.

“Veronica! sigaw ng kaniyang ama. Binalingan ni Bernard ang mga armadong lalaki.

“Mga hayop kayo! Bakit niyo dinamay ang pamilya ko?!” Nangagalaiting tanong ni Bernard sa mga ito.

“ Bakit? Simple lang Mr. Huxley, gusto kong mawala kayo sa mundong ito! At ako na ang sasambahin ng mga tauhan mo!” malademonyong sabi ng leader ng mga armadong lalaki.

Takot ang nararamdaman ni Vernon sa mga oras na iyon.

“Mommy, please gumising ka,” ani Vernon sa kaniyang ina.

“ H'wag mong sasaktan ang mga anak ko, Diego! Ako na lang ang patayin mo,” nakikiusap na saad ni Bernard kay Diego.

Nginitian lamang siya nito bago binalingan ng tingin ang batang si Vernon.

“Kamukhang- kamukha mo ang anak mo Bernard. Hayaan mo, bubuhayin ko sila. Hindi naman ako gano'n kasama,” Ani nito sa kaniyang ama.

“ Ang sama mo, you killed my mother!” sigaw ni Vernon. Tumayo ito mula sa pagkakaluhod at sinugod si Diego. Dahil isa lamang siyang paslit ay wala siyang magawa kundi paghahampasin si Diego ng kaniyang maliit na palad. Tumawa ng pagak si Diego na animo'y natutuwa, sa ginagawa ni Vernon.

“Vernon, come here.” Nag-aalalang saad Bernard sa kaniya.

“C’ mon, Little boy. Tinatawag ka ng mabait mong ama,” saad ni Diego sa kaniya.

“Ang sama mo! You killed my mother! ” paulit-ulit na saad ni Vernon.

“Men, ilayo niyo ang batang ito.” utos ni Diego sa tauhan nito. “ Wait, may naisip akong laro, Bernard. Ano, game ka ba?” baling ni Diego kay Bernard.

Walang magawa si Bernad kundi manatili sa kinatatayuan nito. Pilit niyang itinatago sa kaniyang likuran ang bunsong kapatid ni Vernon na walang kaalam- alam sa nangyayari.

“Ano ba ang binabalak mo Diego? Alam kong magka-away tayo sa negosyo. Pero bakit mo pinatay ang asawa ko?” may pait na pagkakasabi ni Bernard dito.

“ Mahal kong kaibigan, bobo ka ba? Gusto ko lang nawala ang buong pamilya mo sa mundong ito. Pero, may isang paraan para mailigtas ang anak mo,” itinutok ni Diego ang kaniyang baril sa ulo ni Vernon. Iyak nang iyak ito dahil sa takot na nararamdaman.

Hawak- hawak siya ng isang armadong lalaki sa tabi ni Diego.

“ Mommy, Daddy, help me!” takot na saad ni Vernon.

“ Daddy, bakit umiiyak si Kuya? Inaaway po ba siya ng mga may hawak ng gun?” inosenteng tanong ng nakababatang kapatid ni Vernon.

“Sweety, magiging okay din ang lahat. Don't worry your ililigtas ko kayo dito,” Ani Bernard sa kaniyang anak.

“Nakakatuwang marinig mula sa ‘yo ang mga katagang ‘yan Bernard. But look, wala na kayong takas. Your wife is died now, at susunod ka na.” Inangat nito ang hawak niyang baril at itinutok ito sa ama ni Vernon.

“ Die,” kasabay no'n ang pagkalabit nito sa gatilyo ng kaniyang baril. Sa isang iglap tumagos ang bala sa tiyan ng ama ni Vernon.

“ Daddy!” sigaw ni Vernon at nagpumilit na makaalis sa pagkakahawak ng armadong lalaki sa kaniya.

Nang makawala siya ay kaagad niyang dinaluhan ang ama. Simula ng dugo ang kaniyang ama katulad sa kaniyang ina.

“ Please, wake up.” Anito sa ama.

“Niyakap ni Vernon ang kaniyang bunsong kapatid na ngayon ay tulala at nakatitig sa kanilang ama.

“ Sorry my two little angel,” nahihirapang saad ng ama ni Vernon. “Please, itakas mo ang kapatid mo V-vernon,” pakiusap ng kaniyang ama sa kaniya.

Kumalas sa pagkakayakap si Vernon sa kaniyang kapatid at umiiyak na niyang nilingon ang mga armadong lalaki.

“Please po, huwag niyo po kaming patayin. Mabait naman po ang daddy at mommy ko bakit niyo po sila gustong patayin?” naguguluhang tanong ni Vernon.

“Ito ang kapalaran ng magulang niyo little Boy, at isasama ko na rin kayo. Para wala ng hadlang sa mga plano ko. Mabilis na itinutok ni Diego ang kaniyang baril sa bunsong kapatid ni Vernon at isang nakabibinging alingawngaw ng baril ang sumakop sa tainga ni Vernon. Sinundan niya ng tingin ang unti- unting pagbulagta ng kaniyang bunsong kapatid sa katabi ng kaniyang ama. Na wala na ding buhay.

“ Hayley!” parang gumuho ang mundo ni Vernon na halos ang taong mahal niya sa buhay ay parehas nakabulagta sa sahig. At wala ng buhay.

Kasabay ng pagluhod ni Vernon ang alingawngaw ng sasakyan ng mga pulis. Mula sa ibaba ng rooftop.

“ Boss, kailangan na nating umalis. Mukhang papunta na dito ang mga pulis,” rinig ni Vernon sa isang armadong lalaki.

“ Okay, maiwan ka dito. Siguraduhin mong walang matitirang buhay sa kanila,” parang demonyong bilin ni Diego sa kaniyang tauhan.

Sinunod ng kaniyang tauhan ang utos nito. Umalis si Diego at iba pang tauhan sa rooftop. Samantalang nagmadaling lumapit sa kaniya ang isang armadong lalaki. At nilapitan ang kaniyang ina at ama, na sinusuri kung buhay pa ba ito o hindi. Nang masigurado na wala nang buhay ang mga ito nilapitan si Vernon ng armadong lalaki at pilit siyang pinapaharap.

Akala ni Vernon ay katapusan na rin niya ngunit hindi niya inaasahan na bubuhayin siya ng tauhan ni Diego.

“ Hindi kita papatayin, gusto ko mabuhay ka. Hindi ko gustong maging masamang tao, Iho. Pero kailangan ko ng pera para sa anak ko, sana patawarin mo 'ko.”

“ You'll killed my family, patayin niyo na rin ako. I don't have a family now,” galit ang namutawi kay Vernon. Gusto niyang ipaghiganti ang kaniyang pamilya ngunit siya ay isang bata lamang.

“ Patawad pero hindi ko kaya iho. Mabuhay ka upang pagdating ng panahon maipaghiganti mo ang iyong magulang at ang kapatid mo Iho. Patayin mo ako pagdating ng tamang panahon,” pagkasabi ng armadong lalaki ay iniwan si Vernon na walang magawa kundi titigan at iyakan ang kaniyang kapatid at magulang.

“ Balang araw, hahanapin ko kayo at pahihirapan. Hanggang sa magmakaawa kayo na patayin ko na lamang kayo at ang buong angkan niyo—”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ms.Ivymadrama
woow ang Ganda umpisa palang.. nanabik pa akong basahin ang next episodes........️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status