Share

TMLGS-Chapter 5

Napatingin naman ako sa harapan ko ng makita ko ang mga alagad ni Alastair ang humarang sa amin para takpan? para sa'n naman 'yan? para walang istorbo? sa ganda kong ito panglikod lang? come on,

Napatingin naman ako sa aming paligid na busy rin naman ang iba sa kani-kanilang mga ginagawa at pagsasaya pero ang lalaking kaharap ko'y wala yatang balak mag pakasaya kundi titigan lamang ako.

"Ano'ng ginagawa ng mga tauhan mo?" napatingin kong saad kay Alastair na ngayon'y nakatingin lamang sa akin.

Napataas ang kilay ko na para bang wala itong naririnig at nakatingin lamang sa akin. Mabilis ko naman hinila ang kanyang necktie at tumingin sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit ba siya nagkakaganito, pero naiinis na ako sa pala desisyon niya sa buhay ng iba at sa buhay ko. Hindi ba niya alam na ang pinaka ayoko'y pakialaman ako.

"Hindi ko alam kung ano ang nagyayari sa'yo mister, pero puwede ba ang gusto ko lang ay magpasaya?" saad ko dito.

Nakita ko naman sa mukha nito ang matinding pagkadismaya. Hindi ko alam para saan iyon. Pero masasabi ko'y pagod siya ngayon at siguro'y galing siya sa kanyang trabaho.

"Gusto mo bang sabihin sa akin na pinapaalis mo ako? hindi mo na nga tinanggap ang singsing ay gusto mo naman akong paalisin. I just waiting to you, kahit na gaano pa iyan katagal." aniya sa akin na ikinahilot na lamang ng aking sentido.

Bakit may mga kagaya niyang nilalang na makukulit. Hindi ko akalain na sa ganitong kagwapong lalaki'y mas maingay pa sa aso na kagaya ni Daine.

"Tanggapin mo na lamang, mister. Hindi maari ang iyong kagustuhan. Iba ako sa mga babaeng nakikita mo sa paligid mo." saad ko dito at lumagok ng alak sa aking baso habang nakatingin naman ito sa akin ngayon na para bang nahihiwagahan sa aking mga sinasabi at kakaiba ang mga titig na ibinibigay nito.

"Pinag bigyan kitang tanggihan mo ang aking pag-po-propose, pero ngayon. Ayoko naman may nakatingin kung ano ang dapat sa'kin." aniya at ikinangisi ko na lamang. Ibang klase ang hatak ng sa ulo ng lalaking ito.

Mabilis ko naman siyang binitawan at uminom na lamang ng alak. Hindi ko alam ang iisipin ko sa lalaking ito.

"Hoy. Bakit hindi namin puwede lapitan si Alastair? nagbayad din naman kami sa bar na ito!"

"At sino ang babae na 'yan? bakit siya lang puwede lumapit sa baby Alastair ko?!"

Nagulat ako sa mga babaeng pilit na lumalapit sa gawi namin at hindi ko alam kung ano ang nangyayari at para naman silang nauul*l. Napangiwi naman ako sa sinabi nitong baby?

"Baby?" napatingin naman ako kay Alastair at inangatan ko siya ng kilay na ikinakibit balikat na lamang nito.

"Ang tanda na nito? baby?" saad ko na ikinatawa na lamang ni Alastair. Ano nakakatawa? Hindi ba niya alam na ang tanda na niya para tawaging gano'n tapos, kalmado lamang siya parang mas siraulo yata ang lalaking ito kesa sa akin.

Napatingin ako sa mga babaeng para bang gusto makipagsagupaan at makalapit kay Alastair na ikinatingin ko naman sa lalaking kalapit ko na ngayon ay nasa akin ang atensiyon ng mga mata nito.

"You're so, weird. Hey, hayaan mo sila." saad ko sa mga armado na ngayon ay napatingin kay Alastair na siguro'y humingi ng pahintulot. At talagang sa kanya ka pa ng hingi nang pahintulot?

Pumikit na muna ako at iminulat ko muli ang aking mga mata at napangisi at mabilis kong iginalaw ang mata ko para lahat sila'y mapaluhod. Hindi ko alam pero, nag kunwari akong wala akong ginagawa at tumingin sa mga babaeng nakatingin lamang sa akin na para bang naghihinala sa kung ano'ng nangyayari.

"Being a queen. Ayoko sa lahat na sa iba hinihingi ang utos ko. Pag gusto ko. Gusto ko." saad ko dito at tumayo.

Kumuha ako ng alak bago ako tumayo at pinagmasdan ko ang mga babaeng pilit na gustong makausap si Alastair, bakit kaya para silang mababaliw pag hindi nila nakita ng malapitan ang lalaking ito? Sino ba nagsabi sa kanilang gusto ko makipag-kuwentuhan sa lalaking ito?

"Pa-paano'ng nangyari 'yon?" rinig ko naman na sinabi ng iba. Hindi pa ninyo ako lubos kilala kaya ang dapat lamang ay makilala ninyo ako at ang pinaka ayoko'y hindi sumusunod sa utos ko.

"Hindi ko din alam, baka talagang kailangan lamang ninyo lumuhod sa nakakaganda?" saad ko at sa mahinang tawa. Nakita ko ang paglunok nila habang hindi pa din sila makagalaw sa kanilang mga kinalalagyan. Ano pa bang magagawa nila ngayon na-control ko na talaga sila.

"S-sino.. ka ba talaga?" saad ng isang babae na ngayon ay pinagmasdan na lamang ako sa mukha. Ang mga kasama naman nito ngayon ay hindi makapaniwalang napapatingin na lamang sa akin at halos magdasal siguro.

"Saviah Suer a badass empres? maniniwala ba kayo kung isa nga akong nai-reincarnate? Syempre hindi, kasi nga b*b* kayo." saad ko dito at tumingin naman kay Alastair na ngayon ay mahinahon at uminom lang ng alak? Relaxing? napaikot na lamang ang eyeballs ko sa lalaking ito.

Para ba itong hindi na nagugulat sa aking ginagawa, pero ang mga kasama nito'y bahagyang napapayuko at hindi sila mapakali sa iisang gilid at nakatingin lamang sila sa lapag na parang kunting galaw lamang nila'y mamatay na sila.

"H-hibang k-kana!" saad na sabi ng babae sa akin na ngayon ay hindi makapaniwala sa ginawa ko sa mga armado.

Lumapit naman ako dito at pinagmasdan ko mabuti ang kabuohan nito. Hindi naman siya kagandahan, pero b*ba pa din. Hindi ba nila nauunawaan ang mga sinabi ko sa kanila kung sino ba talaga ako? Talaga banh may pinanganak sa mundong ito maging b*b* araw-araw.

"Hindi kana nga maganda, wala ka pa din utak? Sabagay, umalis na lang kayo ng kasamahan mo't baka-" mabilis akong lumapit sa kanila na ikinagulat naman nila sa akin. Habang ako'y may ngisi sa mga labi. "Hindi makapagpigil ipakain ko pa kayo sa aso ko." saad ko sabay tawa na nakakaloko. Last kong pinakain ang aso kong si Saffire ay hilaw na karne ng tao.

Napangiti naman ako ng mapansin ko ang takot sa mga mata nila, pero hindi ko naman inaasahan na maihi ito sa takot.

"Paalisin na po ninyo kami rito. Nagmamakaawa p-po kami, hindi na po m-mauulit." saad naman ng babae na ngayon ay umiiyak na habang nakaluhod.

Yuck?! Napatingin ako kay Alastair na ngayon ay may ngiti pa sa labi habang nainom ng wine. Minsan ako na ang natatakot sa kalagayan ng lalaking ito.

"Hindi kaba natatako--"

"Why shoud I?" aniya sa akin sabay lagok ng alak na natira sa kanyang baso. Hindi ko alam kung ang lalaking ito ay may sapak na ba talaga sa ulo at kung ano ba ang posisyon nito sa buhay dahilan para ba itong haring nakaupo sa kanyang truno at pinalilibutan ng mga alagad niyang totoo sa kanya at nagbabantay.

"Makinig ka sa akin, isa akong--"

"Dyosa? Ofcourse I know." aniya sa akin na ikinahawak ko na lamang ng sentido ko. Tumingin naman ang sa mga babae na kanina'y nagpupumilit na makausap si Alastair at ngayon'y miski isa ay wala na? Umalis? Siguro'y na fucos ako kay Alastair at kahit ang kapangyarihan ko'y nabago para makaalis ang mga babae kaninang nakaluhod.

"N-natakot mo sila, miss Saviah." saad naman ng isa sa mga alagad ni Alastair na ngayon ay nakaluhod pa din sila. Mukhang wala na sila sa kapangyarihan ko pero, nakaganyan pa din sila at mukhang inaabangan lamang nilang sabihin ko na umayos na silang lahat.

"Gano'n? wala pa nga akong ginagawa sa kanila?" walang gana kong saad at umupo muli sa tabi ni Alastair.

Habang tumatagal ay para na akong nalalasing sa sarap ng wine na aking nalalasap. Kakaiba talaga ang wine na ito, hindi ko masabi kung hanggang kailan ko magiging katawan ito o makakabalik pa ba ako sa panahon ko.

"Pero, mas gusto ko dito." saad ko na ikinangiti ko na lamang. Dahilan sa mas nag-e-enjoy talaga ako sa aking iniinom.

THIRD PERSON'S POV*

Dahan-dahan na ibinaba ni Alastair ang mahimbing na natutulog na si Saviah, dahilan sa sobra itong nalasing. Hindi naman niya masaway at mukhang wala talagang mag pasaway ang dalaga sa kanya.

Nagulat na lamang siya ng bigla itong umupo at humarap sa kanya. Nagulat din siya ng umangat ito sa ere at ngumiti sa kanya ng kakaiba. F*ck! Ano ba talaga ang babae na ito? She's a angel? saad niya sa kanyang isipan. Hindi siya makapaniwalang may makikita siyang ganito.

Napalunok si Alastair ng umibabaw ito sa kanya at ngumisi ito ng kakaiba. Nagulat siya sa inilabas nitong latigo sa palad nito. Hindi siya kumurap dahilan sa para bang minamalikmata lamang siguro siya.

"I'am Saviah Suer, a queen. Marami na akong pinatay at marami na din akong nagawang kasalanan para sa pamilyang inubos nila hindi ko mapapatawad ang lahat ng pumatay sa pamilya ko! Uubusin ko sila." saad nito sa kanya at nakita niya ang luha sa mga mata nito pero, andu'n ang galit ng dalaga. Mabilis naman itong natumba at sinambot niya. Napatingin siya sa mukha nito at mukhang nakatulog din ito.

Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Gusto niyang i-confirm na isa ba talaga itong na reincarnate na kailangan niya pa ba talaga din mahanap ang totoong pagkatao ng dalaga dahil hindi ito normal na babae.

Hinaplos niya ang maamo nitong mukha pero, sa totoo lang pag gising ito'y ibang mukha ang nakikita niya. Matapang, hindi magpapaapi, at hindi nahihiyang sabihin ang mga nasa isip kaya mas nagustuhan niya ang ugali ng dalaga.

"Hi bro--"

"Tumahimik ka, Jake may natutulog." aniya na naiinis na naman sa makulit na pinsan.

"What the?! Dinala mo ang matapang na iyang dito sa bahay? hindi mo ba alam na may sa multo ang babaeng 'yan, bigla na lamang nawala iyan tapos, dinala mo pa talaga dito?" napakamot na saad naman ni Jake.

Hindi pinansin ni Alastair ang pinsan at hinila niya sa kuwelyo palabas na ikinasakal naman niya at maubo-ubong lumabas.

"P-patayin mo ba ako?!" saad ni Jake na huminga ng malalim. Kinapos na yata ito sa ginawa niya.

"May namatay ba?" aniya na nawawalan na naman siya ng fucos. Naiinis na naman siya pero, pag katabi niya si Saviah ay nawawala lahat ng galit niya at parang bahag ang kanyang buntot at kumakawag pa nga ito du'n.

"Ano ang balita sa pinagagawa ko?" aniya na inaabala ang sarili sa pag-ta-trabaho. Gusto kasi niyang maabala para hindi niya magawa ang nasa isip niyang tumabi sa dalaga.

"Hindi ba't sabi ko sa'yo umalis talaga ang team ng kabila at nag bakasyon." saad ni Jake na ngayon ay umupo sa sofa.

"Sabi ko naman sa'yo maraming nakaabang sa atin lalo na't ngayon'y hinahanap ka at kung paano na buhay ang isang kagaya mo na tinadtad na ng bala?" napailing-iling naman na saad ni Jake.

Napangisi na lamang siya na hindi siya mabilis mamatay at hindi man niya sabihin na naniniwala na siya ngayon sa Angel na kahit na sabihin na natin na hindi siya no'n na niniwala.

Pero, no'ng dumating si Saviah'y kakaiba ang kanyang naging pananaw at lalo na sa taglay nitong ganda. Hindi man niya aminin sa sarili'y na inlove siya dito ng pagbaba pa lamang nito sa mansyon ng Delfuente, para kasi itong dyosa at idagdag mo pa ang maputing balat nito.

Hindi siya makapaniwala na may gano'n pa palang tao. Pero, ang pinagtataka lamang niya bakit para bang may kakaiba sa dalaga? Lalo na sa mga nagawa nitong pag alis ng bala ng hindi hinahawakan ang mga sandata.

Iniisip din niya ang paglutang nito sa ere na hindi rin normal. Kakaiba ang babae at hindi siya makapaniwala.

"Iniisip mo na naman ang sa multo na babae na--"

"Sinong sa multo?" napatingin siya sa pintuan at napatayo din siya nang makita niya ang gising na dalaga na magulo ang buhok. Pero napakagandang pa din.

"Put*! Aatakihin ako sa'yo! Hindi ka ba marunong kumatok---"

Mabilis ang kilos nitong lumabas muli sa pagkakapasok at isinara ang pintuan at halos manlaki ang mata nilang mag pinsan na malakas na pagkatok nito at nasira ang kanyang pintuan sa opisina.

"W-what the f*ck?!" saad ng pinsan niya samantalang siya'y napangisi lamang at napailing-iling pa.

"Now, puwede na ba akong manghingi ng tubig?" saad ng dalaga na ngayon ay ikinatakbo naman ni Jake palabas.

Namula naman ang mukha ni Alastair hindi dahil sa inis. Kundi sa sobrang kilig at pag kamangha, ngayon lamang siya nakakita ng gano'n kalakas na babae at mas lalo pa siyang nahuhulog dito.

"Pahingi ako ng tubig. Mister Mcbride!" saad nito na ikinagising nang diwa naman niya at mabilis na ikinuha siya ng tubig.

Nang makainom ito'y sinundan niya ito ng tingin at pumasok sa kuwarto at natulog muli? Hindi niya alam na natawa na lamang siya sa sobrang pag-ka-mangha kakaiba kasi si Saviah siya lang ang babaeng tumanggi sa kanya at umayaw sa kanyang proposal na talagang mas nagiging challenges sa kanya.

"I want you to be my wife, soon." aniya na nakatingin kung saan nakahiga ang dalaga.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
NottiePha
Thank you po. ...
goodnovel comment avatar
Gieniva Pilarion
Ang kuleeet! Inlab na inlab si alistair ehh ...... kakatuwa naman to existing talaga to hahahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status