THIRD PERSON POINT OF VIEWUmaga na ng makauwi ang dalaga sa bahay ng kaniyang magulang. Mabuti na lang talaga ay nagising siya sa hotel room ng maaga. Hindi naman talaga siya nakatulog ng maaayos sa hotel room, una sa lahat kasama niya ang kaniyang boss. At sumunod hindi siya makatulog dahil sa nangyari last night. “OMG, sweetie I super miss you. ” Salubong sa kaniya ng ina, pagkapasok na pagkapasok niya pa lamang sa pinto ng bahay nila. Ngumiti ang dalaga.“Mom, I miss you too.” Saad ng dalaga habang nakayakap sa kaniyang ina. Dinaig pa nila ang nagkalayo ng mahabang panahon dahil miss na miss nila ang isa't isa. Kumalas ang dalaga sa pagkakayakap sa kaniyang ina at iginaya ng dalaga ang ina sa living room upang maupo. “Mom, tumawag po ba sa inyo si Harold sa inyo? Hindi ko kasi siya ma- contact kagabi,” saad ng dalaga sa ina.Hinaplos ng ina ang makinis na pisngi ng dalaga. “Naku, ang dalaga ko. Mahal na mahal mo talaga ang nobyo mo,” anas ng ina sa kaniya. Ngumiti ang dal
“ Hey? Are you okay Ms Scott?” tanong ni Vernon sa dalagang namumutla na dahil sa matinding takot.“Hey?” “Did you hear me?” tanong nitong muli. “ I am scared,” tanging sambit ni Avyanna habang nanginginig ang kamay. Bumuntong hininga si Vernon bago napagpasyahang i- park ang minamanehong sasakyan sa gilid ng hotel. Parang walang nangyari, dahil mahinahon pa rin ang binata. Samantalang dumaan sila sa panganib kanina habang nasa gitna sila ng daan. Mabuti na lang talaga, marami siyang tauhan kanina. “Dont be scared, everything is okay.” Formal na saad ng binata sa kaniya. Tumingala ang dalaga upang siya'y tignan. “Huwag matakot? Sir, nasa panganib tayo kanina. Kahit sinong tao matatakot,” may halong inis na sambit ng dalaga sa kaniya. “Takot na takot ako kanina. Hindi ko alam kung bakit nila tayo gustong patayin. Wala naman akong ginagawang masama. At higit sa lahat wala akong inaapakang tao,” sambit pa ng dalaga. Sa hindi malamang dahilan, umigting ang panga ng binata. Na k
“Galit si boss?” “Bigla-bigla na lang nagmumura habang may kausap sa cellphone.” “Oy, baka marinig tayo ni Boss, talagang masisibak tayo.” “Iyan na pala si secretary Avy.” Bulungan ng mga co-officemate ng dalaga, kararating niya pa lamang sa building ng opisina nang binatang CEO. Mabuti na lang talaga ay mabuti ang kalooban ng kaibigan ng boss niya kung kaya't nakarating siya sa opisina ng walang kahirap-hirap. Hulog ng langit kung tawagin, samantalang hulog ng lupa ang boss niya. Hindi na lamang niya pinapansin ang hindi matapos-tapos na bulungan ng katrabaho niya kaya nagtungo na lamang siya sa office ng binatang CEO. Sumalubong sa kaniya ang nagbabagang tingin ng binata na kaniyang ipinagtaka. “You're late!” Gusto ng dalaga na matawa dahil sa sinabi ng boss niya. Siya late? Samantalang hindi siya mali-late ng bente minuto kung hindi niya siya nito iniwanan sa condo. “Nahanginan ata ulo ni sir.” “Pasensya na sir kung late ako ha? Hindi naman po ako mali-late kung hindi n
“Kung ito kayang kulay ng necktie ang suotin mo Sir?” Inabot ng dalaga ang kulay itim na necktie sa binata. Inutusan siya ng binata na maghanap ng susuotin para sa pagpasok sa opisina. Kung siya kasi ang tatanungin ay lahat ng mga kasuotan na nasa kabinet ng binata ay puro magaganda. Dahil lahat naman ng kulay ay bagay sa binatang CEO, hindi maintindihan ng dalaga kung bakit sobrang arte nito sa mga kasuotan. “I think,” sinundan ng dalaga ang itinuturo ng hintuturo ng binata. Tumigil ang paningin niya sa kulay itim na necktie, “ this one.” pagkasabi ng binata ay kaagad na lumipat ang hintuturo nito sa kulay grey na necktie. Nagpupuyos namang kinuha ng dalaga ang itinuro ng binata. Nang mahawakan niya ito ay kaagad siyang lumapit dito, upang isuot na ang necktie sa leeg ng binata. “ Ito na po ba talaga?” tanong ng dalaga dito. Gusto niyang kumpirmahin muna sa binata kung ito na ba talaga ang necktie na gustong gamitin. Tumango lamang ito, matapos niyang ilagay ang necktie sa
“ NAKAKAINIS! Sir Vernon is a cold man, wala siyang pakiramdam. Napakasungit pa,’’ ngitngit ni Avyanna ng makauwi siya galing sa office na pinagtatrabahuhan niya. Pasado alas otso na siya ng makauwi siya, bukod doon ay ang daming ipinagawa sa kaniya, ng binatang CEO. Kanina nga lang ay pinagbuhat siya ng sobrang daming files upang dalhin sa kabilang department. Punishment daw iyon sa kaniya dahil sa pagiging madaldal niya. Kaya ganoon na lamang ang pagkainis ni Avyanna sa boss niya. Gayunpaman ay ayaw niyang na fired bilang secretary, gusto niyang patunayan na kaya niyang tiisin ang ugali ng CEO. Naupo si Avyanna sa gilid ng kama niya, hawak-hawak niya ng kaniyang cellphone. HINIHINTAY niya kasing tawagan siya ni Harold Chan, kanina kasi ay hindi sila nakapag usap ng maayos. Isa sa problema niya ay ang bagong rules ng boss niya, kilangan niya kasing pumunta sa condo nito dahil kailangan niyang asikasuhin ang binatang CEO sa pagpili ng susuutin sa pagpasok sa opisina. Isa d
“Sir, tapos na po ako sa pinapagawa niyong checking sa mga files. May ipagagawa pa po ba kayo?” tanong ni Avyanna matapos niyang ilapag ang mga files sa table ni Vernon. Second day niya pa lang bilang secretary nito ay halos hindi na mabilang ang mga inutos nito sa kaniya. Umangat ang tingin ng binata sa kaniya. “Are you sure?” paniniguro nito sa kaniya. Tumango siya. “Yes, sir. Tapos ko na lahat iyan,” kumpyansang saad ni Avyanna dito. “Good. ” muling binalingan ng tingin ni Vernon ang laptop na nasa harapan niya. “Give me a coffee,” utos nito sa kaniya ng hindi tumitingin sa kaniya. Tumango siya kaagad. “Noted, sir. Wait a little minute,” Aniya. Hindi ito sumagot kaya nagtungo na siya sa office coffee machine at kumuha ng isang tasang mainit na kape. Kaagad rin naman siyang nakabalik sa office at marahan niyang inalapag sa table ng binata. “Here is it. Enjoy your coffee sir,” nakangiting sabi niya dito.Vernon just nodded. Tinignan nito ang isang tasang kape at inabot. “