Share

The Mafia Lord's Greatest Sin
The Mafia Lord's Greatest Sin
Author: NottiePha

TMLGS-Chapter 1

Nagising ako sa isang madilim na lugar at masikip. Halos mawalan ako nang hininga sa aking kinalalagyan. Napagala ang tingin ko sa paliligid at ang masasabi ko'y kakaibang kaba ang aking naramdaman.

"W-where the h*ll I'--am?" mabilis ako kumilos at sinipa ko kung saan ako nakalagay at halos mahirapan ako makahiga at sobrang sikip sa kinalalagyan ko. Pinag papawisan na ako pero hindi pa din ako makalabas.

What the?! I'am stuck?!

"I c--can't breath!" saad ko at kinakalambog ko na lamang kung nasaan ako ngayon at hindi ko maiwasan ang mapamura. Isa lamang ang naiisip ko.

Malakas na puwersa ang ginawa ko at malakas na bumukas ang pinaglalagyan ko. Mabilis akong lumabas sa isang malaking lagayan na ikinalaki naman ng mga mata ko. Nagkalat din ang lupa sa paligid na talagang ikinagulat ko din. Galing ako sa ilalim ng lupa.

"B-bakit andiyan ako?! Isang kabastusan ang ilagay ako ng buhay sa hukay! B-buhay pa ako." naghihimutok na saad ko at tumingin sa paligid. Hindi maari ito bakit ako nasa gitna ng kagubatan at nasa malapit na sapa? Kung ako'y namatay, bakit hindi nila manlang inilagay ang aking katawan sa maayos at walang katabi. Sinasadya ba nila talagang ako'y mag-isa rito.

Napapasabunot na lamang ako sa aking buhok at habang inaalala ang mga nangyari. Hindi maari 'to, hindi ako makakapayag. Napakunot ang noo ko ng hindi ko alam ang lugar na 'to? W-where the hell i'am? Nasaan ang mga alipin ko? And why--

Isang malakas na putok na baril ang narinig ko na ikinatingin ko na lamang sa dikalayuan. Nasaan ba talaga ako ngayon. Malaking katanungan ang nasa aking isipan at hindi ko lubusan maisip ang mga nangyayari sa akin ngayon. Napatingin na lamang ako sa aking suot na puting dress na ikinakunot naman ng aking noo. Hindi ako nagsusuot ng puti kundi pula.

Mabilis ako tumingin sa malapit na tubig at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ibang mukha. Ibang katawan? Totoo ba ito?! Ang alam ko'y nasa gitna lamang ako nang kasiyahan para sa timpalak nang kaharian at ngayon?!

Pilit ko man alalahanin ay hindi pa din ako makapaniwala na nasa ibang mundo ba ako?! But it's not me! Sabay turo ko sa mukha kong mukhang maamo. Payat at maputlang balat at alam kong anak din ito sa marangyang pamilya. But I know what's my name. I'm Princess Saviah Suer A Queen Of Goddess.

"H-huwag mo sabihin na-namatay ako?!" napapaisip kong tumayo at hindi maari ito. Napailing-iling na lamang ako. Nakarinig ako ng mga yabag sa dikalayuan at ikinakunot ko na lamang, hindi pa rin nagbabago ang mga katangian kong taglay lalo na ang malakas kong pandinig.

"Napatay na natin 'yon sigurado ako." napatingin ako sa ilang lalaking nagsisitakbuan at mabilis akong kumilos at nagtago sa damuhan na malapit sa akin.

Sino ang pinatay? Parang iba yata ang lugar na ito? Nang makalayo ang mga ito'y napatingin ako sa kanilang pinaglabasan at mabilis naman ako nanakbo kung saan ito mga ng galing at napakunot ang noo ko sa lalaking nakahiga na puno ng dugo ang katawan na pinalilibutan nang maraming armado.

Kahit ang mga kasuotan nito'y hindi ko alam. Dahil ang masasabi ko'y hindi sila magagawan nang proteksiyonan ng kanilang kasuotan na sila'y pare-pareho ng damit. Hindi ko alam pero sa mga iinapakita nila'y parang sinasabi nila isa silang grupo.

"B-boss.. Hindi maari. Hindi maaring mamatay siya,"

"Kailangan na natin siya isugod sa hospital."

Nagkakagulo sila sa iisang nilalang na nag aagaw buhay. Hindi na lamang nila tanggapin na wala na ito? Hindi man ako nag aral nang medisina'y alam ko sa mukha pa lang. Nakikita ko rin ang pagdanak ng dugo nito. Miski sa kanyang labi'y may dungis ng sakit sa kanyang nararamdaman at halos pinipilit pa siguro nito huminga.

"Mamatay na rin naman siya, bakit kailangan pa ninyo s'yang buhayin? Ilang minuto na lamang ang ibubuhay niya rito sa mundo." saad ko at lumapit sa kanila na ikinahawi naman nila at tumingin sa akin na may pagtataka. Para bang sinasabi nang kanilang mga mata na kahibangan ang paglapit ko sa kanila. Paano kung sabihin ko sa kanila na isa na talaga din akong hibang! Nahihibang na ako sa nangyayari sa akin ngayon.

Mabilis nilang inilabas ang kanilang mga baril at itinapat sa akin. Ikinangisi ko na lamang, hindi ako takot mamatay. Nasabi ko naba 'yon? na buhay nga muli ako tapos, mamatay muli. Nakita ko rin ang pagkabigla nang kanilang mga mata siguro'y hindi sila makapaniwala sa aking pagsulpot rito.

"S-sino ka?" saad ng isang lalaking nakasalamin. Napahawak na lamang ako sa aking labi at tinaasan ito ng kilay. Itinutok nito ang baril niya naikinangisi ko na lamang sa kanyang ginawa.

''Siguraduhin mo na kaya mo akong patamaan niyan.'' saad ko rito na ikinalunok na lamang nito at ngumisi pa balik.

''Hindi mo ba kami kilala? Isang mafia ang grupo namin at kilalang top 1 sa mundong ito.'' aniya sa akin na may pagmamayabang na naman. Ano ang kanyang sinasabi na mafia? Pangalan ba iyon ng kanyang grupo? maganda na din.

''Dapat na ba akong matakot?'' saad ko rito na ikinatingin na lamang nila sa aking sagot. ''Bakit hindi mo gawin ang iyong nasa isip?'' saad ko na may kasama na ding panghahamon. Mabilis itong kumilos at pinaputukan na lamang ako na ikinailag ko naman at mabilis na lumapit din dito na ikinalaki na lamang ng mata nito.

''Ang bagal mo naman.'' saad ko rito na mabilis na sinipa sa mukha na ikinatalsik naman nito sa malayo na mabilis tinulungan naman ng iba dito na ikinaurong naman ng ibang kalalakihan.

''S-sino ka ba talaga?''aniya sa akin na hindi ko naman mapigilan hindi mapangisi at tumingin sa kanilang lang lahat.

"Kapag sinabi ko bang hindi ako taga rito sa inyong mundo maniniwala ba kayo?" saad ko na ikinatawa na lamang nilang lahat na parang sinabi nila na ako'y isa na talagang hibang.

''M-miss, kung ako sa 'yo'y inililigtas ko na lamang ang aking sarili. Hindi ko gugustuhin makipag usap sa kagaya namin.'' saad ng isang lalaking malaki ang katawan at masasabi mong malakas din ang pisikal na anyo.

''Kung ako din naman sa inyo'y inililigtas ko rin ang aking sarili.'' saad ko dito na ikinatingin naman nila nakita ko din ang kanilang paglunok.

Hindi makakaligtas sa akin ang kanilang kaba, dahilan sa ramdam na ramdam ko ang kanilang pagkabahala. Napatingin ako sa nakahandusay na lalaki na masasabi ko na ito siguro ang namumuno dito dahilan sa kanyang kakaibang kasuotan kesa sa ibang kasama nito.

Napatingin ako sa paligid at napabaling ako sa kabila at masasabi ko'y isang digmaan yata ang nangyari dahilan sa mga nakikita kong mga kalat at mga baril at duguan din ang iilan sa mga kasama nila.

"Nahihibang ka naba? Miss," sabi pa nang isa. Sabay tawa muli. Hindi ako naiinis, naawa pa nga ako sa kanila. Sabagay, Saviah, isa ka sa walang pusong reyna.

Nang tumapat ako sa lalaking nakahiga sa isang damuhan ay nakita ko ang maganda lalaki ito at kay kisig ng pangangatawan. Pinag-masdan ko ang katawan nito at umupo sa bisig nito at pinag masdan.

Sayang pala din itong pinuno nila kung mamatay siya'y siguro maraming babae ang iiyak pag nagkataon. Sa kanyang taglay natatanging kakisigan na talagang kapansin-pansin. Kung ando'n siya sa aming mundo'y baka pagkamalan ko siyang isang prinsepe na hindi agad makukuha pag-nilandi mo. Dahilan sa lakas nito makahatak.

Hinawakan ko ang matipunong katawan nito at tumingin sa malapad na balikat nito. Ito kaya ang kanilang pinuno ng mga Mafia na sinasabi? bakit para bang kay hina ng kanyang pisikal na pangangatawan at natalo siya kaagad.

"Ano bang ginagawa mo miss?!"

"Hindi ka ba natatakot sa amin?" nakita ko naman na naglabas sila ng armas at ininangisi ko na lamang, sino sila para katakutan? Napansin naman nila ang bahagyang pagtawa ko nakasabay nu'n ang aking paghalak-hak at napatingin sa kanilang lahat.

"Alam kong mahalagang tao ang katabi ko ngayon at nasisiguro ba ninyong mamatay ako, nang hindi natatamaan ang lalaking katabi ko?" saad ko na ikinalunok na lamang nila.

Mabilis sana ako kukuhain sa pagkakaupo nang isang armado na mabilis ko naman siyang tinadyakan sa tagiliran at mabilis kong inagaw ang kanyang armas. Walang kadala-dala sa ginawa ko sa kanilang kasama. At itinapat sa lalaking nakahiga. Naikinatakot naman nila agad.

"Mabilis kong nababasa ang takot na inyong nararamdaman. Miski ang inyong mga reaction ay kapansin-pansin." saad ko na pinaglaruan ang baril na aking hawak at itinapat sa mukha ng lalaking hihila sana sa akin. Hindi naman kasi kasing haba ng buhok ko ang pasensya ko na ito. Masarap din talaga silang patulan.

"Kapag ba, pinasabog ko ang bungo mo. May makakapalag pa kaya sa'kin dito--"

Hindi ko na tapos ang aking sasabihin nang biglang may umataki sa akin mula sa likod at mabilis ko naman iyon na ilagan. Mabilis din naman ang mga kilos nila kumpara sa mga normal na tao. Pero, hindi ako ang babaeng mabilis mapatumba kaya mabilis ko tinadyakan ang sikmura nito ng makakuha ako nang pagkakataon na ikinaluhod na lamang nito.

"S-sino ko ba t-talaga miss?" saad nito sa akin kasabay ang pagsuka rin nito ng dugo sa aking kagagawanan. Napalakas yata ang tadyak ko na ikinatumba naman nito agad sa lupa. Hindi ko kasalanan na magkaganyan siya, kasalanan nilang atakihin nila ako at gumanti lamang ako.

Mabilis din na inilalayan ng mga kasamahan nito ang lalaking nakahandusay. Hindi ko naman kasalanan kung mahina lamang itong talaga.

"Mukhang napatay ko yata siya? sa tingin ninyo?" saad ko sa kanila na ikinaatras naman nila. Oo, may armas kayo, pero hindi ako magpapatalo sa labanan.

Isang ngisi ang ibinigay ko sa kanila at tinitigan ko ang kanilang mukha. Bigla silang namutla na para ba silang nakakita ng isang multo. Multo na tatapos sa kanilang buhay? I'm bad.

"Mga ginoo, hindi ko akalain na ganito kabastos ang inyong mundo, para hindi gumalang sa isang babae? Hindi ba't gusto ninyo mabuhay ang lalaking ito?" saad ko at tumingin sa lalaking nakahiga sa tabi ko at umupo muli ako sa tiyan nito at tumingin sa mukha ng magandang lalaki na naghihingalo.

"H-hindi mo kilala ang lalaking inuupuan mo. Miss? Umalis ka diyan bago ka pa niya mapatay." saad ng lalaking armado.

"At hindi mo rin ako kilala," saad ko dito sabay tingin sa katabi ko. "Sigurado ka na mapapatay ako ng lalaking nag aagaw buhay?" saad ko, sabay tawa.

Mabilis kong pinagapang ang kamay ko sa katawan nito at narinig ko ang munting ungol nito. Hindi pa din pala siya patay. Siguro'y kailangan lamang niya maitanggal sa katawan nito ang nakabaon sa kanya.

Mabilis kong pinunit ang damit nito at nakita ko ang mga nakabaon doon. Napatingin ako sa paligid kagubatan hindi nila maidadala ito agad sa gamutan. Napatingin ako sa nakapaligid sa amin wala nang panahon kung ilalakad pa nila ang kanilang pinuno. Nakikita ko din naman sa mukha nu'ng pinuno nila na gusto nitong mabuhay dahilan sa pilit pa din naman siyang humihinga ng maayos.

"Talikod!" saad ko sa kanila na ikinatingin na lamang nila sa akin. At siguro'y naisip nilang seryoso ang sinabi ko pero, ang isa'y para bang napipilitan at tinaasan ko pa ng kilay bago nito ginawa ang utos ko.

Hindi ko alam kung gagana ang ganito sa katawan ng aking kinalalagyan, pero kailangan ko subukan. Mabilis ko itong hinalikan sa kanyang magandang labi at hindi ko alam kung sa'n nang galing ang kislap sa aking katawan na ikinangisi ko na lamang. Magagamit ko pa rin pala ang kakayahan na mayro'n ako at kaya ko rin siguro gawin sa akin. Mabilis na humilom ang sugat nito. Napatingin na lamang ako sa maganda at matipunong katawan nito at napangisi.

"Oppss.. sorry," saad kong mahina bulong at tumayo. Nakita naman na hindi pa lumingon ang nakabantay sa kanya at nakikita ko naman na nakatulog na din ang lalaking iniligtas ko.

Mabilis din akong umalis kahit na hindi pa sila humaharap dahilan hindi maaring makita nila akong ganito. Kailangan kong mag-ingat dahil hindi pa nila ako kilala. Hindi ko din alam kung nasaan ako at sino ang pamilya ng katawan ng babae ito.

Tumakbo ako ng tumakbo ng may isang magarang sasakyan akong nakita. Mayro'n din pala silang ganyan rito. Isang lalaki ang tumingin sa akin at para ba itong namutla at ginawaran ako ng tingin.

"S-Sofia? are you a-alive?" aniya sa akin na ikinakunot ko na lamang ng noo. Pero, sa mukha niya'y masasabi kong kilala niya ako. mali, kilala niya ang katawan na nag-ma-may-ari nitong sinaniban ko.

"Kilala mo ako?" saad ko dito na ikinabigla na lamang niya, para bang nagdadalawang isip pa siyang lapitan ako.

Hinawakan nito ang pisngi ko at napaikot ang eyeballs ko ng hinimatay pa ito. Sigurado ba talaga ang panginoon ng ginawa niya ang mahinang nilalang na ito?

"Hey, wake up, before I punch your f*cking face hard." saad ko dito.

Pero, hindi ito nagising at wala akong nagawa kundi ang sipain na lamang ito na ikinabangon naman nito sa pagkakahiga.

"S-sinipa mo ako?" aniya na hindi makapaniwala.

"So? hindi ka nagising alangan hawakan kita at halikan? gusto ko malaman kung sino ako---"

"Hindi mo kilala ang sarili mo?" sa pagkakasabi niyang iyon ay nakita ko ang kanyang pag ngisi na hindi makakaligtas sa akin. Akala siguro ng nilalang na ito'y hindi ko makikita ang pagbabago ng kanyang reaction. So, pathetic.

"Ako ang boyfriend mo. Magpapakasal na sana tayo ng mabalitaan ko na namatay ka." aniya na may pagkukunwari sa kanyang tinig.

Hindi ko alam kung saan ako maniniwala sa kapangitan niya'y papatulan siya ng mukha ng nag-ma-may ari nito? Kahit ako'y isusuka ko siya.

"Hindi ka siguro tumingin sa salamin no'ng mga bata ka." saad ko dito na ikinatingin na lamang niya sa akin na may pagtataka.

Mabilis ko itong nilapitan at kinuwelyuhan at nginisihan, naikinalunok na lamang nito. Hindi maaring mag palinlang sa mga taong mapanlinlang.

"Makinig ka, pinaka ayoko sa lahat 'yung kagaya mo. Ayoko sa taong desperado kumuha ng atensyon. Naiinis ako parang gusto din kitang ilibing nang buhay kung nasaan ako kanina ng galing." saad ko sabay pitaw sa kanyang kuwelyo.

Maubo-ubo naman itong tumingin sa akin. Para siyang nagtataka kung ano ang nagyayari sa akin. Sigurado ako'y mabait ang nag mamay ari ng katawan na ito. Pasensiyahan tayo, hindi ako pinanganak bilang isang angel kundi sugo ni satanas. Mali, ako mismo si Satanas.

"Ihatid muna ako sa mga magulang ko. Kung mayro'n man ako nu'n." saad ko dito na ikinalunok na lamang niya at mabilis na pinag bukasan ako ng pintuan ng sasakyan.

"Ano'ng gagawin ko. Hindi pa pala siya patay, at mukhang mahihirapan kaming patayin siya ngayong mas naging agresibo pa siya lalo."

Napaangat ang kilay ko na ikinatingin ko na lamang nag-ma-maneho. Hindi ko akalain na ang katawan na nag-ma-may ari nito ay pamilya din ang may kagagawan ng kanyang pagkamatay?

Ibang laro yata ang ipinasok sa akin para muling mabuhay. At siguro'y sa pangalawang buhay ay ang mag higanti at kuhain ang lahat ng dapat na mayro'n si Sofia?

Napapaisip tuloy ako, kung ano bang mayro'n at nagkakaganyan ang mga tao dito na parang lahat na lamang ay kakomputinsya niya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
NottiePha
Thank you po. sana'y bigyan ninyo rin po ako ng rate. ...
goodnovel comment avatar
Wheng Dugang Peraz
grabeee author ganda nito umpisa palang kumpleto rekados may,fantasy,action at syempre dapat may romance din.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status