Share

TMLGS-Chapter 2

Napataas ang kilay ko sa isang magandang gate ang bumukas ng kusa. So, mukhang tama ang hinala ko, anak mayaman ang nag-ma-may ari ng katawan na ito.

Nang huminto ang kotse ay lumabas ito para pag buksan ako hindi naman pala masasabing walang galang sa babae. Sa pagbaba ko'y nakarinig ako ng malakas na musika sa loob. Hindi ba't kailangan magluksa? Huwag mo sabihin na iba ang mundong ito at kailangan magsaya pagkatapos ng pagkawala ng taong minamahal o kamag-anak?

"Huwag mo sabihin na nagpapakasaya sila matapos kong mamatay?" saad ko na ikinalunok naman nito.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahilan sa ibang-iba ang pakiramdam ko na parang gusto kong magising sa panaginip na ito na siguro'y nasa akin pa din ang puso ni Sofia kaya't aking nararamdaman ito.

"Dalawang araw kana din na---"

"So, ibig sabihin dalawang araw kailangan mag saya kayo at isa walang bahala ang aking pagkawala sa mundo?" saad ko dito na ikinatalikod lamang niya sa akin.

"Hindi ko maintindihan ang inyong sinasabi para bang sa iba kang mundo nang galing," aniya sa akin at napatingin naman ako sa kanya at ngumisi.

"Galing akong impyerno, at ang mission ko'y mag higanti sa mga taong kagaya ninyo." saad ko na ikinalunok na lamang nito sa akin ay hindi na ako tinignan.

Mabilis naman itong nag-lakad at napatingin naman ako sa paligid. Nakita ko ang iba't ibang mga kasuotan at mga taong nagsisiyahan. Habang nakasunod sa kanya'y hindi ko lubos maisip kung bakit sila nagkakaganito. at kailangan nila iparanas sa katawan na ito ang pagdurusa.

"P-paano'ng?"

"Akala ko ba'y napatay na ninyo si Sofia?"

Napapangisi ako sa aking naririnig. Halos silang lahat ay inaasahan na patay na talaga ang babaeng may-ari ng katawan ko? Taas noo akong tumingin sa kanila. Kahit alam kong hindi rin kanais-nais ang damit ko. Ikaw ang bumangon sa hukay? tsk.

Nang makarating kami sa pinaka unahan ay nakita ko ang babaeng nakakulay violet ang gown. At halos lumuwa ang mata nito ng makita niya ako. Isang simpleng babae ang nakita ko ngayon at mukhang hindi gaano kagandahan.

"A-ano'ng ibig sabihin nito?!" saad nito na ikinangisi ko na lamang. Hindi naman niya masyado pinapahalata na isa siya sa kailangan kong paghinalaan na kasama sa may gawa kay Sofia?

Nakikita ko sa mukha nito na hindi naman siya makakalamang sa gandang mayro'n ako, at kahit na ang totoo kong mukha no'n ay baka nailampaso rin siya.

Kumbaga, walang bina't-bat ang isang ito sa aking gana. Oo, mala angel ang mukha nito, pero alam ko at naamoy ko na may sa demonyo ang babaeng kaharap ko. Habang nasa likod naman niya ang lalaking nakabangga ko sa gitna ng daraanan ko.

"Oh, hi? I'm back," mapaglarong saad ko na ikinalaki lalo ng mga mata nito.

Mabilis ako nitong lalapitan ng umiwas agad ako at nasubsob naman ito sa lapag. Sa sobrang lakas ng kanyang pagkakasubsob ay dumugo ang ilong nito.

Fake 'yung ilong niya? I can't stop laughing na uso na din sa panahon nila ang pagbabago ng mukha? Come on,

Nakita ko ang galit dito sa pag iwas ko kasabay nu'n ang bulungan sa paligid at masasabi kong kakaibang buhay na naman yata ang mananalaytay sa akin dugo.

"How dare you! Bakit ka umilag?!" nang gagalaiti nitong saad sa akin.

"Are you stupid? Ayoko mahawakan ng kagaya mo ang miski dulo nang katawan ko at miski buhok ko. Bukod sa pagawa na ilong mo idagdag mo pa ang mukha mo ah," saad ko dito.

Napatingin ako sa mahabang sofa at umupo ro'n at tumingin sa mga tao. Hindi ko akalain na mangyayari sa akin ito. Ang mabuhay para sa karangalan at isang malaking mission.

Maganda ang pagkakagawa sa malawak na tirahin nila at masasabi kong ibang klase ang kanilang pagkagusto sa kanilang inumin na masasabi kong ito ang dahilan kaya sila'y namumula na hudyat na sila'y lasing na din at kanina pa siguro sila nagkakasiyahan.

"Nasisiraan kana din ng ulo!" saad nito sa akin. Hindi naman siya magandang klase ng babae.

Ang pinagtataka ko kanina pa siya ng gagalaiti sa akin. Let me guest. Isa siya sa inggit na inggit sa atensyon na dapat ay hindi niya inaangkin. Sabagay, kung ganyan din naman ang mukhang bubungad sa akin araw-araw baka magalit na talaga ako sa ibinigay sa akin na mukha ng panginoon.

"Sino kaba? At sino ba ako? Huwag muna din subukan mag sinungaling, dahil alam ko na dito ako nakatira sa mga nakita kong frame sa labas." saad ko dito.

Nakakita kasi ako ng magagandang frame at miski isa du'n walang masayang ngiti sa labi ni Sofia akong nakita.

"H-huwag mo sabihin na nagka-amnesia ka?" saad niya, hindi na naman sa akin na nakaligtas ang ngisi nito. Halos, mag kaparehas lamang sila ng lalaking kalapit nito.

"I'm your sis--"

"Are you sure? sa mukha mo na 'yan kapatid kita? Mukha kang katulong sa ibang mundo." saad ko dito sabay tawa. "Don't get me wrong, mukha ka talagang hindi anak mayaman for me. Look at yourself in the mirror." pahabol ko pang saad sa kanya.

Nakita ko naman ang reaction ng kanyang mukha. Hindi maitatanggi na kinakain na naman siya ng galit.

Nag uumpisa pa lang ako. Patikim pa lang ito kung susubukan niya ako ngayon. It's the time for revenge.

"I'm your step sister." mahinahon at akala mo'y walang balak sugudin ako. Mukha siyang angel sa totoo lang, angel na walang pakpak na mukhang pakpak lang ang mayro'n sa mukha? I'm bad.

"Kaya naman pala may lakas kang patayin ako, gusto mo siguro ang trono na mayro'n ako." saad ko dito na ikinalaki na lamang ng mata niya.

"H-hindi totoo 'yan." sagot nito.

Rinig ko ang bulungan ng karamihan. Pero, wala naman akong pakialam, basta gusto kong apakan ang nasa harapan ko'y gagawin ko.

Nagulat ako sa isang parating na babae na ngayon ay ikinaiyak naman ng step sister ko na hindi ko alam kung kumukuha siya ng simpatya ng mga tao. Attention seekers, ah.

"So, siya siguro Mother mo, o tawagin na nating Step Mother ko?" saad ko dito na ikinakunot naman ng bagong dating.

"Ano'ng ibig sabihin nito? Sofia Delfuente! Kumukuha kana naman ba ng ikahihiya ng pamilya Delfuente?! A-at pa-paano ka na--"

"Nabuhay? Syempre, hindi pa ako tapos sa aking mission. Siguro ibinaba naman ako ng panginoon, para ipamukha sa mga taong nakapaligid sa akin ang kasamaan kong nakatago? Ay mali, kasamaan ninyo." saad ko rito.

So, ang pangalan ko'y Sofia Delfuente, gusto kong baguhin. Hindi naman sila magtataka kung bakit dahilan muli akong nabuhay sa pag aakala nila.

Tumayo ako at pumalakpak na ikinatingin ng lahat ng tao dito sa loob ng mansion. Miski ang dalawang mag-ina'y mag-ka-yakap na akala mo'y may masamang mangyayari kung maghihiwalay sila.

"Ngayong araw na ito. Hindi na Sofia ang pangalan ko. Ako na si Saviah Suer Delfuente, ang babaeng nabuhay sa pagkakalibing." malakas nabulungan ang narinig ko. Nahalos magkagulo din sila.

"S-sofia anak? ikaw ba 'yan?"

Napatingin ako sa lalaking bagong dating at nakita ko sa kanyang mukha ang pagkasabik. At hindi ako magkakamali siya ang ama ni Sofia dahilan sa kanyang napakaamong mukha kagaya ng mukhang ni Sofia.

Hindi ko alam, pero kusang lumakad ang paa ko at mabilis na yumakap sa kanya. Kakaibang nararamdaman ko. Hindi pa din siguro na aalis ang nararamdam bilang anak ni Sofia sa kanyang ama.

"B-buhay ka anak," umiiyak itong niyakap ako hindi ako makapaniwalang may makakasama naman pala akong totoo sa bahay na ito. Pero ano'ng nangyari?

"Nagulat nga din ako na buhay ang anak natin na si Sofia, Marshano." napatingin naman ako sa Step Mother ko na ngayon ay lumapit sa amin.

"Pero, Daddy pinahiya niya ako kanina." saad naman ng Step Sister ko na siyang ikinangisi ko. Nakita ko kasi ang kaplastikan ng kanyang iyak.

Niyakap naman ito ni Daddy na ngayon ay tumingin sa akin ng malamlam. Hindi ko alam kung saan sila nakakakuha ng lakas para magpapansin ng ganyan.

"Kung hindi kalang din naman susugod hindi naman sana nasira ang fake mong ilong," saad ko dito.

"Tignan mo Daddy, hindi na niya ako ginalang bilang nakakatan--"

"Mas matanda ka naman pala sa akin? Be matured, stup*d." saad ko pabalik sa kanya na ikinatikom naman ng bibig nito.

"Puwede na ba akong magbihis? Ayoko lang kasi makita ang sarili ko na ganito. At sige lang mag saya muna kayo diyan," saad ko na ikinalunok na lamang nito.

"May amnesia siya Marshano, kailangan natin siguro siya ipagamot--"

"Oh, no need. Kaya ko mabuhay at kaya ko alagaan ang sarili ko laban sa inyo, Daddy kung ako sa inyo, huwag kang nagtitiwala sa mga kuting na hindi porke maamo ang mukha hindi na mangangalmot," saad ko dito.

"Naiintindihan kita anak. Alam kong nagtatampo ka dahilan sa hindi namin alam na buhay ka pa ng aming---"

"Huwag na ninyo ibalik ang nakaraan gusto ko na din mag pahinga. Nasaan ang kuwarto ko?" saad ko kay Daddy na ngayon tumawag ng katulong.

Mabilis naman ako ginabayan nito para samahan sa isang malaking silid. Napatingin ako sa paligid. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari, pero gusto ko makita ang nakaraan ni Sofia kung bakit siya namatay.

Napaupo na lamang ako sa gilid ng kama at halos iniisip ko ang dapat kong gawin. Tama! maghahalungkat ako. baka may itinatagong sulat si Sofia namalalaman ko.

Inilibot ko ang paningin sa kabuohan ng kuwarto. Masasabi ko na mahilig siya sa girly color dahilan sa pink ang nakapalibot dito.

"I hate it." saad ko at nanakit ang ulo ko sa nakikita ko. Hindi ba pwedeng kulay pula o black man lang ang makita ko? Sabagay, puwede ko naman palitan at wala na rin naman si Sofia, dahil ako na ngayon si Saviah Suer Delfuente ang babaeng ipaghihiganti siya.

THIRD'S POV*

"W-what happen? bakit nakaligtas ako?" saad ng lalaking bagong gising at inaayos ang kanyang tuxedo.

"May isang magandang babae po, boss. Ang tumulong sa inyo, hindi rin namin alam ang ginawa niya, dahilan bigla na lamang siya nawala." saad ng isang alagad niya na hindi rin makapaniwala.

"Miski ako Alastair, ay nagtataka sa ginawa niya. Kitang-kita ko ang mga tama mo na hindi kana talaga mabubuhay pa." napatingin naman siya sa kanyang pinsan na ngayon ay seryoso sabay iyak.

"Well you f*cking shut up. Then, where's the woman?" nagtataka niyang saad.

Hindi kasi siya makapaniwala na gagaling siya at ang pinagtataka niya'y hindi lang siya gumaling. Nabuhay muli siya at utang na loob niya sa babaeng nag ligtas sa kanya.

Kaya balak sana niya itong makita at hindi lang 'yon ang sabi ng kanyang alagad ay hindi normal ang na tao ang nag ligtas sa kanya dahil mukha raw daw itong angel pero, kakaiba ang mga sinasambit na parang hindi taga rito at taga ibang planeta.

"Naku, Alastair akala ko'y iiwanan mo na kami, bakit kasi nakipag sagupaan ka at sinalo mo lahat ng bala? Kung hindi dumating ang babaeng weird na 'yon wala kana talaga sa amin." saad ni Jake sa kanya habang sumisingkot-singkot dahilan tumutulo ang sipon kakaiyak.

"Feeling ko type ka din nu'ng babae. Ang ganda niya, ang wierd is nilagyan niya ng pangalan sa abs mo." ikinatingin naman niya sa pinsan na ngayon ay seryoso na bumaling sa kanya.

Saviah Suer

Iyan ang pangalan na inilagay niya du'n na halos ikinataka nila din. Paano niya nailagay at mabilis na umalis. Habang walang nakakakita.

"Nilagyan ka din niya ng chikinini sa leeg, normal ba 'yun?" saad ng kanyang pinsan na ikinapula naman ng mukha niya at inubo pa siya. Ilang taon na din siya pero, walang sino'man ang sumaway sa kanyang utos at dahilan sa kilala siyang "Ruthless" "Coldness" "Womanizer" pero, sa tuwing ikinu-kuwento ng pinsan niya at ng mga alagad niya iba ang nagiging tunog ng puso niya kahit hindi pa niya ito nasisilayan.

"Get the car ready" saad niya na ikinahinto naman ng lahat miski ang ilan ay napatayo, naguguluhan sa kanyang naging desisyon kaagad.

"Bakit saan tayo pupunta?" nagtatakang saad naman ni Jake.

"Saviah Suer Hunting." saad niya na ikinakilos ng kanyang mga bataan. Dahil hindi naman ito ang kauna-unahan na kanilang pag hunting, pero babae baka.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Wheng Dugang Peraz
hay naku alastair mas matindi pa sayo c saviah makapangyarihan kaya humanda kana kailangan mainlab sya sayo.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status