Share

The Mafia Boss Wrath 1

“Dad, gusto kong magtrabaho sa kumpanya.” Saad ni Avyanna sa kaniyang ama, nasa hapag-kainan sila habang kumakain ng umagahan. Kaharap ni Avyanna ang kaniyang kakambal na masama ang tingin sa kaniya.

“So, gusto mong magtrabaho sa ating kumpanya , Avy?” paniniguro ng kaniyang ama. Alam kasi ng kaniyang magulang na ayaw niya sa kumpanya magtrabaho. Dahil do'n din nagtatrabaho ang kakambal nito. Kaya nagulat na lamang si Arman nang sabihin ni Avyanna ‘yon.

“ Is not I mean, dad. Gusto ko pong magtrabaho sa ibang kumpanya,” Aniya. Napatikhim si Arman dahil sa sinabi niya. Hindi kasi inaasahan ni Arman na iyon ang sasabihin niya. Avyanna know's na ma-o- offend ang parents niya dahil sa kaniyang desisyon. Pero siya na ang gumagawa ng paraan para umiwas sa kaniyang kakambal. Sa tuwing nagkakasama kasi sila sa iisang lugar ay lagi silang nag-aaway.

“Avy? Are you joking, Sweetheart?” tanong ng kaniyang ina nasi Elena.

Inilapag niya ang kaniyang hawak- hawak na baso at tinignan ang ina. “Mom, I hope na maintindihan niyo ako. Ito lang po ang hinihingi kong pabor sa inyo, hayaan niyo po na magtrabaho ako sa ibang kumpanya bilang isang employee.” Aniya sa mahinahong boses.

“But, we have our own company. Kayong dalawa lang ni Ariana ang magmamana no'n. Kaya dapat sa atin ka magtrabaho,” litanya ng ina.

Nagawi ang kaniyang atensyon sa kaniyang kakambal na si Ariana. “ Mom, Dad, hayaan natin siya. Hindi naman siya kawalan,” umismid si Ariana matapos niyang sabihin iyon.

Napabuntong hininga si Avyanna. “Ariana, alam ko naman na mas gusto mong wala ako sa kumpanya. Kaya heto ako, humihingi ng pabor sa magulang natin na magtrabaho ako sa ibang kumpanya,” paliwanag niya sa kakambal. “ Dad, Mom, payagan niyo na po ako. Kahit One Year lang, hayaan niyo po akong magtrabaho sa ibang kumpanya and after that sa kumpanya naman natin ako magpo- focus,” nagmamakaawa niyang sabi sa mga ito.

“Okay, but… promise me na kapag nahihirapan ka sa trabaho. Magresign ka, ayaw kong nahihirapan ang mga prinsesa ko,” malambing na Ani ng kaniyang ama. Napatayo si Avyanna dahil sa tuwa, nilapitan niya ang ama at hinalikan ito sa pisngi. Ganito siya ka- sweet kahit na dalaga na siya ay hindi nawawala sa kaniya ang pagiging malapit sa magulang.

Natawa ng mahina si Arman dahil sa labis na tuwa ni Avyanna. “Yes, Dad. I will, thank you so much,” maligaying sambit niya sa ama. Lumapit naman siya sa kaniyang ina at akmang hahalikan niya ito ng pinigilan siya ng kanyang ina.

“Ikaw, talagang bata ka. Ang dami mong gustong gawin at ang pinaka gusto mo ay lagi kang nahihirapan,” napailing si Elena. Ang totoo kasi ay ayaw niyang nahihirapan si Ariana at lalong- lalo na si Avyanna. May asthma kasi ito kaya natatakot si Elena na baka atakihin ito ng asthma.

“Mom, don't worry. Kaya ko naman magtrabaho at isa pa hindi naman gano'n kalala ang asthma ko,” saad ni Avyanna. Kahit hindi niya tanungin sa ina kung bakit nagsusungit ito dahil sa kaniyang asthma.

“Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ina mo lang naman ako,” masungit na saad ni Elena sa kaniya.

Pagkakuwan ay nagawi ang atensyon nila ng tumayo si Ariana mula sa pagkakaupo.

“Ang aga-aga mga nag e-emote kayo. At ikaw, h’wag kang magpaawa kay mom and dad. Hindi bagay sa’yo,” mataray na sabi ni Ariana. “I’II go now, nakakawalang gana kayo,” dugtong pa nito.

“Ariana hindi pa tayo tapos kumain,” saad ni Arman sa seryosong tono. Ngunit hindi ito pinansin ni Ariana at iniwan sila sa hapag.

“Hayaan mo muna siya, Avy. Laging may red day's iyang kakambal mo. ” Saad ng ina kay Avyanna, nalulungkot kasi siya dahil wala na atang pag-asa na magkakasundo sila ng kaniyang kakambal. Ngumiti na lamang siya bago bumalik sa pagkain. Hanggang sa matapos siya at nagpa-alam na aalis na upang maghanap ng trabaho.

Excited siyang umalis ng kanilang bahay. Dahil hindi siya hinayaan ng ama na sumakay sa pampublikong sasakyan ay wala siyang magawa kundi gamitin ang kaniyang sasakyan. Bagamat na hindi pa niya nakakausap ang kasintahan tungkol sa pag-a-apply niya sa ibang kumpanya ay nais niyang sa ibang araw na lamang niya sasabihin ang tungkol sa job na nais niya.

Napasapo si Avyanna ng nasa kalagitnaan na siya ng Edsa. Naalala niya na monday pala ngayon kaya sobrang traffic.

“ Sana matanggap ako sa kumpanya na gusto kong i-take,” bulalas niya habang naghihintay na umusad ang traffic.

Gusto niyang maging isang secretary, dahil nabalitaan niya na nagha-hire ng new secretary ang kumpanya na nais niyang pasukan ay hindi na siya nagdalawang isip na ayusin ang kaniyang resume.

Confident naman siya na matatanggap siya pero hindi niya maiwasan na kabahan. First time niyang mag-apply bilang isang employee nasanay kasi siya na walang iniisip na trabaho. Pero dahil na- realize niya na nais niyang mag- explore.

Nakahinga ng maluwag si Avyanna ‘Avy for short’ ay sa wakas nakarating siya sa pinaka sikat na kumpanya sa Pilipinas at sa ibang panig ng bansa. Ang Huxley Corporation, hindi niya pa nakikilala ang bagong CEO ng kumpanya dahil sa yumao na ang dating CEO nito. Nakaraan niya lang nalaman na may bagong CEO na ang mamamahala sa kumpanya. Maski ang dati nitong pangalan ay pinalitan at ngayon ay Huxley na ang pangalan ng kumpanya.

Nag-park siya sa parking area at lumabas ng sasakyan na ang bitbit lang ay ang kaniyang kulay itim na backpack, at ang kaniyang resume na gagamitin sa pag-apply. Nakasuot siya ng formal na damit na talagang pinaghandaan niya.

“Kaya mo ‘yan Avyanna Scott,” pag cheer niya sa sarili.

Nagtungo siya sa guard upang ipakita ang ID niya.

“Sa 50 floor po para sa mga mag a-apply as secretary po ma'am,” magalang na saad ng guard sa kaniya. Nginitian niya ang guard at kinuha ang ID. Pumasok siya ng building at nagtungo sa elevator. Sakto na pagkarating niya do'n ay siya namang bukas ng elevator. Kaya sumakay siya at pinindot niya ang 50 floor at hinintay niyang tumigil ang elevator sa kaniyang distinasyon.

Huminga ng malalim si Avyanna at siyaka niya ito pinakawalan. Lumabas siya ng Elevator nang huminto ito sa 50 floor.

Kaagad na bumungad sa kaniya ang mahabang pila ng mga aplikante na sa tingin niya ay katulad niya rin na mag-a-apply.

Mga fifteen na aplikante ang mga nandito at siya'y panghuli. Naririnig niya ang mga bulungan ng mga kapwa niya dalaga na galing sa loob ng office. Na sa tingin niya ay pasado sa unang interview.

“Ang bilis lang naman pala ng interview akala ko kailangan ko pa mag-search sa g****e,” rinig n'yang sabi ng isang babaeng halos lumabas na ang kaluluwa dahil sa suot nito.

“Pero, ang mag-iinterview na sa atin sa 51 floor ay ang bagong CEO raw. Mukhang lalaki ang bagong CEO sana guwapo at matikas ang pangangatawan.”

Napailing na lamang si Avyanna dahil sa mga naririnig. Binigyang pansin niya lamang ang kaniyang resume at muling binasa. Nakasaad sa kaniyang resume ang tungkol sa kanyang background. Namalayan na lamang niya na siya na ang papasok sa interview room. Kaya inayos nya ang sarili at bago harapin ang mag-i-interview sa kaniya.

Tama nga ang narinig niya kanina. Na madali lamang ang interview kaagad siyang pinasunod sa ibang aplikante sa 51floor para sa final interview ng CEO.

Napamaang siya ng makarating siya sa 51floor. Bumungad sa kaniya ang ibang aplikante na bagsak ang balikat pagkalabas ng office. May ilan naman na kahit hindi tanggap bilang secretary ay masaya pa rin matapos makita ang bagong CEO ng kumpanya.

May narinig siyang bulungan tungkol sa CEO. Binata raw ito at guwapo. Ngunit ang seryoso daw nito at bilang lang ang mga salitang lumalabas sa bibig nito.

Isina-walang bahala lamang niya iyon ng may lumapit sa kaniyang isang aplikante.

“Mag-a-apply ka?” tanong nito sa kaniya. Tinignan ni Avyanna ang babaeng nagtatanong at kaniyang tinanguan ito.

“ Kung hindi ako nagkakamali ikaw ‘yong kakambal ni Ariana Scott. Tama ako ‘di ba?” kinunutan ng noo ni Avyanna ang babae dahil hindi niya makuha ang gusto nitong iparating.

“Miss, may kailangan ka ba sa akin?” aniya.

“Wala naman akong kailangan sa ‘yo, ang akin lang. Bakit mag-a-apply ka kung may sarili naman kayong kumpanya?” tanong nito sa kaniya.

Nginitian niya ito. “ I just want to apply, masama ba kung mag-apply ako?” balik niyang tanong sa babae.

Napaismid ang kaharap niya dahil sa tanong niya. “ Labas ang personal na buhay ko sa gusto kong gawin ngayon, Miss. If you don't have any question, maiwan na kita.” Saad niya at saka niya tinalikuran ang babae. Nagtungo siya sa pintuan dahil siya na ang next na papasok sa loob ng office.

At nang siya na ang papasok hindi niya alam sa sarili kung bakit kinakabahan niya sa mga oras na ito.

Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang resume na nakalagay sa puting folder. Iniabot ni Avyanna ang kaniyang resume sa assistant ng CEO na si Vernon Huxley.

Nang makita niya ang bagong CEO ay halos mapangha siya dahil binata nga ito at habulin ng mga babae.

Unang kita pa lamang niya sa bagong CEO ay may pakiramdam siya na hindi simpleng CEO ang kaniyang kaharap. Ngunit kaniyang isina-walang bahala lamang iyon ng tanungin na siya ni Vernon.

“So,your name is Avyanna Scott. Nice name huh?” kahit simple lamang ang pagkakabigkas sa kaniyang pangalan ng binata ay parang napaka-espesyal nito sa kaniyang pandinig.

“Why our company Miss Scott?” seryosong tanong ng binata sa kaniya.

Ilang segundo hindi sumagot si Avyanna. .

“I want to explore other companies, Sir. I want to apply as secretary, one of the things I want to work in your company sir,” sagot ni Avyanna.

Nagpatango-tango si Vernon habang nakatingin sa resume ni Avyanna. “ You have own company, ayaw mo bang magtrabaho sa kumpanya niyo?” tanong nito.

Kaagad na umiling si Avyanna. “Is that I mean, Sir. My personal life is not that involved in whatever I want to do now, Sir. Sa magulang ko lamang ang kumpanya at anak lang nila ako. Gusto kong magsikap, at gusto kong pinaghihirapan ko ng husto ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko,” pormal na sabi niya sa binata.

“That's good answer, Miss Avyanna. ” Saad ni Vernon, prente itong nakaupo sa kaniyang swivel chair habang hindi tinitignan si Avyanna.

Magandang pagkakataon para sa kaniya na umaayon sa kaniya ang tadhana.

“Alright, you can leave now. My assistant call you once you passed,” saad ni Vernon at tinignan niya ito.

Tumango si Avyanna at ngumiti. “Thank you sir, I will leave now.”

Matapos lisanin ni Avyanna ang office ni Vernon ay napangisi si Vernon.

Sino ba naman ang hindi matutuwa kung umaayon na sa ‘yo ang magandang pagkakataon?Hindi inaasahan ni Vernon na madali na niya lamang malalapitan ang taong pumatay sa kaniyang kapatid at magulang.

Kinuha ni Vernon ang kaniyang mamahaling cellphone at hinanap ang former assistant niya. Sinabi niya sa kaniyang assistant na paalisin na ang mga aplikante na mag-a-apply bilang secretary. May napili na siya na magiging secretary niya. Ang totoo, halos lahat ng nag-apply ay hindi nakapasa sa taste ng binata. Balak ni Vernon na sa susunod na linggo pagsimulain ang napili niyang secretary. May kailangan kasi siyang ayusin bago mag-focus sa kumpanya.

Pagkatapos niyang kausapin ang kaniyang assistant ay kaniyang tinawagan ang kanang kamay niya.

“Be ready, may papatayin tayong mga langaw,” nakangising saad nito sa kausap. Iyon lamang ang sinabi ni Vernon ay kaniyang pinatay ang tawag.

Ang tinutukoy niyang langaw ay ang mga druglord na papatayin niya mamayang gabi.

Vernon Huxley is a Mafia Boss. Ang maganda niyang background bilang bagong CEO ay kabaliktaran ng totoo niyang pagkatao.

He killed the all bad people, lalo na ang mga gumagawa ng illegal sa bansa. Wala siyang kinatatakutan, sa pagpatay ng mga masasamang tao lamang siya lumiligaya. He's a Mafia, pero hindi siya pumapatay ng mga inosenteng tao. Marami ang gustong pumatay sa kaniya ngunit ni isa ay walang nagtatagumpay.

Ang bawat pagpatay niya sa mga masasamang tao ay iyon ang tamang katarungan para sa mga inosenteng tao na ginagawan ng masama.

Ang mga sindikato na may malaking transaksyon ay kaagad niyang nalalaman sa tulong ng kaniyang kanang kamay.

Ngunit ang galit na nakatanim sa puso ni Vernon ay hindi mawawala. Hangga't hindi niya nabibigyan ng katarungan ang kaniyang pamilya. At hangga't nabubuhay siya ay hindi siya titigil na mahawakan sa mismong leeg ang taong dahilan kung bakit nag-iisa na lamang siya ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status