Feleona's POV
.
Calm down self, let it flow, let it go. My mind speaks in silence while letting the cold water into my face. Gusto kong mahimasmasan sa sarili at nang sa ganoon ay magising ako sa masamang panaginip na ito. Sumabay ang patak ng luha ko sa tubig na pumapatak sa mukha ko galing sa shower.
If only I could turn back the time and stop her from going away, she would still be alive. But no, I was also stupid, so much stupid like her.
Pinatay ko na ang shower at mabilis na inayos ang sarili. Nagpalit ng damit at pinili ko ang paboritong damit niya.
I smiled holding the sexy maroon party dress. Naalala ko lang na binili niya ito para sa akin, pero siya at unang nag-suot nito.
Hmp, that lunatic, Careina! Sigaw ng isip ko.
I fix myself, trying to be the most beautiful woman tonight. I know it may be too late, but I want to remember her by doing this.
Isang taon na din simula nang mawala si Careina at iniwasan ko na ang mundong ganito.
I promise myself that I will no longer trust anyone, which is still valid. My whole world stopped when we lost my dear cousin, my only girl cousin. . . Hindi lang naman siya ang nawala, dahil nakasama si Pinokyo ko. . . And here I am, standing in front of the mirror feeling broken for the past year.
I don't want you to stop dreaming when I'm gone, Feleona. Live a life you wanted and remember, it's your life, and no one can dictate to you but only yourself. You are the master of your life. So, feel free to choose your way. We only have one life, Fel. . . and I believe we should fall in love with the right person even if that person is our enemy.
-Cariena Siobeh Costellos-
Napakurap ako nang makailang beses dahil ayaw kung pumatak ang luha sa mga mata ko.
How will I move on after everything? I don't know. I find it hard to move forward.
"Ang tagal mo, Fel. Nasaan ka na? Everyone was waiting, and guess what? Edward left," si Elsa sa kabilang linya. Napabuntonghininga ako at tipid na ngumiti sa sarili. Dinukot ko ang susi ng kotse at pinaadar ang sasakyan ko.
"I will be there in five minutes, Els. Wala akong pakialam kung tayong dalawa lang."
"Gaga! Magsasara na rin kaya ang club na ito. Sa labas na lang tayo magkita. Lilipat tayo sa kabila. Rinig ko maganda raw roon at maraming preskong fafang na gwapo," siglang boses niya.
"Okay. I will see you then." Tango ko at pinatay na ang tawag. Mabilis kong pinaadar ang sasakyan at mabilis din akong nakarating sa venue.
I parked my car diagonally and saw Elsa outside the Midnight Club. She was right when she told me earlier that the club was shutting down.
Napatingin na tuloy ako sa suot kong relo at alas dos pa lang naman. Ang aga naman yatang nagsara ng club na ito.
Napakaway si Elsa nang makita ako at patakbo ang hakbang niya papalapit sa kotse. Pumasok agad siya sa kabilang pwesto at ngising tinitigan ang kabuuan ko.
"Wow! You look - great!"
"Thank you," I responded without looking at her because my eyes were busy looking at the group of young teenagers up the road.
"Are we going to get wasted?"
I shake my head and started the ignition. Napako ang mga mata ko sa grupo ng anim na kalalakihan na hindi kaluyan mula rito.
I wasn't listening to Elsa talking because my attention was caught on the group ahead.
"Ugh, another bullying," buntonghininga ni Elsa. Nakita niya rin ang nakita ko.
Inihinto kong saglit ang kotse at malapit lang ito sa grupo nila. Four of them are nit-picking the boy who wear thick spectacles and looks scared at them. Halata na naiiba siya sa limang mukhang gangster sa tingin ko. Nabuntonghininga na ako at lumabas sa kotse. Rinig ko rin ang paglabas ni Elsa at ang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Feleona!"
I didn't listen to her and took a step toward the boys. They all look in my direction.
"Wala na ba kayong magagawang tama?" Pamaywang ko. "Ano ba'ng kasalanan ng batang ito?" taas kilay ko.
"Wow, Pre, may pulutan na tayo," baliw na tugon ng isa, na sa tingin ko ay nasa bente ang edad niya. Siya yata ang matanda sa kanilang lahat dito.
"Hi, Miss. Joy ride?" Kindat niya at pasimpli ang ginawa niyang pagtabi sa akin. Mabilis na pinadulas ang kamay niya sa tagiliran ko at nakagat ko na ang pang-ibabang labi. Napayuko ako at napailing sa sarili.
"Close ba tayo?" inis na tugon ko. Konti na lang at sasabog na talaga ako.
Napaatras ang batang lalaki at mukhang takot ito. He looked at me and then looked down. Gusto na yata niyang umalis pero mukhang nagdadalawang isip siya dahil alam niyang maiiwan ako sa mga walanghiyang pangit na mga batang ito.
"Go," tugon ko sa kanya. "Umuwi ka na. Ako na ang bahala sa mga ito," ngisi ko.
"S-Salamat, Ate." Tumalikod agad siya at tumakbo na.
"Huwag niyo nang habulin, Pre. May sky is the limit na tayo rito," tugon ng isa sa kanila at natatawa pa sila. Ngayon lumapit na ang apat sa kanila at pinalibutan na ako.
I smile and nodded while looking at them in the eye. I can smell their scent, and I know that they all look intoxicated. Naghalo ang amoy ng alak at sigarilyo sa kanila at ito ang pinakaayaw ko.
One thing I hate about the smell is that I remember my cousin.
We party a lot those days, like crazy. And I love it with her. But things change as you age, and here I'm not too fond of the smell as it lingers in my nostrils.
"Umuwi na kayo at mag-aral." Talikod ko, pero mabilis na humarang ang dalawa sa kanila.
"Miss naman. Hindi pa tayo tapos 'di ba? Sky is the limit nga." Pilyong ngisi ng isa.
"Sky is the limit ba? O baka naman gusto ninyo na sa police station tayo mapunta," pananakot ko. Malakas ang loob ko ngayon dahil hindi ako lasing at bad trip ang araw ko.
I lost the project to an absolute jerk!
"Pakipot ka naman, Miss." Hawak ng isa sa kanila sa braso ko, pero mabilis kong tinabig ito.
"Don't touch me."
"Woah, ang tigas, pre. Nakakatakot ang boses ni Ate, pero ang seksi. Pwede na." Tawa ng isang mukhang pakwan sa kanila.
Natawa na ako. Nakikisabay ako sa tawa nila. Napalingon ako sa bandang unahan at nataranta na si Elsa. Panay ang tingin niya sa paligid at mukhang naghahanap siya ng ibang tao na makakatulong sa akin.
Napailing ulit ako at napayuko na. Naalala ko lang na wala nga naman akong alam pagdating sa labanan dahil sketch plan madalas ang hawak ko. Magaling ako sa usapang numero at madalas madaldal ako sa sarili at reklamador pa. Malakas lang ang loob ko noon sa mga punyetang bastos na mga tao, dahil may isang Pinokyo sa tabi ko na palaging nagtatangol sa akin. Ito yata ang nakalimutan ko. Tumikhim na ako at pasimpli kong tinitigan si Elsa. Wala na siya, mukhang tumakbo na yata para makahanap ng tulong.
Tumingala ako sa kawalan at napangiti sa sarili. Ito na yata ang napapala ko.
I didn't go bar hopping for a year because I feel so guilty and I hate going to bars drinking. I had enough of it.
Sumenyas ang isang lalaki at inihanda ang puting panyo na hawak niya. Mukhang alam ko na yata ang magiging kasunod nito. Kaya napaatras na ako. But then again, there was two of them behind me and I have no escape. I smirked and smile in silence and look up the dark sky.
If Careina and Pinokyo are watching me now, I'm asking if they could send a defender for me just for tonight.
"Kasalanan mo ito, Siobeh! Ba't mo pa kasi isinama si Pinokyo sa' yo! Heto tuloy, nag-iisa na lang ako!" Sigaw ko sa kawalan. Napatingala sila at napalingon ang iilan sa kanila sa paligid. Wala pa ring tao. Kami-kami lang din sa bahaging ito.
"Hindi ka naman nag-iisa, Miss. Nandito naman kami. Papainitin namin ang gabing ito. Magsasaya tayo." Hawak niya sa braso ko.
Nagpumiglas ako pero mabilis ang ginawang paghawak ng isang lalaki sa kabilang braso ko.
I could no longer move as I was surrounded by them. Alam ko na dapat ay natatakot ako ngayon. Pero hindi ko maramdaman ang takot sa loob ko. Sa oras na makawala ako ay tiyak sampal at tadyak ang aabutin ng mga bastos na ito.
"Ano ba! Sabing bitawan niyo ako ah!"
Natawa na sila at mukhang wala sa sariling isip ang mga ito. I was about to kick the one in front of me but he grab a hold of my leg.
"Shit!" I swore loud enough and panicked.
Okay, hindi na ito biro. Sa imperno na yata ako patungo. Isip ko.
"Kapag ako nakawala lahat kayo mabubulok sa kulungan! Atty ang best friend ko. Aray!"
"Judge rin ang Tatay ko, Miss." Tawa ng isa na nakahawak sa braso ko. Halos itapat na niya ang mukha niya sa mukha ko. Umiwas ako.
"Let me go!" Panghuling sigaw ko.
Wala na, wala na yata akong kawala sa mga demonyong ito dahil sapilitan ang paghila nila sa akin papasok sa van na nakaparada sa gilid.
"Ano ba! Ang bastos ah! Elsa!!" last resort ko. Pumikit na ako, dahil hinila ng lalaking nasa likod ko ang nakaponytail kong buhok.
Huh, tama nga naman si Siobeh. Hindi ko dapat tinali ang buhok ko ng ganito dahil madaling mahila at madaling hawakan. Hindi raw ako makakalaban.
Heck! Even at this worst, siya pa rin talaga ang iniisip ko. Saan kaya napunta ang kaluluwa ng babaeng iyon? Sa imperno ba o sa langit? Ang baliw kong mag-isip.
"Pre!" Tarantang sigaw ng isa nang makita nakahandusay ang tatlo niyang kasama.
Mabilis kong inayos ang sarili at hinila ang seksi kong damit pababa. Nakikita na kasi ang panty ko, dahil sa mga manyak na ito!
"Ang kapal ng mukha mo!" Lakas na sampal ko sa lalaking tulala sa tabi ko.
Namilog ang mga mata niya at akma na sana siyang susuntok sa akin, pero isang matigas at kamay ang humawak sa kamao niya.
Sino siya?
I saw how he punched and kicked their asses. He's mighty enough, like a superhero who came out from nowhere. Pero ang mas nakamamangha sa kanya ay ang kakaibang galaw niya sa bawat suntok at sipa na binibitawan niya sa mga manyak na nandito.
Two words to describe his physical appearance. . . John Cena.
Makailang ulit ang pag-kurap ko. Hindi ako makapaniwala sa sarili sa nakikita ko.
"Okay ka lang, Fel?" si Elsa, na ngayon ay nasa tabi ko na.
"H-ha?" litong titig ko sa kanya. Mabilis niyang inayos ang damit ko at mas hinila ito pababa. Hindi ko kasi napansin na nakikita pa rin pala ang panty ko. Kaloka!
"Ang cool niya. OMG, my heart 'te!" Drama ng bruha at napangiwi ako sa sarili.
Tulala pa rin habang pinagmamasdana ng kakisigan niya. Isa-isa niyang pinasok ang mga lalaking bugbog sarado sa mukha sa loob ng van at sinarado ito. He looked at us without and smile and his jaw clenches.
"Are you okay?" he asked, looking at my legs.
"Yes, she's okay, but I'm not. Can I get your number?" si Elsa sa kanya.
Napalingon ako kay Elsa at pinandilatan ko siya ng mga mata.
"Don't wander around wearing like that, Miss." Titig niya ulit sa kabuuan ko. E, ako lang naman ang seksi sa amin dalawa ngayon ni Elsa dahil nakapantalon naman siya.
"And find a decent job. Being a hooker doesn't suit you." He smirked, looked away and turned around. Tumalikod na siya at mabilis na pumwesto sa van at pinaandar ito. Napaawang lang din ang labi ko, hanggang sa mahimasmasan ako sa sinabi niya.
"H-hooker? A-ako?" Titig ko kay Elsa na ngayon ay nakangiting pinagmamasdan siya. Hahakbang na sana ako para lapitan siya pero nahinto lang din ako nang makita na inilagay niya ang LED lights na magnetic sa ibabaw ng sasakyan at umilaw ito.
Oh heck! Pulis ba siya? Isip ko at tulalang pinagmasdan ang pag-alis ng sasakyan mula rito.
.
C.M. LOUDEN
Disclaimer: Rated 18 (Mature content) Under Del Fiore-Ferrero-Montanari Series A stand-alone novel. This book is a work of fiction. All the characters in this book have no existence outside the imagination of the author and have no relation whatsoever to anyone bearing the same name or names. They’re not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author; all the incidents are pure inventions. All Rights Reserved. All part of this book or any part of the theory thereof may not be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, storage in an information retrieval system, or otherwise, without the written permission of the author. Thank you very much. C.M. LOUDEN
The ray of sunshine showed half of her face, and my brows crossed while looking in her direction. It's stupid of me to do this, but like an idiot, I followed her secretly, and I don't know why. Madalas siyang binubully ng mga kaklase niyang babae at kasama na si Mikah sa pambubully sa kanya. Madalas din niyang tinatakpan ang mukha niya gamit ang espesyal na uri ng panyo na nakatabon sa kalahating mukha niya ito. Katamtaman ang katawan niya at may hugis. Hindi gaanong matangkad at okay lang din ang kulay ng balat niya para sa akin. Medyo payat pero may hitsura. Maamo ang mukha, pero may kakaiba sa kanya. Halatang hindi galing sa mayaman na angkan dahil pabalik-balik lang ang sapatos niya at uniporme. Mukhang isa o dalawa lang ito. Naiiba siya sa lahat ng babae rito sa campus at madalas ay nasa kanya ang atensyon. Matalino kasi siya at nangunguna sa board. "Hey, Gab? No way, man." Akbay ni Josh sa akin. "Is your standard getting to its minimum?" he jokingly said, and I shook my hea
Feleona's POV Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti habang pinagmamasdan ang dalawang tao na puno ng ngiti sa isa't-isa. Karga ni Gabriel si Gabby at walang tigil sa kakatawa si baby Gabby sa ginawa niya. It's nice to get out of Italy, and we are back here in Australia. Gabriel is now doing good with everything. Tatlong linggo lang yata siya sa crutches niya at heto, naglalakad na siya na parang experto. Maingat pa siya at hindi pwedeng biglain ang katawan niya sa ibang bagay. Sa pagkakataong ito ay ako ang boss sa destinasyon namin at siya naman ang financial adviser ko. He told me we would spend five years living abroad before returning to Italy to settle Gabby's education, and I agreed. Pansamantalang naiwan si Elsa sa Italya dahil may trabaho siya sa kompanya nina Gabriel. Inalok siya ng trabaho ni Nonno sa malaking halagang sweldo. At dahil magaling si Elsa sa propesyon niya ay pumayag na siya. Syempre gusto ng bruha roon dahil kay Blue. At parang aso at pusa naman silang dalawa
Gabriel's POV . It's an awkward feeling, but I'm getting used to this. My routine is the same, an exercise in the morning, and she wakes at the same time as me. Gabby was a good sleeper at night, giving Feleona and me a lot of time for ourselves. Madalas kaming nag-uusap na magkayakap dalawa. Hindi ko rin maalis sa kanya ang ugali na mapag-aruga. I stopped her many times, but she's keen and wants to look after me. I have no complaints about it. It honestly gives me the courage to work hard for myself to get better. Ngayong araw na ito ang unang pagsubok na hindi ko gagamitin ang wheelchair ko. I could take a step, but not much. It needs more practice. Unti-unti ko na rin nagagawa ang mga bagay sa tulong niya at minsan hindi ko ito namamalayan sa sarili ko. I must admit that Feleona is a darling angel who fell from the sky to help me and made me whole again. "You're doing good, darling. I'm so glad that it turns out okay." She sat beside me, and I moved a little bit, giving her
Feleona's POV . "May lahing pusa ang asawa mo," ngiwi niya habang nakatitig kay Gabriel. Hawak niya si Gabby sa kamay niya at hindi maalis ang ngiti sa mukha niya. What else do I expect? He lives far from his place and his Nonno. Bumyahe kami ng dalawang oras, at nang makarating rito sa tagong lugar na bundok na ito ay nandito na sina Elsa at baby Gabby. Nag-chopper sila. "Alam mo? Magiging piloto yata ang anak ninyo. Panay ang tawa niya sa helicopter kanina na parang ang saya-saya. Hindi siya nabingi 'te. Nakakamangha nga." Sabay nguya niya. "In fairness ang ganda ng lugar na 'to at mas type ko rito kaysa sa mansyon ni Gabriel. Sa kanya rin ba ang bundok na 'to?" Tumayo na siya at inikot nang tingin sa buong paligid. I also like this place because it's solemn and quiet. You have no neighbours, and the whole mountain is yours. "And I like Bleu. Is he single and available?" kurap ng mga mata niya. Nagpapacute ang bruha. Napabuntonghininga na ako at tumayo na. Hindi ko na pinakin
Feleona's POV . Mahigpit ang hawak ko at maingat ang ginawang pagtulak sa wheelchair niya. Tahimik kaming dalawa at napatingin ako sa paligid sa labas nang mailabas ko siya nang bahagya sa may pinto. Wala ni isang tao. Nagbabakasakali kasi ako na may kasama siya sa labas, pero wala, at mukhang siya lang mag-isa. "Wala po ba kayong kasama? Paano po kayo nakapunta rito? At paano rin po kayo uuwi?" Ipinuwesto ko siya sa gilid lang at ni lock ang wheelchair sa bahagang gulungan para hindi niya maigawa ito. I looked around again, took a few steps behind him, and looked ahead. May isang sasakyan na malapit lang dito at van ito. Tiyak ito yata ang sasakyan niya, dahil ang sasakyan na ginamit ko ay medyo malayo pa naman. Pero makikita ito mula rito. "Sa 'yo ba ang van?" tanong ko at humakbang na ako pabalik sa pwesto niya. I smile when I looked at his behind. Lalaking-lalaki siya at matipuno ang pangangatawan sa likod na bahagi. Desente ang pananamit at nakapanton na itim. May takip
Gabriel's POV . "If there is a will, there is always a way, boss," he chuckled. My body drifted to the side as I lost control. It created an impact as my body landed on the concrete floor. Instead of helping me, I already told him to look at me earlier. I want to find a way to stand up on my own without him. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay nandito siya sa tabi ko. May buhay rin si Pinokyo, at ayaw kong palagi na nasa akin ang bawat segundo ng buhay niya. Pero wala rin akong magawa, dahil alam kong sinusunod niya ang utos ni Supremo. "Do you need a hand?" "No. Thank you," I said coldly and held tightly to the wheel of my wheelchair. I manage to sit down, and my sweat falls. At least I can take a few steps now. "Don't force yourself, boss. I've been there, and I know how it feels. Just let it go. Don't think about it, and enjoy everything around you." "Enjoy your fucking ass," I muttered when my butt landed on the seat of the wheelchair. Bahagya siyang natawa at ibinigay na