Share

TMLGS-Chapter 4

Malakas na kumalabog pabukas ang aking pintuan sa kuwarto at hindi na ako nagulat na si Diane na naghihimutok na naman ang kalooban sa sobrang inggit para bang gusto nitong sumabog sa sobrang pula ng mukha nito sa sobrang galit.

Miski ang mga gumagawa sa kuwarto ko'y napahinto at napatingin na lamang sa kanya. Let me guest, ito ang issue niya kay--- Alastair?!

"Sino ka para ipahiya ako sa lahat?!" aniya sa akin na ikinaikot ng eyeballs ko na lamang sa kanya. Puwede ko na kayang tapusin ang buhay nito ngayon? "At sino ka para magani-ganito--"

"Ako si Saviah? Ay, oo nga pala tat*nga-t*nga ka nga din pala. Ulitin ko lang, ako si Saviah---"

"Walangh*ya ka! AHHH" malakas at nakabibinging sampal ang ibinigay ko dito. At mukhang nagulat ito sa aking ginawa at nakatulala pa rin ito.

At siya pa talaga may ganang sumugod sa kuwarto ko? Hindi ba niya nakikita na nag-aayos ang mga tauhan ni Dad sa kuwarto? Oh well, mas gusto niya mapahiya, sige. Pagbibigayan ko siya, mukhang nakuha na din naman niya ang atensyon ng mga manggagawa rito.

"Masarap ba? O kulang pa?" saad ko dito na ikinatingin ko na lamang sa tulalang mukha nito.

Biglang dumilim ang kanyang mukha na ikinangisi ko na lamang at talagang gusto niya 'yong mag-mu-mukha siyang kaawa-awa.

"H-hindi ko akalain na magiging ganyan ka.. Dati naman ay close--"

"Hindi ka ba nasuka? Miski ikaw para kang masusuka sa sinabi mong close. Sorry, but I think, where not close talaga no'n, tignan mo naman ang sarili mo sa'kin?" saad ko dito na ikinatawa ko na lamang sa mukha niyang parang nalugi.

Nag tinginan na ang mga tao na nag-a-ayos ng kuwarto ko. At napahilot na lamang ako ng aking sentido, bakit kasi pumapasok ang isang ito. Hindi ba niya nakikiyang may pinapaayos ako at wala ako sa mood para makipag-kompitensya sa kanya. Mukha naman siyang boring paglaruan.

"Ano'ng nangyayari dito? Diane? Saviah?" saad ni Skyie, oh, ano kung tawag ko lang ang pangalan ng Step Mother ni Sofia? for me, mukha lang silang pera mag-ina. Hindi ko maramdaman ang concern sa kanila sa pagkamatay ng may-ari ng katawan na ito.

"Paalisin mo dito ang anak mo, baka hindi ako makapag pigil saksakin ko at ilibing ko sa pinag libingan ninyo sa akin." saad ko dito sabay upo sa paahan ng kama. Nakita ko naman ang pagkabigla sa mga mata nito sa mga sinabi ko na ikinatingin naman sa akin ng mga katulong na nag-aabot ng makakain sa mang-gagawa.

"Hoy! Saviah Step moth--"

"Hoy, Skyie wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Gusto ko iparating sa'yo na wala kang mapapala kung lalabanan mo ako. I'm a professional troublemaker." nakangising saad ko dito at tumingin sa kanilang mag-ina.

Susugudin sana nila ako ng mabilis akong umalis sa puwesto ko at sila ang tinadyakan ko sa likod na ikinatumba naman nila sa kama ko. Nakikita ko na magiging mas exciting ang mangyayari kung magiging maganda ang pakikisama nila sa akin. Ang kaso, pinili pa nilang bwisitin lamang ako.

"Yuck, papalitan ko mamaya ang bedsheet, mahirap na baka mahawa pa ako sa inyo. Guy's tapusin ninyo 'yan huwag kayong mag-alala sa gulong ito. Naglalaro lang kami ng fetch ng dalawang aso dito sa bahay." saad ko at lumabas ng kuwarto.

Napangisi na lamang ako ng mag-si-sigaw ang dalawa na hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng makukuha ang Daddy ni Sofia sa mga asong saksakan pa nang pangit.

"Ano na naman ang ginawa mo? Saviah, anak?" salubong na saad ni Daddy na ngayon ay ginulo ang buhok ko.

"Dad, I'm not dog. Okay? nevermind muna ang dalawang nasa loob." saad ko dito at tumingin sa kuwarto sabay ngisi. "Dad may pupuntahan pala ako, puwede bang pahiram ako ng car? pretty please?" saad ko ulit dito.

Hindi ko alam pero, dalawang araw pa lamang ako pero, napakagaan na talaga ng pakiramdam ko sa ama ni Sofia. Halos sirain ko na din ang party nila kagabi'y okay lamang siya at hindi man lang siya nagalit sa akin.

Napakagaan ng loob ko sa kanya at hindi ko rin alam. Dahil isa akong reyna no'n at halos kilala ko ang mga taong nakapaligid sa akin at kilala ko din ang mga taong gustong manakmal sa akin ng palihim.

"Okay. But Saviah, mag-i-ingat ka pauwi." saad nito at humalik naman ako sa pisngi nito. Nagulat pa ako bahagya ng guluhin nito ang nakaayos kong buhok.

"I'm not a kid anymore," saad ko dito at umalis. Narinig ko ang paghalakhak nito na ikinailing ko na lamang at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ginawa niyang pag gulo sa buhok ko na parang aso.

"Hindi naman ako nagagano'n ng aking Ama sa kaharian bakit parang kakaiba ang dating nang ginawa niya," saad kong bulong sa sarili.

Mabilis naman akong sumakay sa kotse at pinag-drive ako nang isa sa mga driver ni Daddy, gusto ko kasi sana mag inom hindi ko pa din kasi ito kabisado ang lugar nila o tawagin na natin ang mundo nila. Kaya mas gusto sana magpasama kahit hanggang kotse lamang niya ako hintayin o tatawagan ko siya if gusto ko na umuwi.

Napansin ko ang pagsulyap-sulyap sa akin ng Driver na ikinatingin ko naman dito. Nahuli ko siyang napatingin na naman sa akin at talagang hinuli ko para naman wala siyang masabing hindi siya tumingin sa akin.

"Ano'ng problema? May gusto ka bang sabihin sa'kin?" saad ko dito na tinaasan ko ng kilay.

"H-hindi lang po ako makapaniwala na buhay kayo at ngayon ay nakasakay sa kotse ni Don," saad nito na ikinatingin ko na lamang sa labas. Sabagay, tama naman siya. Sino ang hindi mabibigla sa aking pagbabalik na galing naman talaga ako sa isang hukay at ngayon ay hindi nila naman alam na mabubuhay ako.

"Ang mahalaga manong, buhay ako at wala na ngayon makakapag-api sa akin." saad ko dito na ikinatango na lamang nito at ngumiti sa akin bahagya.

Nu'ng unang makatanggap ako ng cellphone ay na intriga talaga ako at halos matawa nga sila Diane pero dahil maganda ako at matalino, nagawa ko din naman unawain. Tsk, igagaya pa ako sa kanilang pangit na nga boba pa.

Pinag bukasan ako ni Manong at ipinakita sa akin ang pag-ma-may ari daw ito ni Daddy ang bar at halos matataas daw na tao ang namamalagi rito. Hmmm.. sound interesting?

"G-good evening.. Miss So--"

"I'm not Sofia. I'm Saviah Suer Delfuente at gusto ko, tatandaan ninyo 'yan once na magkamali kayo, umalis na kayo at hindi ako marunong maawa. Nauunawaan ninyo?" saad ko na ikinalunok na lamang ng tatlong malalaking katawan.

Nakita ko ang mabilis nilang pagkatuliro. Hindi ko akalain na kukuha si Daddy ng matatakutin, hindi nababagay ang mga gaya nila rito.

"Y-yes. Miss S-saviah!" sabay nilang saad.

"Very good." saad ko at pumalakpak.

Mabilis akong pumasok sa loob at napapangiwi ako sa mga suot nito na halos lumuwa na nga din ang kanilang mga kaluluwa sa ginagawa nilang sayaw at miski na ang kanilang katawan ay halos gumalaw musikang hindi nakakaaya pakinggan.

"Oh, hi pretty, I know your new here?" saad ng lalaking matangkad na hindi ko alam kung saan ako titingin sa paa ba o sa mukha? Same kasi.

"Get lost." saad ko dito at binungo naman ito.

Natawa lamang ito at hinila ang braso ko na ikinataas lamang ng isa kong kilay. Hindi ba niya nauunawaan ang sinabi ko?

"Miss, huwag kana mag paki--"

Mabilis ko naman nahuli ang kamay nito at inikot iyon sa kanyang likod at mabilis siyang tinadyakan na ikinatalsik niya sa malayo. Nagkagulo ang lahat at napatingin sa gawi namin ng lalaking ito.

"Pag sinabi kong get lost. Get the f*cking lost? I have a bad day," nilapitan ko ito na ikinalunok naman niya. "Kaya kung ayaw mo magkanda lasog-lasog ang katawan mo, at gusto mo pang mabuhay, be a good boy. Okay?" saad ko dito na ikinatango lamang niya at kumaripas ng takbo.

Mabilis naman ako tumalikod at naglakad ng parang walang nangyari at hinawi ko ang aking mahabang buhok na ikinatingin lamang ng lalake sa paligid.

"Hey, give me a hard wine." saad ko dito sa lalaking alam kong nag titimpla ng alak. Mabilis naman itong tumalima at nag timpla.

Mga ilang oras din akong nakaupo at tumitingin sa paligid. Walang halos gustong lumapit sa akin, napangiti naman ako dahilan sa napakasarap ng wine na natikman ko.

"S-sa buong b-buhay ko... Ngayon ko lang naging favorite ang red wine na ito." saad ko at itinaas ang baso ng wine.

May tama na ako pero, hindi pa naman ako nahihilo. Kaya ko pa din umuwi at hindi ko hahayaan na kayanin nila ako ganitong lasing ako.

"Diba si Sofia iyan?"

"Oo nga, naku. Mauuto na naman natin iyan, tignan mo at mukhang lasing. Let's go at utuin natin mag palibre tayo ng alak." rinig ko sa 'di kalayuan sa akin.

So, ang katawan na ito'y uto-uto din? Mahina nga, nagpapauto pa? Napahilot na lamang ako sa akin sentido. Sumasakit ulo ko sa kanya.

Napatingin naman ako sa dalawang babae at nakangiting aso na akala mo'y walang nakakasulasok na amoy.

"Hello, Sofia. Alam mo napakaganda mo ngayon, dai." saad nito sabay apir naman sa katabi niya kaya umupo ako ng maayos at tumingin sa kanila ng maigi.

"Hmmm.. Alam ko naman na mayaman ka, puwede mo ba kami ilibre? hindi naman kasi kami iba sa'yo were friends diba?" saad naman ng nakapula din na babae na halos masuka sa sinabi niyang were friends? Nakikita ko sa kanila si Daine.

"I'm Micca and this is Lina," pag papakilala pa nila na ikinataas naman ng magaganda kong kilay.

"Gusto ninyo ng wine? Okay, sige." saad ko dito na ikinabulong naman nila sa isa't isa.

Mabilis akong nag order ng dalawang mamahalin na wine. At nakita ko naabutin na sana nila ito pero syemre, hindi ako pinanganak bilang mapag bigay na reyna.

Mabilis kong tinapon sa lapag ang wine at ngumisi sa dalawang kaharap ko na ikinairita naman nila sa akin.

"Hindi ba't gusto ninyo ng wine? So, why don't you lick the floor? It's more exciting for me to give it to you for free." saad ko sabay tawa.

Mabilis nila akong susugudin ng may mga armadong hinawakan sila at napakunot ang noo ko. Sino'ng---

"That's enough. Saviah" napatingin ako kay Alastair na ngayon ay kaharap ko at masamang nakatingin sa dalawang babae.

"Tsk, ang sabi ko sa'yo, huwag mo ang tutulungan! Kaya ko nama--"

Mabilis ako nitong hinila sa kanyang bisig at napalunok ako sa tingin niya sa akin na kakaiba. Ano na naman kaya ang gagawin ng lalaking ito?

"Will you stop, touching me?!" saad ko dito at itunulak na hindi naman siya mabubuwal. Naiinis lamang ako sa kanya.

"What are you waiting for? Take those two away from me. Hindi pa ako makapag pigil, tsk." saad ko sabay upo sa kinaruruonan ko kanina.

Napatingin naman ako kay Alastair na may ibinigay siya sa aking red na box na maliit na ikinataas lamang ng kilay ko.

"Open it." napatingin na lamang ako du'n sa sinasabi niya at binuksan ko naman ito.

"Marry me." aniya na ikinatingin ko na lamang sa box na kanyang inabot.

Napangiwi naman ako sa singsing na punong-puno ng diamond at napakaganda ng design at halos lumuwa ang mga mata ng mga nakapaligid dahilan lahat ay nakatingin sa amin. Halos bulungan nang tao ang naririnig ko.

"Why are you so disappointed? You don't like it?" aniya at na tinitignan ang magiging reaction ko.

Hindi ko alam kung nasaan na ang utak ng lalaking ito at nasaan na din ang kanyang tinatawag na hindi naman naging kami at ano ito?!

Napahilot na lamang ako sa sentido at uminom ng natitirang wine. Nang maubos ko ay tumingin ako kay Alastair.

"Masyado kang mabilis. Mister, why don't you join me for a drink? then let's do what you want," saad ko sa kanya at ikinangisi namin parehas.

"Very interesting," aniya at umupo sa tabi ko at nag-utos ng kanyang maiinom.

Tignan natin, mister Mcbride ang tagal mo sa pagkukumbinsi sa akin mag pakasal sa'yo. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak mo pero, sige pagbibigyan kitang kulitin ako hanggang mapagod ka sa paghabol sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status